Chapter 16

1365 Words
Chapter 16 ANDREW MASAYA pa rin sa kabila ng katangahan ko tungkol sa prenup agreement na pinirmahan ko kahit hindi ko lubos na naintindihan. Kasalanan ko rin naman dahil hindi ako nagtanong at hindi ko nilinaw kung ano ang kahulugan ng pinapirmahan sa akin noong araw bago kami ikasal. Akala ko ay simpleng agreement lang 'yon. Siguro naman ay magiging masaya pa rin si Freya sa ibabalita ko. Hindi na ako kumatok pa at diretso akong pumasok sa loob. Nasa sala ito at hindi mapakali. Lakad ito nang lakad. Natigil lang ito nang makita akong pumasok sa pinto. "Ano ba, Andrew?!" singhal nito pagkakita pa lang sa akin. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan ang kamay. Marahan kong pinisil ang kaniyang mga palad upang pakalmahin siya. "Bakit ka ba badtrip? May nangyari bang hindi maganda? Pag-alis ko?" nag-aalalang tanong ko. "Uso naman siguro ang cellphone, ano? Halos atakihin na ako sa puso sa sobrang kaba kung bakit ka ipinatawag ng mga magulang ni Lincy tapos wala ka man lang text or tawag!" pagalit pa ring sumbat nito sa akin. "Tama na, babe. Masyado mong ini-stress ang sarili mo," panunuyo ko sa kaniya sabay yakap sa kaniya. "Kumusta? Anong balita?" atat nitong tanong sa akin. "Halika nga at umupo tayo," sabi ko. Sumunod naman siya at umupo. "I have a good news for you," nakangiting pagbabalita ko. Nagsalubong ang kilay nitong tumingin sa akin na tila ay binabasa ang mukha ko. "Good news? Sigurado ka bang good news iyan at walang kabuntot na bad news?" paninigurado niya. Napakamot naman ako sa ulo. "Honestly, good at bad news ang dala ko para sa'yo ngayon," pag-amin ko. "Okay, fine! Unahin mo na lang 'yang dala mong good news at baka sakaling hindi ako masyadong ma-badtrip sa bad news mo." "Pinapunta nila ako sa mansyon para papirmahan ang ilang mga dokumento na naglilipat sa pangalan ko ng coffee farm at ng bahay namin ni Lincy. Akalain mo 'yon, hindi na natin kakailanganin pang patayin ang mga mga magulang niya para may makuha at alam mo pa ang sinabi nila? Gamitin ko raw iyon para makapagsimula ulit. Hindi raw sila tututol kung gusto ko na magsimula ng bagong buhay kasama ang panibagong pamilya na bubuuhin ko. Napakagandang balita, 'di ba? Ibig sabihin no'n ay malaya tayong mamuhay bilang hari at reyna sa sarili nating kaharian." Sa halip na matuwa ay inirapan niya ako. "Good news na ang tawag mo roon?" "B-bakit? Ayaw mo ba?" naguguluhang tanong ko. "Uunahan na kita sa bad news mo. Pinapunta ka nila at pinapirma sa dokumentong naglilipat sa pangalan mo ng coffee farm at bahay ninyo dahil iyon lang ang matatawag na conjugal property na naipundar ninyo bilang mag-asawa. You're so predictable, Andrew. Sa dami ng ari-arian ng asawa mo ay pumayag ka na iyon lang ang mapupunta sa'yo? Ano pang silbi ng pagpapakasal ninyo?" "P-paano mo nahulaan na iyon nga ang dahilan?" "Huwag mo ng itanong kung paano. Ang gusto kong malaman ay kung bakit iyon lang ang mapupunta sa'yo? Legal kayong mag-asawa kaya anuman ang mayroon siya ay pag-aari mo na rin." Napalunok ako nang ilang ulit. Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa kaniya ang katangahan ko noon. "M-may prenup agreement kasi," kabado kong sagot sa kaniya. "Prenup agreement?! At pumirma kang lintik ka?!" sigaw niya sa akin. Sa puntong ito ng aming pag-uusap ay gusto kong lamunin na lang ng lupa. "Eh, hindi ko naman alam na ang ibig sabihin pala ng pinirmahan ko ay wala akong karapatang maghabol sa anumang ari-arian niya na naipundar niya noong hindi pa kami nakakasal." "Tanga ka pala, eh! Ano 'yon basta ka na lang pinapirma at hindi man lang ipinaliwanag sa'yo ang mga dokumentong pinirmahan mo?" "Akala ko kasi ay pabor lahat sa akin ang nakasulat roon kaya hindi ko na inintindi ang iba pang nakasulat. Basta natuwa na lang ako no'ng mabasa ko na hindi siya maghahabol sa anumang mga bagay na mayroon ako." "At naniwala ka naman? Hindi ka ba nag-iisip? Anong mayroon sa'yo ang puwede niyang angkinin, ha? Bayag lang naman ang mayroon ka! Tapos ngayon ay masaya ka na sa kaunting bigay sa'yo? Ang tagal kong naghintay na makuha mo ang yaman niya tapos wala rin pala!" galit pa ring sumbat nito sa akin dahilan upang uminit rin ang ulo ko. "Sandali nga. Ako ang legal na asawa. Pangalan ko ang nasa dokumento at ako rin ang pumirma. Nasa akin ang desisyon kung maaambunan ka ng grasya o hindi. Kaya kung ako sa'yo ay ayusin mo 'yang tabas ng dila mo!" galit ring sabi ko. "Mayabang ka na ngayon dahil nakapangalan na sa'yo ang conjugal property ninyo? Saang kangkungan ka kaya pupulutin kapag nalaman nila ang totoo?" panghahamon na naman niya sa akin. Ngumisi lang ako. "Ako ang tinatakot mo? Baka nakakalimutan mong ikaw ang naglagay ng droga para maaksidente siya at puwede kong palabasin na pinagbabantaan mo ako para hindi ka isuplong. Kung madamay ako sa kaso ay may coffee farm akong mapagkukunan ng pambayad sa magaling na abogado, eh, ikaw kaya?" nakangisi kong sabi sa kaniya. Natahimik ito at lumambot ang reaksyon ng kaniyang mukha. "Huwag mo akong idamay sa problema mo sa pamilya mo. Kung galit ka sa kanila dahil sa ginawa nila sa'yo ay huwag mong ibunton sa akin. Puwede mo silang ipakulong pero ayaw mo. So, choice mo 'yan." "Bakit sa akin napunta ang usapan? Huwag mong ibahin ang topic. Saan raw nila dadalhin ang yaman ni Lincy?" patuloy nitong tanong sa akin. "Nagtataka lang ako kung bakit gano'n ka kadesperada na makuha ang yaman ni Lincy at ng pamilya nito. Kung tutuusin ay malaki na ang napakinabang mo sa pamilya nila. Pinatapos at pinatira ka nila sa mansyon na parang tunay na anak. Ngayon ay tuluyan na nilang ibinigay sa akin ang kaunting kabahagi ko sa yaman nila ay may reklamo ka pa rin. Ang hirap mong intindihin. Ibibigay raw nila sa charity ang yaman ni Lincy." "Pwe! Charity! Mas gusto pa nilang ibigay ang yaman ni Lincy sa mga taong hindi nila kilala kaysa sa mga taong nanatili sa tabi nila nang mahabang panahon. Kahit wala na si Lincy ay galit pa rin ako sa kaniya! Noon pa man ay lagi na lang niyang ipinaaalala ang mga bagay na wala sa akin gaya nang mapagmahal na mga magulang, marangyang buhay at marami pang iba. Akala ko noon kapag inampon ako ng mga magulang niya at pinatira rin sa kanilang mansyon ay magiging magkatulad na kami. Mas madalas pa nga akong pagkamalang anak-mayaman kaysa sa sakaniya. Pero siya pa rin ang palaging napapansin ng mga tao. Kahit anong gawin kong pagsusumikap para higitan siya ay nauuwi sa wala." Tumigil ito sa pagsasalita saka ngumiti nang mapakla. "Kaya no'ng mapansin ko na may gusto siya sa'yo ay sinamantala ko iyon para makahigit sa kaniya. Itinaboy kita para mapalapit sa kaniya upang maiparanas sa kaniya ang pakiramdam ng nasasaktan dahil pinagsamantalahan ang kaniyang kahinaan. Ang kaso ay mukhang mailap sa kaniya ang kamalasan kaya nahulog rin ang loob mo sa kaniya. Nauwi kayo sa kasalan at bumuo pa ng maraming mga pangarap." "M-mali ka ng pagkakaintindi, babe. Alam mo na ginawa ko ang lahat ng iyon para sa'yo kasi mahal kita. Pumayag akong ikasal sa kaniya para mabigyan ka ng buhay na matagal mo nang pinapangarap at ito na iyon. Hindi man kasing-dami ng inaasahan mo pero mayro'n tayong magagamit para magsimula ulit. This time, masasabi nating atin na. Hindi na natin kailangang manloko o pumatay pa. Nakapangalan na iyon sa akin at walang kaso sa kanila kung mag-asawa akong muli." "Huwag kang papayag na sa charity lang mapupunta ang matagal nang dapat napunta sa atin," may diing sabi nito. "Ha? Anong ibig mong sabihin? Sasaktan natin ang matatanda para makuha ang iba pang ari-arian nila?" naguguluhang tanong ko. Ngumiti ito sa akin. Iyong ngiti na nagbigay ng kilabot sa buong katawan ko. Desperada na talaga siya. "Ngayon ay plano ko naman ang susundin natin. Bahala ka kung gusto mong makipag-cooperate o hindi. Basta gagawin ko ang lahat para makuha ko ang gusto ko," mapanghamong sabi nito. Lalo akong kinabahan sa nakita ko sa reaksyon ng kaniyang mukha. Mas higit pa iyon sa pagiging desperada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD