MISSING HER

1016 Words
Ryle's POV Tumambay ako sa bar ni kuya na kasama si IU. Kanina pa siya kumakanta and she has an angelic and sweet voice. I want to forget everything especially Zeni. Biglang umupo si IU sa lap ko na kinabigla ko niyakap niya ang isang braso niya sa leeg ko at ang isa naman ay hawak pa rin ang wireless microphone. Napahawak naman ako sa beywang niya and she smiled at me sweetly. She started to sing... "Dying, broken boy walks my way, holding the Jerk's hand, the basic b***h dies finally now I can steal her man." What's with the song? Nakatitig lang ako sa kanya ng wala sa sarili. Wala reto ang isip ko, nasa ibang tao. "They told me to stay away from that boy because he isn't mine, but was he yours, if he wanted to stay with me so bad?" Why Zeni's face suddenly popped up inside my head? Bakit siya ang naiisip ko ngayon? Dapat tapos na lahat sa amin. Dapat magsasaya ako ngayon ngunit hindi ko magawang mag-enjoy ngayong araw. Akala ko kapag tinapos ko na lahat ay magiging ayos na ako pero nagkamali ako. Siya lang laman ng utak ko ngayon. Kahit anong pilit kong ibaon siya sa pinakailalim na parte ng aking utak ay naaalala ko pa rin siya. "Leave her, she's not someone you can stay with, You don't love her, stop saying those empty words." I really don't love her but I don't want to lose her either. Gusto kong lumayo siya pero ayaw tanggapin ng utak ko na hindi ko siya kasama. "I can't stand her garbage mouth. Where's her hanky? And staying with her seems tiring, so boy, just stay with me, right now." Napatayo ako bigla na kinabagsak ni IU sa sahig. At wala sa sariling lumabas ako ng bar. Rinig na rinig ko pa ang pagtawag ni IU sa akin pero hindi ko na siya nilingon pa. Damn I badly want to see her. Why this sudden feeling of emptiness filled me now? This is weird. Nagtungo agad ako sa school at hinanap siya sa room niya pero wala siya doon. Pati na rin sa tambayan niya pero wala pa rin siya. Hindi ko maintindihan ang aking sarili pero gustong gusto ko siyang makita ngayon. Thinking her being with right now is filling the emptiness of my heart. Bakit ba ako nag decide sa isang bagay na hindi ko naman pala kayang panghawakan? Pero kailan ba talaga nag-umpisa ang lahat? Kailan ko siya nagustuhan? Really? Gusto ko siya? Damn, I really wanna see her right now. Where is she? Bumalik ulit ako sa school at pumunta nang gym nadatnan ko si Zeus at Poseidon doon na parang mga batang nag-aagawan nang pagkain, si Hades naman tahimik lang na kumakain habang nakatingin sa dalawa. Lumapit agad ako sa kanila. "Where is Zeni?" I asked them swiftly. Napatigil sila pagkain nila at sabay-sabay na napatigil sa akin. "Why?" Balik-tanong ni Hades sa akin. "It's none of your business. Just tell me her whereabouts!" nauubusang pasensiyang tugon ko. Hiindi ko maitago ang iritasyon sa mukha. Bigla naman nagtawanan ang dalawa na para bang tuwang-tuwa na nakikita nila akong nagagalit ngayon. "Then don't ask us." Aniya na kinainis ko lalo. Damn these bastards! Talagang ayaw nilang magsalita hangga't wala silang nakukuhang satisfying na sagot mula sa akin na pwede nilang gamitin na pang-asar. Bakit ganito ang mga kaibigan mo Zeni?! Paano mo naging kaibigan ang mga tulad nila? "Fine. I just want to see her." Malumanay kong sagot pilit pinakakalma ang sarili. Gusto kong manigaw ngayon but damn it I have to be polite, ako ang may kailangan sa kanila. "Bakit gusto mo siyang makita?" Nakangisi namang tanong ni Zeus na tumango-tango pa si Poseidon. Excited na excited silang marinig ang magiging sagot ko. "Gusto mo siya noh?" Segunda naman ni Poseidon na tumayo pa at sinundot sundot ang tagiliran ko, ilag naman ako nang ilag. What the f**k is wrong with this guy? "Aminin yiiiiiiiiiiiiiiiiie." Parang baklang dagdag niya pa. Zeni pumili ka ng kaibigan sa susunod or much better kung huwag ka na lang makipagkaibigan kung puro naman mga weirdo ang naa-attract mo! Paano mo ba napakisamahan ang mga ganitong tao? "No, hindi ko naman siguro siya kailangang magustuhan para makita diba?" I sounded unsure why is that? Of course alam ko na ang sagot ngunit nahihirapan akong iyon. I am definitely denying this certain feelings. I can't stand this emotion the most. That feeling when you feel like you can't live without that certain someone. I didn't know na mararamdaman ko iyan ngayon. And I hate that feeling. "Boooooooooo! Denial King." Kantyaw ni Zeus. This is hopeless. Wala akong makukuhang matinong sagot mula sa kanila. I guess ako na maghahanap kay Zeni! Aalis na sana ako nang magsalita si Hades. "She's dating someone better." Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko iyon. She's what? Hindi ako makakilos at parang nanghina ako bigla. Damn this is gay. I shouldn't be feeling this. There's something inside my chest that is hurting. Why? What is this? My heart beats unusually. At biglang naalala ko lahat nang nangyari sa buhay ko kasama si Zeni. What is this odd feeling? I should be happy but I can't imagine her dating someone else. Ako dapat ang kasama niya ngayon. Ako lang dapat ang nasa tabi niya ngayon. Sa akin lang dapat siya nakatingin, sa akin lang lahat ng oras at atensiyon niya. "Kidding." Biglang bawi niya sa sinabi niya na kinahalakhak nina Zeus at Poseidon. I should kill these motherfuckers. "Minsan ka na nga lang mag joke Hades yung nakamamatay pa! Naku naku mabuti na lang at walang sakit sa puso si Ryle!" Halos mamatay sa kakatawang sabi ni Zeus. He's insane. "Whatever." Tipid kong tugon at tinalikuran na sila. Mukhang hindi naman nila alam kung nasaan siya eh. At wala sa sariling nagtungo ako sa canteen. Hindi pa man ako nakapasok nang tuluyan nakita ko na si Zeni na may kasamang lalaki. The midnight guy in my house Who's he? Bakit magkasama sila ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD