BREAKING DEAL

1536 Words
Ryle's POV Alas dose na ng hatinggabi nang makauwi na ako sa bahay. Medyo nanlalabo at umiikot na ang aking paningin pero kaya ko pang makatayo ng maayos ngunit maya't maya'y nawawalan ng balanse. Damn? Hindi ko na naihatid si IU kasi sina Poseidon na ang naghatid sa kanya at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit napapayag nila akong ihatid si IU. Pakiramdam ko kasi kapag ipilit ko ang gusto ko ay may mangyayaring hindi maganda. Binagsak ko ang sarili sa sofa ng living room saka pumikit, sa ganung posisyon ay hinubad ko na ang shirt ko at tinapun sa sahig nang nakapikit. Nasaan kaya si Zeni? Inaasahan ko pa naman siyang sasalubingin niya ako nang mahigpit at mainit na yakap, pft- napapahagikhik ako sa naiisip ko. Siya? Marunong nun? Baka nga sapak ang matatanggap ko mula sa kanya. "What the-" Napatayo pa ako sa gulat ng maramdaman ko ang dulo ng baril sa noo ko. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa baril at sa taong nasa harapan ko, naka silver mask siya, half-face lang yun, tanging bibig lang niya ang nakikita ko pero natitiyak kong hindi ko siya kilala at hindi ko pa nakikita noon. Nawala ang pagkalasing ko at napalitan ng kaba. I am expecting Zeni right now. "Who are you?" Nauutal kong tanong sa kanya. Ningisihan niya lang ako saka diniin pa lalo ang dulo ng baril sa aking noo. Sobrang kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. "12 Midnight is yo-" Hindi naituloy ang sasabihin niya ng biglang may isang lalaking hindi ko naman kilala ngunit walang maskara ang dumating at naglabas pa siya ng isang baril at tinutok pa yun sa intruder. Napapansin ko na nanginginig siya at pinagpapawisan sa hindi malamang dahilan, nawala na rin ang ngising-demonyo niya kanina at napalitan iyon ng takot. Kung sino man itong bagong intruder ay malamang kilala niya ito. "Say your last word." Napapikit ako ng tumalsik sa mukha ko ang dugo ng lalaking naka silver mask. Hindi man lang niyang hinintay na sumagot ito. Walang sinayang na oras at kinalabit agad ang gatilyo. Buong ulo niya ang sumabog nang mabilis pa sa hangin siyang binaril ng intruder.Nagkalat ang mga laman at dugo sa harapan ko at katawan ko. Naamoy ko ang masangsang na amoy ng dugo. Mabilis akong nahimasmasan. Nanginginig ako sa takot sa mga sandaling iyon. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Nasaan ka na ba Zeni? Zeni, Zeni. "Relax man, you're safe now." Nakangisi niyang sambit sabay buhat sa bangkay na walang ulo at mas mabilis pa sa isang segundo ay nawala siya bigla, hindi pa rin ako makakilos nanginginig ako. Damn? Anong ibig sabihin neto? Palagi na lang bang may panganib na nakaabang sa akin? Wala na bang ligtas na lugar para sa mga tulad ko? "Wag kang mag-emote diyan, linisin mo muna sarili mo. Lilinisin ko lang tong kalat ko." Nagbalik ulit siya ng may dalang Mop. Mabilis niyang nalinis ang paligid, ngunit ako nanatili pa ring wala sa sarili at nakatitig lang sa ginagawa niya nang matapos na siya ay hinila niya ako paakyat sa taas saka tinulak sa loob ng kwarto ko. Hindi siya pumasok, ngumiti siya, iyong ngiting maayos, ngiting anghel. "Masasanay ka rin bata." Mkahulugang sabi niya sabay tapik sa aking balikat, saka siya nawala na lang bigla. Sino siya? Alam kong hindi nalalayo ang edad ko sa kanya. Nanghihina akong umupo sa aking kama. Hindi ko alam kiung ano ang dapat iisipin. Kung sino man siya. Salamat. POSEIDON'S POV Maaga akong nagtungo sa bahay nila Ryle. Pumasok pa ako doon ng walang nakakapansin. Ang seksi nung isa nilang katulong. Nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Ryle biglang dumating sina Zeus at Hades. Bahagya pa akong nagulat.Hindi ko inasahan ang pagdating nila. "What brought you here?" Tanong ko kay Hades ng makalapit siya sa akin. "Feet." Tipid at malamig niyang sagot sa tanong ko sabay katok sa pinto ni Ryle. Nanlaki ang mga mata ko ng gawin niya yun. "Bakit mo kinatok?" Asik ko sa kanya. Mas lalong lumiit ang mga mata niya sa tanong ko. "Idiot." Aniya ng hindi pa rin bumukas ang pinto ay kalmang sinipa niya iyon at sirang bumagsak ang pinto sa sahig ng kwarto ni Ryle. Walang pinagkaiba kay Zeni! Mga walang pasensiya! "Damn! Damn! Damn." Dinig namin ang sunod-sunod na pagmumura ni Ryle. Napangisi na lang ako kasi maski ako gusto kong magmura ngayon. "Get up and fix yourself or you'll die." Seryosong utos ni Hades sa kanya saka lumabas kami. Si Zeus nasabit sa salamin , nakatitig lang doon at parang baliw na nakangisi. Ang panget niya sa totoo lang. "Oh shet ang gwapo ko talaga! Talaga naman!" Bulong niya pa sabay pogi sign. Ang jeje niya. "Nasaan na si Prince Gay Charming ni Zeni?" Nakangising tanong niya ng mapansin niya kaming palapit na sa kanya. "Nasa kwarto pa nagdadasal." Nagtawanan kaming dalawa sa sagot ko saka hinintay si Ryle sa baba. RYLE'S POV Lutang akong nakarating sa school. Una, dahil sa nangyari kagabi. Pangalawa, si Poseidon nakabantay sa akin at Panghuli hindi na nagpaparamdam ang best friend ko. Simula nang maging fake girlfriend ko si Zeni , wala pang isang buwan, ang dami ng weird na nangyayari sa akin. PUTANGINA! Napakamot na lang ako sa batok. "Ang dami mo yatang iniisip?" Tanong ni Poseidon sa akin. Hindi ko siya pinansin at pumasok na ako ng tuluyan sa room namin. Umalis na rin siya nang hindi na ako kinukulit pa saka naman dumating si IU na may magandang ngiti sa labi ngunit kahit gaano pa kaganda ng ngiti niya ay hindi pa rin yun napapagaan ang kalooban ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayomg araw. Pakiramdam ko ay wala ng magandang mangayayari ngayon. Ningitian ko lang si IU saka sinenyasan siyang umupo na. "Wala ka yata sa mood ngayon? May problema ba?" May pag-alalang tanong niya sa akin. "Wala. Hangover lang to." Palusot ko. Tumango naman siya. Hanggat sa dumating ang prof namin, lutang pa rin ako. Wala nga akong maintindihan sa klase. Damn hindi pwedeng mangyari sa akin to. Pinanganak ako para mabuhay ng masaya at gwapo, hindi ganito. Kailangan ko talagang makausap si Zeni. Kailangan matigil na to. Tinext ko agad siya na magkita kami sa lumang gym, Wala akong natanggap na reply pero bahala na basta pupunta ako. Gusto ko ng mawala ang sa tingin ko ay tinik sa buhay ko. Nang mataposna ang klase, pumunta agad ako sa lumang gym and I was surprised ng nandoon na si Zeni. Naka- Indian sit siya sa gitna ng gym. Wala siyang emosiyon sa mukha. Pakiramdam ko ang lamig ng presensiya niya. Hindi ko na iyon pinansin at lumapit agad ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Walang mababasang emosiyon sa mukha niya. I faked a cough saka deritsong tumingin sa kanya. Ngayon na nasa harapan ko na siya ay hindi ko na masabi pa ang aking nais. Parang may nakaharang sa aking lalamunan. Ngunit nilakasan ko ang aking loob. Kung gusto kong may magbago sa takbo ng buhay ko ngayon ay kailangan ko ng tapusin at putulin ang koneksyon namin sa isa’t isa. "Zeni may sasabihin ako say-" "Ayaw mo na. I know aatras ka talaga sa kasunduan natin. I understand." Natigilan ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na iyon nga ang sasabihin ko? Nanlalaki ang mga matang nakatitig lang ako sa kanya, hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang itutugon sa sinabi niya. Nanlamig ang buong katawan ko at hindi alam ang gagawin. Nang hindi pa rin ako nagsasalita ay tumayo na siya at hinalikan ako sa kaliwang pisngi. Hindi pa rin ako makakilos. Nakangiti man siya pero seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko. "Ayos lang sa akin, Ryle. Basta ba ilagay mo ko sa Emergency Contact List kung sakaling kailangan mo tulong ko. " Aniya saka iniwan niya ako sa gym. Damn. Bakit Ganun? Bakit parang hindi ako masaya? Parang hindi siya si Zeni. Zeni... ZEUS'POV "Boss Jaguar, anong trip natin ngayon?" Nasa tapat kasi kami ng VIP room ni Boss Zeni. Ano naman kayang binabalak ng mga to? Hindi ba nila alam na bawal mga panget dito? "Manggugulo tayo sa bar ni Zenith." Nakangising sagot niya. Napa smirk na lang ako. Kapal nga naman ng libag neto. "Hahaha ayos yan Boss!" Sang-ayon ko pa. Nakangisi siyang tumango at pumasok nga kami sa Black Room ni Boss Zeni. Nandun si Zenon at Clarence nag-iinuman. "Kapatid yun ni Zeni ah?" Kahit malayo pa kami sa pwesto nila narinig pa rin iyon ni Zenon. Sabay pa sila ni Clarence na lumingon sa pwesto namin. Nagulat pa sila ng tumayo si Zenon at seryosong naglalakad palapit sa amin. Napangisi ako, lagot kayo ngayon. "Bawal mga panget dito." Sabi ko nga bawal sila dito. HAHAHAHA ! "Wag kang mayabang diyan Zenon. Konting-konti na lang, pati underground part ng building na to ay magiging akin na." Napangisi si Zenon sa narinig. Napakalaki talaga ng pangarap ni Jaguar. "Mangarap ka lang. Libre kabaong." Pinigilan ko agad si Jaguar nang akmang susuntukin niya si Zenon. "Wag dito Boss." Bulong ko at masama ang tingin niya kay Zenon ng nilisan namin ang lugar na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD