Zeus' POV
Nakapasok na ako sa Black Building ng biglang sumulpot sa harapan ko ang Sampung sasakyan. Mga tauhan to ni Jaguar. Nakita ko na sila last week so nakikilala ko na ang mga mukha nila. Lumabas ang isa sa kanila. Doble ang laki niya sa akin at napakaangas niya, ang sama pa makatingin parang kakainin Ako ng buhay. Lumapit siya sa akin.
"Naligaw ka yata bata?"
Malaki at garagal ang boses niya, sabog yata lalamunan neto sa panget ng boses. Kunwari inaayos ko ang salamin ko.
"Hindi po ako naliligaw, nagpunta po talaga dito para sumali sa mga gang."
Nagtawanan silang lahat dahil sa sagot ko. Malamang dahil sa hitsura ko kaya sila nagtatawanan.
"Nagbibiro ka ba bata? Baka nga kahit lamok hindi mo kayang patayin!"
Pang-iinsulto niya sabay tawanan nila, sinilip ko si Jaguar sa Likod niya , nakikitawa din siya.
"Anong silbi ng Katol?"
Sinikap kong mag tunog-biro yun , ngunit nabigo Ako dahil natahimik silang lahat at sumama ang mukha ng kaharap kong gorilla. Triggered si gori.
"Ginagago mo ba Ako?"
Maangas niyang tanong sa akin sabay hawak sa leeg ko at itinaas Ako. Damn, pag binitawan niya Ako malamang wala na akong buhay nun.
"Patayin na yan!"
Sigawan ng mga Kasama niya. Ng higpitan niya ang paghawak sa leeg ko agad kong sinipa baril na nakalagay sa harapan niya , agad tong natanggal at pumaere, sapat na para maabot ko. Kinuha ko agad yun, nagulat pa siya sa ginawa ko pero bago pa niya Ako bitawan, naitarak ko na ang dulo ng baril niya sa kaliwang tenga niya, sinira ko pa ang gatilyo at tinarak din yun sa kanang mata niya. First victim. Blangko ang mukhang pinanood siyang nakaluhod na sa harapan ko at umaagos ang dugo sa mata , ilong, tenga at bibig niya. Natahimik ang mga Kasama niya, ng bumagsak na ang bangkay niya sa sahig. Nakiramdam Ako sa paligid at hinanda ang sarili sa mga posible nilang gawin sa akin dahil sa ginawa ko sa kasama nila.
Nagulat na lang Ako ng biglang pumalakpak ng tatlong beses si Jaguar na palapit na sa akin. Ngising-demonyo siyang nakantingin sa akin.
"Anong pangalan mo bata?"
Tanong niya sabay patong ng kanang kanang kamay niya sa kaliwang balikat ko.
"Jin."
Tipid kong sagot.
"Welcome to the Gang!"
Nakangising aniya, nabigla na naman Ako sa sinabi niya. Ang bilis naman yata?
"Seryoso?"
Paninigurado ko. Tumango naman siya Saka Ako tinapik sa balikat.
"Wala pang nakakatalo sa kanang kamay ko maliban sayo, kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataong magkaroon ng katulad mo sa grupo ko."
So, kanang kamay pala niya iyong gori na yun? Ang hina naman.
"Salamat po!"
Masayang sambit ko. Bakit Ako nag po po? Ngina!
HADES' POV
Kanina pa ako paikot-ikot sa kwartong ito. Hindi ko alam kung alin ang bubuksan ko. Naiwan na ako nina Blade at Spade. Napapansin ko Rin na unti-unting lumiit ang kwartong ito, totoo ngang nangangain to ng buhay. Pinihit ko na ang doorknob ng black door. Huminga muna ako ng malalim saka sumilip. Ang dilim, ano kayang sasalubong sa akin dito? Ano kaya ang nakaabang dito? Naalala ko ang maliit na kahon na pinasok ni Zeni sa bulsa ko. Sinara ko ulit ang pinto at binuksan ang kahon. Napatalon pa ako sa gulat ng lumiit ang kwarto, parang nasa loob na ako ng kabaong. Kung hindi pa ako papasok sa Black door na to kakainin na ako ng kwartong ito! Bwisit. Kinuha ko agad ang laman ng kahon. Isang maliit at walang lamang papel ang nandun at susi. Pumasok na agad ako sa madilim na kwarto ng halos maipit na ako sa kwartong kinalalagyan ko. Damn!
Kaya pala wala akong makitang sulat sa papel kasi glow in the dark ang ginamit na pansulat. Binasa ko agad ang nakasulat sa papel.
"Kapag nabasa mo to ibig sabihin BLACK DOOR ang pinili mo. Mag stay ka ng 1 hr diyan Saka ka lumabas. Dumeritso ka sa bar ni Rath at ilagay mo sa inumin ni IU ang maliit na Susi, tunawin mo muna bago ibigay sa kanya. Tracker iyan."
Nang mabasa ko ang nakasulat , napangisi ako. Ang galing mo Zeni, ang galing galing mo. Malamang nandito siya ngayon sa Knock Knock Room at siya talaga ang naglalaro at hindi ako. Pinapasok niya lang ako para makita ng lahat na ako ang kalaban ng Psycho Twins at hindi siya. At alam ko ring walang ka ied-iedya ang kuya niya. Ayos inaantok na rin naman ako.
POSEIDON'S POV
Dalawang oras na kaming nag-inumang apat dito sa bar. Ang kapal ng mukha ni Ryle ah talagang dito pa niya na nilalandi si IU sa harapan ko. Sinabi din niya kay IU na fake relationship lang meron sila ni Zeni. Bwisit lang? Nabulag na siya sa Ganda ni IU. Damn!
"Anong gagawin mo kapag nalaman ni Zeni , itong ginagawa mo Ryle?"
Nakangiting tanong ni Clarence sa kanya na nagpaputol sa pag-uusap nila.
"I'll fight for IU and she's not my real girlfriend so there's nothing to worry about it."
Napabungisngis si Clarence. Saka napapailing na sinulyapan ako.
"May magagawa ka kaya sa posibleng gawin ni Zeni kay IU?"
Nahuli ko pa ang sunod-sunod na paglunok ni Ryle, ramdam kong pilit yun. Biglang sumingit si IU.
"Ang tanong, kaya ba akong saktan ni Zenith?"
Panghahamon niya kay Clarence.
"She can."
Natigilan kaming apat ng biglang sumulpot si Hades na may dalang stool at dalawang basong Red wine. Galing yan sa V.I.P room , bakit ang bilis naman niya yatang nakalabas? Diba dapat naglalaro pa siya ngayon ?
"IU, nagdala ako ng favourite wine mo. Mamili ka lang sa dalawang wine glass na to, para kay Poseidon ang isa."
Dagdag niya pa. Ngumisi si IU.
"Yung nasa kanan sa akin."
Sagot niya, inabot agad yun ni Hades sa kanya ngunit hindi nakaligtas sa akin ang mabilis at pilyong kamay ni Hades sa akin, mas mabilis pa sa hangin ng ipagpalit ni Hades ang piniling wine glass ni IU sa wine glass na dapat ay para sa akin. Batid kong napansin yun ni Clarence , at lalo na si Ryle dahil sa pag-iba ng reakasiyon niya sa mukha. Gusto sana niyang pigilan si IU sa pag-inom ng wine Ngunit ang nagbabaga at nagbabantang tingin ni Clarence ang pumigil sa kanya.
"I want more!"
Sigaw ni IU.