2...1

1011 Words
ZEUS' POV Dahil ang pinakagwapong ako ang napag-utusan ni Boss na magmanmam kay Jaguar wala na akong choice kundi ang magbalat kayo. Ang plano ko lang naman ay ang magpanggap bilang new member ng grupo ni Jaguar. Nagsuot ako ng wig na color white saka Nagpa-brace din ako at nagsout ng malaking eye glasses. Sinimplehan ko na rin ang porma ko, naka plain White t-shirt at black ripped jeans na lang ako. Alam ko namang Hindi na ako makikilala neto. Nagpalit na rin ako ng motorbike. Kung dati baril ang dala ko ngayon dalawang parrying dagger na, na bigay ni Boss sa akin. Ayoko sa mga daggers , kasi mas komportable ako sa mga baril pero kasi kapag baril ang dala ko at makikita nila ang stilo ko sa paggamit neto, makikilala nila agad ako. Kilala ang grupo namin bilang Gun Freak, saka binansagan si Boss na Goddess of Guns kaya dapat mag-ingat ako. "Nasa first floor ang room ni Jaguar, mag-iingat ka." Paalala ni Boss sa akin, nasa labas kami ngayon ng Bar ni Rath. Hindi makapasok si Boss dahil sa naka-ban siya dun. Kaya naman ng malaman ni Boss na nasa loob si Rath at alam niyang kayang mapaalis neto si Poseidon, pinadala niya agad sa loob si Clarence. Hindi kayang paalisin ni Rath si Clarence sa bar. "No probs boss!" Tugon sabay saludo. Ngumiwi naman siya saka binalingan si Hades na nagbabasa sa tabi niya. "Handa ka na bang pumasok sa underground?" Tanong ni Boss sa kanya , tumango lang siya. Napailing na lang ako. Hindi ba siya natatakot? Nakapunta na kami doon, dahil sa koneksiyon ni Boss sa Kuya niya pero natatakot pa rin akong bumalik doon. Malinis naman ang lugar na iyon pero ang daming dugo na nakakalat, lalo na sa Drag Racing part, nagkalat ang mga laman loob doon. Nasusuka ako sa tuwing naiisip ko yun. Nakakatrauma ang lugar na iyon. Hangga't maari lang sana ay hindi na ako bababa doon. "Good. Lakad na Zeus." Baling ni Boss sa akin. Lumabas na agad ako sa van at sumakay na sa motorbike ko na nakaparada sa likod ng Van. Ito na. Hades'POV "Let's go." Yaya ni Zeni sa akin, tinanguhan ko siya saka pinaandar na niya ang Van. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon na makakabalik ako sa Underground part ng Black Building. Alam kong nakakatakot doon pero na e-excite ako sa tuwing nandun ako. Pwede mong gawin lahat doon at kung makakalabas ka man ng buhay, ay sobrang yaman mo na. Lalo na kung tatanghalin kang God Of Games! May chance ka ng Mabili ang buong building siyempre except sa Underground part. Dahil hindi iyon nabibili. Nang makarating na kami sa Black Building, dumeritso agad kami sa Underground. Sumakay kami sa Dark Elevator na para lang sa Underground. Nang makarating na kami doon, maririnig mo ang sigawan sa bawat kwarto na madadaanan mo. Walang taong makikita sa paligid dahil nasa loob sila ng kwarto, naglalaro ng mga nakamamatay na games. Bawat kwarto ay may pangalan, pangalan ng iba't ibang klaseng Death Game. "Knock Knock Game." Malakas na binasa ni Zeni ang nakapaskil sa pinto, napaangat din ako ng tingin. Mas lalo akong nanabik ng makita ang kwartong papasukin namin. Damn! Can't wait to play but unfortunately I am not really the real player. May pinasok na maliit at maitim kahon si Zeni sa bulsa ng aking Leather Jacket. Hindi ko na lang iyon pinansin. Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang nakakabulag na liwanag at bahagya pa akongnapapikit. Ang init ng pakiramdam ko, parang sinusunog ako ng buhay. Hindi ko maipaliwanag ang init na nararamdaman ko ngayon. "Open your eyes." Naimulat ko agad ang mga mata ko ng marinig ko ang Boses ni Zenon. Nasa loob na kami ng malaking kwarto, may isang mesa sa gitna at nakaupo doon sina Blade at Spade na naka matching outfits pa at nagmumukha ng clown sa sobrang colorful ng mga damit nila na masakit sa mata. Sila ang makakalaban ko. "I'll pray for your soul, young man." Nakangising bulong ni Zenon sa akin sabay tulak patungo sa mesa at pinaupo ako sa tapat ng dalawa. Wala si Boss sa loob pero nararamdaman ko ang presensiya niya sa labas. Nakakunot lang ang aking noo ng umupo ako at hindi ko sila tinapunan ng tingin pero ramdam ko ang mga nakakalokong tingin nila, parang basura lang ang tingin nila sa akin. Psh! I really don't care. "Kung hindi lang V.I.P ni Zeni ang kapalit neto, hindi ako mag-aaksaya ng oras sa isang katulad mong mentor de edad!" Nakakalokong bulalas ni Spade, hindi ko siya pinansin. Hindi ako pumunta reto para makipagdaldalan at yabangan. Tumawa lang si Zenon sa sinabi ng dalawa. "May pagkakataon ka pang umatras bata." Segunda naman ni Blade na sinabayan pa niya ng nakakalokong tawa na kinabungisngis pa ng kakambal neto. Naikuyom ko ang dalawang palad ko. I wanna kill them right now, but I have to control myselft to avoid murder. "Mga ulol! Once na makapasok na kayo dito wala ng atrasan!" Natatawang sigaw ni Zenon na pinagsingkitan naman siya ng mga mata ng dalawa. "Anong price nga ulit?" Tanong ko kay Zenon. "5% of their properties." Pwede na. Ilang room na din iyon. Saka nandito lang naman talaga ako to buy time para sa thee steps ahead plan ni Zeni. "May isang libong pintuan ang kwartong ito. At bawat pinto ay may surpresang nakaabang! It would be bloody or bloody or bloody! The important thing is makalabas kayo ng buhay at buo. Ang pinakahuling makakalabas ay kakainin ng kwartong ito." Dagdag ni Zenon. Gusto kong sabihin na naiingayan na ako sa kanya pero hindi ko na lang pinansin. Mas nakakatulong ang pagdadaldal niya. Mas maraming oras si Zeni. "Game!" Sabay-sabay na sigaw ng dalawa at namatay na ang ilaw. Ilang segundo pa lang ang nakalipas ay biglang gumalaw ang kwarto. Nang bumukas ulit ang ilaw, wala na si Zenon at kaming tatlo na lang ang naiwan . "4....3..." Biglang naging pula ang ilaw sa loob at nakaharap na kami sa dalawang pinto. "2.....1"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD