BANNED

1135 Words
Ryle's POV Nasaan na ba si Zeni?! Bwisit! Kanina ko pa siya hinihintay! Itatanong ko lang sana sa kanya kung bakit hindi niya sinaktan si IU kanina. To he honest nakita ko siya sa canteen kanina alam kong siya yun, hindi ko lang siya makita ng malinaw dahil sa sobrang bilis ng mga kilos niya, nagiging blurred siya. Mapagkakamalan ko talga siyang Bampira kung umuusok lang sana siya kapag nasikatan ng araw. Parang magkakakilala lang kasi sila. "Sir, nandito na po si Ma'am Zeni!" Masayang sabi ni Sheena. Bakit mukhang masaya siya? Hindi naman niya siguro type si Zeni? Kung tomboy man siya Ang panget ng taste niya! "Lalabas na ako!" Sigaw ko saka sinabit sa kanang balikat ko ang T-shirt ko. Maya ko na to isusuot. Lumabas ako ng naka boxer short lang at T-shirt na nakapatong sa balikat ko. Nang makababa na ako. Nandun siya sa sofa. Parang hinihintay niya ako. Hindi muna ako lumapit sa kanya, nilagpasan ko siya sala saka dumeritso sa main door, pustahan nasa labas yung tatlo niyang buntot! "Bakit si Poseidon lang?" Wala sa sariling naisantinig ko yun. Alam kong dandruff ko lang sa ulo ang nakarinig nun pero narinig pa rin ni Amazona. "Namiss mo na sina Hades at Zeus?" Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Nakangisi lang siya pero blangko ang kanyang mga mata. "Bakit hindi mo inaway si IU kanina?" Pag-iiba ko ng topic. Napapailing siyang ngumisi. "Gusto kong patayin siya pero pinigilan ko lang sarili ko. Baka magkatrauma ka pa, sisihin pa ako." Sininghalan ko siya. "Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko na lang. Walang kwenta siyang sumagot eh! "Busy ako." Seryoso siya at saka tumayo na. "Magpapahinga lang ako." Dagdag niya pa saka iniwan na ako sa sala at umakyat na siya. Abnormal! Magpapasalamat pa sana ako sa kanya dahil sa pagligtas niya sa akin pero wag na , siya naman may kasalanan kung bakit ako kinidnap! Wowowowowow! Ayos! May usapan kasi kami ni IU ngayon, lalabas kami! Can't wait to see her. Hindi ko maintindihan sarili ko pero masaya ako sa tuwing naiisip ko siya. Hindi ako in love wag kayong ano! Wala sa vocabulary ko yun! Tnext ko agad siya na magkita kami sa Bar ni Kuya. Nag reply naman siya agad and on the way na raw siya. Ayos. Nagmamadali akong pumasok sa kwarto at nagbihis na. Pagkatapos ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay. Buti na lang hindi ako napansin ni Zeni malamang tulog na yun. Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bar ni Kuya. "Sir hinihintay na po kayo ni Lady IU." Natigilan ako, paano nila nakilala si IU. At bakit ang bilis naman niya yata nakapunta dito? Sabagay sa gwapo kong to. "Okay." Tugon ko saka nilagpasan na ang Magandang waitress. Nakaupo si IU sa isang VIP table. Naka Black Backless Dress siya at nakatali pataas ang messy hair niya kahit nakatalikod siya ang hot at sexy niya. Nakaka turn on! "Pinaghintay ba kita ng matagal?" Napatayo siya at humarap sa akin ng nakangiti. I've never seen as perfect as this girl in front of me before. She's a Goddess! "Hey. Ryle!" Masayang aniya sabay halik sa pisngi ko. Niyakap naman niya ako at niyakap ko rin siya, nasa ganun kaming posisyon ng biglang sumulpot sa harapan namin si Poseidon na seryosong nakatingin sa akin. Nakatitig siya sa mga mata ko na punong-puno ng disappointment. Kinabahan ako bigla at wala sa sariling nabitawan ko si IU. "Nice." Sarkastikong komento niya saka umupo sa tapat ni IU. Napaharap si IU sa kanya at nabigla siya ng makita niya si Poseidon na nakaupo na. "Why are you here?" Tanong ni IU sa kanya. Wait magkakakilala sila? "Dahil wala ako doon." Pabalang na sagot ni Poseidon saka kinuha ang baso ni IU na may lamang wine. Inamoy niya muna yun saka ininum. "Poseidon umalis ka dito." Pinigilan ko ang sariling wag magalit. Sumusobra na sila. Nawawalan na ako ng Privacy. "Why would I? Boss sent me here. And there's nothing you can do about it. I'll stay here whether you like it or not." Matigas niyang tutol saka pinatong pa talaga ang dalawang paa sa mesa. "Inuutusan kitang lumabas dito." Matigas ding utos ni IU sa kanya. Ngumisi naman si Poseidon'. Nilapit niya ang mukha niya kay IU , pipigilan ko sana siya pero hindi ko naituloy dahil sa sama ng tingin niya sa akin. "Sabihin mo yan sa boss ko." Sinabi niya yan mismo sa mukha ni IU. Damn! Magsama kayo ng Boss mo! "What's going on in here?" Nabaling ang atensiyon naming tatlo kay Kuya na seryosong nakatayo malapit sa amin. Seryosong seryoso siya na halos magkasalubong na ang dalawang kilay niya. "This guy is ruining our date!" Sigaw ni IU na kinabigla ko. "Get out." Pagtataboy ni Kuya kay Poseidon. Nabigla din ako sa inasta ni Kuya. "Nice bar, Rath Ragas, Nice bar." Napalingon ako sa nagsasalita sa likuran namin. Sino siya? "Naligaw ka yata, CLARENCE SY." Malamig pa sa yelong tugon ni Kuya. Kakaiba ang tensiyong nabubuo sa pagitan Nina Kuya at Clarence, IU at Poseidon. Ano bang nangyayari? "Hindi ako naligaw. New costumer ako dito." Nakangisi niyang sagot. Naging matunog naman ang pagngisi ni Kuya. "Then.Enjoy your stay, Clarence... And you." Turo ni kuya kay Poseidon. "Get out." Umakbay si Clarence Kay Poseidon. Don't tell me magkakilala din sila? The heck! "I am very very sorry to disappoint you, pero kasama ko siya." Sabat ni Clarence. "Then lumipat kayo ng Table. Ang dami pang bakante." Naninibago talaga ako sa ugali ni Kuya ngayon. He's being mean and rude. "Wala ng bakante." Kontra ni Clarence sabay pitik ng daliri niya sa ere, nanlaki ang mga mata ko ng biglang na-occupied ang lahat ng table. Magician ba siya? Napatiim-bagang si Kuya. "Costumer is always right." Bulong ni Clarence kay IU na sinamaan naman ng tingin si Clarence. The f**k what now? "Lilipat na lang tayo ng bar." Hinawakan ko siya sa kamay para hilahin pero natigil ako ng magsalita si Clarence. "Nasa labas si Zeni." "Nasa bahay siya." Wag niya akong trip-in , Hindi niya ako maloloko. Alam Kong natutulog ngayon si Zeni sa bahay! "Kakasabi ko lang sayo na nasa labas siya." Aniya at magkasabay silang umupo ni Poseidon. "Don't worry hindi makakapasok si Zeni dito." Sabi ni Kuya sabay alis . Binan niya si Zeni sa bar? Pero bakit? "Ang sama ng Kuya mo." Nakangising bulong ni Clarence sa amin saka nagtawanan sila ni Poseidon. "Enjoy your date." Sarkastikong wika ni Poseidon. "And one more thing! Zeni's brother is way meaner than her. And he hates snake." Segunda ni Clarence na nagpatayo ng mga balihibo ko sa katawan. I don't want to see and meet him! Wala kaming magawa ni IU kundi ang mag stay doon at pakisamahan ang dalawa. Damn them!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD