DEATH GAME

1052 Words
ZEUS' POV "Uy, Poseidon, ang tahimik natin ngayon ah! Kumusta puso mo? Hahahaha naku Naku! Naglandian pa kayo last week sa harap namin ni Boss tapos ngayon ayun may iba ng nilalandi si IU! Hahahaha ang malas mo talaga sa love--" Natahimik ako ng hampasin ni Boss ang mesa. Shet! Kinabahan ako bigla. Mukhang wala sa mood si Boss. Sabagay, malaki nga naman ang problema niya ngayon. Binubuklat buklat ko na lang ang notebook ko na walang laman saka pasimpleng sinamaan ng tingin si Poseidon ng mahuli ko siyang ngumingisi sa akin sabay taas gitnang daliri niya. "Poseidon, Bantayan mo ng maigi si Ryle. Kung maaari dikitan mo siya lalo na kung nasa paligid si IU." "Boss papatayin mo yata ako sa -" "Gusto mo ngayon na kita patayin?" Maangas na banat ni Boss , natameme naman si Poseidon at walang magawa kundi ang tumango na lang. "Zeus, alamin mo ang lahat tungkol kay Jaguar. Hindi ako naniniwalang walang nag-utos sa kanya na gawin ito." "Aye, aye, Boss!" Nakangisi kong tugon. "Hades, sasali ka sa Underground Death Game." "ANO?!" Sabay naming sigaw ni Poseidon at napatayo pa kaming dalawa dahil sa gulat. Kapag sasali si Hades sa UDG, consider na siyang TRAITOR sa grupo namin. Lemme explain, kapag si Boss ang sasali , magiging TRAYDOR siya sa PINAKABOSS namin , ang owner ng Black Building. At kapag si Hades ang sasali magiging TRAYDOR siya sa grupo namin saka wag kayong ano apat lang naman kami, ako, si Poseidon, si Boss at Hades. Pero kahit na! Ituturing na namin siyang kaaway. Ano ba tong kabaliwang plano ni Boss?! Aish! "I trust you." Tugon ni Hades sabay sindi ng sigarilyo niya. Anak ng! Walang pagtutol na makikita sa mukha niya! "Pero boss--" Nagkasabay na naman kami ni Poseidon. "Nakaplano na lahat. And don't worry Clarence promised us a help." "And speaking of Clarence , nandito na siya, kasama ang pinakagwapo mong Kuya baby Zeni, Zenon Ynfluencia." Sabay kaming apat na napalingon sa dalawang tokmol na palapit sa amin. Si Clarence at ang Kuya ni Zeni na kaedad ko lang. Mas bata pa si Zeni at Hades sa amin. Si Zeni 17 at ganun din si Hades. Kami 20+ na. "Who told you to come here?" Seryosong tanong ni Boss sa Kuya na naka open arms pa at in-epect niyang sasalubungin siya ni Zeni ng yakap which is malabo. Ang cool talaga ng Kuya niya! Ang taas pa ng rank niya sa Black Building. "No one. Pero alam mo na kapatid tayo, mararamdaman ko talaga na may problema ka kahit hindi mo sabihin." Nakangiting aniya. Mas lalong sumama ang tingin ni Boss sa kanya. "I don't need your help." "Zeni, hayaan mo na kuya mo." Sabat ni Clarence. "Okay." Tipid na sagot ni Boss saka pinaupo ang dalawa. Mukhang wala talaga sa mood si Boss para makipagtalo. "How's buhay mo Hades!?" Nakangising tanong ni Zenon kay Hades sabay akbay sa kanya. "Still life." Sagot naman ni Hades na kinatawa namin ni Poseidon. "HAHAHAHAHAHA!" Natahimik kami bigla ng sumeryoso si Zenon. "Gusto niyo ng makilala ang rippers niyo?" Seryoso niyang tanong sa amin ni Poseidon kaya napatungo kami. Shet nakakatakot talaga siya! Pero ang cool pa rin niya! "We heard na sasali si Hades sa Death Game. Lista ko na ba?" Pag-iiba ng topic ni Zenon. Okay, si Zenon ang owner ng Underground Part ng Black Building. Lahat ng makikita mo sa Underground ay pag-aari niya. At siya ang pinakamayaman na Outlaw Tycoon sa Black Building, pumapangalawa lang sa kanya ang owner ng Black Building ang Boss ni Boss. "Sige. Hades anong game ang gusto mong salihan?" Tanong ni Boss. Umakbay si Clarence sa kanya. "If I were you , dude. Pipiliin ko ang Death Boxing at Death Chess Game." Suggestion ni Clarence yun. Nag-isip muna si Hades. "Anong game ang may pinakamalaking premyo?" Tanong ni Hades kay Zenon. Ngumisi naman si Zenon at kinuha ang maliit na papel na nakaipit sa gilid ng tenga niya. Naka roll yun. "Stay Awake 4-60D Death Game. 90% of Black Building excluding underground part is the price." Nakangising sagot ni Zenon. Nagsitayuan agad ang mga balahibo ko sa katawan. Naalala ko dati sabi ni Dad may sumubok daw sa game na yan. At Hindi niyo gugustuhing malaman ang kinalabasan. Ang totoo niyan binuo ang larong yan dahil sa failed experiment dati ng mga siraulong scalawag. Damn. Sasapakin ko talaga si Hades pag pumayag siya. "Not that game." Sabat ni Boss, ayos si Boss na rin ang nagsabi! "How about the Knock Knock Game? The funniest yet the coolest game, well for me it's the coolest. You know what I mean. Every bloody door has its bloody secrets. It's fun, isn't it?" Singit ni Clarence. "What's the Price?" Tanong ni Hades. Si Zenon ang sumagot. "Depende sa kalaban mo. It's a duel game." "Itapat mo siya sa mga business Tycoon na nagpapalaki ng parte nila sa Black Building." Ani Boss. Pero hindi pwede yun kasi wala namang pag-aari si Hades sa Black Building. Sino namang scalawag ang papayag sa ganun? Kaya nga sila sumali kasi gusto nila manalo ng isa pang room! "Walang pag-aari si Hades." Sabat ni Poseidon na kumakain ng Burger. Ang hilig kumain psh! Sabagay sarap nga naman kumain! Food is life. Lol "Hades is now the New Owner of V.I.P room." Lahat kami ay napatingin kay Boss maliban kay Hades na nakapikit na. "Paano ka?" Tanong ko. Anak ng! Baka mapadali buhay namin kapag si Hades ang magiging Boss namin. "Still the Defender of Black Building Owner." Sagot ni Boss. Ngumisi ako bigla. "So pwede ka na naming hindi tawaging boss?" Tanong ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin. "You. Wanna. Die?" Napalunok ako bigla sa sagot ni Boss. Anak ng! Sabi ko nga. "Okay kung yan ang gusto mo. Makakatapat ni Hades si Blade at Spade the Infamous Psycho Twin Brothers ng Black Building. 20% ng Black Building ang pag-aari nila. Kung iisipin mo ng mabuti hindi sila papatol sa mga tycoons na iisang room lang ang pag-aari sa Black Building. Pero kung malalaman nila na ang V.I.P room ni Zenith ang makukuha nila kung sakaling mananalo sila alam kong papayag sila. Game? " "Game!" Si Boss na ang sumagot nakatulog na kasi si Hades. Wag na kayo magugulat ah? Ugali na niya yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD