IU

1434 Words
RYLE'S POV One Week Later... Hindi pa rin umuuwi si Zeni sa bahay. Bahala siya! Mas okay nga yun eh! Pero aminin ko man o hindi, nag-aalala ako sa kanya. Kasalanan ko to! Ang daming nagbago sa loob ng isang linggo. Hatid-sundo ako nila Hades, kahit ayoko wala akong magawa, dinadaan nila ako sa dahas. Minsan nga pinagtatawanan na ako ni Ryan eh. Nakakainis! Ayaw din naman daw nila akong ihatid pero utos daw yun ni Zeni, kaya wala silang magagawa at ganoon na din ako. "Hindi ko na yata nakikita girlfriend mo?" Nakangising pukaw ni kuya sa Atensiyon ko. Kasalukuyan kaming umiinom ng kape sa Garden ng bahay namin. "Break na kayo?" Dagdag niya pa, hindi ako sumagot. Ang totoo niyan nagpunta ako sa bahay ni Zeni, nagbabakasaling nandun siya pero sabi ng parents niya hindi rin siya umuuwi at nakapagtataka lang parang hindi man lang sila nag-aalala sa kanya. Saka nung sinabi ko sa kanila boyfriend ako ni Zeni, parang wala lang sa kanila. Tinanguhan lang nila ako at hindi man lang pinapasok sa bahay nila. Ang weird lang. "Hoy!" Napangiwi ako sa lakas ng sigaw ni Kuya sa mismong tenga ko pa talaga. "Break na kayo ni Zeni?" Umiling lang ako saka tinuon na ang atensiyon sa tasa ng kape. Kailangan ko ng pumasok. Tumayo ako saka walang paalam na umalis ng bahay. Ewan ko ba sa sarili ko, parang wala akong gana, siguro dahil na g-guilty ako? Wala sa sariling nakarating ako sa School at naglalakad sa hallway na parang walkers dahil sa bagal at mabibigat kong hakbang. Ayaw makisama ng katawan ko sa ganda ng araw ngayon! Pumasok na ako sa room namin at dumiretso na sa Silya ko. Ang daming nagpapapansin pero hindi ko man lang sila magawang tingnan. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon. "You must be Ryle Ragas, the Most Valuable Playboy." Napaangat ako ng tingin ng may babaeng nakatayo sa harapan ko. Napakaganda at napaka seksi pa niya. Maamo ang kanyang mukha at napakaganda ng kanyang ngiti ng makipag eye to eye contact ako sa kanya biglang nag Slow motion Ang lahat at bumilis bigla ang t***k ng aking puso. Biglang naging normal ang daloy ng dugo ko sa katawan at bumalik ang aking lakas. Anak ng! Sino siya? "W-who are you?" Nauutal kong tanong sa kanya sabay tayo. Ngumiti naman siya ng napakatamis. "I'm IU." Aniya sabay abot ng kamay niya sa akin at mabilis pa sa hanging tinanggap ko iyon. Nakipagkamay ako sa kanya. Sobrang lambot ng kamay niya. Napakahinhin niya kung kumilos at babaeng babae siya. Gusto ko na siya! "You're pretty." Manghang bulalas ko sabay halik sa likod ng palad niya. "Bolero! Pwede umupo sa tabi mo? Transferee kasi ako." Nakangiting pakiusap niya. Tumango naman ako. "Why not?" Tugon ko at inalalayan siyang makaupo. "Paano mo pala ako nakilala?" Tanong ko sa kanya ng hindi inaalis ang tingin ko sa maamo niyang mukha. "From my Cousin, Ryan, your best friend. He told me to look for the most handsome guy in this campus and you actually caught my attention kanina while you're walking along the hallway. Sinundan kita hanggang dito and I am definitely right. Right?" Nakangiti niyang paliwanag. Kaya pala. Wala pa akong nakilalang pinsan ni Ryan dati kasi hindi naman niya pinapakilala sa akin lalo na ang mga babae. Baka daw ahasin ko. Pero ngayon. Hays kung alam ko lang na ganito kaganda ang pinsan niya. Napapailing na lang ako sa mga pumapasok sa utak ko. Marami pa kaming napag-usapan at sa mga sandaling iyon nawala sa isip ko si Zeni. Bahala na. Total wala naman siya eh. ... ZENITH'S POV Naitapon ko ang phone ko sa dingding ng kwarto ko nang matanggap ko ang bad news mula kay Zeus. Bakit ba kasi hindi na lang mamatay lahat ng ahas sa mundo?! Argh! Naihilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko saka nahiga sa Sofa. Nakatitig lang ako sa kisame ng biglang pumasok si Clarence. "Natanggap ko ang text mo." Aniya sabay upo sa gilid ng kama ko. I sighed. I really need his help. He's one of the Notorious Businessman Of Black Building. He owns 1,666 rooms and he's the infamous INNOCENT SCALAWAG. He's also my childhood best friend. Kaya madali lang sa akin ang lumapit at humingi ng tulong sa kanya. "I need 50 rooms from different Tycoons. Can you help me?" Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. Alam ko na magugulat talaga siya dahil ang alam nila wala na akong balak pang punan ang V.I.P room ko. "That's quite dangerous, Zeni. And it's too risky. Dadaan ka muna sa butas ng karayom bago mangyari yun." I sighed. Alam ko. May mga rules kaming sinusunod. Bago mo makuha ang mga room na gusto mo dapat ka munang makipaglaro sa Underground ng Black Building. Kaya ko naman yun eh pero Defender ako ng OWNER ng Black Building. Hindi ako pwede magkaroon ng maraming pag-aari sa Black Building dahil nanumpa ako na magiging DEFENDER lang niya ako , unless kung tatraydorin ko siya pwede ko na gawin ang lahat , kahit ang agawin ang trono niya na kadalasan ginagawa ng mga nauulol sa kapangyarihan doon at hinding Hindi ko yun gagawin! "Tell me what's really happening? This is not so you." Dagdag niya pa. "Do you know Jaguar?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya. Malamang bagong hangal yun eh. Kinuwento ko sa kanya lahat pati na rin ang fake relationship namin ni Ryle. Tumango-tango lang siya. "Okay I get It. Don't worry I'll help you. For now on, pumasok ka. I'll call you na lang kapag may mahanap akong paraan. Gusto mo tawagan ko si Zenon?" Umiling agad ako ng mabanggit niya si Kuya. God! Ang pakialamero kong kapatid? For real? Umalis na si Clarence at napagdesisyunan ko na rin na pumasok sa school. Ng makapasok na ako sa Campus dumeritso na agad ako sa canteen since lunch break na. "You flirt! Bakit mo nilandi si Ryle ha?! Akin lang siya!" Naabutan ko ang sigawan sa loob ng canteen. Yakap-yakap ni Ryle si IU na umiiyak sa takot, psh. Lumapit ako ng bahagya sa kanila ng hindi nila napapansin . "Stay away from us! I don't even know you! Go away! I am not yours! Sigaw ni Ryle. Lagot na. Whoever gave IU a slap in her face will surely die. Student nowadays, hindi muna nila kinikilala ang babanggain bago saktan. "But Ryle! Ngayon na patay na si Zeni, saka ka pa susuko? Ano bang gayumang binigay ng tranfereeng iyan sayo at ayaw mo na sa akin?!" Mangiyak-iyak at maarteng sigaw nung babae. Nahuli ko ang masamang tingin ni IU sa kanya, saka aamo ulit ang mukha niya kapag tinititigan siya ni Ryle. Tsk tsk. "Sino ang nagsabi sayong patay na si Zeni?" Hindi nakasagot ang babae kaya umalis na sila Ryle na yakap-yakap pa rin si IU. Hindi naman siya balbado. Manyak talaga! Bago pa sila makalabas sa Canteen inunahan ko na sila saka umalis doon ng walang nakakapansin maliban kay Hades na nakasunod na sa akin. "How's your wound?" Tanong ko sa kanya ng makasabay na siya akin. "Still a wound" Sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I saved your ass last week. You never thank me. A word will do." Nakangising paalala ko sa kanya. Huminto naman siya. "Word." Tugon niya. Kahit kailan talaga ang lalaking to! "More words?" "Two words." Aniya sabay alis sa harapan ko. Kung hindi ko lang to kaibigan, tsk! "Zeni?" Anak ng! Natigilan ako ng marinig ang boses ni Ryle sa likuran namin. Ang bilis naman yata nila? Seryoso akong humarap sa kanila. Hindi na sila naglilingkisan. I sighed. "How's life without me?" Seryosong tanong ko sa kanya. "Great." Deritso niyang sagot, nahuli ko pa ang pasimpleng ngising aso ni IU dahil sa narinig. Psh! Lumapit ako kay Ryle saka naniningkit ang mga matang tinitigan ko siya. "What did you just say?" Napalunok siya, pustahan , natakot na naman siya. Hays. "W-what I mean is, it's g-great to see you f-fine." Tumango lang ako saka tinapik siya sa kanang braso niya. "Good." Hindi ko siya pwedeng takutin para iwan lang niya si IU, baka magsumbong pa si IU kay Boss. Naloko na! "Take care. BOYFRIEND." Nakangiting dagdag ko sabay bigay ng Smack sa lips niya at umalis na sa harapan nila. "Boss, mukhang pinapakita na ni IU ang totoong siya." Bulong ni Zeus sa akin. Ngumiwi naman ako. "Matagal na, Zeus. Matagal na." She always want a war. Of course she want me dead. She want a war? Why not? She want me dead? Mauuna siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD