Ryle's POV
Nasaan na sila? Hatinggabi na pero wala pa rin kahit anino ni Zeni ang nagpapakita. Wala naman yung pakialam sa akin eh.
"Hades buhay ka pa?"
Nakatulala lang siya ng ilang oras diyan. Ano naman kaya ang iniisip niya?
"Hoy, Hades."
Mahinang tawag ko sa kanya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Ano bang problema niya? Gusto ko sana itanong sa kanya kung bakit hindi dumudugo ang sugat niya. Nakapagtataka lang. Para bang hindi siya tao.
"Hoy, nasaan na ang Boss niyo?"
Tanong ko na lang sa bantay na nasa gitna namin ni Hades. Masama ang tingin niya ng lingunin ako, lahat sila dito ang sama ng tingin sa akin, kung nakamamatay lang ang tingin kanina pa ako nilibing! Hindi ko naman sila kilala pero ang laki ng galit nila sa akin. Mga baliw!
"Kausap ang girlfriend mo!"
Sigaw niya sa akin. Natigilan ako. Kung ganoon nandito na siya? Ano naman kaya ang pag-uusapan nila?
Hays, I sighed. Kung tutuusin napakaayos lang naman ng buhay ko. Babae at pag-aaral lang ang inaatupag ko pero ngayon nag-iba na ang deriksiyon. Una, pinaulanan kami ng mga Arrows, pangalawa, abduction! Ano kaya ang susunod? Baka nasa kabaong na ako.
Biglang bumukas ang pinto at niluwa doon sina Zeni, Zeus at Poseidon. Nakangisi ang dalawa at nang-aasar ang mga tingin nila kay Hades, samantalang nakakunot noo lang na nakatingin si Zeni sa akin. Napalunok ako, may ibig sabihin kasi ang mga tingin niya parang naninisi.
"Pakawalan na ang dalawang yan!"
Sigaw ng Boss nila at pinakawalan nga kami. Walang lingon at salitang lumabas si Zeni sa kwartong iyon at sumunod naman sina Hades at Poseidon. Humarap sa akin si Zeus.
"Naku, naku! Lagot ka kay Boss!"
Nakangising bulong ni Zeus sa akin sabay tapik sa balikat ko. Kinabahan ako bigla. Nangyari na eh. Wala na akong magagawa.
"Gusto mo na yata tumira dito."
Nakangising dagdag ni Zeus. Huminga muna ako ng malalim bago sumunod sa kanya. Tahimik lang kaming lumabas sa abandonadong bahay na yun. Walang nagtakang magsalita sa aking Lima. Ng makarating na kami sa Van napahinto ako ng huminto sila bigla.
"Diba sinabi ko na sa inyo na dumeritso kayo sa bahay?"
Matutunugan mo talaga ang matinding disappointment ni Zeni sa aming dalawa ni Hades. Napayuko na lang ako. Ito na yun.
"Bakit?"
Tanong niya. Napaangat ako ng ulo ng nasa harap ko na si Zeni. Bumilis bigla ang t***k ng puso ko dahil sa sobrang takot at kaba. Halos habulin ko ang paghinga ko. Hindi ko din kayang salubungin ang nag-aapoy na tingin ni Zeni.
"I'm sorry."
Sensiro kong bulong.
"Ihatid niyo na siya sa bahay."
Aniya sabay alis sa harapan ko.
"Paano ka?"
"Umalis na kayo."
Malamig niyang tugon. Tinulak na ako ni Zeus sa loob ng Van. Siya ba ang kapalit para sa kalayaan namin ni Hades?
Zeus' POV
Hindi mawala sa isipan ko ang usapan nina Boss at Jaguar. Palihim kong sinulyapan si Ryle. Kailangan na ingatan namin siya!
Flashback...
Dinala kaming tatlo ni Boss sa isang pribadong kwarto ng abandonadong bahay na yun. Nasa kabilang kwarto lang sina Hades at kayang-kaya naming sagipin pero hindi namin ginawa. Mas mabuti ng maingat kami sa mga galaw namin.
"Tea or wine?"
Alok ni Jaguar sa amin, nagpakilala muna kasi siya kanina bago kami pumasok dito. Ang lupit ng pangalan!
"Te-"
Sasagot na sana si Poseidon pero siniko siya agad ni Boss.
"Sabihin mo na sa amin ang pakay mo. Wag kang pabibo diyan, hindi bagay."
Singit ni Boss, nahuli ko pa ang pagkuyom ng palad ni Jaguar. Halatang galit siya pero pinipilit niya ang kanyang sarili na huwag iyon ipahalata. Ngumisi siya.
"Isa ako sa mga bagong negosyante sa Black Building. At naghahangad ng malaking pwesto doon. Gusto kong angkinin ang Buong building. At gusto ko na ako ang kakatukan ng lah--"
Naging matunog ang pag-ngisi ni Boss. Batid Kong natatawa siya.
"That's quite impossible and insanity. My Boss own that place. And to be honest scare crow is scarier than you. Don't be stupid"
"You don't get it Zenith."
Nakangisi namang banat ni Jaguar. Natigilan si Boss.
"What do you mean?"
"You will work for me. You will kill for me. You will rob for me. You have only one room yet you are the Legendary Scare Crow of Black Building. So, it's not impossible if I have you in my passel."
Halos magsalubong ang kilay ni Boss sa narinig. Hindi kaya ni Boss na traydurin ang Pinaka Boss namin.
"You are out of your mind and what makes you think that I'll obey you, which is obviously not?"
Pinitik niya ang daliri niya sa ere at biglang nagliwanag ang white board sa likuran niya. Nabaling ang tingin namin doon.
"I planted a tiny bomb in Ryle's heart. Once it stops from beating he would explode and Goodbye Philippines."
Nakatinginan kami ni Poseidon. Malaking problema nga to. Kapag namatay si Ryle, malamang ang tiny bomb na sinasabi niya ay konektado sa isang Nuclear Bomb! Anak ng! Kapag sumabog iyon paano na ang kagwapuhan ko? Hindi ko mapapamana sa mga magiging anak ko! Hindi na ako makapapangasawa ng sampu! Hays!
Walang kibo si Boss, nanginginig siya sa galit pero pinipigilan lang niya ang kanya sarili.
"50 rooms? Hmmm it's enough, Zenith. 50 rooms."
Aniya sabay alis sa kwartong iyon. Sumunod naman kami sa kanya. We are dead.
END OF FLASH BACK...
"Si Zeni ba ang kapalit para sa kalayaan namin Hades?"
Tanong ni Ryle kay Poseidon. Nagpalitan pa kami ng tingin saka umiling.
"Alagaan mo lang ang sarili mo."
Tugon ni Poseidon. Naguguluhan namang tumango si Ryle. Ng makarating na kami sa bahay niya, bumaba agad ako para icheck sa loob mahirap na baka nag-aabang na si Kamatayan sa kanya eh napaaga pa ang pagkawala ng pinas sa mapa! At oo nga pala bukas na bukas kailangan ko ng i-date si Crush para naman may time pa akong magtanim ng binhi para naman may bunga na ako bago pa sumabog ang pilipinas. Sayang sperm cells ko!
"Uy, Rath!"
Nadatnan ko siyang nakatayo sa unang baitan ng hagdanan. Nakakunot ang noo niya. Nakakatakot talaga siya! Sinenyasan niya kaming umuwi na kaya nagmamadali kaming lumisan.
Hindi naman niya siguro papaslangin si Ryle?
"Anong kapalit?"
Tanong ni Hades sa amin ng makapasok na kami sa Van.
"Lemme tell you a story."