CAPTURED

1005 Words
Ryle's POV "Pumunta ka ngayon din Zenith! O papatayin ko tong walang silbi mong boyfriend! Isama mo rin tong kaibigan mong si Hades!" Nagising ako dahil sa mga sigaw ng isang hindi ko kilalang lalaki. Nakatali kami ni Hades sa isang upuan. Simpleng tali lang ang sa akin, pero kadena ang kay Hades. Hindi nakatali ang mga paa ko, kamay ko lang talaga ang tinalian nila pero ang kadena sa kamay ni Hades nakapalibot din ito sa buong katawan niya na dahilan kung bakit hindi siya makagalaw. Bakit? Tinawag ko ang isang bantay sa gitna naming dalawa. "Hoy!" Sigaw ko sa kanya at masama ang tingin niyang nilingon ako. Hindi ako bakla pero lahat ng mga goons dito ay may hitsura, hindi man kasing gwapo ko pero sapat na para habulin ng mga aso sa kanto. "Bakit?!" Maangas niyang tanong. "Bakit lubid lang tong sa akin at kadena kay Hades?" Alam kong hindi akma ang tanong ko sa sitwasyon namin ngayon, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong magtanong. Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. "Kung hindi namin siya ikakadena, kanina pa siya nakawala, at patay na kaming lahat dito. Pero kung naiinggit ka, gusto mo itali ka namin sa Electric Chair?! Ha!" Natahimik na lang ako. Nilibot ng aking mga mata ang kabuuan ng kwarto. Typical na lalagyan ng mga taong tiwalag. Hindi mabaho pero ang mga dingding puno ng -- anak ng! Die Zenith Ynfluencia DIE. Hindi sila halatang galit kay Zeni. "Sige! Gusto mo talagang marinig ang boses ng boyfriend mo?!" Lumapit sa akin yung lalaking sigaw ng sigaw sa telepono. Bakas sa mukha niya ang galit. Kinuha niya ang isang Misericorde Dagger sa nag-iisang mesa na nasa gitna ng kwarto. Nakangisi siyang humarap sa akin at walang salitang tinarak sa braso ni Hades ang dagger. Nanlaki agad ang mga mata ko, akala ko ako ang sasaksakin niya. . Nagising si Hades dahil dun pero nakakunot ang noo lang niyang tinitigan ang dagger na nakabaon ngayon sa kanang braso niya. Parang hindi man lang siya nasaktan. Damn! Muntik na akong atakihin sa sobrang kaba! "Sisigaw ka o Ililipat ko sa braso mo ang Dagger?" Bulong niya sa akin, sinulyapan ko pa si Hades. Nakakunot lang ang noo niya at walang emosiyong tumingin sa akin. Anong gagawin ko? "Isa!" Sigaw niya ng Hindi pa rin ako sumagot. Napalunok na lang ako. Dapat ba talaga mangyari sa akin ang mga ganitong bagay? "Pupunta kami diyan. Wag kang hot. Baka gawin kang coconut ni Boss." Si Zeus na ang nagsasalita sa kabilang Linya at nagtatawanan pa sila ni Poseidon. Mga bwisit! Nagawa pa nilang tumawa! Ramdam ko ang sobrang galit na nararamdaman ng kaharap ko ngayon dahil sa higpit ng hawak niya sa phone niya , nanginginig pa ito na para bang malapit ng sumabog. "Sisiguraduhin Kong--" Hindi na natapos ang sasabihin niya ng biglang naputol ang tawag. Bigla niyang binato ng ubod ng lakas ang phone niya sa kisane kaya nagkapirapiraso ito ng mahulog sa sahig. Napalunok ako. Ano bang ginawa ni Zeni at galit na galit siya? ...... ZEUS' POV Napahagalpak na lang kami ng tawa ni Poseidon ng biglang ibato ni Boss ang phone sa labas ng Van kaya hindi na natapos ang sasabihin nung lokong caller namin. "Boss, pupuntahan ba natin sila?" Tanong ko. Ngumiwi naman si Boss at bahagya pang napaatras ang mukha niya sa sinabi ko. Kapag ganyan ang reaksiyon ni Boss parang sinasabi na din niyang DON'T ASK THE OBVIOUS. Ngumiti na lang ako ng tipid, medyo nakakahiya. "Gisingin niyo ko kapag --" "Oo na!" Putol ko sa sasabihin ni Poseidon . Hays, nakakainis naman! Inaantok na din ako. Ilang oras din kaming tumambay sa Black Building. Tapos yung si IU nakiusap pa kay Boss na samahan namin siyang tumambay sa VIP room ni Boss hindi naman kami makatanggi kasi anak siya ng pinaka BOSS namin. Ang masaklap pa naghaharutan sina Poseidon at IU sa harapan namin ni Boss, haharutin ko din sana si Boss kasi nakakabitter din, kaya lang hindi ako suicidal na tao kaya nakikitawa na lang ako sa dalawa. Tapos ng uuwi na sana kami may bigla na namang tumawag. Nasa kanya daw sina Hades at Ryle. Inaantok na ako pero wala akong choice, kahit anong gawin ko gwapo pa rin talaga ako. "Ngeeee! Peste!" Naihinto ko ang sasakyan ng biglang sumigaw si Poseidon. Nagising siya at pawis na pawis. Nilingon ko pa si Boss sa Back Seat. Nakatingin lang siya sa labas at parang walang pakialam. "Anong nangyari?" Takang tanong ko sa kanya. Huminga naman siya ng malalim. "Binangungot ako." Sagot niya na nanginginig pa. Ano naman kaya yun? "Ano?" "Nanalo daw ako sa lotto." Napahagalpak ako ng tawa. Bangungot ba yun? Baka nananginip to ng gising! "Loko! Hahahaha paano yun naging bangungot?" Natatawang tanong ko sa kanya. Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Nanalo nga ako sa lotto pero kasing liit naman ng monggo ang aking ulo! Ngayon sabihin mo sa akin anong nakakatawa?!" Pft. Kaya pala. Hahahahaha "Magkatotoo sana yun!" "Ulol!" Napailing na lang ako saka pinatakbo ulit ang Van. NANG makarating na kami sa isang abandoned house na sinasabi nung Unknown Caller agad kaming bumaba ang Van, at bumungad sa amin ang Isang daang MEN IN BLACK doon, nakatutok lahat ng baril nila sa amin. Hindi halatang nag-iingat sila. Hahaha! "Merry Christmas!" Nakangising sigaw ni Poseidon sa kanila. At hindi man lang sila natinag. "Sabi na nga ba eh! Darating ka." Biglang nagsitabihan ang mga Goons at dumaan sa gitna ang isang Man In White. Ito siguro ang leader nila . "Nasaan sila?" Walang ganang tanong ni Boss sa kanya. He smirked. "Let's make a deal, first." Bungad neto na bahagyang napakunot si Boss Zeni. Kung nakamamatay lang ang tingin ay paniguradong kanina pa nakahilata sa sahig ng walang hininga ang lalaking ito. Bukod ang sa ang lakas ng loob niya para kidnapin sila Ryle ay ito siya ngayon blabbering about his f*****g deal na sa unang tingin ko pa lang kay Boss ay ayaw niyang i-entertain. "I'm listening."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD