Poseidon's POV
"Boss, sana ako na lang yung pinahatid mo kay Ryle."
Nakasimangot kong bulong kay Boss. Sinamaan niya ako ng tingin.
"May pagnanasa ka ba sa BOYFRIEND ko, Sei?"
Tanong niya sa akin, kaya napamaang ako. Anak ng! Ginawa akong bakla ni Boss. Ex ko kasi yung Heiress ni Lord X. Naka-move on na ako, kaya lang sa tuwing nakikita ko siya nagkakaroon ako ng pakiramdam, at ayaw ko nun. And speaking of pakiramdam baka isipin niyo na may feelings pa ako sa kanya. Wala na uy, what I mean is, aish Ewan! Basta!
"Pwera na lang kung hindi ka pa nakamove-on."
Panunudyo ni Zeus kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Silence means yes."
Segunda pa ni Boss kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Para saan pa't romance ang genre neto.'"
Nakangisi kong tugon kaya sila naman ang masama na masama ang tingin sa akin.
"Boss, hindi ka ba nababahala sa kaligtasan ni Ryle? Nanganganib na nga yang duwag na yan dahil napapaligiran ng mga ahas , dinagdagan mo pa, hindi ko sinasabing ahas ka boss kaya lang alam mo namang apple of the enemy's eye ka diba?"
Pag-iiba ko ng topic. Napaisip naman siya. Isa sa mga sign kung nag-iisip ba talaga si Boss ay kapag nakatulala siya. Gaya ngayon, nakatulala siya, parang wala sa sarili pero wag ka magkamali diyan, nag-iisip yan.
"I can handle everything."
Aniya sabay kamot sa batok niya. Mukha nga.
"Nandito na tayo."
Singit ni Zeus sabay labas sa van. Sumunod naman kami agad ni Boss sa kanya. Wala pa man kami sa gate ng rest house ang dami ng bantay na naka paligid. Lalo na sa loob sigurado yun. Sabagay HEIRESS nga daw kasi. Psh.
"Boss hanggang gate na lang ako. Magyoyosi pa kasi ako."
Bulong ko kay Boss. Sinamaan naman niya ako ng tingin.
"Sasama ka sa loob o dudukutin ko yang baga mo?"
Seryosong tanong ni Boss kaya wala sa sariling nagpatiuna ako sa kanya. Bwisit! Haaaayz!
"Uy, si Poseidon, nagmamadali. Naku, naku, hindi ka excited makita si Ex ah?"
Pang-aasar ni Zeus at huminto ako natatawa naman siyang nauna sa akin kaya ng nasa tapat ko na siya pasimple kong inapakan paa niya na kinasigaw niya.
"Uy! Naku,naku may tao pala."
I'm mocking him with a playful grinned.
"Sapakan na lang tayo, oh!"
Sigaw niya sa akin. Nakaharap ako sa kanya habang naglalakad, at natatawang pinakyuhan siya.
"Poseidon."
Napatigil ako ng may tumawag sa pangalan ko. Kahit hindi ko man siya lingunin kilala ko na kung sino siya.
"May nakalimutan ako sa van."
Kunwari hindi ko siya narinig. At nagmamadali akong humakbang papalayo ng nakayuko pero ng malapit na ako sa pinto nakaharang na si Boss sa kin. Sobrang sama ng tingin niya na hindi ko kayang salubungin. Isa lang ibig sabihin ng tingin niyang yan, hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
"Kapag lumabas ka ng rest house ngayon na hindi kami kasama, si Zeus ang kakanta sa burol mo."
Seryoso si Boss ng sabihin niya iyon, pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangisi lalo na sa reaksiyon ni Zeus, nakanganga siya at nakakunot ang noo na nakatingin kay boss, na parang hindi makapaniwala sa narinig niya.
"Si Boss naman oh! Hindi na mabiro."
Natatawang tugon ko sabay akbay sa kanya at sabay na kaming tatlong lumapit kay Ingrid Unice yes yan ang pangalan niya at IU ang palayaw niya.
"Akala ko ba may nakalimutan ka?"
Natatawang tanong ni IU sa akin. Ngumisi naman ako.
"Oo, nakalimutan ko si Boss, kala ko naiwan ko sa loob ng kotse."
Napangiwi naman siya. Mas lalo siyang gumanda. Mas matanda siya sa akin ng isang taon. 21 na ako at 22 na siya.
"Wala ka pa ring pinagbago, maloko ka pa rin."
Napapailing niyang tugon.
"Haaaaaaaaay."
Sabay kaming napatingin Kay Zeus dahil sa matunog niyang paghinga. Ngumisi naman siya bigla.
"Muling ibalik ang pait ng pag-ibig-"
"Loko!"
Sabay naming sigaw ni IU sa kanya ng magsimula siyang kumanta. Bumungisngis naman siya bigla.
"Naku, naku, magkasabay sila oh!"
Sinamaan ko siya ng tingin. Nalipat ang atensiyon naming tatlo kay Boss ng bigla siyang humikab.
"Tara na Lady IU. Ihahatid ka na namin sa Black Building. Hinihintay ka na ng ama mo."
Aniya sabay talikod. Susunod na sana ako ng biglang hawakan ni IU ang braso ko.
"Wait for me."
Bulong niya saka mabilis na hinawakan ang kanang kamay ko. No, no, no. Here we go the sparks again! Dang!
Magkahawak kamay kaming lumabas ng rest house at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang mapang-asar na tingin ni Zeus at malolokong ngisi ni Boss. Patay na , babaha na naman ng pang-aasar sa akin neto mamaya, panigurado.
RYLE'S POV
"HADES! Hindi pa ba tayo uuwi?!"
Nakasigaw kong tanong sa kanya dahil sa ingay ng paligid. Lakas kasi ng tugtog. Nasa Bar counter lang kami.
"Maya na!"
Sagot naman niya. I sighed deeply. Lagot na ako kay Zeni neto. Alas nuwebe na ng gabi.
"Pero-"
Ningisihan niya ako bigla.
"Akala ko ba hindi ka takot kay Zeni?"
Nakakaloko niyang sabi sabay tungga ng bote ng beer. Hindi ko na siya sinagot pa. Wala naman kaming ibang ginawa dito kundi ang uminom lang. Magtatanong ako sa kanya kung kailan kami uuwi at MAMAYA NA ang palagi niyang sagot. Nakakaumay!
"Hey Boys! Have some fun?"
Biglang umupo sa lap ko ang isang napakaganda at napakaseksing babae. Mapang-akit ang kanyang mga ngiti. May babae ding nakaupo sa lap ni Hades na kinabigla naman niya.
"What do you want?"
Tanong ni Hades sa babae. Napapikit na lang ako dahil sa kainosentehan ng tanong ni Hades sa babae. At hindi ko na naidilat pa ang mga mata ko ng nagsimulang mag lap dance ang babae sa lap ko. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng labi ko at napahawak ako sa beywang niya , dinidiin ko siya sa p*********i ko.
"May lahi ka bang banyaga? Ang laki kasi."
Malandi niyang bulong sabay halik sa labi ko. Damn!
"Foursome tayo sa Van?"
Naidilat ko agad ang mata ko at Nakangising tumayo ng karga siya. Nakasabit ang dalawang braso niya sa batok ko at ang legs niya sa waist ko.
"Why not?"
"Seriously?"
Hindi makapaniwalang bulalas ni Hades. Nakatayo na siya at parang nandidiring nakatingin sa babae sa harapan niya.
"Let's Have some fun. Hades."
Yaya ko sa kanya , kumunot naman agad ang noo niya saka tumango.
"This is weird."
Bulong niya sa akin saka inakbayan ang babaeng lumandi sa kanya. Natatawa na lang ako sa reaksiyon niya. Hindi yata siya sanay? Sa mga oras na to nawala sa isip ko si Zeni.
"Yun yung Van namin!"
Nakangiting sigaw ng babaeng kaakbay ko. Huminto naman bigla si Hades na kinatigil naming lahat.
"I can feel that there is something not good inside that van."
Nakakunot-noong wika ni Hades pero agad kaming hinila ng dalawang babae papunta sa deriksiyong iyon.
Nang makapasok na kaming apat biglang lumiwanag sa loob ng Van at nakatutok na sa aming dalawa ni Hades ang mga dulo ng baril. Who are they?
"Goddamn it!"
Sigaw ni Hades at nawalan ako ng malay.