Ryle's POV
NAKAKAINIS na tong babaeng to, kanina pa ako hindi pinapansin. Aish! Problema niya ba? Napakamot na lang ako sa batok dahil ayan na naman ang mabibigat at malalalim niyang paghinga. Para bang pasan niya ang buong mundo. Napailing na lang ako. Sa sobrang sama niya may problema pa siya? When you are a bad person daw, you are free. You can do whatever you want as long as it makes you happy. Katulad niya, sa tuwing may nasasapak siya tuwang tuwa siya. At wala siyang pakialam kahit madaming galit sa kanya.
Grade school palang kami schoolmate na kami hanggang ngayon, at hindi pa kami naging classmate at salamat sa diyos dahil dun pero ngayon , ito kami, I mean kami na. Nakakatuwang isipin na kami na , psh, fake relationship lang naman to kaya no biggie.
"Anong iniisip mo?"
Maangas niyang tanong.
"Ikaw."
Nakangisi kong sagot. Napangiwi naman siya.
"Ikaw your ass."
Tugon naman niya sabay lingon sa likod namin, kanina pa siya lingon ng lingon wala namang sumusunod sa amin. Mga babae nga naman oh!
"Ano bang meron sa likod?"
Nababagot kong tanong. Umiling naman siya. Malapit na kami sa sinasabi niyang tambayan nila. Hindi ko ugali ang umeskapo sa klase pero dahil pinilit niya akong sumama sa tambayan daw nila, sumama na lang ako. Isa pa ayoko talaga makipag talo sa kanya ngayon, mukha kasing anytime pwede niya na akong paslangin.
Nang makarating na kami sa isang simbahan, Ewan, pero para sa akin simbahan to kasi may Krus na nakapaskil sa ibabaw. Malaki siya at kulay puti. Anong gagawin namin sa simbahan? At bakit sarado to?
"Hindi ko alam na may balak ka palang pakasalan ako."
Bulong ko sa kanya sabay akbay tinapik ko pa ng tatlong beses ang braso niya kaya nadidiin siya sa akin.
"Saka maka-diyos ka pala? Hindi halata."
Nakangisi ko pang dagdag.
"Welcome to SLIPPERY WHEN WET."
Aniya sabay pitik ng dalawang daliri niya sa ere, at bumukas ang pinto ng simbahan. Nanlaki agad ang mga mata ko sa nakikita. Hindi ito simbahan, isa itong Evil Place. Anak ng! Devil in Disguise?
"I own this place. Welcome to hell."
Nakangiti pa niyang sambit sabay hila sa akin sa loob ng SWW. Nakaka-green naman ng pangalan neto, SLIPPERY WHEN WET? Aish! Medyo nag react si jun-jun, ayoko nga mag-isip!
"Anong gagawin natin dito?"
Tanong ko habang nililibot ng aking mga mata ang magandang kabuuan ng lugar. Kulay itim siya na , ang ilaw ay kulay dark violet at light red. Medyo madilim Ang paligid pero Hindi masakit sa mata. May tatlong Division lang ito. Wine, Books at Foods. Wow, ito pala ang tamabayan niya? Sabihin na nating maganda dito at sobrang nakakarelax pero napaka boring naman!
"Bakit pala Slippery When Wet?"
Nakangiwi kong tanong sa kanya. Ngumisi naman siya.
"Subukan mong magtagal dito. Malalaman mo."
Aniya saka umupo siya sa isang table sa gitna ng tatlong Division. Malaki ang table na yun at may apat na upuan lang.
"Dito kami tumatambay ni Zeus, Hades at Poseidon. Ang cool diba?"
Mapagmalaking kwento niya.
"Wala ka bang babaeng kaibigan?"
Umiling siya.
"Wala."
"Ang panget tingnan kung puro lalaki barkada mo."
"At least alam kong hindi ako paplastikin. At saka hindi lang sila basta kaibigan ko lang, parang kapatid ko na rin sila."
Natatawa akong napapailing na lang sa kanya.
"Ang panget pa rin tingnan, na magkasama kayo."
Napasinghal siya.
"I'm sorry but we don't give a damn."
Seryosong aniya sabay lapit sa Wine Division at kumuha siya ng dalawang bote ng wine doon.
"Lahat ng wine dito ay gawa ko. And this is my latest concoction. The Infamous Blood Wine mixed with vermouth and gin. What can you say huh?"
Pagmamalaki niyang wika, sabay taas neto at binigay sa akin ang isa. Blood wine?
"Dugo ng?"
"Tao? Haha, kidding aside."
Sinamaan ko sya ng tingin.
"Baka may lason to?"
"Bakit hindi mo subukang tikman?"
"Paano kung mamatay ako?"
Pabiro kong tanong.
"Edi may lason nga yan."
Nakangiwi niyang sagot. Tinitigan ko muna ang wine. Napakaganda neto tingnan. Kahit hindi ko pa natitikman batid kong masarap ito.
"Try it, boy."
Bulong niya sa mismong tenga ko kaya napalunok na lang ako. Anak ng! Kung may plano ka sa aking masarap ngayon Zeni, wag mo na patagalin. Bulong ko sa isip.
"Why, not?"
Sambit ko naman sabay bukas neto , inamoy ko muna at hindi ko maitatangging napakabango neto. Kakaiba ang amoy neto , nakakaadik.
"For my handsomeness!"
Tinaas ko muna ang bote saka tinungga, damn. Hindi ko mapigilang hindi ubusin ito sa isang tungga lang, napakasarap talaga ng wine na to. Nakakaadik. Kakaiba ito sa lahat ng natikman ko. Makuha nga ang formula neto kay Zeni.
"Wew!"
Naibulong ko yun ng maubos ko ang isang bote ng wine. I licked my upper lip then bit my lower lip while staring at the empty bottle. I emptied it in just one shot. Whoah!
"Want more?"
Nakangising tanong ni Zeni. Mabilis naman akong tumango. Who wouldn't, anyway?
"Sure-"
*BLAAAAG*
Sabay kaming napalingon ni Zeni sa pabagsak na pagbukas ng pinto at mula doon ay niluwa ang tatlo niyang kaibigan. Sina Hades , Zeus at Poseidon. Napatayo si Zeni at salubong ang mga kilay niya ng pasasahan niya ng tingin ang tatlo.
"Saan kayo galing?"
Tanong ni Zeni sa kanila.
"Pagkabata."
Pabalang na sagot ni Zeus na sinabayan pa ng nakakalokong tawa kaya binato siya ni Zeni ng may laman pang bote ng wine. Nasalo naman niya ito agad.
"Biro lang Boss. Oo nga pala, dumating na ang Heiress ni Lord X sa RH. Tayo daw ang susundo."
Tumango naman si Zeni, saka agad akong nilapitan at hinawakan sa braso.
"Uuwi ka na."
Aniya sabay hila sakin pero nagmatigas ako.
"Akala ko ba iinom pa tayo?"
Bulong ko sa kanya. Nahuli ko pa ang makahulugang palitan ng tingin ng tatlo niyang kaibigan.
"Saka na lang, may importante pa akong gagawin."
"Mas importante sa akin?"
Nakasimangot kong tanong. Kunwari nagtatampo, anak ng hindi ko to Gawain.
"Oo, mas importante pa sayo."
Seryoso naman niyang sagot kaya napamaang ako.
"Pero boyfriend mo ako?"
Sinamaan niya ako ng tingin.
"Uuwi ka o sasakalin kita?"
Maangas niyang tanong kaya napatayo agad ako.
"Sabi ko nga uuwi na ako."
"Good... Hades...Ihatid mo siya sa bahay niya."
Natigilan ako.
"Kaya kong umuwi ng mag-isa."
"No, ipapahatid kita kay Hades."
"At bakit?"
"Dahil sinabi ko."
Seryoso niyang tugon sabay sakay sa Van nilang magkakaibigan.
"Deritso kayo sa bahay."
Aniya saka umalis na sila.
Napasulyap ako kay Hades. Mas normal nga siya sa tatlong yun pero napakatahimik naman niya hindi ako sanay.
"Bar muna tayo?."
Nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi niya. Gusto ko ang naririnig ko pero.
"No, thanks, pero kung gusto mo, ikaw na lang."
Tanggi ko ngumisi naman siya.
"Are you afraid of my friend?"
"Friend? Who?"
"Zeni. Who else?"
I sighed.
"Nope."
"Then let's go!"
Wala na akong nagawa ng itulak niya ako sa loob ng sasakyan.
Lord, Wag sana to malaman ni Zeni.