BET

1005 Words
Ryle's POV 5:30 palang nagising na ako. Hindi ko alam kung bakit nagising ako sa ganitong oras. Nasaan na kaya si Zeni? Umuwi kaya siya? Agad akong naligo saka naka boxer lang ako na lumabas ng kwarto ko. Wala naman sigurong masama kung papasok ako sa kwarto niya? Saka girlfriend ko siya and top of all, nasa pamamahay ko siya.Tama, tama. Pumasok agad ako sa kwarto niya at mabilis na nilibot ng aking mga mata ang kabuuan ng kwarto Pero wala siya. Nasaan na kaya ang amazonang yun? Nakabukas ang banyo ngunit wala siya. Dali-dali akong bumaba at nagtungo agad sa kitchen, bago pa ako makapasok doon nakasalubong ko ang isang maid namin. "Good morning po, Sir." Magalang na bati niya saka tinanguhan ko lang siya. "Umuwi ba si Zeni kagabi?" Ngumiti naman siya ng pag kalawak-lawak. Baliw to. Sabagay ang gwapo ko. "Opo, nagluluto po siya ngayon." Naghintay pa ako na bawiin ang sinabi niya pero mukhang nagsasabi siya ng totoo. "Bakit hinayaan niyo siyang magluto? Paano kung lasunin tayo nun?" Medyo napagtaasan ko siya ng boses dahil bahagya siyang nagulat. "Grabe naman kayo, Sir. Simula po nung dumating siya dito sa inyo, siya na po ang nagluluto." Tumango naman ako saka sinenyasan siyang umalis na sa harapan ko. Kaya pala ang panget ng lasa kasi siya ang nagluluto? Aish! Pagkapasok ko sa kusina, nandun nga siya. Mukhang tapos na siya magluto. Maasar nga to. "Ipagtimpla mo ko ng kape." Ma-awtoridad kong utos sa kanya, sabay upo sa stool sa likod niya. Palihim pa akong ngumisi ng nakakaloko pero mukhang puputi na lang ang buhok ko, eh wala siyang balak na pansinin ako. Hinugasan niya lang ang mga ginamit niya sa pagluluto ng Hindi ako pinapansin. Damn? "Aherm, sabi ko...Timplahan mo ko ng kape." Medyo nilakasan ko pa boses ko pero wala pa ring epek. Bingi ba siya? Lumapit ako sa kanya, at sinilip ko siya mula sa likod, mukhang wala siya sa mood. Mas lalo tuloy ako ginanahan na asarin siya. Alam ko na. Pasimple kong hinawakan ang beywang niya saka , hinalikan siya sa punong tenga niya pero hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niya. Anak ng! "Zeni!" Sigaw ko sa mismong tenga niya kaya napatigil siya. Agad akong lumayo sa kanya. Mabuti na yung handa , ayoko pang mamatay! "Kailangan mo ba talagang sumigaw?!" Nauubusang pasensiyang tanong niya, ngumisi naman ako. "Kanina pa kita tinatawag, pero Hindi mo ko pinapansin." Sinamaan niya ako ng tingin. "Ano bang kailangan mo?" Maangas niyang tanong, napangiwi naman ako. "Kape." Tumaas pa ng bahagya ang gilid ng labi niya. "May kamay ka, ikaw na magtimpla." Tugon niya sabay talikod sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Inambahan ko pa siya ng suntok, sakto namang paharap siya kaya naiwan sa ere ang kamay ko at magkasalubong ang kilay na tinitigan niya iyon. "Gusto mo bang putulin ko yan?" Seryoso at mas malamig pa sa yelong tanong niya. Napalunok ako saka tinago ang kamao ko sa likod sabay iling ng mariin. Tumango naman siya. "Good." Aniya saka ako nilagpasan. "Kumain ka na diyan. Hihintayin kita sa labas." Dagdag niya pa bago siya lumabas ng kusina. I sighed in relief. She's totally creeping me out. ...... ZEUS' POV "Nagtext si Boss, papunta na silang school. Humanda kayo, kailangan niya ng Back-up." Napaikot ko na lang ang dalawang tantalizing eyes ko. Hindi ako bakla, sadyang feel ko lang iikot eyeballs ko, kung pwede nga din tong iikot tong balls kong sa baba, ginawa ko na. "Naririnig mo ba ako Zeus?" Tanong ni Poseidon sa akin. "Anong silbi ng tenga ko?" I asked mockingly. Kinindatan niya naman ako kaya pinanlakihan ko siya ng mga mata. Minsan may mga kaibigan talaga tayong dapat ikahiya. "Paalala, hindi ako pumapatol sa bakla." Nakangising bulong ko sa kanya kaya tinaasan niya ako ng isang kilay. "Kung magiging bakla din naman ako, ayoko sa panget na katulad mo." Nakangising banat niya pa kaya Napa roll eyes ulit ako. Na-eexercise eye balls ko kapag kausap ko Ang tokmol na 'to. "Yakang-yaka na yun ni Boss, malakas siya eh." Nakangising sabi ko saka nagtawanan kaming dalawa, paano kasi tong pareng Hades namin, ayaw makisali sa amin. Napaka kill joy, hindi na ako magtataka kung mamamatay siya ng mas maaga sa amin. Siya yung tipo ng tao na nakakatrigger sa mga psychopath na gusto ng pumatay. "Wala na bang balak si Boss na dagdagan ang VIP room niya?" Tanong sa akin ni Poseidon. Napailing na lang ako. Si Boss Zeni, ang may pinakamaliit na parte sa Black Building. Isang room lang ang pag-aari niya doon pero siya ang pinakakatakutan ng lahat,lahat ng nakakakilala sa kanya maliban sa amin kasi love love kami ni Boss eh, hahahaha Biro lang. Hindi kami natatakot sa kanya kasi, yun ang sinabi niya. Kapag takot kami sa kanya Ibig sabihin kalaban kami o may ginawa kaming mali which is malabo kasi good boy kami, lalo na ako. "Kontento na si Boss Zeni sa VIP room. Hayaan na natin siya." Tugon ko, tumango naman siya. "Minsan napapaisip ako bakit kaya hanggang ngayon hindi pa rin hiniwalayan ni Boss, si Ryle? Eh diba yung pustahan natin 1 day lang?" Bulong ni Poseidon sa akin. Ang hilig niyang bumulong kaya napagkakamalan ko siyang tsismoso. At oo, tama kayo ng nabasa, nagpustahan lang kami ni Boss kung kaya niya bang pasagutin si Ryle. Katuwaan lang lahat ng yun, hindi naman kasi totoo na sa 18th birthday niya ay ipapakasal siya ng parents niya sa business partner neto dahil una sa lahat wala naman silang business. Pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa rin hinihiwalayan ni Boss yung duwag na yun. Malabo namang main-love si Boss kasi wala yung puso. Debale na nga lang. "Siguro gusto patunayan ni Boss na may forever." Nakangising bulong ko din sa kanya. Napahagikhik pa siya kaya napaikot ko ulit ang eyeballs ko. "Loko ka, nagtext pala si Boss nasa school na sila. Tara na." Aniya saka kami pumasok sa Van. Akala ko ay may magaganap ng labanan. Wala pa pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD