Zeni's POV
Kung hindi lang siya dumating kanina, siguro napatay ko na yung tatlong yun. Nakakaputangina kasi, muntik ng matamaan si Ryle kanina ng mga arrows. Wala naman akong pakialam sa kanya pero kailangan ko siyang protektahan. Nang makarating na kami sa kotse niya saka niya lang ako binitawan, inalalayan niya ako pasakay at mabilis siyang umikot papuntang driver's seat. Malamang ayaw pa niyang mamatay kaya siya mag ddrive.
"Zeni, are you out of your mind? Muntik mo na silang mapatay!"
Much better! Bakit ba kasi dumating pa siya!
"Hindi mo man lang ba ako kakausapin?"
Umiling lang ako saka tinuon ang atensiyon sa labas, sinalpak ko pa ang earphone sa tenga ko, hindi ko naman yun in-on kaya maririnig ko pa rin siya, at dahil kilalang-kilala niya ako, nagpatuloy lang siya sa pagbubunga sa akin. Hindi ko naman siya kaanu-ano pero kung makapagsalita eh akala mo kung sino!
"Dapat kasi alam mong control-in ang galit mo Zeni. Alam kong wala kang pasensiya pero, ang papatay sa loob ng campus ? Ibang usapan na yan! Gusto mo bang ikulong kita sa Detention Island?!"
I rolled my eyes. Bakit ba kasi ang hilig niyang mangialam?
"Don't try me, Zeni. Don't try me."
Pagbabanta niya pa saka niya pinatakbo ang kotse.
NANG makarating na kami sa Black Mansion niya , mabilis akong bumaba sa kotse niya at walang lingong iniwan siya doon. Dumeritso agad ako sa kwarto ko. Nakakainis! Grrrrrr.
"Hoy, kausapin mo ako."
Hindi ko man lang namalayan na nakapasok na siya. Hindi ko siya hinarap.
"Bakit hindi ka na lang magpakita sa kanila?"
Walang emosiyong tanong ko sa kanya, rinig ko pa ang malalim niyang paghinga.
"Hindi pa sa ngayon, ang dami ko pang dapat ayusin."
Tumango naman ako pero hindi ko pa rin siya hinarap.
"Ayaw mo yata akong nandito?"
Natatawang bulong niya.
"Sensible words of the day."
Sarkastikang tugon ko saka siya hinarap.
"Saka na tayo mag-usap, uuwi muna ako."
"Okay."
MAMAYA NG GABI AKO UUWI. Lumabas na ako sa mansion niya saka deritsong sumakay sa motorbike ko. Ako mismo ang gumawa neto , kaya napakahalaga sa akin ito.
Nagtungo agad ako sa Black Building ng mag-isa. Hindi halatang galit sa akin mga tao dito, halos tadtarin ng pangalan ko ang dingding. Tsk tsk tsk.
Sumakay ako sa Dark Elevator patungong 10th floor. Kahit wala akong makita, alam kong hindi ako nag-iisa.
"It's been a long and crazy day, Zenith."
Bulong sa akin ng estrangherong kasama ko sa Elevator. Ramdam kong nasa likuran ko siya. Hindi ko siya pinansin. Pakialam ko ba?
"How's life with Ryle Ragas?"
Good, sagot ko sa isip ko. Wala akong planong kausapin siya. Hindi ko siya kilala.
"It's not very surprising if you won't talk to me. I'm the man behind those arrows, anyway."
Bago pa ako humarap sa kanya, bumukas na ang elevator, at mas mabilis pa sa hangin ang paglabas niya. Kahit hindi ko man nakita ang pagmumukha niya, hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang Red-Eye Tattoo sa batok niya. Gotcha boy.
Hindi ko na siya sinundan pa, nagtungo nalang ako sa VIP Room ng Black Building.
Lemme tell you some shits inside this VIP room. They served HUMAN FRESH BLOOD, okay, calm down , don't get me wrong, we're not vampires or whatever supernatural you'd think. We are just like you, the difference is, we're not normal. We drink blood, not because it makes us strong which is not, we drink it because we wanted to. And that's quite stupidity but it's cool right? For us.
In this room, you can't leave without paying and I'm not talking about money. Because VIP room isn't all about money, it's all about things that is priceless which makes you happy. And I'm telling you, you don't wanna know what it is. Why? Because the owner of this room is quiet crazy. And lucky you, it's me.
As the owner of this room I have all the rights to give you a tip on how to enter VIP room.
You are not allowed to enter VIP Room without killing anyone from this room. This is what we called MATIRA, MATIBAY. Kill or get killed.
And I know all of you were asking if what I am?
Am I gangster?
Nope.
I'm an outlaw.
I'm doing these bad things because I wanted to.
And it's not because I'm an outlaw, I won't follow rules. Sure I will, we have rules to follow, we have Bosses to obey. I am maybe the baddest person you've ever met but believe, there are more to nigh.
Sometimes we have to work with the bad person to meet the baddest one.
"Uy, boss!"
Okay, back to reality. Mas nauna pa si Zeus sa akin dito, and as expected nandito na rin sina Poseidon at Hades.
"Oh, who's here?"
Nakangising bulong ni Poseidon sa akin, siniko ko lang siya. Black ang VIP room, na ang kulay ng ilaw ay Light blue at dark red. Marami ang pumupunta dito dahil masarap ang pagkain at inumin. Matatawag nating may nagaganap na cannibalism dito, totoo iyon kasi nag seserve rin kami ng mga human fresh flesh pero hindi ako kumakain nun, mga costumer lang namin dito.
"May alam ba kayo tungkol sa mga Red-Eyes?"
Tanong ko agad sa kanila. Umupo na ako sa bakanteng upuan sa favorite table namin. Um-order na sila ng Blood wine at chocolate wine.
"Never heard about them. Maybe they're newbies."
Sagot ni Zeus, tumango lang ako. Baka nga baguhan lang sila. Pero wala akong pakialam. Kailangan ko silang ubusin.
Alas dose na ng hatinggabi ng makauwi ako. Tulog na siguro sila. Sobrang tahimik na ng mansion ni Ryle. Patay na lahat ng ilaw sa loob maliban sa labas. Nakapasok ako sa loob ng mansion ng walang nagigising , pati aso sa labas , hindi rin napansin ang pagpasok ko, well I have my ways.
Mabilis kong inakyat ang 2nd floor at dali-daling binuksan ang kwarto na inakupa ko. Hindi pa man ako nakapasok ay napansin ko na ang nakaawang na pinto sa kwarto ni Ryle. Tulog na kaya siya? Wala namang masama kung papasukin ko siya. Maingat kong sinara ang pinto at mabilis na pumasok sa kwarto ni Ryle. Damn!
Walang kamalay-malay si mokong na tulog mantika na may ibang tao sa kwarto niya. I mean hindi lang ako. Kahit nakamaskara siya , kilala ko siya. Nakatutok ang baril niya sa natutulog na si Ryle. Psh, bakit hindi na lang niya kalabitin ang gatilyo? Pinapatagal niya pa. Ang weak naman Neto , agad akong lumapit sa kanya, pero siyempre nasa likod niya ako at agad Kong itinutok ang hintuturo ko sa sentido niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko.
"Kapag kinalabit mo ang gatilyo, pinapangako ko sayo, hindi ka na makakatayo."
Seryosong banta ko sa kanya. Mukhang natakot naman siya dahil sa bilis ng pag-alis niya, nilipad ang kurtina sa bintana ni Ryle. May pintuan naman, bakit sa bintana pa dumaan? Tuleg! Napa smirk na lang ako, hindi mo pa oras ngayon pero sa susunod na tututukan mo ulit siya ng baril, ipuputok ko yun sayo.