"Dad, parang kinakarma na ata po ako sa mga ginawa ko sa inyo noong bata pa ako. Dinadaga po talaga ako, parang kahit magkasundo kami ni Gael may balakid pa rin sa amin ni Celine," bumuntong hininga si Zeki. "Ngayon ko lang naramdaman 'yung takot na anytime, dadating ang tunay na tatay ni Gael," malungkot nitong sabi. Kumirot bahagya ang puso ni Arvin, itong ito rin ang mga kinakatakot n'ya noon. Katulad ni Zeki, 'di rin nito alam kung anong gagawin kung sakaling magharap sila ng tunay na ama ni Zeki. Subalit hindi dapat mangaba ngayon si Arvin, alam nitong kailangan ng kanyang anak ng suporta galing sa kanya. Ngayon s’ya dapat mas maging matatag dahil sa kanya kukuha si Zeki ng lakas upang harapin ang tatay ni Gael kung sakaling mangyari na ang pinakakinatatakutan nitong mangyari. Ang harapin ito ng buo ang loob at iisang tabi ang sarili para kay Gael.
Tumayo si Arvin at kinuha ang kanilang pinagkainan. Tapos na kasi ang dalawang kumain. Pagbalik nito ay inaya niya ang anak sa sala para doon makapag-usap. Pinag-iisipan ng mabuti ni Arvin ang kanyang isasagot sa anak. Mahirap ito para kay Arvin dahil hindi ito nangyari noong bago pa lamang sila ni Eliz at magpahanggang ngayon ay hindi na nagparamdam ang tunay na tatay ni Zeki.
Nakatungo lang si Zeki hanggang makarating sila sa sala. Naramdam ito ng hiya dahil sa kanyang sinabi. Naupo silang dalawa at tumahimik sandali. Nabasag lang ang katahimikan ng nagsalita na si Arvin.
"Zeki, alam mo ba kung bakit ako pinapalayo ni Eliz ng paulit ulit?" sabi ni Arvin.
"Dahil sa akin." Ngumisi ito, sumandal sa sofa at tumingala.
"Oo, tandang tada ko pa ang mga titig mo sa akin noong una tayong magkita. Nakakatakot ako sa mga mata mo, para akong lalamunin ng buhay at kahit anong oras ay papaalisin mo ako sa bahay. Nakuha ko na ka agad ayaw na ayaw mo sa akin. Takot na takot no'n si Eliz sa naging reaksyon mo, ayaw n'yang isipin mo na hindi ka sapat at naghahanap pa s'ya ng ibang tao upang makapagpasaya sa kanya," kwento ni Arvin.
"Opo dad natatandaan ko po ang araw na 'yon. Akala ko po kasi tulad ka ng ibang nakilala ni mommy o 'di kaya tulad ng taong 'yon. Pinangako ko po kasi na wala ng ibang magpapaiyak kay mommy. Bata pa rin po kasi ako noon dad kaya akala ko alam ko na ang lahat, 'di ko akalaing tyatyagain n'yo ang kasutilan ko at sisikaping mapapalapit sa akin ng todo," sabi ni Zeki.
"Nangako kasi ako kay Eliz na gagawin ko ang lahat para lumambot ang puso mo sa akin. Hindi ko rin naman maatim na malungkot si Eliz o 'di kaya ay napipilitan ka lang na pakisamahan ako. Ang gusto ko, totoong mapapalapit ka sa akin at ituring mo na tunay na tatay. Sabi mo pa sa akin noon,
'Sino ka? Bakit ka nandito, bakit mo laging pinupuntahan si mommy? Ayaw kitang laging nandito, pampasikip ka lang sa buhay namin ni mommy. 'Di ka kaylangan ng mommy ko, masaya na kaming dalawa.'
Pinanghinaan na talaga ako ng loob no'n alam ko kasing pag ikaw ang nagdisisyon, hindi na tututol si Eliz. Sabi pa n'ya noon na kung ayaw mo, ayaw n'ya na rin. At hindi s'ya magdadalawang isip na iwan ako dahil mas importante ka kahit sa kaninong tao. Pero 'di ako sumuko, alam ko kasing mabait kang bata at mahal na mahal mo lang ang mommy mo kaya over protective ka sa kanya," sabi ni Arvin.
"Opo dad, 'di ko rin kasi matanggap na bakit si mommy pa ang dapat dumanas ng lahat ng paghihirap dahil sa lalakeng 'yon. Tumatak sa akin na dapat kong protektahan si mommy sa lahat ng taong maaring manakit sa kanya. Naalala ko pa no'n kung paano kita ipagtabuyan 'wag ka lang makalapit kay mommy. Kaya dad salamat kasi 'di mo ako sinukuang suyuin no'n," pasasalamat ni Zeki.
"Ano ka ba, wala akong ibang hangad kung 'di mapasaya kayong dalawa ng mommy mo. Tanggap ko ang nakaraan ni Eliz at kung sino ang mahal n'ya ay mahal ko rin at proprotektahan ko sa abot ng aking makakaya," sabi ni Arvin.
Ngumisi si Zeki. "Tulad ng araw na 'yon?" sabi ng binata. Ipinatong nito ang kanyang mga siko sa kanyang tuhod at pinagsalubong ang kanyang mga kamay.
Nakuha kaagad ni Arvin ang tinutukoy ni Zeki. "Oo, no'ng araw na pumunta si Klaire," sagot ni Arvin.
Namula ang tenga ng binata tanda ng inis at galit. Napansin agad ito ni Arvin, lumapit ito sa kanyang anak.
"Alam kong hanggang ngayon, malinaw pa rin sa alaala mo ang ginawa ng babaeng 'yon. At wala s'ya sa pusisyon upang pagsalitaan ka ng mga bagay na wala ka namang kinalaman. Nang marinig ko ang pang-aalipusta n'ya sa 'yo ay hindi ako nagdalawang isip na humarap sa kanya at ibalik ang mga bagay na sinabi n'ya sa 'yo. Alam nating dalawa ang katotohanan kaya bakit natin hahayaang masira tayo ng isang kasinungalingan." Inakbayan nito ang kanyang anak. "'Wag kang mag-alala hanggang ngayon walang nakakaalam sa mga nangyari ng araw na 'yon," sabi ng stepdad ni Zeki.
Ito ang araw kung saan nakita ni Zeki kung gaano ka engrata ang girlfriend ng kanyang tatay, siyam na taon pa lamang si Zeki no'n.
Kasama ng batang si Zeki ang kanyang mga kaibigan na kumakain sa kanilang canteen. Nang pinatawag ng guard si Zeki sa may guardhouse ng kanilang eskwelahan dahil may naghahanap ditong isang babae.
"Ato Zeki, nakikilala mo ba ang babaeng 'yon, asawa raw s'ya ni Mykiel," sabi ng guard. Nakatayo ang babae sa waiting shed, nagulat si Zeki dahil binisita s'ya ng taong 'yon.
Namumukhaan ni Zeki ang babaeng tinutukoy ng guard.
"Opo kilala ko po s'ya," pagkumpirma nito sa guard.
"E, paano papasukin ko ba o dito kayo sa harap ko kayo mag-usap? Kabilin-bilinan ng mommy mo na 'wag kang ipapakausap sa mga taong may relasyon kay Mykiel," paalala ng guard.
Ngumiti si Zeki. "Kuya, 'wag n'yo na lang pong banggitin kay mommy, gusto ko rin po kasi s'yang makausap. Okay lang po ba?" pakiusap ni Zeki.
Tinitigan ng guard si Zeki, nakita nito na pursigido ang bata sa kanyang hiling. "Sige pero dito lang kayo at kung may sabihin o gawin sa 'yo ang babaeng 'yan ay 'wag kang magdadalawang isip na sumigaw o 'di kaya ay tumakbo rito. Tatanawin din kita mula rito para mabantayan kita," bilin ng guard.
Ngumiti si Zeki sa guard. "Kuya, malaki na po ako, kaya ko na po ang sarili ko. Pero 'wag po kayong mag-alala gagawin ko po ang mga bilin n'yo. Salamat po kuya," sabi ni Zeki.
Alam ng buong eskwelahan ang kwento ni Zeki, dahil dito nag-aral ang kanyang mommy at tunay na daddy. Malapit din ang bata sa mga tauhan ng eskwelahan, mula sa mga guard hanggang sa maintenance at minsan ultimu taga-pintura ng mga classroom nila ay giliw na giliw sa kanya. Kaya naman gano'n na lamang ang pagbabantay ng mga ito kay Zeki.
Lumakad na si Zeki papalapit sa babae.
"Bakit po?" magalang nitong tanong.
Tinignan ng babae si Zeki mula ulo hanggang paa. Kinilatis n'ya ito ng maige lalo na sa mukha ng bata.
"Ikaw nga ang anak ni Mykiel sa babaeng 'yon, kuhang kuha mo ang mukha ng tatay mo," sagot ng babae.
Hindi nagustuhan ni Zeki ang pananalita ng babae ngunit isinawalang bahala na lang ito ng bata dahil turo ni Eliz sa kanyang anak na maging magalang kahit sino pa man ang kaharap.
"Opo ako nga po," maiksing sagot nito.
Dito nakumpirma ni Zeki na si Klaire nga ang babaeng ito. Ang bagong girlfriend ng kanyang daddy.
"Paki sabi sa mommy mo na layuan na n'ya ang asawa ko!" Tinalukuran nito ang bata at umalis. Agad na pinuntahan ng guard si Zeki at kinamusta.
Makalipas ang ilang araw mula ng maganap ang kanilang unang paghaharap ay 'di inaasahan ni Zeki na magkrus muli ang landas nilang dalawa.
Nakikipaglaro ng basketball si Zeki sa kanyang mga kaibigan ng biglang may tumawag sa kanya mula sa gilid ng court. Nagulat ito sa nakita, agad itong lumapit sa babaeng tumawag sa kanya.
"Bakit po?" magalang nitong tanong.
Bakas sa mukha ni Klaire ang galit. "Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na sabihin mo sa nanay mong malandi na 'wag na kaming guluhin ng asawa ko!" sigaw nito kay Zeki .
Nagulat si Zeki sa naging asta ni Klaire.
"Teka lang po, wala naman pong ginagawang masama ang mommy ko. At hinding hindi na po sila nag-uusap. Kaya wala po kayong karapatang pagbintangan ang mommy ko. At hindi po malandi ang mommy ko!" sabi ni Zeki. Mataas na din ang tono ng pananalita ni Zeki, subalit pilit na kinakalma rin nito ang kanyang sarili dahil alam nitong mas matanda sa kanya ang kanyang kausap.
"Ikaw bata ka! Sumasagot ka pa! Ganyan ka ba pinalaki ng malandi mong nanay!" mataray nitong sabi sa bata.
Gumawa na ng eksena si Klaire, nagtinginan na rin ang mga tao sa court. Mangiyak ngiyak na rin si Zeki sa harapan ni Klaire, 'di dahil sa takot, kung 'di sa galit na nararamdaman nito kay Klaire. Nanglisik na rin ang mga mata nito at nakatikom na ang kamao. Hindi na nagugustuhan ni Zeki ang mga sinasabi ni Klaire sa kanyang mommy.
"Aba! Pinanglilisikan mo pa ako ng mata ngayon! At ikaw pa talagang bata ka ang may ganang magalit ngayon!" sinigawan nan g tuluyan ni Klaire sa musmus na bata.
Nakita lahat ito ni Arvin, pupuntahan nito si Zeki upang panuoring maglaro at dalhan ng maiinum at damit. Saktong pagpasok nito ay nakita ni Arvin si Zeki na kausap ni Klaire at sinisigawan ng walang pakundangan.
Agad itong nagtungo sa kinaroroonan ng dalawa. Humahangos ito dahil narinig ni Arvin ang mga sinabi ni Klaire kay Eliz. Aawatin lang dapat nito si Klaire ngunit ng dilim ang paningin ni Arvin sa ginawa ni Klaire kay Zeki.
Aktong duduruin ni Klaire si Zeki. "Ikaw anak kalang sa labas! Anak ka sa buho! Anak ka sapagkakama…" Hinabot ni Arvin ang braso ni Klaire at pinilipit ito patalikod.
Hindi nagpahalata si Arvin sa kanyang ginawa kay Klaire ayaw nitong palalain pa ang sitwasyon o gumawa pa ng eksena. Ngunit nararapat lang na turuan ng leksyon ang walang modong asta ni Klaire.
"Subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo hindi ako magdadalawang isip na baliin 'tong braso mo," sabi ni Arvin dito.
Hindi nakapalag si Klaire, nagulat si Zeki sa pagdating ni Arvin.
"A...aray, nasasaktan ako!" sigaw ni Klaire.
"Isa pang sigaw at mababali talaga ang mga braso mo," banta ni Arvin. Mas pinilipit pa nito ang braso ni Klaire.
Napapikit na lang ito sa sakit. Naluha na rin si Zeki sa takot at halo-halong emosyong nararamdaman. Nakatitig lang ito kay Arvin hindi na rin ito makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
"Wala kang karapatang pagsalitaan si Zeki ng ganyan. Hindi ikaw ang bumubuhay sa kanya para sigaw sigawan mo basta basta. Wala ka bang pinag-aralan? Walang kamuwang muwang na bata ang pagdidiskitahan mo dahil kakitiran ng utak mo? At isa pa wala ka bang kahihiyan, gusto mo pa talagang mageskandalo dito? Baka nakakalimutan mo, na sa teritoryo ka namin," mariing sabi ni Arvin.
Pilit na kumakalas si Klaire sa pagkakahawak ni Arvin. Ngunit habang lumalaban ito, ay mas tumitindi ang pagpilipit ni Arvin sa kanyang braso.
"Ta...tama na, na...sasaktan na a...ko. Ba..ka naka...kalimutan mo rin na ba...bae ako," nangingiwing sabi ni Klaire sobrang sakit na kasi ng kanyang braso dahil sa ginagawa ni Arvin.
"Wala akong pakialam kung babae ka bakit nag-isip ka ba ng sigaw sigawan mo na lang kabasta ang anak ko," sambit ni Arvin. Uminit ang mga mata ni Zeki, para bang may mga luhang gustong kumawala dahil sa dalawang salita na kanyang narinig.
'anak ko'
"Pagsalitaan mo na ng kung ano ano si Eliz kakausapin kita ng mahinahon, pero pag si Zeki ang binastos mo tandaan mo handa akong humimas ng rehas mapagtanggol lang ang anak ko," banta ni Arvin.
Nanginig ang buong katawan ni Klaire sa takot, wala namang gaanong nakapuna sa tensyong nagaganap kay Arvin at Klaire. Niluwagan na ni Arvin ang pagkakahawak kay Klaire at itinulak ng malakas paharap. Halos masubsub ito sa pagkakatulak ni Arvin.
"Sa susunod humanap ka ng kasing edad mo, kung talagang matapang ka, kay Eliz ka mismo humarap. At sa susunod na makita o marinig kong sinisigawan at inaalipusta mo ang anak ko, 'di lang 'yan ang aabutin mo," dagdag ni Arvin.
Nagtatatakbo sa takot si Klaire, hawak hawak nito ang kanyang braso habang lumalayo sa dalawa.
"Natatakot ako dad na maranasan ni Gael ang mga pinagdaanan ko no'n, bata pa si Gael para mamulat sa ganoong sitwasyon. Natatakot din akong 'di ko magampanan ang responsibilidad na tumayong tatay ni Gael," pag-aalala ng binata.
Pinaupo ng maayos ni Arvin ang kanyang anak. "Zeki, katulad mo lang din ako no'n hanggang ngayon. Natatakot na isang araw bumalik ang mga lalakeng nanakita sa mga taong mahal natin. Sumasagi pa rin sa isip ko na isang araw, kaylangang magharap ni Eliz at Mykiel. Malaki ang takot ko na sa isang iglap kunin ka n'ya sa amin. Alam kong na sa wastong edad ka na para magdisisyon, ngunit bilang stepdad mo ayaw kong masakatan ka pa muli ng lalakeng 'yon dahil anak kita. Hindi man sa dugo, pero rito." Itinuro ni Arvin ang kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. "Ikaw ang panganay kong anak," sabi ni Arvin.
Nakatingin lang si Zeki sa kanyang stepdad. Masyadong sensitibo ang damdamin ng binata tuwing mapag-uusapan ang tungkol sa kanyang ama.
"'Wag kang matakot at mag-isip ng kung ano-ano, tanggap ka ni Gael, mahal na mahal ka rin n'ya. Napakaswerte ni Gael na ikaw ang magiging dada n'ya dahil alam kong magiging mabuti kang ama para sa kanya." Nakumpirma ni Arvin kung ano nga ba ang tunay na kinababahala ng kanyang anak. Ang pangaba nito sa pagbalik ng tunay na ama ni Gael at kung paano maging ama sa bata.
May kumukubli pa rin kasing anino sa katauhan ni Zeki patungkol sa kanyang ama. Hindi lang nito maamin sa kanyang sarili pero ito ang tunay na dahilan ng pagaalinlangan nito.
Hindi madali kay Zeki ang kanyang pinagdadaanan, marahil ang nandoon pa rin ang sakit ng pag-iwan sa kanila noon at ang ginawang pagtalikod ng kanyang ama sa responsibilidad nito sa kanya. Alam ni Arvin na may kulang pa rin sa pagkatao ni Zeki, hindi na n'ya ito mapupunan dahil may ibang taong dapat gumawa nito. Naiintindihan naman ito ni Arvin at nakasuporta ito sa anak n'yang si Zeki.
"At sa balak mong pakasalan si Celine, wala kang dapat ikabahala, dahil nagmamahalan kayong dalawa. 'Wag kang matakot magdisisyon, tatandaan mo lang palagi anak na kung ano ang na sa puso mo, 'yon ang gawin mo," payo ng ni Arvin sa anak.
Biglang tumunog ang cellphone ni Arvin. "Oh, ang mommy mo nag-text na." Tumayo ito at tinapik ang balikat ng kanyang anak. "Susunduin ko lang ang mommy mo, magpahinga ka na rin sa kwarto mo. Ipahinga mo muna ang sarili mo bago mo pagplanuhan ang lahat," paalam ni Arvin sa anak.
"Sige po dad, salamat po. Ingat po kayo," sabi ni Zeki sa kanyang stepdad.
Ginulo ni Arvin ang buhok ng anak. "Wala kang dapat ipagpasalamat, anak kita kaya ko ginagawa ang lahat ng 'to," sagot ni Arvin
Lumakad na ito palabas para sunduin si Eliz. Naiwang mag-isa si Zeki sa sala, muli nitong binagsak ang katawan sa sofa at tumingala.
"Kaylan ba mawawala ang sakit na nararamdaman ko dahil sa 'yo," sambit ni Zeki sa sarili at pumikit ito sandali.