Chapter 19

2055 Words
"Oy! Viel ano bayang ginagawa mo!" takot na takot na sabi ni Derek. Dahan dahan kasing lumalapit sina Derek at Viel sa pwesto ni Celine at ng isang lalakeng kausap nito. Na sa may bandang likuran sila ng lalake. Para silang may sinusubaybayan. Pupuntahan sana ni Viel ang kanyang ate Celine, ngunit tanghali na at nakaramdam na ito ng gutom. Kaya naman nagaya itong kumain sandali. At nagkataon namang nakita n'ya ang kanyang ate Celine sa napili nilang kainan. Lalapitan na sana ito ng dalawa ngunit may lalakeng kumakausap dito. "'Wag kang magulo!" mahinang sabi ni Viel at hinampas pa si Derek. Pinipigilan kasi ito ni Derek na lumapit pa sa dalawa. Humarap ito kay Derek. "'Yung babae ate ko 'yon, s'ya ang mapapangasawa ni kuya Zeki." Itinuro pa nito si Celine. "E, 'yung lalake sino? Ikakasal na pala s'ya ba't nakikipagkita pa s'ya sa ibang lalake?" tanong ni Derek. "'Yon na nga ang aalamin natin! Kung sino ang lalakeng kausap ni ate," sagot ni Viel. "Ano! Viel naman baka mapahamak pa tayo n'yan," inis na sabi ni Derek. "Ay kung ayaw mo, bahala ka d'yan!" Tinalikuran na nito si Derek. Walang nagawa si Derek, sumunod na lang ito kay Viel at umaasang hindi sila mapapahamak sa kanilang ginagawa. Lumipat pa muli si Viel ng upuan na mas malapit sa dalawa. Sumunod din naman si Derek. Mabuti na lang at may nababakanteng lamesa malapit sa kinauupuan nina Celine kaya nakakalapit sila kaagad sa mga ito. Buti na lang at hindi sila nasisita ng mga waiters na dumadaan. "Viel!" muling saway ni Derek. Hinatak na nito si Viel para huminto. Lilipat na naman kasi ito ng upuan. Naguguluhan at natatakot na rin kasi si Derek sa ginagawa ni Viel na pagmamantyag. Nakauniporme rin kasi silang dalawa, at pagmay gulong nangyari dahil sa ginawa nila ay baka madawit ang school na kanilang pinapasukan. "Ano!" iritang sabi ni Viel. "Kung takot kang sumunod d'yan ka na lang! Kanina ka pa ay nako." Inis na inis na si Viel sa kanyang kasama. Napakamot pa ito sa kanyang ulo sa inis. Tinanggal din nito ang kanyan bag. "Oh!" Ibinigay nito ang kanyang bag kay Derek. Hindi kasi ito makakakilos ng maayos dahil sa kanyang bitbit. "Hawakan mo na lang 'yan, d'yan ka lang kung natatakot ka. Pagsumenyas ako hawakan mo 'yung lalake," utos ni Viel. Pagkaabot ni Derek sa bag, nagulat ito dahil ang bigat ng bag ni Viel, kaya pala nahihirapan itong kumilos. "Viel ang bigat! Bitbit n'yo ba ang buong bahay n'yo?" Nagulat ito dahil wala na ang kanyang kausap. "Viel Eilish! Anong senyas! Oy! Magbibigay ka na lang ng instructions, kulang kulang pa! Oy!" mahinang tawag ni Derek, ngunit abala na sa pagmamatyag si Viel kaya 'di na nito narinig mga sinabi ni Derek. Lumakad na muli si Viel papunta sa pinakamalapit na lamesa, sumunod ito sa lamesa kung saan nakapwesto sina Celine. Hindi na nakasunod si Derek dahil sa dami nitong daladala. Maganda ang na pwestuhan ni Viel. Dinig na dinig nito ang usapan ng dalawa. Tahimik itong nakinig. "Its been what, two? Three years seens then," sabi ng lalake kay Celine. "Oh my gosh! Sino ba 'tong lalakeng 'to! 'Di kaya ito si!" sabi ni Viel sa sarili. "Four years," sagot ni Celine. "Four years, four years." Malakas ang kutob ni Viel kung sino nga ba ang kausap ng kanyang ate Celine. Ngunit gusto pa nitong mas kumpermahin ang mga bagay bagay. Kaya matyaga pa itong nakinig. "Yeah right. Four years. Ang tagal na rin pala. Four years. So hows life?" sumunod na tanong ng lalake. "Hala ano ito? Job interview? Lakas maka-HR ng lalakeng 'to! 'Di ko rin s'ya feel, parang ang yabang yabang n'ya. Kung sino man s'ya ayaw ko sa kanya!" Ito ang dating kay Viel sa lalakeng kausap ng kanyang ate Celine. "Okay naman," sagot ni Celine. "Go ate! Tama 'yan! 'Wag kang papasindak sa panget na 'yan! Akal mo kung sino s'ya! Ang yabang yabang n'ya!" sabi ni Viel sa sarili. "Oh, I see. So, ano ba. Bakit 'di mo ginagalaw 'yang ice cream? Cookies and cream is your favorite flavor right?" pagpuna ng lalake sa ice cream ni Celine. Sumilip si Viel at tinignan ang ice cream. Nakita nito ang tinutukoy ng lalake. "Ay, wrong move kuya. Very wrong. Ayaw ni ateng lalagyan ng chocolate syrup ang cookies and cream na ice cream. Nako nako! At nakakairita, english ng english, na sa Pilipinas tayo!" May pag-iling pang nalalaman si Viel dahil sa mga narinig. "Oh wait. It's not cookies and cream. Its Vanilla, yeah, how stupid of me. Vanilla is your favorite ice cream flavor. Wait let me change it," sabi ng lalake at tumawag pa ito ng waiter. "Sir," sabi ng waiter sa lalake. "Can you give me another ice cream, vanilla flavor," utos nito. "Sure sir, anything else sir?" tanong muli ng waiter. "Nothing," sagot ng lalake. "Okay sir." Umalis na kaagad ang waiter. Maingat pa ring nakikinig si Viel sa usapan ng dalawa. Panay din ang side comment nito sa kanyang isipan. Malakas ang kutob nitong si Lanz ang kausap ng kanyang ate Celine. Ngunit bakit nagkrus ang landas ng dalawa? Sino kaya ang nakipagkita sa dalawa? Si Celine o si Lanz? Ito ang mga tumatakbo sa isipan ni Viel. Ngunit di nito hinuhusgahan ang kanyang ate Celine. Kung ito man ang nakipagkita kay Lanz. Alam nitong may dahilan ang ate Celine n'ya kung s'ya man ang nakipagkita sa lalakeng ito. O kaya kung bakit ganito s'ya makitungo rito. "How stupid of me. I thought you love cookies and cream with chocolate syrup. Any way, do you have a job or business that is managing right now?" tanong muli ng lalake. "Working, sa isang publishing company," sagot ni Celine. "Oh, nice. As a? Supervisor? Head, manager?" May pagkumpas pa ito ng kanyang kamay. "Ay grabe s'ya? Rich 'to siguro kaya kung makapgtano 'to ganoon ganoon na lang! I hate him! Pati ako nahahawa sa kaka-english n'ya!" Nakaramdam ng pagkainsulto si Viel sa paraan ng pagsasalita ng lalake. Nairita ito lalo dahil sa tono ng kanyang pagsasalita. "Editor," maiksing sagot ni Celine. "Go ate! Go! Soplahin mo ang lalakeng 'yan! Akala ba n'ya madaling maging editor!" sabi ni Viel sa sarili. Naramdaman ni Viel na iritable na si Celine sa kausap. "Nice, but you know what if you persue engineering or sa course kong archi noon, mas okay ang." Biglang tumayo si Celine, nagulat ang lalake. "Wait, sit down," utos nito. Kinuha ni Celine ang kanyang bag. "Tapos na ang lunch break ko. Kaylangan ko ng bumalik sa opisina," sabi ni Celine sa kanyang pinakamahinahong boses ng mga oras na 'yon. Nagulat si Viel sa ginawa ng kanyang ate Celine. "Celine, sit down. 'Di pa ako tapos makipagusap sa 'yo," sabi ng lalake na medyo mataas ang boses. "Its to early to end this conversation," dagdag pa nito. Napapikit si Celine sa inis. Huminga muna ito ng malalim at saka pinakalma ang sarili. Humarap ito muli sa lalake. "Lanz, wala akong panahon sa mga kwento. May trabaho ako, so please. 'Wag mo kong diktahan sa gagawin ko," sabi nito kay Lanz. Kitang kita ni Viel ang pamumula ni Viel sa galit, inis at iyamot sa kausap. At ngayon lang nag-sink in sa kanyang isipan na tama ang taong hinihinala n'yang kausap ng kanyang ate Celine. "OMG! Tama ako! Ang nakakainis na lalakeng 'to ay si Lanz! Grabe, napakamatapobre ng pagtrato n'ya kay ate! Ay kumukulo ang dugo ko sa lalakeng 'to!" Pinipigilan ni Viel na makisabat sa usapan. Ayaw nitong palalain pa ang mga nangyayari. Ngunit hindi nito alam kung hanggang kaylang n'ya mapipigilan ang sarili. "Celine!" sabi ni Lanz na may kalakasan ang boses, hinampas din ni Lanz ang lamesa kung kaya napatingin ang karamihan sa dalawa. Pumukaw na talaga ang atensyon ng mga tao na kumakain sa mga oras na iyon. Tuluyan na ring tumahimik sa kainan dahil sa malakas ng pagkakatawag ni Lanz kay Celine. "'Wag mo subukang talikuhan ako ng pangalawang beses. Alam mong pinaka-ayaw ko sa lahat ay 'yang tatalikuran ako habang kausap pa kita," banta ni Lanz. Diretcho lang ang tingin ng mga mata ni Celine. Walang emusyon, walang pagaalinlangan at walang takot. "Ay talaga naman!" Akmang tatayo na si Viel at susugirin si Lanz ng may humil sa kanyang mga kamay. Kaya napaupo muli ito sa upuan. Paglingon nito ay hawak hawak ni Derek ang kanyang mga kamay. "Ano!" bulyaw nito kay Derek. "Ano susugod ka do'n? Nako Viel, maupo ka d'yan," saway ni Derek at pinanglakihan na nito ng mata si Viel upang makaramdam ng takot. "Si ate! 'Di ako papayag na ginaganito s'ya!" sagot ni Viel. "Umupu ka," muling utos ni Lanz kay Celine. At itinuro pa nito ang upuan. Nagitla ang dalawa at napatingin kay Celine na kasalukuyang nakatayo. Hindi nagpatinag si Celine sa utos ni Lanz. Hindi ito umupo at hindi rin nagsalita. "Sit down," mulin utos ni Lanz. Hawak hawak pa rin ni Derek ang kamay ni Viel. Ayaw nitong bumitaw kay Viel dahil alam nitong susugurin nito ang dalawa. Palaban na talaga si Viel ng mga oras na 'yon. Pilit itong nagpupumiglas sa pagkakahawak ni Derek. "Bakit ayaw mo ba akong bitawan!" galit na galit na sabi ni Viel. "Ito!" Pinakita ni Derek ang cellphone ni Viel ngunit hawak pa rin nito ang kamay ni Viel. "Kanina pa tawag ng tawag ang mga kagrupo mo sa thesis n'yo." "Amina nga!" inagaw ni Viel ang kanyang cellphone. "Hello, oo napasa ko na, sa email at group. Oo, oo nga. Ito na nga tatawag na lang ako mamaya," nakikipagtalo si Viel sa kanyang kagrupo. Nang nakita ni Viel na naglalakad na paalis ang kanyang ate Celine. "Oo mamaya na sige sige bye," binaba na ni Viel ang tawag. "Anong nangyari?" gulat na gulat na tanong ni Viel kay Derek. "Ano ganito." 'Di pa natatapos magsalita si Derek ng biglang. "Celine!" sigaw ni Lanz. Natigilan ang dalawa. Dito nakita ni Viel ang itsura ni Lanz. Tall dark and handsome, ang lakas din ng dating nito. Maangas at matipuno ang pangangatawan. Ngunit mas nairita si Viel sa pagmumukha ni Lanz. Kahit gwapo ito ay walang dating ang itsura ni Lanz kay Viel dahil sa pinakita nitong pag-uugali. Binaling ni Viel ang kanyang tingin kay Derek. "Ano na? Anong nangyari kanina!" sabi nito. "Pinipigilan nung lalake 'yung ate mo, kaso ayaw magpagil umalis bigla," paliwanag ni Derek. "Haist." Napatitig na lang si Viel sa kanyang ate Celine na papalayo. Palabas na ito ng pinto. "Hindi ako dapat maupo lang, dapat may gawin ako. Isip Viel, isip." Napayuko na lang ito. "Kaylangan ako ni ate ngayon, kaylangan ko s'yang protektahan. Ni minsan hindi ko nakitang magpigil ng galit si ate. 'Di normal 'to, may mali sa mga nangyayari." Tumayo bigla si Viel at nagdisisyong habolin ang kanyang ate Celine. Nagulat si Derek sa mabilis na kilos ni Viel. "Oy! Saan ka na naman pupunta!" sabi nito kay Viel ngunit 'di ito pinansin ng kasama. Humahangos itong naglalakad palabas. Hindi na nagawang hawakan ni Derek si Viel dahil sa kanyang mga bitbit "Sandali! Oy! Viel!" sabi ni Derek. 'Di ito magkanda mayaw sa pagbibit ng bag ni Viel. Panay din ang vibrate ng cellphone ni Viel dahil sa tawag ng kanyang mga kagrupo sa thesis. Hindi na alam ni Derek ang uunahing gawin. Nang masukbit na ni Derek ang mga dalang bag at naibulsa na ang cellphone ni Viel ay nagdisyon na itong sundan si Viel palabas ng kainan, upang habulin si Celine Patayo na si Derek para habulin si Viel. Nang napahinto ito, "Go look for Ezikiel dela Cruz. Yes, yes, all information about him. And send it on my email. Gusto kong malaman ang lahat lahat sa lalakeng 'yan," sabi ni Lanz sa kausap. Nakaramdam ng kaba si Derek para sa kuya ni Viel. Mukhang malikang tao ang kanilang haharapin. 'Di akalain ni Lanz na ganito pala ang lalakeng kanina pa nila minamatyagan. Inobserbahan pa nito ng kaunti si Lanz at nakiramdam sa maaring gawin nito. Ilang minuto pa ay umalis na rin si Lanz. Sinigurado ni Derek na sa ibang direksyon nagtunga si Lanz. Ayaw nitong madawit sa nararamdaman n'yang gulo, ngunit ayaw din nitong mapahamak si Viel. Ito na rin ang naging hudyat ni Derek upang sundan si Viel. Agad na itong umalis at hinabol si Viel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD