Chapter 18

2041 Words
Papuntang studio si Cheska, sabado noon at wala itong pasok. After lunch  ito pumunta upang 'di na sumabay sa bugso ng taong pupunta sa mall upang mananghalian. Pusturang pustura pa ito at akala mo ay may kasal na pupuntahan. Naka-cocktail dress itong above the knee, body fit at kulay pula, bagay na bagay ito kay Cheska, with matching high heels pa. Todo make-up din ito, na tugma sa kanyang eliganten suot. Halatang halata nga lang na may pinagpapagandahan ito. "Hi Kalvin!" masiglang bati nito kay Kalvin pagpasok nito sa studio. "Ay, kayo po pala ma'am Cheska. Good afternoo po," bati ni Kalvin kay Cheska. Napansin kaagad ni Kalvin ang ganda at todo pormang ayos ni Cheska. "Ano ka ba, ate Cheska na lang." May paghampas pa ito sa hangin. Pabebe rin itong kumilos. "Nakakatanda masyodo ang ma'am," sabi ni Cheska habang tumatawa. Matapos magsalita ay lumingalinga ito na para bang may hinahanap. Napansin ito ni Kalvin. "Ma'am, ay este ate Cheska si Sir Zeki po ba ang hinahanap n'yo?" tanong ni Kalvin. Panay pa rin ang linga nito at kulang na lang ay dumukhaw sa counter ng studio. Humahaba na rin ang leeg nito sa pagdungaw ng loob. "Ate?" muling tanong ni Kalvin. Doon pa lang napansin ni Cheska na s'ya pala ang kinakausap ni Kalvin. "Ah? Ha? Ano?" tanong ni Cheska kay Kalvin. "Ate, tinatanong ko po kung sino ang hinahanap n'yo? Si Sir Zeki po ba?" ulit na tanong ni Kalvin. Matapos marinig ni Cheska ang tanong ni Kalvin ay humarap ito kay Kalvin at sumandal sa counter. Nag buntong-hininga si Cheska, nangalung baba at mukhang dismayado ito dahil 'di n'ya nakita ang hinahanap. "Si Sir Zoren mo? Na saan s'ya?" pabulong na tanong ni Cheska kay Kalvin. Ngumisi si Kalvin. "Ate? Si Sir Zoren talaga?" nakangiti nitong tanong at para bang nang-aasar ang tono. Napayuko si Cheska, maya maya ay tumunghay muli ito at tinitigan ng masama si Kalvin. "Kalvin, kung ikaw kasi ang na sa edad ko at ang bestfriend mo magpapakasal na with in six months. Then halos lahat ng ka-batch mo mula elementary, highschool at college may mga asawa at anak na. Maiintindihan mo ang nararamdan ko! I'm running out of time! Lahat sila settled na, napag-iiwanan na ang beautyo ko! Tignan mo! Ako! Single! Hanggang ngayong single! Ni boyfriend wala! Kaylangan ng lumandi. 'Di 'to pupwede! Ang matres ko!" gigil na sabi ni Cheska. Nagulantang si Kalvin sa kanyang mga narinig. "A....ate, easy lang po. Ano po si sir po kasi ay." 'Di pa man lang nakakatapos magsalita si Kalvin ay inilapit ng pilit ni Cheska ang mukha nito sa kanyang kausap para lubos na marinig ang isasagot nito. "Si sir po ay," pabiting sabi ni Kalvin. Naiilang na ito sa pagkakalapit ni Cheska sa kanyang mukha. Napapaatras na ito ngunit sumusunod pa rin ang mukha ni Cheska. Halos sumampa na ito sa counter. "Ay, na sa," "Na saan!" ata na sabi ni Cheska. Kulang na lang ay alog-alogin nito si Kalvin. Ngumisi muli si Kalvin, nakaisip ito ng isang kalokohan. "Sir!" sigaw ni Kalvin. "May naghahanap po sa inyo!" Nanglaki ang mga mata ni Cheska. 'Di nito alam ang gagawin. Kalahati ng katawan nito ay nakasampa na sa lamesa ng counter. Natataranta na ito kung paano dadausus pa baba. "Sino 'yon Kalvin?" tanong ni Zoren, na sa likuran lang pala ito ng kurtin sa gilid ni Kalvin. Nag-aayos kasi ito ng kanilang mga supplies na bagong dating at kumukuha na rin ito ng ilang kagamitang kaylangan n'ya. Dumungaw ito upang malaman kung sino ang naghahanap sa kanya. Nagugulantang na si Cheska at 'di alam ang gagawin, itinulak na nito ang sarili pa layo sa lamesa upang makababa. 'Di na nito malaman kung tatayo ba s'ya, maglalakad o magsasalita. 'Di kaagad nakasagot si Kalvin dahil nagitla ito sa ginawa ni Cheska. Akala nito ay matutumba ito pagbaba sa counter ng lamesa. "Sino Kalvin?" ulit na tanong ni Zoren. "S'ya," at tinuro ni Kalvin si Cheska. "Si ate Cheska," dugtong nito. "Oh, wait." Lumabas si Zoren bahagya mula sa kurtina. Nakita ni Cheska ang paglabas ni Zoren dahil salaming katapat nito. Napadungaw muli si Cheska sa may counter. Napakagat labi ito sa kanyang nakita. Wala kasing damit pangtaas si Zoren, pawis pawisan din ito pagkalabas sa kurtina. Napalunok pa si Cheska habang titig na titig sa magandang katawan ni Zoren. Sinusundan ni Chaska ng tingin si Zoren. "Kalvin, pakisabi kay miss Cheska sandali lang," utos ni Zoren. 'Di nakita  ni Zoren ang pagdungaw ni Cheska. "Ate." Napansin ni Kalvin na halos lundagin na muli ni Cheska ang counter upang masundan lang ng tingin si Zoren. "Ate ito tissue." Kinuha naman ito ni Cheska, masyado itong titig na titig kay Zoren kaya 'di na nito napansin ang inabot ni Kalvin. Umaagikhik naman si Kalvin kakatawa dahil sa itsura ni Cheska. "Ate, wala na dingding na 'yan. Tapos may pinto pa. Wala kang x-ray vission para bosohan si Sir Zoren," sabi ni Kalvin kay Cheska ma may halong pang-aasar. Bumalik na sa ulirat si Cheska. Tumayo na ito ng maayos, nagulat na na lang ito dahil may hawak-hawak s'yang tissue. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya dahil 'di nito lubos na kita ang magandang katawan ni Zoren. Pagbaling nito ng tingin ay mangiyak-ngiyak na kakatawa si Kalvin. "Bakit? Anong nakakatawa?" mataray na tanong ni Cheska. "Titig na titig ka po kasi kay Sir Zoren. Halos ilusot n'yo na po ang katawan n'yo dito sa counter. Tapos kahit ano po ata ano ang iabot ko sa inyo, kukunin n'yo," tumatawang sabi ni Kalvin. "Halos tumulo na rin ang laway n'yo sa pagtitig sa katawan ni Sir Zoren," dagdag nito. Inihagis ni Cheska ang hawak hawak nitong tissue. "Ikaw! Hay! 'Wag ka ngang maingay! Baka marinig tayo ng Sir Zoren mo nakakahiya!" mahinang sabi ni Cheska ngunit ng gigigil ito kay Kalvin dahil sa pangangantiyaw nito. Naglakad papuntang recieving area si Cheska na katapat lamang ng counter. Umupo ito sa sofa at matyagang naghintay kay Zoren. "Ate ikuha ko po ba kayo ng juice, coffee or water?" tanong ni Kalvin. "Si Zoren ang gusto ko," mabilis na sagot nito. Nagulat si Kalvin sa diretchong sabi ni Cheska. "Charot lang, tubig na lang. Ang init kasi, 'yung malamig please," sagot nito, binawi rin ni Cheska ang kanyang unang  sagot. Napangiti si Kalvin at kumamot sa kanyang ulo. "Dahil po ba sa nakita n'yo si sir na walang suot na t-shirt?" nangaasar na tanong ni Kalvin. Biglang sumenyas si Cheska na huwag maingay. "Shhh! Baka marinig ka ni Zoren! Nakakahiya!" saway ni Cheska kay Kalvin. Akmang hahagisan na ni Cheska ng unan si Kalvin. "Sir Zoren oh!" bigla tinawag ni Kalvin si Zoren at saktong lumabas na ito galing pinto. "Yes," sagot ni Zoren habang inaayos nito ang botones ng kanyang polo. Kaya naman walang damit pang taas si Zoren ng mga oras na 'yon ay dahil ayaw nitong madumihan ang kanyang damit na suot. Nagkataon ding wala s'yang dalang extrang damit. Madumi kasi ang ilang mga kahon. Napatingin ito kay Cheska na tyempong ihahagis ang throw pillow na hawak. "Cheska? May problema ba?" Ngumiti si Cheska. "Ay wala, ano kasi, ahm ito?" Ipinakita ni Cheska ang throw pillow. "Ano kasi ito ano, maalikabok na! Tama! Ang dumi na, pagpagin ko lang para 'di nakakahiya sa mga uupo rito. Ganoon na nga." At pinagpag nito ang unang hawak. "See." Umubo pa ito bahagya, para kunwari ay napaubo ito sa dumi. Tumango naman si Zoren. "Nako nakakahiya naman sa 'yo, akin na 'yan mga unan." Lumapit ito at kinuha ang mga unan. Naamoy ni Cheska si Zoren, at ang bango nito. Napapikit pa ito habang nilalanghap ang bango ni Zoren na kasalukuyang katabi nito. Na sa tabi kasi ni Cheska ang mga throw pillow. "Oh my gosh! Ang bango n'ya! I can not resist it. Gwapo, gentleman, hot, ang ganda ng katawan, yummy at ang gwapo pa! S'ya na si the one!" kilig na kilig nitong sabi sa kanyang sarili. "Ate," tawag ni Kalvin. Muli itong natawa sa itsura ni Cheska. Akala kasi nito ay na sa harapan pa n'ya si Zoren. Naiwan kasi amoy ni Zoren. Inilapag ni Kalvin sa lamesa ang hawak nitong baso ng tubig. "Oy!" paggulat nito kay Cheska. Hinawakan pa ni Kalvin ang balikat ni Cheska upang matauhan. Napamulat si Cheska sa gulat. "Si Zoren?" tanong nito. "Kanina lang nandito s'ya?" nagtatakang sabi ni Cheska. Itinuro pa ang kung saan ito nakapwesto kanina. "Ate bitbit n'ya po lahat ng throw pillow, ipinasok po sa loob. Madumi na raw po kasi sabi n'yo. Sa katunayan po kakapalit ko pa lang ng mga 'yan kahapon, kaya 'di ko alam na ang bilis dumumi ng mga 'yon," sagot ni Kalvin. Napangiti na lang si Cheska. Wala na kasi itong maisip na idadahilan. Pati tuloy si Kalvin ay madamay. "Oh! Look how's here!" bati ni Vincent. Pagpasoka na pagpasok nito sa studio. "Sir, good afternoon po," bati ni Kalvin kay Vinaent. "Good afternoon din," sagot ni Vincent kay Kalvin. Tinabig ito ni Vincent at sumenyas na lumayo. Nagtungo naman si Kalvin sa pintuan papasok sa loob, ngunit tanaw pa rin nito ang dalawa. "And a very beautiful afternoon din sa 'yo, beautiful Cheska," bati naman nito kay Cheska. Lumapit pa ito kay Cheska, lumuhod, hinawakan ang kamay at hinalikan. Nagulat si Cheska sa ginawa ni Vincent. Matapos ay tumingin ito kay Cheska sa mata at inayos ang kanyang buhak. "Nako! Parang may nakaipit sa tenga mo!" sabi ni Vincent. "Huh?" nagtatakang sabi ni Cheska. Pagkahaplos ni Vincent sa tenga ni Cheska ay may bulaklak na lumabas. Ipinakita ito ni Vincent kay Cheska. "Ito oh." Isang pulang rosas. "For you." Ibinigay nito kay Cheska ang bulaklak. Pigil na pigil sa pagtawa si Kalvin. Ito kasi ang istilo ni Vincent sa kanyang natitipuhang babae. Papakitaan ng magic at idadaan sa charm. Tinaasan naman ito ng kilay ni Cheska. "Ah, okay," sabi nito, pinagkrus pa nito ang kanyang mga braso. Wala man lang bakas ng kilig ang naging reaksyon ni Cheska. Bagkus bahagya pa itong nairita sa pagdating ni Vincent. Mahangin at feeling gwapo kasi ang entrada ni Vincent. Malakas naman talaga ang dating ni Vincent, gwapo at makarisma. Ngunit pagdating kay Cheska ay waley lahat ng ito. Lumabas na si Zoren sa pinto. "Oy! Pulang pula ka na kakatawa d'yan!" Puna ni Zoren kay Kalvin na pinipigilan pa rin ang kakatawa. Ayaw naman masira ni Kalvin ang diskarte ng kanyang Sir Vincent kaya pilit itong nagpipigil ng tawa. "E, kasi sir," panay pa rin ang pagpigil nito sa pagtawa. 'Di na ito makapagsalita ng maayos dahil dito. "Wala ako maintindihan," sabi ni Zoren. Hindi pa rin mapagsalita si Kalvin kakatawa kaya itinuro na lang nito ang kinaroroonan ni Vincent at Cheska bago pa mainis ang kanyang Sir Zoren. Sinundan naman ito ng tingin ni Zoren. Natawa rin bigla ito sa nakita. Nakaluhod sa harapan ni Cheska si Vincent. Tanaw din nito ang pagtaas ng kilay ni Cheska, sinyales na walang dating sa kanya ang pakulo ng kanyang kaibigang si Vincent. "Tara lapitan natin! Mukhang ito na ang karma ng playboy ng studio!" makulit na sabi ni Zoren kay Kalvin. Lumapit ang dalawa na panay pa rin ang pagtawa. "This is for you young lady," sabi ni Vincent sabay kindat. "Huh? Anong ginagawa mo?" sambit ni Cheska sabay irap. "Boom! Panes! Boom boom, panes panes" sabay na sabi ni Zoren at Kalvin, sumayaw pa ang dalawa at humagalpak na ang dalawa kakatawa. Napatingin si Cheska sa dalawa. Napatulala si Vincent sa kanyang naring, hindi ito makapaniwala na ganoon ang magiging reaksyon ni Cheska. Walang dating kay Cheska ang kanyang pagma-magic. Tinapik ni Zoren ang balikat ni Vincent. "Brad! Ayos lang 'yan, dadamayan na lang kita mamaya. Marami pang iba d'yan tiwala lang." Niyakap pa ito ni Zoren. Bumaling na ito ng tingin kay Cheska. "Ano tara na?" tanong nito kay Cheska. Ang kaninang mataray na awra ay nagbago sa isang iglap. Abot tenga na muli ang ngiti ni Cheska at masiglang tumayo. "Sure, I'm ready to go!" masayang sabi ni Cheska. Lumakad na ang dalawa, naiwang nakatulala si Vincent. 'Di ito makapaniwala sa naging tugon ni Cheska sa kanyang ginawa. At si Kalvin, kulang na lang ay maglupasay kakatawa sa nasaksihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD