"Good morning po," bati ni Gael. "Okay na kay 'yon?" sabi nito sa harapan ng salamin. Ito ang unang araw na magkikita sila ng pormal ni Lanz, ang kanyang biological father. Hindi mapakali si Gael, hindi nito alam kung paano s'ya kikilos sa harapan ng kanyang papa. Basta ang alam n'ya ay kaylangan n'yang mag-behave sa harapan nito. Marahang pumasok si Zeki sa kwarto kung saan naroon si Gael. Nakita nitong nakahaparap si Gael sa salamin at nag-aayos ng kanyang sarili. "Gwapo naman ng Gael namin," bati ni Zeki. "Dada," malungkot nitong sabi. Nabahala si Zeki sa itsura ng bata, halatang hindi nito alam ang kanyang gagawin. "Oh, bakit?" lumapit si Zeki kay Gael at inayos ang buhok nito. "Dada kinakabahan po ako. Natatakot po ako kay papa, baka pagalitan n'ya po ako pagnagkamali ako," sabi

