"Tara?" sabi ni Zeki bago paandarin ang makina. Nakasakay na sa sasakyan ni Zeki si Celine, napansin ng binata na malalim ang iniisip ng kanyang kasintahan. "Okay ka lang?" tanong ni Zeki. Tumango si Celine at diretso lang ang tingin. Hinawakan ni Zeki ang kamay ni Celine, malamig ito sinyales na kinakabahan ang kanyang kasintahan. Malalim din ang paghinga nito at bahagyang namumutla. "'Wag kang mag-alala, magiging maayos ang lahat. Maniwala tayo kay Gael, sigurado akong maiitindhan n'ya ang lahat sa tamang panahon. Kasama mo ako pangako," sabi ni Zeki kay Celine. "Nandito lang ako sa tabi mo," dagdag nito. Tumingin si Celine kay Zeki, namumula ang mga mata nito at malapit ng umiyak. "Salamat dahil naiintindhan mo ang gagawin kong 'to para kay Gael. Alam kong mahirap 'to para sa 'yo," s

