"Evette answer the phone," sabi ni Lanz habang nagmamaneho ng kanyang sasakyan. "Damn! Bakit na ring lang ng ring ang cellphone n'ya!" Hinagis ni Lanz ang kanyang cellphone sa kalapit n'yang upuan. Kanina pa nito tinatawagan si Evette ngunit hindi ito sumasagot, hanggang nag-unattended na ang cellphone ni Evette. Nagpasya si Lanz na dumiretso sa condo ni Evette. "Exuse me miss, I'm looking for Evette Sanchez," sabi ni Lanz sa receptionist. "For a while lang po sir, I-check ko lang po kung nandyan si ma'am. Name po nila?" tanong nito. "Lanz, Lanz Natividad," sagot ni Lanz. Walang humpay pa rin si Lanz sa pag-dial sa number ni Evette kahit na unattended na ang telepono ni Evette. Hindi na kasi ito nagparamdam kay Lanz at walang update sa mga pinapagawa n'ya kay Evette. "Sir pinapaakyat

