"Tao po! Eliz! Nand'yan ka ba! Lumabas ka," sigaw ni Klaire sa labas ng bahay nina Eliz. Umagang umaga ay sumugod ito kayna Eliz. Magdamag na pina-isipan ni Klaire kung anong gagawin upang hindi maagaw ni Eliz ang kanyang asawang si Mykiel, mabaliw-baliw ito kakaisip kung ano na ang nagaganap sa pagitan ng dalawa. Napagpasyahan nitong komprontahin si Eliz at pagbantaan na huwag guguluhin ang kanilang pamilya. May aleng nakapansin kay Klaire na tumatawag sa bahay nina Eliz. Lumapit ang ale kay Klaire. "Sino pong hanap nila?" tanong ng ale. "Hinahanap ko si Eliz, alam mo ba kung nasaan s'ya?" tanong ni Klaire. "Nako, pumasok silang lahat, walang tao d'yan ngayon," sagot ng ale. Nadismaya si Klaire. "Pwede n'yo po bang sabihin kung nasaan s'ya? Kaibigan po ako ng asawa n'ya," pagsisinunga

