Chapter 12

2415 Words
“Ba-bye tata! I love you tata,” paalam ni Gael sa kanyang tata Viel. “Bye na Gael, next time dadalhin din ni tata ‘yung iba kong robot sa bahay para makita mo,” sabi ni Viel. “Sige po tata,” sagot ni Gael binigyan din ng goodbye kiss ng makulit na bata si Viel. “Lolo dad, lola mommy at dada ba-bye na po ingat po kayo,” paalam ni Gael at hinalikan din nito sa pisngi ang tatlo. Pauwi na sina Zeki, gabi na rin kasi at natapos na rin nilang pag-usapan ang ilang mahahalagang ditalye ng kasal nina Zeki at Celine. Tulad ng iba’t ibang simbahan na maaring pagdausan ng kasal, kung saan ang reception, catering na pwedeng pamilian, kung kukuha pa ba ng events coordinator, mga kukuning ninong at ninang, ang entourage at ang pinakamahalaga ang budget na maaring gastusin. Mabuti na lamang at na sa linya ng events si Zeki kaya kahit papaano ay may mga kakilala na itong mga makakatulong sa kanila sa pagpreprepara sa kaninlang kasal. Kailangan lang nila ng opinyon ng kanilang mga magulang upang magkaroon ng ideya sa mga maaring magyari at maiwasan ang tampuhan ng makabilang partido. Naging maayos naman ang pag-uusap ng mga magulang ni Zeki at Celine. Hindi na muling naungkat ang nakaraang kasal ni Celine. Mabilis na nagkasundo ang kanilang mga magulang sa mga bagay bagay, at maayos na nakinig sa suhestiyon ng bawat panig buti na lang at hindi ganoon mahinanakitin ang mga magulang ni Zeki sa mga nasabi ng papa ni Celine noong umpisa ng kanilang pag-uusap. Hanggang sasakyan ay pinag-uuspan pa rin ng tatlo ang tungkol sa kasal. Excited ang lahat sa magaganap na kasal ng magkasintahan. Ngunit si Viel ay nakatitig lang sa bintana ng sasakyan at tahimik. Malalim ang iniisip, matamlay at malungkot. Nanibago ang tatlo sa kinikilos ng kanilang bunso, magaslaw, madaldal at maingay si Viel. “Bunso?” tawag ni Zeki. Naisip bigla ni Zeki nab aka nagtatampo ito sa nangyari kanina. Hindi kasi ito nakapagbigay ng ideya sa kasal nilang dalawa ni Celine at nagalaga na lang maghapon kay Gael. At siya ang gumawa ng paraan upang iiwas si Gael sa usapan. “Pasensya na kanina hindi ka nasama sa pag-uusap namin kanina. Hindi ko rin kasi akalaing mababanggit ‘yon ni papa. Pasensya ka na, alam kong marami kang ideas sa kasal namin ng ate Celine mo. Pero sabi naman ni Celine, sa ‘yo s’ya magpapasama sa mga ocular na gagawin n’ya, promise ‘yon kaya sana ‘wag ka na magtampo bunso,” paliwanag ni Zeki sa kanyang bunsong kapatid. Hindi pa rin umiimik si Viel, hindi rin kasi nito napansing kinakausap na pala s’ya ng kanyang kuya Zeki. “Viel? Bunso may problema ba?” tinapik ito ng kanyang mommy. Nagitla kaunti si Viel, wala ito sa kanyang sarili ng mga panahong iyon. “Ha, mommy?” tanong ni Viel. Inihinto sandali ng kanilang dad Arvin ang sasakyan, ito kasi ang nagmamaneho, katabi nito si Zeki at na sa backseat ang mag-inang Eliz at Viel. “Bunso, kanina pa kita napapansing matamlay, mula ng lumabas kayo ni Gael sa kwarto,” sabi ng kanilang dad Arvin. “Ha, ma… masakit po kasi ang puson ko.” Bigla itong humawak sa kanyang puson at umarteng masakit ito. “‘Yon po masakit po talaga ang puson ko. Magkakaroon na po kasi ako. Alam n’yo na mood swings, hormonal imbalance. Girl thing,” palusot ni Viel. “O sige, dumaan muna tayong convenient store at bumili ka ng mga kailangan mo,” sabi ni Arvin. Nagpatuloy na ito sa pagmamaneho upang pumuntang convenient store at makauwi na sila pagkatapos. Ngunit hindi kumbinsido si Eliz sa sagot ng kanyang bunsong anak na si Viel. Alam nitong hindi ito dahil sa kanyang dalaw kaya nagkakaganito ang kanyang bunsong anak. Dumaan muna sila sa convenient store tulad ng sabi ni Arvin, namili ang mag-ina ng mga kailangan ni Viel at saka tuluyan ng umuwi. Naiwan pa sa sala sina Arvin, Eliz at Zeki, may mga bagay pa sila pag-uusapan tungkol sa kasal ng magkasintahan. “Dad, mommy, kuya Zeki aakyat na po ako, hindi na po kasi talaga maganda ang pakiramdam ko,” paalam ni Viel. “Sige, pero kung maykailangan ka tawagin mo lang si kuya ha,” sabi ni Zeki sa kanyang bunsong kapatid. “Thanks kuya, sige po good night na po.” Umakyat na ito sa kanyang kwarto. Nagtungo na si Viel sa kanyang kwarto, nahiga na ito at tumitig sa kisame. “Lord, hindi ko talaga expected ang nakita ko kanina. Ang bata pa ni Gael para maramdaman ang ganoon, hindi ko akalaing kayang gawin ng six years old ang ganoon,” sabi nito habang tumutulo ang kanyang mga luha. “Lord, ganoon din kaya ang nararamdaman ni kuya noong bata pa s’ya, hindi ko ma-imagine kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nila. Kung paano nila nakakayang maging masaya kahit may daladala silang mabigat sa puso nila. Akala ko sa movie lang nangyayari ang mga ganoong bagay. Lord, bigyan mo po ako ng lakas para protektahan si Gael at lalo na si kuya Zeki. Alam ko pong bata pa ako at marami pang hindi naiintindihan sa pinagdadaanan nila pero bilang tata ni Gael, ayaw ko pong mapuno ng galit ang puso n’ya. At kay kuya naman po, sana po dumating ‘yung araw na hindi na n’ya kasuklaman ang sarili ng itsura dahil sa taong ‘yon.” Pumikit si Viel, patuloy pa rin ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Napupuno ng kalungkutan ang kanyang puso, akala n’ya ay hindi na n’ya muling mararamdaman ang ganitong kalungkutan para sa mga mahal n’ya sa buhay. At lalong hindi nito akalaing kay Gael pa n’ya ito muling mararamdaman. Sa isang musmus na batang may tinatagong lungkot at galit. Kahit nakapikit ito at tumatakbo pa rin ang kanyang isipan. Pabaling-baling ito sa kanyang higaan at hindi mapakali. Pagod sa maghapong paglalaro ang kanyang katawan at gusto ng magpahinga ng kanyang mga mata ngunit binabagabag ito ng kanynag isipan at nakakaramdam ng kirot sa puso. Ang daming mga bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan, panay na rin ang tingin nito sa kanyana cellphone upang tignan ang oras. Ang bagal ng usad ng bawat segudo, gusto na nitong magumaga upang makakita ng liwanag at maalis sa kanyang isipan ang mga bagay na bumabagabag sa kanya mula pa kanina. May kumatok sa kanyang pintuhan, agad itong umayos ng higa. “Po?” sagot nito. “Bunso,” tinig ito ng kanyang mommy Eliz. Hindi nito namalayang pumatak na naman ang kanyang mga luha ng marinig ang boses ng kanyang mommy. “Pwede ba akong pumasok? May dala akong kape at skyflakes,” sabi nito. “Opo mommy, pasok po,” basag na ang boses nito dahil sa pag-iyak. Hindi na mapigilan ni Viel ang kanyang mga luha. Humihikbi na rin ito dahil sa bigat na nararamdaman. Pagbukas ng ilaw ng kanyang mommy, ay bumungad kaagad ang luhaang mukha ng anak. Agad nitong binaba ang kanyang hawak na tray at nilapitan ang bunsong anak. Niyakap n’ya si Viel at si Viel, humagulhol na sa kakaiyak. Ilang minuto silang na sa ganitong pusisyon, hinayaan lang ni Eliz na umiyak si Viel. Nakaramdam ito ng kaba sa kinikilos ng kanyang anak kaya napagpasyahan nitong puntahan ang kanyang unika ija. Hindi ito alam ng kanyang dad Arvin, may mga bagay kasing hindi nasasbi ni Viel sa kanyang dad dahil dalaga na ito pero sa kanyang mommy, wala itong naitatagong sikreto. Gayun din si Zeki, dahil parehong lalake si Arvin at Zeki, sila ang mas nagkakaintindihan. “Bunso, anong nangyari? Gusto mo bang pag-usapan? Break na ba kayo?” nagaalalang tanong ni Eliz sa kanyang anak na iyak ng iyak. Kumalas sa pagkakayakap si Viel dahil nagulat ito sa sinabi ng kanyang mommy. “Mommy,” natawa ito bahagya. “Walang kami, saka wala po akong boyfriend. Mommy talaga, aral muna bago boys ‘di ba. Magsasabi po ako sa inyo ni dad kaagad pagmeron na akong boyfriend promise,” sabi nito habang pinupunasan ang kanyang mga luha. Bahagyang gumaan ang loob ni Viel. “Buti naman, o anong problema at matamlay ang baby namin?” tanong ni Eliz. Tumingin muna si Viel sa mga mata ng kanyang mommy, hindi nito alam kung paano o anong tamang salita ang dapat gamitin upang sabihin ang nakita nito sa kwarto nina Celine. “Anak, mommy mo ako,” seryosong sabi ni Eliz. Humunga ng malalim si Viel upang umpisahan ang kanyang sasabihin. “Mommy, kasi po kanina noong naglalaro kami ni Gael sa kwarto, may pinakitang picture si Gael,” umupo ito ng maayos bago muling magsalita. “Pinakita n’ya po ang picture ni Lanz,” dugtong nito. “Si Lanz ang papa ni Gael, tama? ‘Yung banggit ng papa ni Celine kanina?” tanong ni Eliz sa kanyang anak. Tumango si Viel bilang tugon, hindi ito mapakali. Mahirap para kay Viel ang ganitong mga bagay. Hindi ito sanay sa malungkot na usapan. Masiyahin kasi si Viel, s’ya ang tinuturing na clown ng kanilang pamilya. “O, tapos,” muling sabi ni Eliz. “Kilala n’ya po ang papa n’ya.” Bigla itong napahinto sa pagsasalita. Pakiramdam ni Viel na sa paraan ng kanyang pagsasabi ay pinagdududahan n’ya ang kanyang ate Ciline. Pero ni sa hinagap ay hindi sumagi sa kanyang isipan ang ganoong pagdududa. “Pero mommy, hindi ko po iniisip na hindi pa nakaka-get over si ate doon kay Lanz. Picture lang naman ‘yon at saka karapatan ni Gael makilala at makita ang itsura ng tunay n’yang papa ‘di ba po?” paliwanag ni Viel. Ayaw din nitong sumama ang imahe ng kanyang ate Celine sa kanyang ina dahil sa picture na iyon. Kaya todo ang kanyang paliwanag dito upang hindi ma-misinterpret ang kanyang pagkwekwento. Nakatingin lang si Eliz at naghihintay ng susunod na sasabihin ng kanyang anak. Nakuha naman ito kaagad ni Viel kaya nagpatuloy ito sa kanyang pagkwekwento. “Nagtanong si Gael kung sino at kung na saan si Lanz, wala akong nasagot. Buti na lang mukhang napaliwanag na ni ate Celine kay Gael ang mga bagay na dapat n’yang malaman. Tapos, akala ko tapos na roon ang lahat. Habang nagliligpit po ako ng mga kalat namin ni Gael nakita ko ang mga nakatagong baby stuff ni Gael, aliw na aliw pa nga akong tignan lalo na ‘yung mga pictures n’ya. Kasi naka-file talaga silang lahat mula buntis si ate hanggang lumabas si Gael sa tyan n’ya. Tapos nagulat ako na sa tabi ko na pala si Gael. Sabi n’ya may picture pa na isa, may hinugot s’yang pucture at pinakita sa akin.” Muling tumulo ang mga luha ni Viel, sariwa pa sa kanyang alaala ang itsura ng picture na pinakita ni Gael. “Ano ang picture na pinakita ni Gael?” tanong ni Eliz. Pinunasan din nito ang mga luha ng kanyang anak at ikabayan. Napayakap sa Viel sa kanyang mommy sa sakit na kanyang naramdaman. “Mommy, pinakita ni Gael ‘yung family picture nila. Si ate Celine, Gael at si Lanz.” Parang biglang may kung anong bumara sa lalamunan ni Viel. Hindi ito makapagsalita ng maayos at napansin ni Eliz na malalim ang paghinga ng kanyang anak. Mabuti na lang at may tumbler si Viel na inuminan sa kanyang side table. Agad na kinuha ito ni Eliz at pinainom ang kanyang anak. “Okay ka na?” tanong ni Eliz. Pilit na ngumiti si Viel sa kanyang ina. Huminga muli ito ng malamin upang maipagpatuloy ang sasabihin. “’Yung picture na ‘yun kitang kita ko na may ekis ‘yung mukha ni Lanz. May singay at gurisguris ng lapis ang mukha hanggang paa, tapos may picture ni kuya Zeki. 1x1 picture ata ni kuya ‘yun nakadikit sa itaas ng ulo ni Lanz. Hinugot n’ya kasi ‘yun sa ilalim ng drawer. Feeling ko sa mukha ni Lanz nakadikit ang picture ni kuya. Umusad lang sa pagkakahatak ni Gael. Mommy, hindi ko alam bakit ako biglang naiyak at niyakap si Gael ng mahigpit. Pakiramdam ko ang bigat ng pinagdadaanan n’ya. Sabi pa n’ya kanina, parho pala sila ni kuya Zeki na dalawa ang papa. Naalala ko bigla si kuya, ano kaya ‘yug nararamdaman ni kuya noong bata pa s’ya? Maswerte si Gael kasi andyan si kuya. Alam ni kuya ang pakiramdam at maaalalayan n’ya si Gael sa mga nararamdaman n’ya. Hindi n’ya iisipin na s’ya lang ang ganoon ang pamilya, madadamayan s’ya ni kuya. E, si kuya, s’ya lang mag-isa, s’ya lang ang nakakaramdam ng ganoon. Paano na si kuya? Tapos ang bata bata pa ni Gael para gawin ‘yun. Hindi si ate Celine ang gumawa noon sa mukha ni Lanz, alam kong si Gael ‘yon. Mommy, bakit kailanagn nilang danasin ang mga ganoong bagay? Mommy ako ‘yung nasasaktan para sa kanila. Ang bata pa mommy ni Gael, bakit ganoon,” salaysay ni Viel. Hindi na rin maiwasan ni Eliz ang maluha sa kwento ni Viel. Ramdam nito ang sakit na nararamdam ng kanyang unika ija. Mahal na mahal ni Viel ang kanyang kuya Zeki. Alam ni Viel mula pagkabata na magkaiba sila ng biologiacal father, pero hindi iyon hadlang upang magkalayo ang kanilang loob. Pinalwanag ng maayos ng mag-asawa ang sitwasyon nilag magkapatid, at pinaramdam ni Arvin na hindi man sila magkadugo, ay ituturing n;ya itong tunay na anak. At mahal na mahal ni Arvin ang kanyang mga anak ng patas. Ni minsan ay hindi pinaramdam ni Zeki sa kanyang kapatid na magkapatid lang sila sa ina. Laging na sa tabi ni Viel ang kanyang kuya, ang kuya n’ya ang kanyang tagapagtanggol sa lahat. Kaya lagi ring pinagtatanggol ni Viel ang kanyang kuya sa lahat ng umaaway o ng mamata sa kanyang kuya dahil sa nakaraan nito. Kahit ngayon na dalaga na s’ya ay hindi nawawala ang pagiging maalaga ni Zeki sa kanyang kapatid. Napalaki ng maayos ni Arvin at Eliz ang kanilang anak kaya ganito nalang ang pag-aalala ni Viel sa kanyang kuya Zeki. Muling niyapos ni Eliz ang kanyang anak. Ilang sandal pa at kumalas na ito sa pagkakayap sa kanyang anak. “May sikreto akong ipapakita sa ‘yo,” sabi ni Eliz sa kanyang anak. Tumingin si Viel sa kanyang ina. “May kukunin lang ako sandal,” paalam nito sa kanyang anak. Lumabas ng kwarto si Eliz, hinitay ni Viel ang pagbabalik ng kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD