Chapter 13

2519 Words
Ilang sandali pa ay bumalik na ang mommy ni Viel, may dala isang malaking lock and lock na lalagyan. May kalumaan na rin ang itsura nito at mukhang matagal ng 'di nabubuksan. Ipinatong ito ni Eliz sa lamesa ni Viel 'di kalayuan sa kama nito. "Bunso halika, may ipapakita si mommy," sabi ng kanayang mommy. Agad na lumapit si Viel sa kanyang mommy at yumakap ito rito. Binukasan na ni Eliz ang lalagyan, nakita ni Viel ang ilang gamit ng kanyang kuya. Sapatos, polo, mga laruang nakakahon na para bang 'di pa nabubuksan. May mga nakabalot pang regalo at kung ano ano pa. "Gamit po 'to lahat ni kuya?" tanong ni Viel. "Oo, gamit n'ya lahat 'to, at lahat 'to regalo ay bigay ng daddy n'ya sa kanya," sabi ni Eliz sa kanyang anak. Kumalas sa pagkakayakap si Viel sa kanyang mommy inusisa ni Viel ang mga nakalagay sa lalagyan. May mga price tag pa ang mga ito at mukhang bago pa. 'Di manlang ito nilaro o isinuot ni Zeki. Halatang hindi pa ginagamit ang karamihan at idineretcho lang sa tabihan. Hanggang may napasing isang photo album si Viel. Tumingin ito sa kanyang mommy. "Pwede pong buksan?" tanong ni Viel. Tumango lang si Eliz bilang pagtugon sa kanyang anak. May kabang naramdaman si Viel bago n'ya buksan ang photo album. Ngunit gusto nitong makita ang mga litratong na sa loob nito. Dahan-dahang binuklat ni Viel ang album. Sa unang pahina, nakita n'ya ang pusod at ilang ultrasound ng kanyang kuya. Andoon din ang unang ipin, unang buhok at unang kuko nito. Sumunod naman ay ang litrato nito nang kapapanganak pa lang ng kanyang kuya Zeki. Hinawakan ni Eliz ang balikat ni Viel. "Alam mo ba na pagkalabas ng kuya mo sa tyan ko, hindi 'to umiiyak. Kinabahan nga ang mga doctor dahil kahit anong palo nila ay hindi umiiyak ang kuya Zeki mo. Sobra ang pag-aalala ko noon, kaya pinilit kong tawagin ang pangalan ng kuya mo kahit hinang hina na ako. Sabi ko, 'Zeki anak, nandito si mommy. 'Di ba walang iwanan. Zeki,' Pinaulit ulit ko ang pangalan ng kuya mo, halos mawalan na ako ng malay noon. Pinipilit ko lang talagang magsalita, sabi ko sa sarili ko, hindi dapat ako pumikit hanggat hindi ko naririnig ang pag-iyak ng kuya mo kahit anong mangyari dapat marinig ko ang pag-iyak ng kuya Zeki mo. Inilapit na ito ng mga doctor sa akin dahil may response raw ito tuwing maririnig ang boses ko. At ng paglapit ng kuya mo sa akin at tinawag ko s'ya sa kanyang pangalan, umiyak na ito ng ubod ng lakas! Nagwawala ito kaya dali dali ng kinuha ng mga doctor si Zeki upang linisan." Seryosong nakikinig si Viel sa kwento ng kanyang mommy. Ramdam ni Viel ang takot ng kanyang mommy ng mga oras na 'yon. Ngayon lang din nalaman ni Viel ang ganoong pangyayari sa kanyang kuya ng ipinanganak ito. "Kung hindi umiyak ang kuya mo no'n at nawala s'ya sa akin, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kayo kasing mga anak ko ang pinakamagandang regalong binigay sa akin ni Lord. Kaya sobrang nagpapasalamat ako ng dumating kayo sa buhay ko," sabi ni Eliz sa kanyang anak. Ngumiti si Viel at lubos na natuwa sa sinabi ng kanyang mommy Eliz. Pinagpatuloy ni Viel ang pagbuklat sa album ng kanyang kuya. Magkamukhang magkamukha sila ng kanilang mommy, naaliw na si Viel sa pagtitig sa mga litrato ng kanyang kuya. "Mommy, ang swerte ni kuya. Kamukhang kamukha mo s'ya." Tinuro nito ang litrato kung saan karga ni Eliz si Zeki. "Pati sa pagngiti ni kuya kuhang kuha n'ya lahat sa 'yo mommy," sabi ni Viel habang tinititigan ang mga litrato. Mas kamukha kasi ni Viel ang kanyang dad, kaya namamangha ito sa kanyang mga nakikitang litrato. Hindi kasi mahilig magpakuha ng litrato si Zeki. Kaya walang gaanong pictures ang binata. Ngumiti lang ang kanyang mommy Eliz. Paglipat nito ay nagulantang si Viel sa kanyang nakita. "Mommy, ito po ba ang," putol na sabi ni Viel. "Oo, s'ya ang daddy ng kuya Zeki mo," sagot ni Eliz sa naputol na tanong ni Viel. Tinitigang mabuti ni Viel ang itsura ng daddy ni Zeki. Oo nga't sa mga unang litrato ay kamukha ni Zeki ang kanyang mommy ngunit habang lumalaki ito ay mas nakukuha nito ang itsura ng kanyang biological father. Kinuha ni Eliz ang picture na bumungad kay Viel. Pinakita nito ang likurang bahagi ng litrato. "Ito ang unang family picture namin no'n. First and last family picture, ito rin ang first birthday ng kuya mo," sabi ng mommy ni Viel. May date kasing nakasulot dito. At sulat kamay ito ng kanilang mommy Eliz. Hindi alam ni Viel ang sasabihin. Natuon kasi ang tingin nito sa isa pang nakasulat sa likuran ng litrato. 'Gusto ko ng kalimutan ang araw na 'to.' 'Matatapon na rin kita sa wakas' Sulat kamay naman ito ni Zeki. "Mommy, bakit po 'to nasulat ni kuya?" tanong ni Viel. Bahagyang nagulat si Eliz, siguro ay ngayon lang din nito napansin ang isinulat ni Zeki. "Ang kuya mo talaga, hindi ko rin naman s'ya masisisi. 'Yan lang din kasi ang kaisa-isang birthday na nakapunta ang daddy n'ya sa tamang araw," sagot ni Eliz. Nalungkot ng todo si Viel para sa kanyang kuya. Naisip nito na kaya pala hindi pumapayag ang kanyang kuya Zeki na ibang araw ipagdiriwang ang kaarawan ng kahit sino sa kanila. Gumagawa ito ng paraan upang gawing espisyal ang kaarawan ng bawat isa sa kanila. Lalo na tuwing kaarawan ni Viel. Pansin ni Viel na parang normal na lang sa kanyang mommy na banggitin ang biological father ng kanyang kuya. Hindi ito nakakaramdam ng pagaalinlangan o 'di kaya hinanakit. "Alam mo bunso nang makilala ko ang dad n'yo at naging mag-asawa kami, hindi na ginamit ng kuya mo ang family picture na 'to. Madalas kasing magpapadala ng family picture o 'di kaya magpagawa ng family tree ang mga teacher ni Zeki noon. Laging no preparation ang kuya mo tuwing ganito ang assignment nila mula ng tuluyan na kami iwan ng daddy n'ya. Galit na galit s'ya noon, kaya lahat ng litrato at regalong nagpapaalala sa kanya sa daddy n'ya ay inilagay n'ya sa kahong 'to," paliwanag ng mommy ni Viel. Pagbaling nito ng tingin ay may napansin itong papel. Kinuha n'ya ito at tinignan. Pagtingin n'ya sa papel bigla na lang itong natulala sa nakita. Isang puno na may baling sanga. At ang kalahati ng puno ay kulay brown, na tila lanta na ang mga dahon at malapit ng mamatay. Proyekto ito ni Zeki noong s'ya ay grade 1 pa lamang. Gumuhit ito ng family tree, kumpleto ang lolo at lola nito sa side ng kanyang mommy. Makulay at may prutas pang nakaguhit sa bahagi kung saan nakadikit ang kanilang litrato. Samantalang sa kabilang banda naman ay andoon ang litrato ng kanyang ama. Nakadikit ito sa baling sanga. Walang picture ng kahit sino sa partido ng kanyang daddy. Ang tanging nakadikit lang na picture ay ang sa daddy ng kanyang kuya Zeki at nakadikit pa ito sa baling sanga. Napatingin na lang si Viel sa kanyang mommy, hindi ito makapaniwala sa kanyang nakita. Sa murang edad ng kanyang kuya ay ganito 'to na n'ya tignan ang mga bagay na nangyayari sa kanyang paligid. Aminado naman si Viel na mas mature at mas malawak ang pag-iisip ng kanyang kuya. Magaling din ito sa arts mula pagkabata ngunit hindi ito makapaniwalang ganoon n'ya mailalarawan kanyang pamilya noon. Hindi na muna nagsalita si Viel, pinagpatuloy nito ang pagbuklat ng photo album. Doon lang nito napansin na may mga litratong guris guris ang mukha ng daddy ni Zeki. May ilan pa ngang may drawing na sungay at pangil. O 'di kaya ay may ekis ang mukha ng daddy ni Zeki. Nangamba na si Viel ng tuluyan. Katulad nang nakita n'ya ang litrato ng papa ni Gael. Ngunit mas nalungkot si Viel ng nakita n'ya ang mga ginawa ng kanyang kuya sa mga litrato ng kanyang daddy. "Mommy alam n'yo po lahat ng 'to?" tanong ni Viel. "Noong grade 1 ang kuya mo, pinatawag ako ng teacher n'ya. Ipinakita n'ya 'tong family tree na iginuhit ng kuya mo noon. Nagulat din ako sa ginawang family tree ng kuya mo, wala akong ideya na ilalagay na sa putol na sanga ang daddy n'ya. Tinanong din s'ya ng teacher n'ya kung bakit n'ya doon nilagay ang daddy n'ya, ayaw n'ya namang magsalita. Ayaw din n'yang mag-participate sa mga activities na tungkol sa mga tatay. Tinanung ako ng teacher n'ya kung bakit gano'n na lang ang orientation ko sa daddy ng kuya mo. Ikinwento ko ang pinagdadaanan ng kuya mo at pinaliwanag ko rin na hindi ko akalaing ganito ang kakalabasan ng family tree na gagawin ni Zeki. Noon naman kasi 'di pa ganoong tinututukan ang mga mental issues. Inintindi na lang ng teachers n'ya ang pinagdadaanan noon ng kuya mo," kwento ni Eliz. Hindi maipaliwanag ni Viel ang kanyang nararamdaman sa ikinwento ng kanyang mommy. "At itong mga pictures na 'to, itatapon na talaga 'to ng kuya mo. Pagkakasal namin ng daddy mo, akala ko okay na kay Zeki ang lahat. Nagulat na lang ako isang araw, na sa basurahan ang photo album na 'to. Nakita lang 'to ng dad n'yo at sinabi sa akin. Noon ko lang nalaman na pati ang iilang pictures ng daddy n'ya ay drinowingan n'ya," dagdag ni Eliz. Nagulat na lang si Eliz dahil humahagulhol na si Viel sa kanyang tabi. "Mommy, 'di ako sanay ganito. Mula kanina wala na akong ginawa kung 'di umiyak," sagot ni Viel. Pinunasan nito ang kanyang mga luha at pinilit na ngumiti. Niyakap ni Eliz ang kanyang bunsong anak. "Minsan talaga dumadaan tayo sa madramang yugto ng buhay natin. Hindi laging masaya at puro tawa. Pero bunso, proud na proud ako sa 'yo. Ang hindi mo basta basta hinusgahan ang ate Celine mo at inaalala mo ang nararamdaman ni Gael." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanyang anak. "At ngayon alam mo na kung bakit over protective sa 'yo ang kuya mo," sabi ni Eliz. "Opo mommy, ngayon naiintindihan ko na ang lahat. Pero mommy 'di ba sabi n'yo tinapon na 'to ni kuya?" Tinutukoy nito ang album na kanyang hawak. "Bakit hanggang ngayon tinatago n'yo pa rin 'to?" tanong ni Viel. "Hindi ko rin alam. Tuwing inilalagay ng kuya mo lahat ng pinapadalang regalo ng daddy n'ya noon, kinukuha ko lahat 'yon at itinatago. Hanggang sa dumama sila, parang may nagsasabi kasi sa akin na dadating ang panahon na kakaylanganin ko 'tong mga 'to. Ayaw ding ipatapon ng dad mo ang mga 'to, alam n'ya ring hindi pa tamang panahon para pakawalan ang mga alala ng daddy ng kuya mo. Kilala ko ang kuya mo, dala dala pa rin n'ya hanggang ngayon ang sugat ng nakaraan. May sarili ng pag-iisip si Zeki, s'ya at ang daddy n'ya ang tanging makapag-aayos ng kanilang relasyon. Kaya Viel anak, 'wag kang matatakot sa mga nakikita mo kay Gael, magtiwala ka sa kanya. Matalino at mabuting bata si Gael kaya alam kong malalagpasan n'ya rin ang lahat ng 'to. Hindi hindi hahayaan ng kuya mong mapagdaanan ni Gael ang mga naranasan n'ya ng s'ya aya bata pa. Sa lahat ng tao sa silang dalawa lang ang makakaintindi sa isa't isa. At ngayon nalaman ko na kung para saan 'tong mga 'to. Hindi ko akalaing mapapaiyak kita ng husto dahil dito," sagot ni Eliz sa anak. Maraming tanong si Viel mula pagkabata ang unti-unting nasagot dahil sa kanyang mga nalaman. Akala nito ay simple at napakababaw lang ng dahilan ng mga ayaw na bagay ng kanyang kuya. Kumikirot ang puso ni Viel dahil alam n'yang tuwing makikita ng kanyang kuya ang kanyang sarili sa salamin ay na aalala n'ya ang taong sumira ng kanyang pagkabata. Humanga rin ito bagamat ganoon man ang kanyang pinagdaanan ay humaharap pa rin ito sa buhay na may mga ngiti sa labi. "Sige na, magpahinga ka na ha. Tomorrow is another day, gusto ko bukas makikita ko ulit ang makulit kong bunso ha," paalam ng kanyang mommy Eliz. "Opo mommy promise, kayo rin po. I love you mommy. Good night," sagot ni Viel. Kukunin na dapat ni Eliz ang lalagyan, ngunit pinigilan ito ng kanyang anak. "Mommy, pwedeng dito po muna 'yang box, ako na muna po ang magtatabi ng mga 'to. Kung okay lang po mommy," hiling ni Viel. Ngumiti si Eliz. "Sure." Naglakad na ito papuntang pinto. Paghatak nito ng pinto tumambad ang mag-ama, muntikan na ring masubsub ang dalawa dahil dikit na dikit sila sa pintuan. Nagulat din sila biglang pagkakabukas ni Eliz ng pintuan "Dad! Zeki!" sabi ni Eliz. Ngumiti ang dalawa na kasalukuyang tumatayo ng maayos. Tinignan ni Viel ang kanyang kuya Zeki. Nagkatinginan ang magkapatid, nginitian ni Zeki si Viel. Nang makita ni Viel ang matamis na ngiti ng kanyang kuya ay gustong gusto nitong tumakbo papalapit sa kanyang kuya upang bigyan ng isang mahigpit na yakap. Tulad ng pagkakayakap nito kay Gael kanina. "Kayong dalawa napakachismoso n'yo!" Piningot ni Eliz ang tenga ng dalawa. "Nako nako." Hinatak nito palabas ng kwarto ni Viel ang dalawa at sinermonan. Natawa na lang bigla si Viel sa pagpupumiglas ng dalawa. "Mommy, aray! Masakit!" hiyaw ni Zeki. Isinara na ni Viel ang pinto. "Kuya talaga," sabi nito. "Sana kasing tatag at kasing bait mo rin ako kuya." Naisipang tignan muli ni Viel ang gamit ng kanyang kuya. Prinoproseso pa rin ng kanyang isipan kung paano nalagpasan ng kanyang kuya ang lahat ng ikinwento ng kanyang mommy. Dito rin napagtanto ni Viel na walang alam ang biological father ng kanyang kuya Zeki sa mga hilig nito. Ultimo paboritong kulay 'di nito alam. Napansin kasi ni Viel na halos blue ang kulay na inireregalong nito kay Zeki. Kung sabagay, ito ang standard color sa lalake. Kaso ito ang pinaka-ayaw na kulay ng kanyang kuya Zeki. Pula o maroon ang hilig nito kulay, nahihilo daw kasi s'ya pagmatagal na nakatitig sa kulay asul. Pero ngayong na laman ko ang mga nangyari noon kay kuya, hinala ni Viel ito talaga ang tunay na dahilan kung bakit n'ya ayaw ang kulay asul. Ibabalik na dapat ni Viel ang photo album ng may nahulog na papel mula rito. Pinulot n'ya ito para tignan, para itong sulat para sa daddy ng kanyang kuya. Nakapetsa ito sa mismong araw ng kasal ng kanyang dad Arvin at mommy Eliz. Sampong taong gulang pa lang noon ang kanyang kuya Zeki. Nakalagay sa sulat ay, 'Ikakasal na sina dad Arvin at mommy, mararanasan ko na ring magkaroon ng buong pamilya. At ngayon buburahin na kitang tuluyan sa buhay ko. Kasama ng pagsunog ko sa lahat ng mga gamit na binigay mo. Ayaw ko ng maalala ka pang naging parte ka ng buhay ko. Si dad Arvin na ang kikilalanin kong tatay at pagdating ko sa legal age, tuluyan ko ng puputulin ang nag-uugnay sa ating dalawa. Si dad Arvin lang ang nagtyagang alagaan at suportahan ako sa lahat ng gusto ko s'ya lang ang din ang nagtatanggol sa akin sa lahat ng umaaway sa akin. Kaya sana 'wag na 'wag ka ng magpakita kahit kaylan.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD