"Ladies and Gentlemen we have just landed at Ninoy Aquino International Airport,Cebu Pacific Air welcomes you to Manila. On behalf of your flight crew headed by Captain Cailles with First officer Diaz and the rest of the team, we thank you for choosing Cebu Pacific your airline of choice. Kalalapag lamang po natin sa paliparang pandaigdig ng Ninoy Aquino, maligayang pagdating sa Manila. Sa ngalan po na bumubuo ng lipad na ito na pinangungunahan ni Kapitan Cailles sa tulong ng unang opisyal Diaz kami po ay nagpapasalamat sa patuloy na pagsakay at pagtangkilik sa Cebu Pacific. Maligayang pagdating," anunsyo ng flight attendant. Hudyat na palapag na ang eroplano sa Maynila. Umayos na ang mga pasahero sa kanilang mga kinauupuan. Ang iba ay pupungas pungas pa galing sa mahimbing na pagkakatulog. Ang iba naman ay nagagalak na sa paglapag ng eroplano.
Nakalapag ang eroplano ng maayos, matapos ng 16 oras na byaheng himpapawid ay sa wakas makakauwi na rin ang karamihan sa kanilang bansang sinilangan. Bumaba ng maayos ang mga pasahero ng eroplano. Kakaunti lamang ang mga nag-aabang sa mga balik bayang lulan ng eroplanong kalalapag, alas tres pa lang kasi nang madaling araw.
"Good to be back sir," salubong ng isang lalake sa kanyang amo. Kinuha nito ang mga bagahe nito.
Hinubad ng kanyang amo ang suot nitong sunglasses. "Nice to see you to again. Its been five? Or six year then. Its good to be back, finaly. Sina mom?" tanong nito.
"Na sa Malaysia po sir, next month pa po ang balik nila," tugon ng lalake.
"Good, may nakakaalam ba ng pag-uwi ko?" tanong ng kanyang amo.
Nginitian nito ang kanyang amo. "Wala po sir, ako lang po ang nakakaalam. Tulad po ng inutos n'yo. At mukhang hindi rin po nakakaramdam ang mga magulang n'yo sa biglaan n'yong pag-uwi," sagot ng lalake sa tanong ng kanyang amo.
Tinapik nito ang balikat ng lalake. "Walang dapat makaalam sa paguwi ko ngayon. Nahanap mo na ba ang mga pinapahanap ko sa 'yo?" sunod na tanong ng amo.
"Opo sir, nahanap ko na po sila," mabilis na sagot ng lalake.
"Tata!" sigaw ni Gael sa kanyang tata Viel. Iniwanan nito ang kanyang mama para salubungin si Viel.
"Gael! Ayan as promised." May itinaas na paper bag si Viel. "May dalang isang robot si tata, si venum." Inilabas ito ni Viel, manghang mangha si Gael sa robot ng kanyang tata Viel. "Pero mamaya natin laruin ha," sabi ni Viel kay Gael. Binuhat nito si Gael at kinagat-kagat ang matambok nitong pisngi.
Pilit naman itinutulak ni Gael si Viel palayo. "Tata! Ang baho ng laway mo! Hug na lang 'wag na ganyan. Yuck iww!" sabi ni Gael sa kanyang tata Viel na parang diring diri.
"Arte nito!" Niyapos na lang ni Viel si Gael ng mahigpit.
Lumapit si Celine sa dalawa habang naghaharutan. "Viel, pasensya ka na ha. Ang kuya Zeki mo kasi kaylangang magpunta sa butika nila. Nakakahiya naman kay ma'am Rose kung 'di matutuloy ang pagbisita namin sa mga simbahan," sabi ni Celine kay Viel.
"No problem ate, buti na lang tapos na ko sa lahat ng mga gagawin sa school. Sinabi naman din sa akin ni kuya ang lahat ng 'to kaya don't you worry ate. I got you," sagot ni Viel.
Halos magdadalawang bwan na matapos ng proposal na ginawa ni Zeki. Nakahanap na rin sila ng coordinator upang makatuwang sa kanilang kasal. Napag-usapang in the span of 6 months ang preparation ng kasal. Kumporme sa simbahan at venue ng reception na kanilang mapipili.
"Hi, ikaw pala si Viel. Your so pretty," bati ni Rose ang event coordinator na kanilang kinuha.
"Ay 'di naman po masyado, pero thank you na rin po sa compliment," kinikilig na sabi ni Viel.
"Si tata, pabebe na naman," sabat ni Gael.
"Ikaw talagang makulit ka!" gigil na sabi ni Viel.
Natawa na lang si Celine at si Rose.
"So, tara na po? Para mabisita rin natin ang ibang churches?" aya ni Rose sa tatlo.
Habang kinakausap nina Rose at Celine ang mga taga simbahan, si Viel at Gael naman ang tumitingin ng lugar. Inuusi ng dalawa ang kagandahan ng simbahan at kinukunan din ng dalawa ang kabuuan ng lugar. Ipinapadala rin nila ang kanilang mga nakuhang litrato kay Zeki upang makita n'ya rin ang kanilang mga pinupuntahan kahit papano.
"Tata, pupunta po ba si dada?" tanong ni Gael.
Na sa pangalawang simbahan na sila, tatlong simbahan ang pinagpipilian nina Zeki at Celine.
"Opo, pupunta po pero siguro sa pangatlong simbahan na makakasama si dada. May mga kailangan pa kasi s'yang tapusin," paliwanag ni Viel sa makulit na si Gael.
"Tara mag-pictue na ulit tayo! Para makita ni dada Zeki 'tong simbahan," aya ni Viel.
Ganadong tumango si Gael at nagsimula ng magpo-pose sa altar. Natapos na ang dalawa sa pagkukuha ng litrato ay pumunta na ito sa opisina ng simbahan kung saan na roon sina Celine at ang coordinator na si Rose.
"Ate na-send ko na kay kuya, sa pangatlong simbahan na lang daw s'ya makakasama," sabi ni Viel.
"Ah, sige sige, patingin nga ng mga shots n'yo?" sabi ni Celine.
Pinakita ni Viel ang kanilang mga kuha sa kanyang ate Celine. "Ate mas maganda 'to kaysa doon sa una nating pinuntahan. Kasi may pagka-antique yung altar, tapos 'di na kaylangan ng maraming gayak. Kahit simpleng decor lang at red cartep ang eligante ng tignan ng aisle," sabi ni Viel.
"Nice idea, ang galing naman ng mata mo. You have a good taste," singit ng coordinator.
"Ay, hindi naman po. Ito rin po 'yung sabi ni kuya kanina noong nakita n'ya ang mga pinadala naming pictures," sagot ni Viel.
Tinignan muli ng mga ito ang mga kinuhang picture ni Viel sa kanyang camera. Ilang sandali pa at.
"Mama," tawag ni Gael sa kanyang mama.
Lumingon si Celine sa kanyang anak. "Yes po Gael," sagot nito.
"Mama popo," sabi nito. Napapatulala na ito at 'di gumagalaw sa kinatatayuan. Medyo nanginginig din ito dahil sa pagpipigil.
Napatayo si Celine at kinuha ang bag ni Gael. Bubuhatin na dapat ito ni Celine ng hinawakan ito ni Viel.
"Ate, ako na po. Baka dumating na ang secretary ni father, wala kayo dito," sabi ni Viel sa kanyang ate Celine. "Kaya mo maglakad o bubuhatin ka ni tata?" tanong ni Viel kay Gael.
"Buhat," maiksing sagot ni Gael. Namumutla na ito at nanglalamig, pigil na pigil na 'to siguro sa kanyang sarili. Binuhat na agad ni Viel ang makulit na bata.
"Alam n'yo ba kung na saan 'yung c.r.?" tanong ni Celine.
Tumango si Viel. "Nakita ko po kanina noong naglilibot kami," sagot ni Viel.
Tinapik ni Gael ang kanyang tata Viel. "Tata, 'di ko na kaya. Ayan na s'ya lalabas na s'ya," sabi ni Gael.
Tumakbo na ang dalawa papuntang c.r. Maalaga si Viel kay Gael kaya kahit madalas mag-asaran ang dalawa ay 'di pa rin maiaalis ang pagiging malapit nila sa isa't isa. Itinuring ng tunay na pamangkin ni Viel ang makulit na batang si Gael.
Nag-iisang anak lang si Celine, kaya naman ang tata Viel lang ang kanyang tinuturing na pinakamaganda at pinakamabait na tata sa buong mundo.
Matyagang naghintay sina Celine at Rose sekritarya ng pari. Ilang sandali pa ay dumating na ito at nakipag-usap na sa dalawa. Ipinaliwanag na rin ng sekritarya ang ilang kaylangan sa pagpapakasal at mga requirements na dapat maipas. At mga panuntunan nila tuwing may ikakasal sa kanilang parokya. Mabilis natapos ang pag-uusap ng dalawang panig.
"Salamat po," pasasalamat ni Celine sa sekritarya ng pari.
"Walang anuman, kung sakaling dito n'yo mapipiling ikasal, ay huwag kayong magatubiling pumunta kaagad," sabi ng sekritarya.
Nagpasyang intayin ng dalawa sina Viel sa may harapan ng simbahan. Tinignan na rin nila ang harapan nito, malaki kasi ang posibilidad na ito ang mapili nilang pagdausan ng kanilang kasal.
"Ma' am Celine, lilibot lang ako banda roon. Gusto mo bang sumama?" tanong ni Rose.
"Susunod na lang ako, balak ko na kasing puntahan 'yung dalawa. Ang tagal na kasi mula ng nagpunta silang c.r.," sagot ni Celine.
"Kaya nga. Medyo ang tagal na nila. Sige po ma'am, dito na lang din po tayo magkita," paalam ni Rose at lumakad na ito.
Papunta na si Celine sa may bandang c.r.
"Celine," may tumawag sa dalaga, napahinto ito sandali. Kinilabutan si Celine sa pamilyar na boses na kanyang narinig.
Hindi ito lumingon at pinagpatuloy ang kanyang paglalakad.
'Guniguni ko lang 'to, oo tama. Guniguni ko lang ang narinig ko. Imposibleng bumalik pa ang taong 'yon,' sabi ni Celine sa sarili.
"Celine." May tumawag muli ng kanyang pangalan. Hinawakan din s'ya sa kanyang balikat kaya napahinto ito. Ayaw lumingon ni Celine dahil sa kabang nararamdaman.
'Matagal na s'yang wala, 'wag ngayon, 'wag na kaylan man. Masaya na kami, kaya 'di na dapat s'ya magpakita ulit.' kinakalma ni Celine ang sarili. Napapikit na ito sa takot.
Naramdaman nitong lumakad paharap ang lalakeng tumatawag sa kanyang pangalan. Pagmulat nito ay nagulat si Celine sa kanyang nakita.
"Ze...Zeki," nauutal na sabi nito. "A...akala ko mamaya ka pa?" tanong ni Celine sa kasintahan.
"'Yon din ang akala ko, pero ito nakahabol naman?" Napansin ni Zeki ang pamumutla ng kanyang kasintahan. "Okay ka lang?" Hinawakan nito ang kamay ni Celine, sobrang lamig nito. "Bakit ang lamig ng mga kamay mo? Okay ka lang ba?" ulit na tanong ni Zeki.
Napalunok si Celine at umayos ng tindig. "Oo lab lab, na...napagod lang siguro ako, oo napagod lang talaga ako," sagot nito.
Niyapos ni Zeki si Celine. "'Wag mo i-pressure ang sarili mo lab lab. Okay." Hinalikan ni Zeki ang noo ni Celine, inayos din nito ang buhok ni Celine. "Gusto mo bukas na lang natin 'to ituloy? 'Di muna ako papasok sa studio, maiintindihan naman nila 'yon," sabi ni Zeki.
Kumalas sa pagkakayakap si Celine at hinawakan ang dalawang kamay ni Zeki. "Okay na ko lab lab, napagod lang talaga ako siguro. At saka sayang naman ang punta natin dito, kung ipagpapabukas pa natin," sabi ni Celine.
Nginitian ni Zeki si Celine. "Sige, pero mag-early lunch na tayo. Para makapagpahinga ka na rin kahit sandali. Okay po?" sabi ni Zeki.
Tumango si Celine at ngumiti ito ng ubod ng tamis. Hinalikan muli ni Zeki ang noo ni Celine.
"Napakatamis naman nilang dalawa! Kainggit!" sabi ni Viel. "Sana ako rin may nag-care at nag-hug," dagdag ni Viel.
"Tata! Ihahanap kita ng frog! Tapos i -kiss mo, para maging prince. Para may katulad ka na ni dada," asar ni Gael.
"Palaka talaga! Ikaw." Kiniliti na ni Viel sa Gael.
Nasa likuran na pala ito ni Celine kanina pa at hindi ito napansin ng dalaga.
Tinignan ni Viel ang mukha ng kanyang ate Celine. Narinig kasi nito ang usapan ng dalawa. "Oo 'no? Kuya mukhang pagod na si ate, kanina ko pa s'ya tinatawag ayaw n'ya lumingon," puna ni Viel.
"Ay tara na talaga, kumain na muna tayo bago magpunta sa susunod na simbahan," aya ni Zeki.
"Dada! Gusto ko sa may spaghetti at chicken ha," nagsabi na ng kanyang request si Gael sa kanyang dada Zeki. Natuon na rin ang atensyon ni Zeki kay Gael.
'Celine, ano ba! Anong nangyayari sa 'yo!' Napahawak si Celine sa kanyang noo. 'Matagal ng wala ang taong 'yon, ni hindi mo nga alam kung buhay o patay na s'ya. Kumalma ka,' sabi ni Celine sa kanyang sarili.