Nagtungo si Cheska sa studio upang ihatid ang ilang invitations sa kasal nina Zeki at Celine. Nalalapit na rin kasi ang kasal ng magkasintahan. Bilang maid of honor ay tungkulin nitong tumulong sa preperasyon ng kasal kahit na sa simpleng paraan lang. "Ate!" sigaw ni Kalvin sa kanyang ate Cheska. Papasok pa lang ito ng studio ay agad s'yang nakita ni Kalvin na lubosang nasasabik sa muling pagdalaw ni Cheska sa studio. "Kamusta ka na atae! Miss na miss po kita." Sabay yakap sa kanyang ate Cheska. "Bakit ngayon lang po kayo bumuisita dito. Okay na po ba kayo? Ate miss na miss na kita," sunod-sunod na sabi ni Kalvin, hindi ni Kalvin maitago na sabik na sabik ito sa kanyang ate Cheska. Kaya naman niyapos ito kaagad ni Kalvin ng nasa harapan na n'ya si Cheska. Matapos ay kumalas na sa pagkak

