"Wel---," pagbati dapat ni Klaire sa kanyang asawa na kararating lang sa kanilang bahay. Nagulat si Klaire dahil maaga itong umuwi, tanghali pa lang noon at humahangos ito papasok ng kanilang bahay. Nakita nitong nakabusangot si Mykiel at galit ang itsura. "Ano," namewang ito sa harapan ng kanyang asawa at handa ng ratratan ng mga salita. "Uuwi ka na nga lang dito ng maaga ganyan pa ang isasalubong mo sa akin! Ayusin mo man lang 'yang itsura mo pagpasok dito sa bahay! Ano, nakipagkita ka na naman ba sa kabet mo! Hindi na nadala ang babaeng 'yon. Human---" "Klaire! Tama na! Ano ba!" inis na sabi ni Mykiel sa kanyang asawa. "Nagsumbong sa akin si Aina, sumugod ka raw sa pinagtatrabahuan ni Eliz! Hindi ka na ba talaga nahihiya, at gumawa ka pa ng eksena sa ospital? Ano para siraan s'ya at pa

