"Ang sapatos ko!" gigil na sabi ni Lanz sa kanynag anak na si Gael. Malakas din ang boses nito dahil sa iyamot. "Alam mo ba kung gaano kamahal 'tong sapatos na 'to? Tapos babasain mo lang, pag ito nagmantsa," inis na sabi ni Lanz. Mas inalala pa nito ang kanyang sapatos kaysa tignan kung nasaktan ang kanyang anak Walang nagawa ang bata kung hindi umiyak na lang ng umiyak. Magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ni Gael. Nagitla ito sa malakas na boses ni Lanz. "Papa so---sorry po," humuhikbi nitong sabi. "May magagawa ba 'yang sorry mo!" inis na sabi ni Lanz habang pinupunasan ang kanyang puting sapatos. Kumulay kaagad ang orange juice sa sapatos nito kaya lalo itong naiyamot sa nangyari. "Bukod sa sira na 'tong sapatos ko, hindi mo naman 'to mapapalitan!" bulyaw pa ni Lanz sa bata.

