"Dada!" sigaw ni Gael at tumakbo ito papalapit kay Zeki. "Akala ko po hindi kayo makakapunta kasi may shooting kayo," masayng masayang sabi Gael. "Shhh, 'wag mo gaanong ilakas, baka akalain ng mga classmate mo artista si dada. Sabi ni dada doon sa kukuhanan ko ng picture, sasaway ang Gael ko, si Gel ang mas may kaylangan ng picures kaysa sa kanya," bulong nito kay Gael. Ngumiti ng ubod ng laki si Gael, sobra itong nagagalak dahil sa atensyong binibigay sa kanya ni Zeki. Kinarga nito ang bata at inayos ang buhok. "Si dada pa ba? Kahit bagyo susugurin ni dada mapanood lang ang pagsayaw mo. Kaya galingan mo okay ba? Tapos, pi-picturan kita ng madami at idi-display natin sa studio," sabi ni Zeki. Tumango si Gael "Talaga po dada! Makikita ko ang mukha ko sa sudio n'yo?" tuwang-tuwang sabi ni

