"Sigurado kang ayos lang sa'yo 'to Zeki?" tanong ni Cheska sa kanyang kasintahan na kasalikuyang nagmamaneho. Sinulyapan ni Zeki si Celine sandali at saka ngumiti. "Aaminin ko hindi talaga ako kompertable sa gagawin natin, pero hindi naman tama na pati si Gael madamay sa away nating mga matatanda. Malaki na ang bagay na nawala kay Lanz, hindi naman s'ya siguro ganoon kasama para gamitin ang sitwasyon n'ya para kunin ka pa sa amin," sagot ni Zeki sa kanyang kasintahan. "At saka may tiwala ako kay ate Sophie, ikaw na rin mismo ang nagsabing s'ya lang ang kakampi mo noong kayo pa ni Lanz. Kaya nakakasigurado na hindi n'ya tayo ipapahamak," dadag nito. Ilang araw ng tapos ang operasyon ni Lanz, inalis na ang kanyang mga binti at nakalabas na rin ito sa ICU. Ibinalita ito ni Sophie sa magkasi

