Hindi alam ni Viel ang mararamdaman, naguguluhan ito sa nangyayari. Pagdududahan ba n'ya ito o paniniwalaan sa kanyang mga sasabihin. Dumagsa na rin ang mga tanong sa kanyang isipan.
Bakit nakipagkita s'ya sa taong 'yon? Alam ba ito ng kanyang kuya Zeki? Gaano na sila katagal na nagkikita? May koneksyon pa ba sila sa isa't isa? Ilan lang ito sa kanyang mga naiisip.
"Ate bakit?" iyan lang ang kanyang nasabi. Sa dinamiraming ng mga tanong sa kanyang isipan, dalawang salita lang ang kanyang nasambit.
Ngumiti si Celine, hinawakan nito ang kanyang singsing. "Hindi ko akalaing dadating pa ang araw na 'to. After four years, ngayon lang ulit s'ya nagpakita sa akin," panimula ni Celine. Naramdaman ng dalawa ang tensyon sa paligid.
Tahimik lang si Viel na nakikinig. Interisado ito sa lahat ng sasabihin ni Celine. Ayaw din kasi nitong pangunahan ang lahat, hindi rin ito nagpadala sa kanyang bugso ng damdamin. Kaya kaylangan n'yang makausap ang kanyang ate Celine upang maprotektahan ang kanyang mahal na kuya.
"Handa ka bang makinig? Mahaba ang kwento ko? At saka baka mainip si Derek sa labas?" pabirong sabi ni Celine.
"Ate naman ng bibitin pa!" gulat na sabi ni Viel.
Nabasag ang tensyon sa naging tanong ni Celine. Gumaan bigla ang pakiramdam ni Viel, hindi nito alam kung bakit pero ramdam nito na totoo lahat ng sasabihin ni Celine. Na wala itong itatago sa kanya. Walang kahit anong bakas ng pag-aalinlangan ang makikita sa mukha ni Celine. Wari mo'y maluwag sa kanyang kalooban na ibahagi ang mga nangyari kanina.
"Ate pabayaan mo s'ya sa labas kaya n'ya na ang sarili n'ya," sagot ni Viel.
Ngumiti si Celine, "Kanina alam mo ba na takot na takot ako ng makita ko si Lanz. Pakiramdam ko hindi pa ako handa para humarap sa kanya. Ang weird kasi dapat s'ya ang nakakaramdam ng mga ganitong takot. Pero ako 'tong nilalamon ng kaba kanina. Pakiramdam ko wala pa rin akong napapatunayan sa sarili ko. Ako pa rin 'yung dating Celine na mahina at walang imik," sabi ni Celine.
Nagulat si Viel sa kanyang narinig, ang kanyang ate Celine, mahina at walang imik?
"Ate Celine? Mahina at walang imik? Bukod kay mommy kayo po ang isa sa pinakamatapang at malakas na babae na nakilala ko," nagtatakang sabi ni Viel.
Mula ng pinakilala ni Zeki si Celine sa kanila, pinakita nito ang malakas nitong personalidad. Walang inaatrasan at may paninindigan. Madalas na pag si Celine na ang nagsalita ay wala ng imik ang kanyang kuya Zeki. Kaya naman malaki ang paghanga ni Viel sa kanyang ate Celine dahil hindi ito nagpapadaig sa kanyang kuya, kung alam n'yang makakasama ito sa kanilang relasyon o sa kanyang kuya ay ipipilit n'ya ang kanyang sa loobin. May boses s'ya sa kanilang relasyon. At na babalanse rin nito ang pagiging ina kay Gael at ang relasyon nilang dalawa ng kanyang kuya Zeki. Kaya isang malaking hiwaga ang pagsambit nito na s'ya ay mahina at walang imik.
Napatakip ng mukha si Celine, umaagikhik din ito sa kakatawa. "Ako? Malakas? Ang kuya mo lang ang nagturo sa akin kung paano maging totoong malakas. Oo dati suplada ako pero hanggang do'n lang 'yon. Pero pagdating sa relasyon para akong maamong pusa. Naalala ko pa ang hirap na dinanas ko noong girlfriend pa n'ya ako. Ay hindi, noong alalay pa n'ya ako," sarkastikong sabi ni Celine.
"Ate?" Nakaramdam ng lungkot si Viel, nakuha n'ya kaagad ang ibig sabihin ni Celine. Nakaroon na kasi ito ng kutob dahil sa pinakitang pag-uugali ni Lanz kanina. "Pumapayag kang gawing alalay ng lalakeng 'yon! 'Di tama 'yon!" Sumisiklab ang galit sa puso ni Viel. Napatayo pa ito sa kanyang kinauupan. Para kay Viel, hindi makatarungan ang ganitong mga bagay.
"Relax, Viel nagkwekwento lang ako," natatawang sabi ni Celine.
Nahiya si Viel sa kanyang inasal, nadala ito sa bugso ng damdamin bilang babae.
"Mahal ko kasi s'ya noon," pinagkadiinan nito ang salitang noon. "Dati kasi si Lanz ang isa sa pinakasikat na swimmer sa university. Isa ako sa mga tagahanga n'ya, lahat ng competion na sinasalihan n'ya present ako. Dati pa nga nagdala pa ako ng banner para suportahan s'ya ng todo. Mga pinaggagagawa ko noong araw." Umiling pa si Celine habang nagkwekwento. "
Hanggang isang araw, napansin n'ya ako. Syempre grab the oportunity, luck knocks only once. Nanligaw s'ya at naging kami, akala ko ako na ang pinakaswerteng babae sa buong campus. May sikat akong boyfriend, elite, kinaiinggitan ako ng lahat. Pakiramdam ko ang swerte at ang ganda ganda ko. Perfect na ang lahat. Hindi ko akalaing ito pala ang magiging simula ng kalbaryo ko," sabi ni Celine.
College pa lang sila noon, journalism ang kursong kinukuha ni Celine. Samantalang architecture naman ang kay Lanz. Isang no body si Celine, ordinariong mamayan sa kanilang iskwelahan. Papasok, magkaklase at uuwi. Simple ngunit palaban, malakas ang dating. Sabi nga ni JR, taray tarayan ito noong college pa lang sila. Samantalang si Lanz ay isang sikat na atleta, matalino at mayaman. Ang hirap abutin, sa malayo lang laging nakatanaw si Celine upang masilayan ang kanyang iniidulo.
Isang araw ay napansin ni Lanz ang kagandahan ni Celine. Napukaw nito ang interes ni Lanz, at agad na niligawan. Naging sila, mahal na mahal ni Lanz si Celine. Ngunit may pagkadominante si Lanz, s'ya lamang ang nasusunod sa kanilang dalawa. At dahil mahal nito si Lanz ay naging sunud sunuran ito kay Lanz. Walang makitang mali si Celine sa pagtrato ni Lanz dahil nabubulag ito sa pagmamahal n'ya kay Lanz.
"Babe, may practice kami mamaya. Mga 5:00 pm, dalhin mo na lang 'tong mga 'to." Ibinaba ni Lanz ng kanyang mabigat na bag. "Kaylangan ko pa kasing um-attend ng classes. Ayaw kong maraming bitbit. Ang bigat pa ng bag ko, nakakapagod buhatin," utos ni Lanz.
"Babe ano kasi, may klase pa ako noon, hanggang 7:00pm. Baka," putol na sabi ni Celine.
"Celine, mas mahalaga pa ba ang klase mo?" Hindi na nito pinatapos ang sinasabi ni Celine. "It's just writing themes, topics, etc. Anyone can do that. But my practice is more important. I will represent our university in the coming competion, and eventually our country in the near future. So which is much important? That subject, or the future gold medalist in the olympics," pangangatwiran ni Lanz.
Wala ng nagawa si Celine. Ngumiti na lang ito. "Ikaw syempre, ikaw ang mas mahalaga. Ano pupunta ako, 5:00 pm sharp. Si....sige, gagawan ko na lang ng paraan," malungkot na sagot ni Celine. Namuo ang kaba sa kanyang dibdib. Ngunit para kay Lanz, gagawan n'ya ito ng paraan.
"That's my babe, see you later. Bye," paalam ni Lanz, nagmamadali na itong umalis.
"Bye babe, I love you," sabi ni Celine ngunit hindi na ito narinig ni Lanz dahil nagmamadali na itong umalis. Naiwan na lang sa harapan ni Celine ang training bag ni Lanz. Napabuntong hininga na lang ito at nag-isip ng idadahilan mamaya upang makaalis sa kanilang klase.
"Girl ano tatakas ka na naman kay sir?" sumulpot bigla si Cheska sa likuran ni Celine. Nagulat ang dalaga sa pagsasalita ng kanyang kaibigan. "Bibingo ka na sa kanya girl promise. Alam mo 'yan, kahit anong pakita ko ng legs at clevage sa matandang 'yon wa epek na. Major subject s'ya baka nakakalimutan mo," sermon ni Cheska, nakapamewang pa ito habang nagsasalita.
Hindi makapagsalita si Celine, nakatungo lang ito at mangiyak ngiyak sa mga sinabi ni Cheska. Nanganganib na rin kasi ang kanyang grado dahil sa madalas nitong pagliban sa kanyang klase.
Nang gigigil si Cheska sa galit. "At isa pa SD! Nako nasusura na talaga ako sa lalakeng 'yan ha. Ano bang problema ng lalakeng 'yan sa course natin! Hindi ba n'ya alam na hindi basta basta ang pagiging journalist! Hindi lang tayo sulat ng sulat lang. Utak ang gumagana sa bawat letrang, salita at pangungusap na i-type natin. Hindi lang tayo naka-upo! S'ya kaya ang pagsulatin ko ng mga pinapagawa sa atin, tignan ko lang kung hindi s'ya maloka! Nako girl! 'Yang jowa mo, namumuro na!" nang gagalaiting sabi ni Cheska.
"Girl relax, ganoon lang talaga si Lanz. 'Di naman n'ya sinasadya 'yon," paliwanag ni Celine. Binitbit na rin ni Celine ang training bag ni Lanz. Pinipigilan din nito ang kanyang pagluha, alam nitong mas magagalit si Cheska kapag na nakita s'yang umiiyak.
Lalo itong naiyamot ng nakitang buhat-buhat ni Celine ang bag ni Lanz.
"Girl! Ano ba 'yan ginagawa mo, ano 'yan!" sigaw ni Cheska at itinuro ang bitbit na bag ni Celine.
Napatingin sa Celine kay Cheska. "Training bag ni Lanz," sagot ni Celine.
Napapikit na lang si Cheska at humawan sa kanyang noo. "Celine Santo Domingo! Lord! Please give me many strength!" gigil na sabi ni Cheska.
"Ano?" sabi ni Celine, hindi na pumapasok sa kanyang isipan ang mga sinasabi ng kanyang kaibigan.
Huminga ng malalim si Cheska, kulang na lang ay sabunutan nito ang kanyang kaibigan. "Celine! Alam kong training bag 'yan ni Lanz! Dyos ko Lord, patawarin mo po ako! Girl, kumpleto ka naman sa bakuna, tatlong beses ka naman kumakain sa isang araw. Hindi naman tayo nalilipasan ng gutom. Matalino ka naman at hindi ka shunga. Girl! Ano 'yan!" sabi ni Cheska.
"Ang alin ba? Sabihin mo kasi kung ano?" Naiinis na rin si Celine, sa paligoy ligoy na sinasabi ni Cheska. Naiirita na rin ito sa dami ng kanyang iniisip.
Ibinaling ni Cheska si Celine paharap sa kanya. Hinawakan sa kanyang balikat at tinitigan sa mga mata. "Celine tignan mo nga 'yang sarili mo. At ayan! Ano ba 'yan! Girlfriend ka n'ya, hindi alalay! Hindi ka n'ya yaya, at lalong hindi ka n'ya utusan! G.I.R.L.F.R.I.E.N.D ka n'ya! Girlfriend!" Niyugyug pa ito ni Cheska. Nagkandalaglag na lahat ng bitbit nitong bag, napatulala na lang din si Celine. "Celine loshang ka na! Tignan mo ang itsura mo. Ni mag-ayos ng sarili hindi mo na magawa! Ano puro Lanz na lang palagi? Alam kong mahal n'yo ang isa't isa, pero you need to grow individually! Hindi puro s'ya lang ng s'ya! Ano one sided love?" dagdag pa nito.
Habang pinagsasalitaan ni Cheska ang magkaibigan. Unti-unting tumutulo ang luha ni Celine.
"Girl 'wag mong kawawain ang sarili mo. Please, na saan na 'yung Celine na bestfriend ko. Ibalik mo s'ya. Magtira ka naman sa sarili mo. Binuhos mo na lahat ng pagmamahal mo sa kanya. Pero s'ya ba? May nakukuha ka ba pabalik? Celine the last time I check, babae ka naman. Nagkakaregla ka naman, may siopao at petchay. Walang identity crisis, o bakit ganito. Daig mo pa ang lalake," umiiyak na sabi ni Cheska.
Umiyak na ng tuluyan si Celine. "Iiwan n'ya ako pag hindi ko ginawa 'to. Magagalit s'ya at," hindi maituloy ni Celine ang kanyang sinasabi.
"Ano! Sasaktan ka n'ya! Ganoon ba? Ano madadagdagan na naman 'yan!" sigaw ni Cheska. Nililis ni Cheska ang manggas ng uniporme ni Celine. Tumambad ang na-uubeng pasa nito na ubod ng laki. "'Yan ba?" dagdag nito.
Lumayo bahagya si Celine at ibinaba ang kanyang manggas. "Wala 'to," pagtanggi ni Celine.
"Ano? Tumama sa pinto? Natabig kung saan? Ano! Sabihin mo!" hiyaw ni Cheska.
"Cheska! Tama na," humagulhul na ng tuluyan si Celine. "Oo kakagawan 'to ni Lanz. Imbis na tumama sa pader ang suntok n'ya, sa balikat ko tumama. Okay? Masaya ka na? Hindi naman n'ya 'to sinasadya. Kasalanan ko rin naman 'yon kasi na-late s'ya sa practice dahil 'di ako nakarating sa on time sa practice n'ya. Natatandaan mo ba nang nag-overtime tayo kay Ma'am Pascual. Halos 1 hour s'yang late dahil na sa akin ang mga gamit n'ya. Kasalanan ko naman lahat," pagtatanggol ni Celine.
Hindi makahinga sa galit si Cheska. "Dyos ko Lord! Celine, na saan na ba ang utak mo. Sino ba kasing may sabing sa 'yo n'ya laging ipadala 'yang l*nt*k na bag na 'yan! Ikaw pa talaga! S'ya 'tong panay flex ng braso n'ya tapos ikaw ang pagbubuhatin n'ya ng bag n'ya na sobrang bigat! Celine naman tapos magagalit s'ya dahil na-late s'ya? Aba naman, kung s'ya ang nagdadala ng bag na 'yan e 'di sana hindi s'ya male-late! Matalino s'ya 'di ba! Gamitin n'ya ang utak n'ya!" galit na galit si Cheska ngunit panay pa rin ang pagtulo ng kanyang luha.