Chapter 24

2322 Words
Isa lang 'yon sa linggo linggong drama ng magkaibigan tuwing makikita ni Cheska si Celine na ginagawang alila ni Lanz. Paulit ulit pa ring nagbubulag-bulagan ang dalaga sa hindi makatarungang trato nito sa kanya. Ang motto kasi ni Celine, kung walang tyaga, walang nilaga. Hindi naman magawang iwan ni Cheska si Celine. Mula elementary ay sila na ang magkasama at magkaibigan. Alam nito na kailangan lang mauntog ni Celine ng ubod ng lakas upang matauhan sa kanyang pinaggagagawa sa buhay. Pinangako ni Cheska sa kanyang sarili na hindi n'ya ito susukauang kumbinsing hiwalayan si Lanz hanggat maaga pa. Kakatapos lang ng klase nina Celine. Maaga silang natapos at uwian na. Ngunit mahaba pa ang araw para kay Celine, malapit na ang regional compition ng kanyang kasintahan. Kung kaya't nagmamadali itong pumunta sa gym upang dalhin ang training bag ni Lanz. "Girl! Tara, sine naman tayo. I'm so stress na kasi. Nagsasawa na ko sa mga sulatin! Kahit ngayong araw lang," aya ni Cheska kay Celine. "Nako girl kasi." 'Yon pa kang ang babanggit ni Celine ay pinahinto na ito ng kaibigang magsalita. "Shh! Girl! Maaga pa naman may 2 hours pa bago mag-start ang training nila," sambit ni Cheska. "Balak ko kasi, habang naghihintay magsimula ang training nila ay gawin na ang iba nating writings at report. Sayang sa oras hindi ko rin alam kung anong oras sila matatapos para pag-uwi ko wala na akong gagawin," paliwanag ni Celine. Napabuntong hininga na lang si Cheska. Kung minsan ay nawawalan na ito ng pag-asa para sa kanyang kaibigan. Hindi nito alam kung saan kumukuha si Celine ng lakas ng loob para magpakamarter kay Lanz. "Hay girl, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa 'yo!" Tinignan ni Cheska ang kanyang kaibigan mula ulo hanggang paa. Lubos na itong nadismaya sa itsura ng kanyang kaibigan. Hindi na nito magawang magayos o magpulbo man lang. Laging naka t-shirt at jeans, paulit ulit na rin halos ang kanyang mga sinusuot. Sa madaling salita pinapabayaan na nito ang kanyang sarili.  At bigla itong may naisip. "Girl, 1 hour," sabi nito. "Ha? Anong 1 hour?" nagtatakang tanong ni Celine. "Give me one hour! Please, ngayon lang. Promise 'di ka magsisisi sa gagawin ko. Please pumayag ka na please. Pagbigyan mo na ako," pagmamakaawa ni Cheska. Tinignan ni Celine ang kanyang relo. Maaga pa nga naman at minsan lang humiling si Cheska. "Sige na na," sagot ni Celine. Napatalon sa tuwa si Cheska. "Thank you girl! Thank you, thank you!" Niyakap nito si Celine at inaya ng pumuntang locker room. May kinuhang paperbag si Cheska sa kanyang locker at kinaladkad si Celine sa pinakamalapit na C.R. "Girl! Ang pretty pretty mo na, wala pang make-up 'yan ha!" papuri ni Cheska sa kanyang kaibigan. Pinasuot n'ya ang damit na kanyang daladala. Sleeveless na blouse at skinny jeans, bumagay pa ang kulay ng blouse kay Celine. Lumutang ang hubog ng katawan ni Celine, bumata ito tignan. Tinititigan ni Celine ang kanyang sarili sa harapan ng salamin. "Ako ba talaga 'to? Ang tagal ko ng hindi nakikita ang sarili kong makapagsuot ng ganitong mga damit. Nakaka-miss din pala." sabi ni Celine sa sarili. Nagustuhan ni Celine ang kinalabasan ng kanyang itsura. "Ang laki na lang talaga siguro ng pinagbago ko mula nang naging kami ni Lanz. Ito 'yung dating Celine, maibabalik pa ba kita? O ibabaon na kita ng tuluyan?"  Ito ang tumatakbo sa isipan ni Celine habang tinititigan nito ang sarili sa salamin. "Girl, itodo na natin," maligalig na sabi ni Cheska sa kaibigan. May hawak hawak pa itong mga make-up brush. "Ay, girl. Anong oras na!" palusot ni Celine. "Girl! Nangako ka 1 hour, 10 minutes pa lang ang makakalipas," ngiting ngiting sabi ni Cheska. Nagdadalawang isip si Celine kung papayag ba ito sa gusto ni Cheska. Ngunit sa kabilang banda, wala namang masama kung magpapaayos ito sa kanyang kaibigan. Minsan lang naman at saka bago pa maging sila ni Lanz ay nagme-make-up na rin naman talaga s'ya. Hindi nga lang ganoon ka dalas 'di tulad ni Cheska na akala mo ay laging pupunta ng party. "Papayag na 'yan," sabi ni Cheska. Ngumiti si Celine. "Sige na, pero 'yung light ha," pagpayag ni Celine. "Yes! Akong bahala promise. Don't worry kabisado ko pa naman ang face mo," masayang sabi ni Cheska. Sinimulan ng ayusan ni Cheska ang kanyang kaibigan. Pinaupo n'ya ito sa may sink area kung saan nakatalikod ito sa salamin. Hindi nito pinaharap si Celine sa salamin hanggat hindi pa n'ya ito tapos ayusan. Mula nang naging sila ni Lanz, unti-unti ng nawalan ng oras si Celine sa kanyang sarili. Ni magayos ay 'di na nito nagawa. Pinagbawalan din ito ni Lanz na mag-dress o magpalda. Bawasan din daw nito ang pag-make-up dahil mas maganda raw si Celine kung walang ayos. Ultimu sa pagpapagupit ng buhok ay si Lanz pa rin ang nasusunod. Ayaw nitong magpapaiksi ng buhok si Celine. Mas maganda raw sa babae ang mahaba ang buhok. Sa pagkilos, pakikisalamuha sa mga kaklase. Lahat ng bagay ay may kumento si Lanz. Nalosyang na rin ng tuluyan ang dalaga sa dami ng pinagbabawal ni Lanz. "Girl, ang ganda ganda mo! Nagmukha kang fresh. 'Di ka na mukhang haggard! Ang galing galing ko talaga," papuri ni Cheska sa kanyang sarili. "Nako girl, pag ako nagmukhang clown sinasabi ko sa 'yo ilulublub kita sa swimming pool mamaya," banta ni Celine. "Ay girl, wala ka bang tiwala sa akin? Paglabas na paglabas natin ng building, I'm sure may papansin na sa 'yo kaagad," sabi ni Cheska. Habang patuloy nitong inaayusan si Celine. "Para 'tong sira, ang gusto ko lang naman magustuhan ni Lanz ang itsura ko," sabi ni Celine. Ang kaninang nag-uumapaw sa tuwang itsura ni Cheska ay napalitan bigla. Binaba nito ang kanyang brush at naupo sa tabi ni Celine. "Girl, inayusan at pinaganda kita 'di para kay Lanz. Ginawa ko ito para makita mo ang sarili mo," malungkot na sabi ni Cheska. "Noong unang taon n'yo ni Lanz, maayos at kilala pa kita. Pero habang tumatagal nawawala na 'yung Celine ng bestfriend ko. Sa kanya na lang umikot ang mundo mo. Girl ang lawak at ang laki ng mundo, 'wag mong ikulong ang sarili mo sa kanya. Alam kong para na akong sirang plaka na paulit-ulit, pero sana mahalin mo ang sarili mo. Bestfriend kita kaya ko 'to sinasabi," maluhaluhang litanya ni Cheska. Napapaluha na rin si Celine. "Girl salamat at kahit nagmumukha na akong t*ng*, hindi mo pa rin ako sinusukuan. Pero Cheska, kay Lanz ako masaya. Ayaw ko s'yang mawala, kaya sana maintindihan mo kung bakit ginagawa ko ang lahat ng 'to," paliwanag ni Celine. Hindi umimik si Cheska, itinuloy nito ang kanyang finishing touches sa make-up ni Celine. Tahimik lang ang dalawa hanggang tuluyan ng matapos ni Cheska ang kanyang ginagawa sa mukha ni Celine. "Cheska, salamat," sabi ni Celine habang nagliligpit si Cheska ng mga gamit nito. Niyakap din ito ni Celine habang nakatalikod. "Girl 'wag mo kong iiwan ha," dagdag nito. Natanaw ni Celine ginawang make-up ni Cheska. Makahalong saya at lungkot ang kanyang naramdaman. Masaya dahil nakita n'ya muli ang kanyang sarili. Ang Celine na may kunting pakakikay, ang pagiging kolehiyala. Ngunit nilalamon din ito ng lungkot dahil alam n'yang ayaw ni Lanz ng mga ganitong kolorete sa kanyang mukha. At maaring pagmulan pa nila ito ng away. Subalit sumugal si Celine sa pagkakataong ito at nagbakasakaling magustuhan ni Lanz ang kanyang ayos. Ito ang totoong Celine. Kumalas si Cheska sa pagkakayakap ni Celine. Humarap ito at bumungad ang luhaang mukha nito. "Celine naman, mamumugto ang mga mata ko! May date pa ako mamaya," umayak na ng tuluyan si Cheska. "Bestfriend kita, ikaw lang ang nakakatyaga sa mga kaartehan ko at sa ugali ko. Papakawalan pa ba kita? At paano ka na pag-iniwan kita sa lalakeng 'yon, ako lang naman ang nakakatiis sa kat*ng*h*n mo kay Lanz. Kaya patas lang tayo," humahagulhol na sabi ni Cheska. Alam ni Celine ang pinapahiwatig ng kanyang kaibigan ngunit mahal na mahal nito si Lanz kaya mas pinipili nitong tiisin ang lahat huwag lang s'yang hiwalayan ni Lanz. Tutulo na rin ang mga luha ni Celine. "Opps! 'Wag na 'wag kang iiyak! Masisira ang creation ko, ako na lang ang iiyak para sa 'yo," sabi ni Cheska at patuloy pa itong umiyak. Natawa na lang si Celine sa mga nasabi ni Cheska. Tumango ito at pinigilan ang pagluha. Paglabas nila ng C.R. ay komportableng naglakad si Celine. Bitbit ang bag ng Lanz at papuntang gym. "Girl, ang fresh at ang ganda ng awra mo ngayon. Parang 'di ka tuyot na tuyot," biro ni Cheska. "Grabe ka." Napatingin si Celine sa kanyang braso. "'Di naman, sobra ka naman," sagot ni Celine. "Tignan mo girl, napapansin ka ng mga ibang estudyante. Ala na natalbugan mo na ako," sabi ni Cheska. May mga nakakapuna kasi kay Celine habang naglalakad. Sa isang iglap nabago ang itsura ni Celine. "Sira, sa 'yo nakatingin 'yang mga 'yan," sabi ni Celine. "Ay girl, hindi ka sure. Look." Itinuro ni Cheska papalapit na grupo ng lalake. Itinutulak nito ang kanilang barkada papunta kay Celine. "Hi!" sambit ng isa sa mga lalake. Hindi umimik ang dalawa. "Ano, ate mabigat ata 'yang dala mo s'ya." Sabay tulak nito sa kanyang kaibigan upang mapapalapit kay Celine. "Na lang ang magdala n'yan," Mukhang binubuyo ng mga ito ang isa nilang kaibigan upang makipagkilala kay Celine. "'Wag" 'Yung pa lang ang nasasabi ni Celine ng biglang inagaw ni Cheska ang bag na dala nito. "Sure! Its kind a heavy din kasi, so okay lang," sabat ni Cheska. Agad namang kinuha ito ng lalake. "Hi, James nga pala. Pa....pasensya ka na Celine," nahihiyang sabi ni James. Hindi nito pinansin si Cheska. Ngumiti lang si Celine. "So, James pala ang name mo. I'm Cheska, friend ni Celine," singit ni Cheska. Pumagitna ito sa dalawa, alam nitong maaring pagchismisan si Celine ng mga chismosang palaka sa kanilang campus kaya dapat na maprotektahan n'ya ang kanyang kaibigan. Mabuti na lang at sanay makita ng mga taong iba iba ang kanyang kasamang lalake. Kaya may posibilidad na hindi paghihinalaan ni Lanz si James na nakikipagkilala ito kay Celine. Kinausap ng kinausap ni Cheska si James may paghawak pa ito braso ni James. Ngunit ang mga mata ni James ay nakatuon lang kay Celine. Hanggang makarating na ang tatlo sa gym. Magalang at mabait si James, nagsabi rin ito na gusto lang nitong makipagkilala. Ayaw din nitong mapaaway o makipagkumpitensya kay Lanz. Dahil wala s'yang panama sa kakisigan ni Lanz. Napasubo na lang talaga ito dahil sa kanyang mga kaibigan. "Mauna na ako, pasensya na 'di ko na kayo masasamahan habang hinihintay n'yo si Lanz. May klase pa kasi ako, pero nice meeting you Cheska. Lalo na sa 'yo Celine, ang bait at ang ganda mo pala talaga. Ang swerte ni Lanz sa 'yo. Sige na dumadaldal na ko. Bye, ingat, " paalam ni James. Nagpaalam na rin ang dalawa kay James. "Girl! Ganyan dapat ang lalake, gentleman, mabait, friendly. 'Di tulad ng hay nako!" sabi ni Cheska. Naglakad na ang dalawa sa gilid ng pool side. "Girl ganyan din naman si Lanz," pagtatangol ni Celine sa kanyang kasintahan. Napaismid na lang si Cheska. "Sige na, siguro nabulag o 'di kaya ay napuwing lang ako ng mga oras na 'yon kaya 'di ko nakikita na naging gentleman si Lanz sa 'yo," sabi ni Cheska. "Ikaw talaga girl napaka-supportive mo. Kaya mahal na mahal kita e," pambobola ni Celine. "Oo naman girl, support kita! More kat*ng*han to come ha," pabirong sabi ni Cheska. Tumawa na lang si Celine. Maya maya pa ay dumating na ang swimming team ng kanilang school. Tumayo na si Celine upang salubungin si Lanz. "Girl? Kaylangan talagang salubungin?" pagpuna ni Cheska. Ngayon lang kasi nito sinamahan si Celine sa paghihintay kay Lanz sa kanilang practice. Naiirita kasi ito sa mga ka-team ni Lanz, lalo na mismo kay Lanz. "Na sa 'kin kasi ang bag n'ya magpapalit na sila ng damit pang-practice, kaya kaylangan ko iabot," paliwanag ni Celine. Napailing na lang si Cheska sa paliwanag ni Celine. "Alam mo girl, kung pwede lang awayin 'yang training bag na 'yan matagal ko ng inaway 'yan," nang gagalaiting sabi ni Cheska. "E paano ba 'yan, 'di ka sasagutin nito. Kaya 'di mo s'ya maaaway. Sige na, ibgay ko pa 'to kay Lanz," paalam ni Celine. Nagmamadaling lumapit si Celine kay Lanz upang iabot ang kanyang training bag. "Ito na, kumpleto na rin 'yan," masayang sabi ni Celine. Umaasa itong mapapansin ni Lanz ang kanyang ayos. "Thanks babe, magpapalit na ako," sabi ni Lanz. Nadismaya si Celine, walang kahit anong reaksyon si Lanz. Palagay nito ay 'di ito nagustuhan ng kanyang kasintahan. Nagsimula na ang kanilang training. Umalis na rin si Cheska, sumasama lang daw ang kanyang timpla kapag nakikita ang pagmumukha ni Lanz. Lalo na pagnakikita ang training bag nito. Matyagang naghintay si Celine. Na sa apat na oras itong nakaupo at naghihintay kay Lanz. Magaabang kung may ipapakuha o ipapabili ito. Madalas ay dito na rin n'ya ginagawa ang mga school write ups at assignment upang hindi masayang ang kanyang oras. "Babe ana ba 'yang suot mo? At saka kaylan ka pa nag-make-up?" tanong ni Lanz pagkapasok na pakapasok nila sa kotse. Natapos na ang kanilang training at pauwi na sila. "Hindi mo ba nagustuhan? Panget ba? Inayusan kasi ako ni Cheska kanina," sagot ni Celine. Napasandal na lang si Lanz at napapikit. "Babe sabi ko naman sa 'yo, gusto ko simple ka lang. Mas bagay sa 'yo mag-jeans at t-shirt at walang make-up. Kay Cheska oo bagay 'yan maganda at sexy si Cheska, pero sa 'yo babe, it doesn't fit," sabi ni Lanz. Inumpisahan na rin ni Lanz paandarin ang kanyang kotse. Tahimik lang si Celine, hindi ito makapaniwala sa mga sinabi ni Lanz. Iniisip nito kung talaga bang 'di sa kanya bagay ang ayos n'ya? Kanino s'ya makikinig, sa matagal na n'yang kaibigan na si Cheska o kay Lanz?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD