Chapter 25

2560 Words
"Girl puyat na puyat?" bungad ni Cheska. "Oo hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi," malatang sagot ni Celine. Sumubsob din ito sa kanyang upuan. "Ha? Bakit naman? Teka may for submission tayo ngayon natapos mo na?" sunud-sunud na tanong ni Cheska. Itinaas ni Celine ang kanyang kamay at sumenyas ng thumbs up. "Girl kaya sa 'yo ako! Running for cumlaude na martir na jowa pa. Saan ka pa? All in one ka talaga, daig pa si koratcha," pagmamalake ni Cheska. "Ayan tayo." Tumunghay si Celine at tinitigan ng masama si Cheska. "Hindi ko alam kung papuri o pangiinsulto 'yang sinasabi mo sa akin. Pero salamat girl ha, salamat sa compliment," sagot nito. "I love you girl! Wait, anong sabi ng Lanzarus na 'yon sa ayos mo kahapon? Siguro naman itatrato ka na n'yang babae n'yan. At hahayaan ka ng magsuot ng gusto mong damit. Magsisimula na ba tayong mag-shopping mamaya?" tanong ni Cheska. Napabuntong hininga si Celine at muling sumubsub sa kanyang upuan. Tumaas ang kilay ni Cheska at nagpamewang dahil sa naging reaksyon ni Celine. "Girl don't tell me, ay nako! Umiinit ang ulo ko! Umagang umaga girl," gigil na sabi ni Cheska. "'Wag mo ng alamin ang sinabi n'ya, masasaktan ka lang," sabi ni Celine. Hinila ni Cheska si Celine upang umupo ng maayos. "No, tell me. Hindi ako makakapayag. Kaylangan kong ipagtanggol ang creation ko," sabi ni Cheska. "Sige, pero sinabihan na kita. Masisira lang ang araw mo," babala ni Celine. Seryoso ang titig ni Cheska sa kaibigan. Hinihintay nitong magsalita si Celine tungkol sa sinabi ni Lanz. "Hindi raw bagay sa akin ang mag-make-up, magsuot ng fitted na damit at mag-ayos. Dapat daw mag t-shirt na lang daw ako at jeans. Kung sa 'yo raw bagay talaga ang mga ganoong damit kasi maganda at sexy ka, pero sa akin hindi," dirediretchong sabi nito. Nagpanting ang tenga ni Cheska. Lumalim din ang paghinga nito dahil sa galit. "Girl saang banda 'yung sinasabi n'yang hindi bagay sa 'yo ang ganoon damit? Sabihin mo? Girl, ano forever shirt at jeans? Ganoon!" mataray na tanong nito. "Sabi ko naman kasi sa 'yo 'di ba? Sasama lang ang loob mo. At saka 'yon ang gusto n'ya sa akin. Wala naman akong ibang pagpapagandahan," matamlay na sabi ni Celine. "Alam mo Celine, hindi ko alam kung naluto na ba ng chlorine 'yang mga mata ng jowa mo at hindi na marunung tumingin ng maganda! Girl naiinis ako dahil 'di man lang n'ya na-appriciate na nagayos ka para sa kanya! 'Di man lang n'ya napansin 'yung effort mo!" halos umusok ang ilong nito sa galit. "Mas gusto raw n'ya ng simple," sagot ni Celine. "Simple lang naman 'yung ginawa ko! Maganda ka na kasi girl kulang lang sa ayos. Ang gusto n'ya, magmukha kang losyang para pwede ka n'yang alilain? Ganoon ba ang gusto n'ya?" paliwanag ni Cheska. Hindi na lang ito pinansin ni Celine, bumalik ito sa kanyang pagkakasubsub at pumikit. Ngunit pagpikit nito ay may mga luhang pumatak galing sa kanyang mga mata. Nasasaktan ito sa mga sinabi ni Cheska, lahat kasi ng kanyang sinambit ay totoo. "Girl kinain ka na ba talaga ng sistema? Bakit patuloy ka pa ring nagbubulagbulagan sa pagtrato n'ya sa 'yo? Ang gusto ko lang naman itrato ka n'ya bilang babae, wala na tayo sa medieval age para magpakadominante s'ya. Kaya ng tumayo ng mga babae mag-isa at ipaglaban ang karapatan natin bilang tao. Ginagalang, inaalagaan at nirerespeto dapat tayo," sermon ni Cheska. Wala pa ring imik si Celine, ngunit tagos sa puso ang lahat ng sinabi ni Cheska sa kanya. Hindi ganito ang pinangarap na relasyon ni Celine pero dahil mahal n'ya si Lanz kaya lahat ay sinusunod n'ya 'wag lang s'yang iwan nito. Kahit pa nahihirapan na ang kanyang kalooban. "Alam kong naririnig mo lahat ng sinasabi ko. Hindi ako madasaling tao pero malapit na akong magnovina para mauntog ka sa kag*g*han mo. Celine, matalino ka. Parang awa mo na, gamitin mo 'yang utak mo. 'Wag laging puso! Kaya nga inilagay ni Lord ang utak na mas mataas sa puso para mapag-isipan natin lahat," litanya ni Cheska.  Hinatak din patayo ni Cheska si Celine. "Oy, saan mo ko dadalhin?" tanong ni Celine. Dali dali rin nitong pinunasan ang kanyang luha. "Para patunayan sa 'yo na maganda ka! Na-worth it ka at dapat kang itrato ng tama." Kinaladkad nito ang kaibigan sa isang classroom. Kumatok ito sa pinto ng tatlong beses at saka binuksan. Nagulantang ang mga tao sa loob. Tumahimik ang lahat ng makitang dumungaw si Cheska. "Nandyan po ba si James Esteves?" sigaw nito. "James daw, na saan ba si James?" Nagbulungan na ang mga estudyanteng nandoon. "Bakit?" may lalakeng sumagot mula sa kanilang likuran. Napalingon ang dalawa. "Ayan! Nandyan ka lang pala!" sabi ni Cheska kay James. "Okay na, salamat," sabi nito sa mga tao sa loob ng classroom saka sinarado ang pinto. "Halika." Hinatak ni Cheska si James kasama si Celine sa bandang gilid. "Ikaw ang magsabi. Anong itsura ni Celine kahapon?" agad na tanong ni Cheska. "Ha? Ano?" Nabigla si James sa tanong ni Cheska. Bakas sa mukha ni Cheska ang pagkaiyamot na kinatakot ni James. Hinawakan ni Cheska ang dalawang balikat ni James. "Hindi ba bagay kay Celine ang ayos n'ya kahapon?" muling tanong ni Cheska habang inaalog nito si James. Tumingin si James kay Celine. "Mas lalo kang gumanda kahapon. Kahit ano naman ang isuot mo bagay sa 'yo. Mas gumanda ka lalo sa paningin ko," sabi ni James. Hindi inaasahan ni Cheska ang mga sinambit ni James. Oo o hindi lang ang akala n'yang isasagot nito. Namula ng bahagya si Celine, nakaramdam ito ng tuwa sa sinabi ni James. Para bang nakaramdam ito ng kilig sa papuri ni James na hindi nito kaylanman narinig kay Lanz. Binasag ni Cheska ang katahimikang namagitan sa kanilang tatlo. "See! Anong sinasabi n'yang hindi bagay sa 'yo! Nang galing na 'yan sa panangin ng isa pang lalake! To assure na hindi kita niloloko ng maganda ka!" galit na galit na sabi ni Cheska. Walang imik si Celine, nakatitig pa rin si James kay Celine. "Celine matagal na akong may paghanga sa 'yo. Matagal na rin kitang nakikita at sinusubaybayan dito sa campus. Kahit mataray ka raw at suplada malaki pa rin ang paghanga ko sa 'yo. Sinasabi ko 'to 'di para makipagkompitensya kay Lanz o  maguluhan ka. Kung 'di dahil gusto kong makita ulit sa mga mata mo 'yung saya at 'yung tiwala mo sa sarili," biglang napahinto si James sa pagsasalita. Nakita nitong tumulo ang mga luha ni Celine. "Celine, ano. Hindi ko sinasadya. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi ang lahat ng 'to. Sorry." Naglabas agad ito ng panyo, hindi nito alam kung iaabot ba n'ya ito kay Celine o s'ya na ang magpupunas ng mga luha nito. "Amina," sabi ni Cheska kay James. "Girl tahan na." sabi nito kay Celine at niyapos n'ya ito. Bakas ang pagkabahala sa mukha ni James. "Sige na, ako ng bahala kay Celine. Salamat at pasensya na sa abala." Naglakad na ang magkaibigan. Dinala ni Cheska si Celine C.R. doon ay humagulhol na ng iyak ang dalaga. "Sige, iiyak mo lang 'yan. Okay lang 'yan," sabi ni Cheska habang hinihimas nito ang lukuran ng kaibigan. "Girl, bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit ang sakit sakit. Simula nang naging kami ngayon ko lang naramdaman na ako pa ba 'to? Kilala ko pa ba ang sarili ko? Nakakapagod pala na ikaw na lang palagi ang nag-give. Ikaw palagi ang nag-adjust at ikaw na lang palagi ang umiintindi. Girl kanina noong nakatitig sa akin si James parang awang awa s'ya sa akin. Pakiramdam ko ang pangit pangit ko na, at sobrang kawawa. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam," humahagulhol na sabi ni Celine. "Celine 'wag ka naman ganyan. 'Wag mo isisi lahat sa sarili mo. Alam kong lagi kitang nasasabihan ng martir pagdating kay Lanz. Pero ang point ko roon is ipaglaban mo ang sarili mo. Kaya ginawa ko 'yung kanina kasi pakiramdam ko nawawalan kana ng self-confidence sa sarili mo. Nakadipende ka na palagi kay Lanz, 'di portek ayaw n'ya ayaw mo na rin. Gusto kong ipakita sa 'yo ang worth mo. Gusto kong maramdaman mo to be a queen of your own knight. Ikaw lang sapat na at handang iparamdam sa 'yo how special you are. Wala kang boses sa relasyon n'yo, which is very unhealthy sa mental health mo. You need to grow together, hindi lang ang mga pangarap n'ya ang priority mo. Dapat kasama ka rin sa mga plano n'ya, he should consider your feelings bilang partner n'ya. Hindi ka aso Celine. Gustohin ko man na hiwalayan mo si Lanz, alam ko na mahal na mahal mo s'ya kahit nasasaktan ka na. Hindi ka makikinig sa payo ko, pero please Celine, magtira ka para sa sarili mo. Kahit doon lang makinig ka sa akin please, kahit 1% lang mahalin mo ang sarili mo," sabi ni Cheska sa kaibigan. Ngayon lang lubos na naunawaan ni Celine ang paulit ulit na dinadaing ni Cheska. Ramdam nito ang mga aspiling tumutusok sa kanyang puso sa bawat tamang rason ni Cheska tungkol kay Lanz. Ngunit pilit kinakaya ng kanyang puso ang sakit. Lumipas ang mga bwan at naging magkaibigan sina Cheska, Celine at James. Alam ng dalawa ang kanilang limitasyon. Kung baga naging bukas lang si Celine sa pakikipagkaibigan kay James. Wala rin namang nakikitang masama roon si Cheska dahil walang hinihinging kapalit si James. Madalas ding samahan ni James ang dalawa sa paghihintay kay Lanz sa gym tuwing bakante ang oras nito. At kasabay na umaalis ni Cheska. Hindi rin ito lumalapit kay Celine kung wala si Cheska. Malinis ang intensyon ni James at masaya na ito na kahit papaano ay kilala na s'ya ni Celine. Mainam na rin ito upang 'di napapagod si Celine sa kakabitbit ng training bag ni Lanz sa araw araw na pag-training nito. "Babe nadadalas ata ang pagsama sa inyo ni James Esteves?" pagpuna ni Lanz. "Kilala mo s'ya?" balik na tanong ni Celine. "Oo, dati s'yang kasama sa swimming team. Pero nag-quit din dahil hindi n'ya kayang pagsabayin ang training at studies. And thats weird, dapat na kayanin n'ya 'yon? Ipagpapalit n'ya ang team? Sayang magaling pa naman s'ya," sabi ni Lanz. "Pero bakit nga ba lagi n'yo s'yang kasama? Don't tell me nangliligaw s'ya kay Cheska. Tell Cheska na 'wag ibaba ang standards n'ya sa ganoong klaseng lalake. He cannot manage things tapos mag-girlfriend pa s'ya," pangiinsulto ni Lanz. Nalungkot si Celine sa mga salitang binitawan ni Lanz. Makasarili at pangit mang pakinggan ngunit ang talagang kinalungkot ni Celine ay hindi man lang nakaramdam ng selos si Lanz. At inisip pa nitong kay Cheska ito may gusto. Kahit si Celine ay nagugulumihanan sa kanyang nararamdaman. Hindi nito maintindihan kung bakit gusto n'yang marinig na nagseselos si Lanz kay James kahit kaunti. "Ano Lanz, hindi ka galit na lagi kong kasama si James?" tanong ni Celine. Tumawa si Lanz. "Babe ako? Magseselos sa tulad n'ya? No way, alam mo wala pa s'ya sa kalingkingan ko. And he is just an ordinary average college student. Nothing more nothing less. Walang dapat ipangamba sa kanya," sagot ni Lanz. Napabungtong hininga na lang si Celine. Para bang may pumiga sa kanyang puso. Kung tutuusin ay dapat s'yang maging masaya dahil may tiwala sa kanya si Lanz. Subalit pakiramdam n'ya ay balewala lang talaga s'ya kay Lanz at kahit sino pa ang makasama n'ya ay wala itong pakielam. "Ow, its getting late. Kaylangan kong makapagpahinga dahil maaga ang training bukas. Finish your food. Pupunta lang akong restroom, magkita na lang tayo sa parking. Here's the key," sabi ni Lanz at pumunta ng C.R. Iniwan nito ang susi sa lamesa pati ang bag nito. Naiwang mag-isa ang dalaga, nawalan na rin ng ganang kumain. Kaya kinuha na nito ang susi ng kotse at ang bag ni Lanz. Pumunta na ito sa parking lot ng kanilang kinainan at hinintay si Lanz sa loob ng kotse. Ilang sandali pa ay natanaw na nito si Lanz, may kakwentuhang babae. May buhat buhat din si Lanz na travelling bag. At mukhang pagmamay-ari ito ng babae. Maganda, mapustura at sosyal na babae. Kitang kita ni Celine na aliw na aliw ang kanyang kasintahan habang nakikipagusap. Nakatawa ito at nagawa panghuminto upang mas makausap ng maayos ang babae. Dalawang bagay ang sumagi sa isipan ni Celine, una, gusto n'yang sugurin ang babae upang awayin. Pangalawa, ay nakaramdam ito ng malaking insecure sa kanyang itsura. Nilalamon na ito ng matinding kalungkutan. At mas nanaig ang kanyang pagka-insecure sa babaeng kausap ni Lanz. Napatingin si Celine sa side mirror ng kotse. Kusang tumutulo ang kanyang mga luha. Nakita nito ang kanyang pagud na mukha, malamlam na mga mata, tuyot na balat at nakapusod na buhok. Malayong malayo sa magandang itsura ng babae. Gustuhin man n'yang awayin ang babae ay baka magmukhang ewan lang ito dahil sa kanyang itsura. Nagpasya na lang ang dalaga na maghintay kay Lanz at pikitmatang tanggapin ang nakita. Inisip na lang nito na isa lang ito sa tagahanga ni Lanz sa larangan ng paglangoy. Ilang minuto pa at natapos na ang usapan ng dalawa. May paghalik pa sa pisngi ang babae at paghawak sa kamay ni Lanz. "Oh, kanina ka pa?" tanong ni Lanz. Pagkapasok nito sa kotse. "Oo, ano babe sino s'ya?" tanong ni Celine. "Who?" balik na tanong ni Lanz. "'Yung kausap mo kanina," sagot ni Celine. Bahagyang tumaas ang boses nito dahil sa matinding selos na nararamdaman. "I don't like the tone of your voice," galit na sabi ni Lanz. "Sino s'ya?" ulit ni Celine. Papaiyak na ito ngunit pilit n'ya itong pinipigilan. "Tsss, anong iniiyak mo d'yan? Nakipagkilala lang s'ya and she's pretty, alangan namang mang snob ako," inis na sabi ni Lanz. "Akala ko ba ayaw mo sa mga ganoong babae?" mangiyak ngiyak na tanong ni Celine. "Stop this nonsense conversation. She approuched me nicely so anong gusto mong gawin ko iwan s'ya? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi nga sa 'yo bagay ang mga fitted na damit at make-up. Bagay lang ang mga 'yon sa mga sexy at magaganda. At isa ang bigat ng dala n'yang bag so as a gentleman I help her. Para 'di na s'ya mahirapan magdala ng bag, kaunting kwentuhan. Anong problema don? Please Celine pagod ako sa training, kaya 'wag mo ng sabayan ng kaartehan mo," inis na sabi ni Lanz. Hindi na sumagot si Celine, pinaandar na rin ni Lanz ang sasakyan para ihatid si Celine. Tahimik ang dalawa buong byahe, ayaw ng magsalita ni Celine dahil natatakot itong dumampi na naman ang kamay ni Lanz sa kanyang mukha dahil sa inis. "Bukas 7:00am sharp nandoon ka na," sabi ni Lanz. "Okay sige," sagot ni Celine. "Bye." Iniangat na ni Lanz ang binta ng sasakyan. "I love you." Hinarurut na nito ang pagpapatakbo. Naiwan si Celine sa sakayan ng jeep. Mag-9 na noon ng gabi, out of the way kasi ang bahay ni Celine kaya hanggang doon lang s'ya laging hinahatid ni Lanz. "Mahal ka n'ya tiwala lang Celine. Dadating 'yung araw na ikaw na ang priority n'ya. Pagnatupad na n'ya ang mga pangarap n'ya, ikaw na ang papahalagahan n'ya. At pang-life time na 'yon. Kunting tiis pa, after graduation at may trabaho na kami pareho, mararanasan ko ring maging priority n'ya Tiwala lang," pangpalubag loob ni Celine sa kanyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD