Chaptert 26

2389 Words
Inabutan ng bouquet ng bulalak ni James sina Celine at Cheska. "Congrats!" bati ni James. "Congrats din sa 'yo James! At salamat," bati ni Celine. "Thank you bebe James! Nako James! Mami-miss ka namin," maluha luhang sabi ni Cheska. "Ako rin mami-miss ko 'yung panglilibre mo ng ice cream," sabi ni Celine. Ito na ang pagtatapos ng kanilang college life, papasok na sila sa bagong kabana ng kanilang buhay. At sa kanilang pagtatapos ay masaya ang tatlo dahil nagkaroon sila ng pagkakataong maging magkakaibigan. Nagtawanan ang tatlo, nabuo ang isang magandang samahan sa maiksing panahon. Nandoon pa rin ang pahanga ni James kay Celine ngunit masaya na ito sa pagkakaibigang binigay ni Celine. "Oh paano bayan, mauna na 'ko. Walang limutan ha, pag mga sikat na kayong columnist o reporter," sabi ni James. "Sira, hindi mangyayari 'yon. Ikaw din, baka pwedeng magpagawa ng house plan with big discount," pabirong sabi ni Celine. "Sure no problem. Gusto mo libre pa basta ikaw," sagot ni James. "Ako rin, ako rin," sabat ni Cheska. "Nako ayaw ko sa 'yo, magulo ka kausap! Baka maging abstract ang mangyari," sabi ni James at pinagtawanan ng dalawa si Cheska. Nagpamewang si Cheska. "Ang hard n'yo sa 'kin! Magaganda naman ang ideas ko wah?" kunwaring napipikong sabi ni Cheska. "Nako Cheska, 'wag kami." Tinawanan lalo ni James si Cheska. "So paano ba 'yan, bye bye na. Nice meeting the both of you. Kinumpleto n'yo ang college life ko," paalam ni James. Umalis na ito at bumalik sa kanyang mga kakurso. "Girl ang unfair talaga ni James," puna ni Cheska. "Bakit?" tanong ni Celine. Kinuha ni Cheska ang bouquet ng bulaklak ni Celine at pinagkumpara ang dalawang bouquet. "Tignan mo." Pinaglapit nito ang dalawa. "'Yung sa 'yo ang laki, at ang daming roses. Na yellow, ang gaganda pa ng bulaklak, fresh mukhang bagong bago. Tapos tignan mo naman 'yung sa akin, mukhang pinagtabasan lang noong sa 'yo," sabi ni Cheska. Nagkunwaring masma ang loob nito pero deep inside, tuwang tuwa ito sa atensyong binibigay ni James sa kanyang kaibigan. Gusto lang nitong ipakita kay Celine na may tao mas nagpapahalaga sa kanya. "Para 'tong sira, pasalamat nga tayo binigyan tayo ni James ng bulaklak. At least 'di tayo bokya," sagot ni Celine. Sa totoo lang ay nakakaramdam ng inggit si Celine sa mga kaklase nitong nakakatanggap ng bulaklak. Ni minsan ay hindi s'ya binigyan ng bulaklak ni Lanz sa kahit anong okasyon. "Oh! May pa letter ka pa. Naks naman," kantyaw ni Cheska. Napansin din ito na Celine. "Ikaw din naman, meron! Ikaw talaga, for sure sa 'yo may gusto si James," Kinuha ni Celine ang envelop na nakasinit sa bouquet ni Chesk. "Etchusera ka girl. 'Wag na tayo magbolahan. Akala ko ikaw lang ang mayroon e. Kung nagkataong gegerahin ko si James," sabi ni Cheska. "Wait, after nito saan kayo pupunta nina tito at tita?" tanong ni Cheska. "Kakain sa labas then, uuwi na. Kayo?" balik na tanong ni Celine. "Same," sagot ni Celine. "Calling all the awardees, in acads and sports, please proceed to our stage for the picture taking. Thank you," sabi ng master of ceremony. Napabuntong hininga na lang si Cheska. "Girl dapat," ito pa kang ang nasasabi ni Cheska nang bigla s'yang hawakan ni Celine sa kanyang mga kamay. "Ang mahalaga naka-graduate tayo on time," nakangiting sabi ni Celine. Ngunit bakas sa mukha nito ang panghihinayang. Dapat ay isa si Celine sa cumlaude ng kanilang batch. Ngunit dahil sa madalas nitong pagliban o 'di kaya ay late sa mga klase, malaki ang naging epekto nito sa kanyang performance. At isa pa madalas din itong ma-late sa pagpapasa ng mga gawain kung kaya't maraming deduction itong natatanggap. Kahit na maganda at mahusay ang kanyang pagkakagawa ng kanyang sulatin at report. Marami ang nanghinayang sa pagkakatanggal nito bilang cumlaude. Subalit alam naman ni Celine na s'ya rin naman ang may kasalanan sa nangyari. Nagpapasalamat na lang ito dahil on time pa rin s'yang nakapatapos sa kanyang kurso. "Hay girl, kung kasing talino mo lang ako," panghihinayang ni Cheska. Ngumiti na lang si Celine. "Na saan nga pala ang apple of the eye mo?" tanong ni Cheska. "Nandoon sa mga kaklase n'ya," maiksing sagot ni Celine. "Nako 'di ka man lang n'ya pinuntahan para batiin? Napakagaling talaga," inis na sabi ni Cheska "Oy busy lang talaga s'ya, pinuntahan ko naman s'ya kanina para batiin," sabi ni Celine. "Then?" tanong ni Cherska. "Sabi n'ya thank you," sagot ni Celine. "Ano 'yon lang! Ang make-up Cheska, relax. Mahal ang ginastos mo rito. Magpapa-picture ka pa mamaya relax," sabi ni Cheska. Naiinis na kasi ito dahil sa ginawa ni Celine. At lalo na sa sagot ni Lanz. Tumango si Celine. "Tapos? Ala na? Ganoon lang?" sunod na tanong ni Cherska. Bumuntong hininga si Celine. "Oo," sagot ng dalaga. "Ang swimming team daw mag-celebrate sa palawan! Hala tara sumunod kaya tayo?" sabi ng isang babae sa gilid nina Celine. "Ay maganda 'yan! Lahat ba sila?" tanong naman ng isa. "Yap! Lahat, kasama rin ang mga girlfriends nila. Ang swerte naman nila, sana nakabingwit din tayo ng isa sa kanila," sabi ng isa. Narinig ito ng magkaibigan, napukaw nito ang pansin ng dalawa na lalong ikinainit ng ulo ni Cheska. Nagulat naman si Celine sa kanyang narinig, wala namang nababanggit si Lanz tungkol sa outing ng kanilang team pa Palawan. Binanggit pa isa isa ng babae kung sino sino ang kasama sa outing. At isa sa nabanggit ay si Lanz. Napalingon ito kay Celine. "Girl," sabi ni Cheska. Napansin kasi nito ang nangingilid na luha ni Celine. Naglaho ang inis ni Cheska at muli itong naawa sa kanyang kaibigan. "Okay lang ako. Baka mamaya sabihin din sakin ni Lanz ang tungkol doon, surprise. Ganoon," sabi ni Celine. Dumaan ang mga araw, ni pahaging sa outing ay walang binabanggit si Lanz. Hindi na nakapaghintay si Celine, kaya s'ya na mismo ang nagtanong tungkol sa outing. "Babe mukhang wala ata kayong celebration ng team? 'Di ba every success ng team sine-celebrate n'yo?" tanong ni Celine. "Mayroon syempre. Actually dapat ngayon s'ya. Kaso nagkaproblema sa ticket, kulang ng isa humabol kasi ang girlfriend ni Jordan. Kaya 'yon, buti nagawan ng paraan na delay nga lang ng one day ang outing," paliwanag ni Lanz. "Ah, so kasama ang mga girlfriends nila? Lahat sila may kasamang girlfriend?" sunod na tanong ni Celine. "Yap, pero ako hindi na kita sinama. 'Di ka naman bagay sa mga ganoon, maiinip ka lang. Hindi sa 'yo bagay mag two piece at saka 'di ka naman marunong lumangoy, hindi mo rin mae-enjoy. But you know what may magandang spot sa pupuntahan naming....," masayang nagkwento si Lanz ng mga pupuntahan nila sa three days and two nights stay nilang outing. Hindi nagpahalata si Celine na nasasaktan sa pagkwekwento ni Lanz. Paulit ulit na umaalingawngaw sa kanyang tenga ang sinabi ni Lanz na hindi s'ya bagay doon. Pakiramdam nito ay ikinahihiya s'ya ni Lanz. Hindi makaramdam si Lanz, na nasasaktan na nito ang kanyang kasintahan. Parang wala talaga itong pakialam sa mararamdaman ni Celine. At ang tingin n'ya lang dito ay utusan. Kinabukasan ay umalis na sila, ni text o chat ay walang natanggap si Celine. S'ya na ang kusang nag-chat at nag-text kay Lanz. Panay din ang kanyang update rito. Inisip na lang ng dalaga na walang signal sa lugar na pupuntahan nina Lanz. Kahit na naka-delivered ang kanyang mga chat. Mababasa rin naman ito ni Lanz pagnagkataon. "Girl! This is it! Matutupad na natin ang mga pangarap natin!" kinikilig na sabi ni Cheska. "Kaya nga girl. Sana ma-hire tayong dalawa," sabi ni Celine. "Ay nako, sure ka na. Ang ganda ng resume, perfolio at performance mo. Ano pang hahanapin nila? Swak na swak ka na!" pagmamalaking sabi ni Cheska. Napansin nitong blooming ang kanyang kaibigan. Gumanda rin ang hubog ng kanyang katawan. "Girl blooming ka? Anong mayroon?" "Ha? Parang hindi naman?" sabi ni Celine. "Ay alam ko na, ilang araw na kasing wala si Lanz. Kaya siguro, nawalan ka ng ikaka-stress. Walang asungot na nag-uutos," sambit ni Cheska. "Sira," tumatawang sabi ni Celine. "Hindi ka lang siguro sanay na naka-make-up ako," Sa totoo lang ay napansin din ito ni Celine, after graduation ay maraming nagbago sa kanyang katawan. Ngunit hindi nito pinansin ang mga pagbabang ito. Pumasok na ang dalawa para sa kanilang interview. Halos kalahating araw ang tinagal ng kanilang interview. Maramirami rin kasing mga aplikante at maabutan pa sila ng lunch break. "Girl! Final interview na ako mamaya!" masayang sabi ni Celine. Halos tumalon ito sa tuwa. "Congrats girl! Sabi ko naman sa 'yo 'di ba? Ikaw pa ba girl? Ako bukas pa ako tatawagan kung mapapasama sa mga i-final interview. Pero at least girl sure ka na! I'm very happy for you," bati ni Cheska. "Girl, mapapasama para bukas, tiwala ka lang," sabi ni Celine at niyakap n'ya ito. Nag-vibrate ang cellphone ni Celine. "Girl sa 'yo ata 'yung nag-vibrate," sabi ni Cheska. Kumalas sa pagkakayakap si Cheska at tinignana ni Celine ang kanyang phone. Tadtad ito ng text, chat at misscall ni Lanz. "Si Lanz, wait tumatawag ulit s'ya." Sinagot ni Celine ang tawag. "Babe, ano 'yon. Ha? Na sa, ano? Pero, babe kasi baka hindi ako makapunta kasi nga. Babe kasi nga Babe, babe! Hello?" At binaba na ni Lanz ang tawag. "Girl bakit?" nagaalalang tanong ni Cheska. "Cheska nagpapasundo si Lanz sa aiport. Mamayang 3:00 pm," sagot ni Celine. Tinaasgan ka agad ni Cheska ng kilay ang kaibigan. "Girl don't tell me," mataray na sabi ni Cheska. "Girl magagalit si Lanz pagka," pinutol ni Cheska ang sasabihin ni Celine. "Celine! Ayaw ko ng tono ng boses mo, nako. Pagsinundo mo s'ya, sinasabi ko sa'yo friendship over na tayo!" Nanlalaki rin ang mga mata ni Cheska habang nagsasalita. Yumuko lang si Celine. "Celine Santo Domingo, future mo ang nakasalalay dito. Tandaan mo!" dagdag pa ni Cheska. "Pero alam mo kung paano magalit si Lanz. 'Di ko na alam ang gagawin ko," mangiyak ngiyak na sabi ni Celine. "Hihiwalayan n'ya ako kapag hindi ko s'ya sinundo," "Celine gumising ka na nga sa kahibangan mo! Hindi mo ba talaga nararamdaman o manhid ka na! Ginagawa kang alila ni Lanz! Ano ba Celine please kahit ngayon lang, sarili mo naman ang piliin mo," sermon ni Cheska. Napaupo si Celine sa couch yumuko ito at tinakpan ang makha ng kanyang kamay. Ilang minuto rin na sa ganoong posisyon si Riz. 'Di rin nagtagal ay tumunghay na ito. Tumingin si Celine kay Cheska. "Pwede ko bang gamitin ngayon 'yung one percent para sa sarili ko?" umiiyak nitong sabi. "Oo naman pwedeng pwede," niyakap ni Cheska ang kanyang kaibigan. "Gamitin mo, hanggang maging 100%. Celine 'wag na 'wag kang ma-guilty sa pagpili mo sa sarili mo okay? Ayan nahuhulas ka na. Tara nga i-retouch ko 'yang make-up mo," sabi ni Celine. "Cheska salmat," sabi ni Celine. "Ano ka ba girl, wala 'to. Bastat ikaw, I'm very proud of you," sabi ni Cheska. Naging maganda ang kinalabasan ng final interview ni Celine. Natanggap ito kaagad. Kaylangan lang nitong makapagpasa ng ilan sa mga requirements at makakapagsimula na ito. "Girl! Napakaswerte mo na talaga!" sabi ni Cheska. Pauwi na ang dalawa, hinintay na ni Cheska ang kanyang kaibigan para sabay na silang umuwi. "Hindi ako makapaniwala girl, natanggap nila ako. Nagustuhan nila ang perfolio ko, para akong na sa cloud 9 sa sobrang saya," kinikilig na sabi ni Celine. "I'm very happy for you girl!" sabi ni Cheska. Muling nagvibrate ang cellphone ni Celine. Dali dali n'ya itong tinignan, tumatawag si Lanz. "Girl? Oy ayos ka lang?" Napatulala kasi si Celine matapos makita ang tawag. "Samahan kita pagpunta kay Lanz, tara." Tumawag na si Cheska ng taxi. "Girl hindi ako na lang ang pupunta. Siguro naman maiintindihan n'ya kapag nag-explain ako sa kanya ng maayos. Para rin naman 'to sa future namin 'to," pagkumbinsi ni Celine kay Cheska. "Sure? Ayos lang naman sa akin," pagpupumilit ni Cheska. Pilit na ngumiti si Celine. "Oo naman girl, ako pa ba?" May humintong taxi. "Sige na, ingat ka sa pag-uwi ha. Bye bye," paalam ni Celine. Pumasok na ito sa taxi at umalis. Dumiretcho na ito sa bahay nina Lanz. Nandoon na kasi ito. "Lanz kasi final interview ko na kanina. Kaya hindi ko na nasagot ang mga tawag mo. Pero alam mo good news." Napansin ni Celine na tinitignan ni Lanz ang kanyang itsura, mula ulo hanggang paa. Nakasulimpat din ito at halatang naiinis. Nakakaramdam na si Celine ng takot subalit pinilit pa rin nitong maging normal at nagpatuloy na nagkwento kay Lanz. "Natanggap na ko sa publishing company.  Nagustuhan nila ang perfolio ko, tapos babe sa lahat ng applicants ako lang ang diretcho final interview," kwento ni Celine. Bakas sa mukha ni Lanz ang pagkairita sa kwento ni Celine. Hindi rin ito interisado sa mga sinasabi ni Celine. Ni tumingin sa mga mata ni Celine ay 'di nito magawa. Nakuha pa nitong maglaro na naka-full volume. "Babe?" tawag ni Celine. "Yes," inis na sabi nito. "Mamaya na on game ako. Ang ingay ingay mo, puro nonsense naman," sagot nito. Natahimik na lang si Celine, pumatak na lang ang kanyang mga luha. Gusto na nitong umalis, nakaramdam na rin itotng sobrang pagod. Ilang sandali pa at natapos ng maglaro si Lanz. Kumabog ang dibdib ni Celine sa takot. "Sabi ko naman sa 'yo 'di ba, 'wag na 'wag kang magsusuot ng ganyang damit!" puna ni Lanz sa suot na damit ni Celine. "Akala mo ba bagay sa 'yo 'yang mga ganyan?" dagdag pa nito. Naka-dress na above the knee si Celine. Sleeveless naka-heels din ito at naka-make-up. "At 'yang make-up mo? Akala mo ba kinaganda mo 'yan? Tanggalin mo nga 'yan. Pagod na pagod ako galing outing, tapos 'di mo man lang ako sinundo sa airport? I've waited for 30 minutes! Tapos ni text or chat wala?" inis na sabi ni Lanz. "Kasi na sa interview ako," panganagtwiran ni Celine. "Wow! Interview? Bakit sa tingin mo ba matatanggap ka?" pang-aalipusta ni Lanz. "Na...natanggap ako, hired na ako," sagot ni Celine. "Ikaw natanggap? Tsss, 'wag ka ng magpasa ng requirements. Mas bagay sa 'yo ang maging housewife lang at saka kung magiging asawa kita sa bahay ka lang naman. Hindi mo kakayanin sa corporate world. Babae ka kasi, umuwi ka na nga lang lalo mo pang sinisira ang gabi ko." Tinalukuran ito ni Lanz at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD