THIRD PERSON P.O.V Ang engrandeng gabi ay dumating na. Ang venue ay puno ng mga kilalang tao — mga sikat na artista, mga tanyag na negosyante, at mga fashion mogul. Ang chandelier sa kisame ay nagbibigay ng eleganteng liwanag, habang ang mga spotlight ay nakatutok sa makinis na runway na naghihintay sa mga modelong maglalakad. Ang bawat isa sa mga dumalo ay nasa kani-kanilang upuan, abala sa kani-kanilang pag-uusap at paghihintay sa simula ng fashion show. Ang KOA Company at Abelardo Company, dalawang malalaking pangalan sa industriya, ay parehong magpapakita ng kanilang mga pinakabagong koleksyon. Excited ang mga tao na makita ang mga disenyo, at kahit na magkaiba ang mga kumpanya, pareho silang inaasahang magpapakita ng kakaibang istilo at creativity. “Ang ganda ng setup nila ngayon,

