DENIZ P.O.V Ang buong kumpanya ay abala sa paghahanda para sa nalalapit na event bukas—ang final runway show. Sa bawat sulok ng opisina, may mga tao na nagmamadali, tumatakbo, at may mga nagtatalo sa mga huling detalye. Hindi na bago sa akin ang ganitong uri ng pressure, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng tensyon sa paligid. Habang naglalakad ako patungo sa main hall kung saan ginaganap ang practice, kita ko agad si Janine, ang marketing designer, na tila seryosong-seryoso sa pagtutok sa bawat detalye. Nakatayo siya sa gilid ng stage, tinititigan ang kanyang mga design habang suot-suot na ito ng mga models, kabilang na si Annabelle. Nasa gitna sila ng practice run, at ramdam ko ang dedikasyon ni Janine sa bawat galaw ng mga modelo. "Okay, walk a little slower, Annabelle," narinig kong s

