TUP 3

1364 Words
ZARA Isang sinag ng araw ang nagpabangon sa akin. Actually hindi ako nagising dahil hindi naman talaga ako nakatulog. Maaliwalas ang kwarto pero mukhang nakalimutan isara ang kurtina kaya tumagos ang sinag ng araw. Hindi talaga ako komportable sa suot ko,pero wala naman akong magagawa kung gusto ko pa makauwi ng buhay. Balak ko sanang lumabas ng kwarto, para maglinis. Dahil yun naman ang gawain ng isang slave na sinasabi niya. Sobrang ganda ng bahay niya, at malaki rin. Nasan na ba ang babaeng iyon? Nagdahan-dahan akong kumilos para hindi niya mahalata. Walang kahit na ano akong makita kung hindi ang mga mamahaling disenyo. Wala na rin yung vase na nabasag ko. Napatingin ako sa sugat ko, mabuti na lang at nahugasan ko kagabi kung hindi baka na-infection na. Dahan-dahan kong binuksan ang mga pinto na nakikita ko, dahil wala talaga akong ideya sa bahay na to. Unang pinto ay para lang ring kwarto medyo maliit iyon sa tinulugan ko. Sa sumunod namang pinto na ay ang mas maganda, malawak at nakakamangha. Grey at gold ang kulay non. HIndi ko alam kung bakit ako pumasok. Pagpasok ko ay amoy fruity ang kwarto. Maski ang mga kurtina ay napakabango. Napadako ang tingin ko sa mini table sa tabi. May picture frame doon. Picture ni Alexandra at ng isang babae. Halos ka-edad ko ang babaeng kasama niya. "Sino naman to?" tanong ko sa sarili. Habang busy ako sa pagsusuri ay may biglang nagsalita sa likod ko dahilan nang muntik ko nang pagbitaw sa picture. "What are you doing here?" Hindi ako nakapagsalita. Lumapit naman siya. Inilapag ko iyon sa mesa at hinarap siya. "Hinahanap kasi kita—" "Then you just saw the picture..." Bakit ba ang hilig niyang i-cut ang mga sinasabi ko? Hindi ako sumagot. Lumapit siya sa akin. "Get dressed..." utos niya. Nagtataka akong tumingin sa kaniya. Ano bang klaseng tao to? "Saan tayo pupunta?" "In hell," sarcastic na sagot niya kaya masama ko lang siyang tinginan. "Don't make me wait," dagdag niya at itinapon ang isang paper bag harap ko. Ano na naman to? Sa mukha niya pa lang kinakabahan na ako dahil baka mas malala pa to sa suot ko ngayon. Pagbukas ko ng paperbag ay bumungad sa akin ang isang dress. Simple lang iyon. Dahil masyadong aligaga itong babaeng to kaya naman nagbihis na ako mismo dito sa kwarto niya. Kahit na naiilang ako, wala akong magagawa dahil babarahin lang ako ng babaeng yan. Mabilis kong sinuot ang dress. Simple lang siya kaya naman muli akong tumingin sa kaniya. "Satisfied?" tanong ko na may halong sarcastic. Hindi siya kumibo at umiwas lang ng tingin. Sumunod naman ako. *** Napatingin ako sa labas ng sasakyan nang huminto iyon. Nasa harap kami ng isang boutique. Nasa tabi ko si Alex na inalalayan siya ng tauhan niya palabas. Agad ko namang binuksan ang pinto at lumabas. Hindi na ako nagsalita dahil obvious namang mag-shopping siya. Napakunot ang noo ko nang suotin niya ang sunglasses. Hindi naman gaanong mataas ang araw dito para magganiyan siya. Napailing na lang ako. Iba talaga ang kaartehan niya. Ngayon ko lang napansin yung suot niya. Simple dress lang rin iyon na kulay maroon. Tapos naka-heels siya. As usual. Kailan nga ba siya nag-slipper? Lagi naman siyang may heels o kaya naka-boots siya. Nang makapasok kami ay bumungad agad sa amin ang isang babae. Dire-diretso lang siya kaya naman ako na lang ang bumati sa babae at sumunod sa kaniya. Namili siya ng iilang damit. T-shirt na hindi gaanong kalakiha. At iilang trousers bago ibinigay sa akin. "What's this?" tanong ko. Napatigil naman siya. Patay! Mukhang mali ako ng tanong. "I mean, I know na damit to. Anong gagawin ko dito?" tanong ko sa kaniya. "Kapag ba sinabi kong kainin mo, kakainin mo?" pilosopong tanong niya. Napairap na lang ako. Nakakainis talaga siya! Bakit ba kasi ako nagtanong pa? Lumipas lang ang buong maghapon nang kakaikot namin sa iba't-ibang store. Ang buong akala ko nga ako ang magbubuhat ng lahat dahil sobrang dami non. Mabuti na lang at may puso pa rin siya. Ngayon ay nasa harap kami ng resto. Hindi ito pipichuging restaurant. Sa labas pa lang parang sinampal ka na ng kahirapan. Naglakad siya papasok habang naiwan naman ang tauhan niya. Kaya nagpaiwan na rin ako. Pero hindi pa man siya nakakapasok nang lumingon siya. "Are you stupid? Sino ang may sabing tumayo ka lang diyan?" mataray na tanong niya. "Ako ba?" nagtataka na tanong ko habang nakatingin sa akin ang tauhan niya. "What do you think?" dugtong niya. Nakakainis talaga ang babaeng to! Kung di ko lang kailangan sumama kanina ko pa siya sinagot eh! Sumunod ako habang naiwan ang mga tauhan niya. Pagpasok namin, medyo unti lang ang tao. Makikita mo kung gaano kayaman ang mga nandito. Binati si Alex gaya ng isang manager. "Madam, naka-ready na po ang table niyo," sambit niya. Tiningnan lang niya ang lalaki abgo duniretso. Nahihiya akong sumunod kasi napatingin rin ang lalaki sa akin. Inalalayan siya ng isang staff. Bakit ba ganito ang treatment nila sa babaeng to? Ganon ba talaga kapag mayaman? Halos ilang minuto rin akong nakatayo. "The chair is free, for your information," sambit niya. Umupo naman ako. Binigyan kami ng menu pero wala akong maintindihan. "Bounasera, signore. Ready to order, madam?" nakangiting bati ng waitress. "Ciao, Giovanna. Yeah, I'll do the costata rare, please. With a side of spinaci alla romana. And a glass of that Chianti you recommended last time." Halos mapatulala ako sa sinabi niya. Bakit kasi walang picture tong menu? Matapos magsulat ay sakin humarap ang babae. Dama ko ang mga tingin ni Alex sa akin. Hindi ko alam pero ayoko namang nape-pressure. "Hmm. Filetto blu raro, please." Binasa ko ang nakakuha ng atensyon ko na nasa menu. Dama ko ang mga maiinit na tingin ni Alex Pero hindi ko na siya pinansin pa. Umalis na ang waitress. Ilang minuto rin kaming natahimik. Habang hinihintay ang pagkain, nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko magawang makatingin man lang sa kaniya. Bakit ba? Ano bang problema niya? Mabuti na lang at dumating na ang waitress at dala na ang mga food. Nauna nilang ilagay ang pagkain ni Alex. Kasunod noon naman ang pagkain ko. Pero hindi ko pa nakakain ay kita ko na mapula-pulang laman. Habang napatingin naman ako kay Alex na busy sa pag-cut ng halos katulad rin sa akin. Mapula rin at medyo may dugo pa. Hindi ko alam kung kaya ko bang kainin to dahil titignan ko pa lang para na akong masusuka. "If you're not going to eat it, don't waste my time. Just order something else." sambit niya. "No, I'm fine—" Hindi na niya ako pinatapos. Tumawag na agad siya ng waitress. "Waitress," pagtawag ni Alex. "Bring her a truffle pasta," sambit niya na mabilis namang sinunod ng babae. Sa sobrang hiya ko ay napayuko na lang ako. Bakit ba kasi nagyabang na om-order? Ilang saglit pa ay dumating na ang waitress. May dala siyang pasta. Agad naman niyang inilapag sa harap ko. Mabuti na lang at hindi na nagsalita pa si Alex. Kaya naman kumainn na lang ako. Matapos ang mahabang oras nang katahimikan. Palabas na kami ng resto paraa pumunta sa parking area,para na akong mapipipe kaya nagsalita na ako. "Thank you..." Natigil siya sa paglalakad. Humarap siya sa akin, gaya ng nakaraan,hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Masyado siyang mapanlinlang. Humakbang siya sa akin kaya naman medyo natakot ako. Ano na naman bang gagawin niya? Hanggang sa ilang inches ang agwat namin, dahil likas na matangkad siya sa akin, kaya naman medyo nakaangat ang mukha ko. "Nothing in this world is free..." sambit niya at muling tinitigan ang mukha ko. Napalunok na lang ako nang unti-unti niyang ilapit ang mukha niya. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit ko binasa iyon ng laway ko. Hanggang sa tuluyan niyang ilapit ang mukha niya. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Para bang anytime sasabog iyon. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya kaya naman mabilis ko siyang naitulak. "Nandyan na ang sasakyan," rason ko nang makita ang sasakyan na papalapit. Mabuti na lang at biglanng dumating ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD