ZARA
Palabas na ako ng penthouse, mabuti na lang at pinayagan ako ni Alex makalabas kahit sa labas lang ng building.
Masyado kasi akong nabuburyo sa loob. Hindi rin naman niya ako inuutusan kaya minabuti na lang na lumabas. Hindi pa ako nakakapasok ng elevator nang may lalaking bumunggo sa akin.
Janitor siya ng building dahil sa suot at hawak niyang mop. Medyo nagtaka ako dahil pasimple niyang hinawakan ang kamay ko at may iniabot. Naka-cap siya at may facemask. Umalis na siya bago ko pa mabuksan ang iniabot niya.
Isang papel? Patago ko iyong binasa at ang sabi niya ay magkita kami sa lobby ng building. Hindi ko alam kung ano iyon pero malakas kasi ang kutob ko na kilala ko siya.
Nang makalabas ng elevator ay bumungad sa akin ang dalawang tauhan ni Alex. Tila hinihintay na nila ang pagbaba ko. San sila galing?
"Pinapabantay ka sa amin ni Miss Vance," sabi ng isang lalaki. Kaya naman napailing na lang ako. Anong akala niya sa akin tatakas?
Nasa lobby na kami at nakita ko na ang lalaki na nakita ko kanina busy siya sa pag-ma-mop ng sahig. Napatingin siya sa akin na para bang hininhintay ako bago siya umalis.
Nang tignan ko kung saan siya papunta, papunta iyon sa restroom. Mabilis akong nakaisip ng paraan para makawala sa kanila. "I'm going to the restroom." Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila nagmadali na akong pumunta doon.
Pagpasok ko sa hallway ay may humatak sa akin papasok sa isang storage room. Tinakpan niya ang bibig ko.
Nakatapat siya sa akin kaya mas lalo ko siyang nakita ng malapitan. Nanlaki ang mata ko.
"Marcus?"
Tinanggal niya ang facemask niya at dahan-dahan ngumiti. "Marcus!" Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Anong ginagawa mo dito? Paano ka napunta—dito?" sabi ko habang nakatingin sa suot niya.
"I will save you from her," sagot niya sa akin kaya naman nalito ako.
"How did you know?" naguguluhang tanong ko pa.
"Mia asked for help..." Hindi na ako nakapagsalita pa. Si Mia pala. I miss her!
"Paano tayo makakalabas dito? Paano mo ko matutulungan? Marami siyang body guards," sabi ko. Gusto ko na umalis dito. Masyado silang delikado feel ko kasi ang daming nangyayari sa paligid na kakaiba.
"We can't leave here easily. Kaya may plano ako." Natahimik siya bago luminga sa paligid.
"Hindi ka ba mapapahamak sa plano mo? Baka madamay ka pa. Kakaiba ang babaeng yon!" sabi ko sa kaniya. Batid ko kasing hindi basta-basta ang plano niya.
"Don't worry, hindi ito krimen. Kikilos tayo nang tahimik nang hindi niya nalalaman," bulong niya.
"What do you mean?"
Anong kikilos? Hindi ko maintindihan.
"I want you to do something," sambit niya na mas nagpatahimik sa akin.
"Alexandra has a hidden library. Nandon ang lahat ng ikakabagsak niya, I want you to find that room at kuhain ang important documents," explain niya muli.
"Ha? Ako? Pero paano ko gagawin iyon? Hindi basta-basta si Alex! Malupit siyang babae!" depensa ko.
"Relax, Z. Gusto mo bang makaalis dito? At mapakulong siya?" tanong niya sa akin.
Matagal akong hindi nakapagsalita. "Z, look at me. Alexandra is a criminal. Pina-kidnap niya ang kaibigan mo. Binlockmail ka niya," dagdag niya.
Napapikit na lang ako. Tama siya! Walang awang pinadakip niya si Mia. Muntik pa niyang tuluyan kung hindi ako pumayag sa gusto niya.
"Fine. Gagawin ko," sambit ko.
"Kailangan niyang makulong. Ito na yung chance natin." Huminga lang ako ng malalim at tumango.
Hinawakan niya ang mukha ko kaya medyo kumalma ako. "You got this, nandito ako. Ako ang bahala sayo, just trust me," sabi niya at ngumiti bago ako niyakap at hinalikan sa ulo.
Siya, siya ang kakampi ko wala nang iba. Siya ang makakatulong sakin mapabagsak si Alexandra!
Ilang saglit pa ay lumabas na ako pero hinila niya akong muli. "Take this phone. kontakin mo ako dito," sabi niya at inilagay sa bulsa ko. Tumango na lang ako.
Nga pala hindi ko na nahanap ang cellphone ko. For sure kinuha iyon ng mga lalaki habang dinadala ako dito.
Pasimple naman akong lumabas ng storage room, paglabas ko ng hallway ay nakita ko na nag-aabang ang dalawa.
Wala talaga akong kawala sa kaniya! Ilang oras lang ay naisipan ko nang bumalik sa Penthouse. Hindi pa man ako nakakapasok ng elevator ay napansin ko ang mga bagong dating.
"Good morning, Ms, Freya," sambit ng isang receptionist. Isang napakagandang babae. Naka-dress siya na simple. Pero litaw na litaw pa rin ang eleganteng awra niya.
Matapos iyon ay nagpasya na akong bumalik sa Penthouse. Pagdating ko ay napakatahimik non.
Ibig sabihin wala pa si Alex. Hidden Library..
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kokote ko at pumasok ako sa kwarto nyang napakalaki. Malakas ang kutob ko na dito sa loob ng kwarto niya ang sinasabi ni Marcus na hidden library.
Kinapa-kapa ko pa ang lahat ng pwedeng magbukas. Ganito yung napapanood ko sa mga movie. May mga secret button.
Napadpad naman ako sa malaking divider niya. Hindi ko alam kung dito ba yon pero sinubukan ko pa rin siyang iurong or maghanap hanggang sa kasuluk-sulukan.
Busy ako sa paghahanap nang biglang bumukas ang pinto. Nabalikwas ako ng tayo at agad na tumingin doon. Halos maghiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang makita ang papalapit na si Alex.
"What are you doing here?" tanong niya at nakatitig sa mga mata ko. Alam kong pinag-aaralan niya ang bawat kilos ko. Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Don't make me repeat it," seryosong sambit niya habang papalapit sa akin. Napapaatras naman ako kasi natatakot ako sa tingin niya. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Nakasuot siya ng coat pero naka stacking na black at heels. Alam kong may pinuntahan siya kapag ganito ang suot niya.
"Hinahanap kita, hindi ko alam na wala ka dito," pagpapalusot ko. Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko Obvious namang wala siya dito!
Ang tanga mo, Z! Sa dami ng idadahilan mo yun talaga?
Patuloy pa rin siya sa paglapit habang papaatras ako hanggang sa naabot ko na ang hangganan ng kwarto niya.
Yung mga mata niya na naningkit na para bang nagdududa.
"Do you really think na maniniwala ako sa sinasabi mo?" pilosopong tanong niya. Napalunok na lang ako.
"Totoo yun, wala naman akong gagawin dito kung hindi ang hanapin ka," palusot ko. Kailangan ko siyang paniwalain na totoo yon. Hindi siya pwedeng magduda sa akin.
Bumaba ang malagkit na tingin niya sa labi ko. Pababa pa sa leeg ko.
Hindi ko alam kung bakit ganito. Bakit parang hinahatak ako ng energy niya? Kakaiba ang pakiramdam ko.
Mabuti na lang at tumunog ang cellphone niya kaya naman napatigil siya sa paglapit sa akin.
"Too lucky," sarcastic na sabi niya bago siya tumalikod at kinuha ang cellphone sa mesa.
Nakahinga ako ng maluwag. Akmang lalabas na ako ng kwarto niya nang magsalita siya.
"Where do you think you were going?" tanong niya sa akin. Napapikit ako bago dahan-dahang lumingon sa kaniya.
"Babalik na ko sa kwarto, ayoko nang makaistorbo sayo," sagot ko sa kaniya. Sana lang payagan na niya ko makaalis, palampasin niya na to kahit ngayon lang.
"You will come with me, get dressed," maawtoridad na utos niya.
"Saan naman tayo pupunta?" ngatataka na tanong ko.
"I don't need to explain it to you," pabalang na sagot niya at tumalikod na.
Minsan nakakainis talaga siya! Wala na akong nagawa kung hindi ang lumabas ng kwarto niya. Mahirap na baka kung ano pang maisip niyang ipagawa sa akin.
Pagpasok ko ng kwarto, walang laman ang closet. Ano naman kayang susuotin ko dito?
Hindi pa man ako nagsasalita nang may magsalita sa likod ko. It's her again.
"Wear this," sabi niya habang may hawak na night dress na kulay navy blue. Ang ganda noon dahil nakinang siya kapag natatamaan ng ilaw.
Nakita ko namang umayos siya ng tayo habang nakataas ang isang kilay. Nakaabot pa rin ang kamay niya sa akin. Mabilis ko iyong kinuha dahil alam kong magtataray na naman siya.
"Pumunta ka sa closet ko at doon ka mamili ng heels na gagamitin mo," sabi niya bago siya tumalikod at lumakad palabas ng kwarto.
Naiwan akong nakatanga habang namamangha sa dress na hawak ko. Parang pangarap ko lang makasuot ng ganito.