IKALABING-ANIM NA KABANATA

2332 Words
Hello, Lexi Nalaman ko kay Leo na wala kang pinagtatrabahuan ngayon. I was thinking of offering you the same job you got when you were working under my company. Pero ang sabi sa akin ay abala ka sa sarili mong negosyo. But still, the job is vacant, thought you might consider it sincer you're the only person I know who is capable of doing the work. Sana pagisipan mo. Darwin. "Tatanggapin mo ba?" Kagat ko ang labi nang ibaling ang tingin kay Grant na naghahanda ng meryenda. Binitawan ko ang cellphone at saka tumulong sa kanya. Naghanda ako ng inumin para sa amin. "Hindi ko alam. Parang ang awkward e." Pagsasabi ko ng totoo. "Kailangan ko ng pera, malaki ang pasahod sa kompanya nila. Ewan ko, sayang din." "You should take the offer, Lexi. Dapat sa edad mo ay marami ka ng ipon." Pangaral pa niya. Palibhasa e dala-dalawa ang pinagkakakitaan niya. Habang ako ay tamang tambay lang sa bahay. "I don't know. Bahala na." Sumabay ulit ako kay Grant papuntang opisina niya. Mula sa notary office ay sumakay ako para magtungo sa mall at bumili ng ilang grocer items. Tinext ko pa si Joi, Sheena at Joana na magkita-kita kami roon. "Ikaw lang?" Kunot noong salubong ko kay Joana. Siya agad ang nakarating dahil malapit lang naman ang bahay nila. "Si Sheena duty niya. Si Joi ewan, mukhang out of town sila ni Ranz." Paliwanag nito habang papasok kami sa women section. Napabuntong hininga nalang ako dahil mga pagkain ang sadya ko pero itong si Joana ay mukhang iba ang sadya. "Lingerie? Bibili ka?" Takang tanong ko. Pero nilagpasan namin ang mga nakadisplay na lingerie hanggang sa napunta kami sa pinakadulo. "Simula nung pinanganak ko si baby namin, medyo nadagdagan timbang ako. Wardrobe upgrade muna ako ngayon." Mahinang tawa niya habang naghahanap ng mga damit na medyo may kalakihan. Napakibit balikat ako. Her size is still okay naman. "Ikaw may bibilhin ka? Pangakit para sa mata ni Fafa Grant?" Natawa ako. Kahit kailan talaga ay palagi nilang pinipilit na may relasyon kami ni Grant. Hindi ko naman sila masisi. Grant and I live together. We're sweet, we kissed, we touch each other. Pero hanggang doon lang. Walang nangyayari. Siguro dahil sa magkaibang gender preferences namin? Pumapatol si Grant sa babae. Pero ayon sa kanya ay mas lamang daw ang lalaki para sa kanya at kung may makilala ay maaaring magsettle siya sa lalaki. While me, sa lalaki talaga ang bagsak ko kahit pa sa babae ako nagtatagal. Ewan, the typical expectation for ladies. "O pangakit sa mata ni Fafa Darwin." Doon nanlaki ang mata ko. Gulat akong tumingin kay Joana at saka siya sininghalan. "Oh c'mon. Kahit sa tagal ng panahon at noon lang namin nalaman ang tungkol sa inyo, kitang kita pa rin namin ang koneksyon niyo. Gosh, kung makatitig yang boss mo sayo parang anytime pwede kang sunggaban." Ramdam ko ang pagiinit ng pisngi dahil sa mga komento ni Joana. Pinilit kong ibahin ang usapan pero bigo ako dahil kahit hanggang matapos ako maggrocery ay iyon parin ang usapan namin. "Ewan ko lang Lexi ha, di ko alam kung anong pumipigil sayo. Single ka, single siya." Hindi na ba sila ni Aika? Hindi sila nagkabalikan? Gusto ko iyon itanong pero nagkunwari akong hindi interesado. "Saka kitang kita na type ka nun. Ano, babae ba talaga gusto mo?" Napakibit balikat ako. "Siguro. After kay Whiskey di na nasundan e." Napairap si Joana. "Sis, lalaki ang ending mo. Kaya ngayon pa lang, sort things out with Darwin. Mahirap na, baka bumalik pa yan sa Manhattan." Pinadala ko kay Joana ang pinamili ko. Ang sabi niya ay idadaan niya nalang iyon sa bahay. Ako naman ay nagtungo sa cafe ni Joi at doon nagpalipas ng oras. Umuulan pa kaya masarap ang kape. "Wala si Joi?" Tanong ko kay Rj, ang kaibigan ni Joi at kanegosyo nito. Umiling ito saka nakangiting nagpaalam sa akin. Naubos ko na ang pastry at kape pero mas lalo lang lumalakas ang ulan. Pasado alas dyis na at unti-unti na nagsisialisan ang mga tao. Napamura nalang ako sa sarili. Yumukod at saka tinupi ang pantalon paitaas, may lumapit naman sa akin at pinahiram ako ng payong kagaya ng hiling ko. Si Rj kasi ay nagcommute lang pala kaya hindi ako makasabay. Nagsimula na akong maglakad palayo ng cafe. Walang dumadaang sasakyan kaya nagmadali na ako pauwi. Umabot na ako sa isang waiting shed at doon napansin ang isang itim na kotse, bukas ang unahan ng pinto. Darwin. Kotse niya iyon ah? Lumapit ako at saka sumilip. Nagulat ako nang makitang naroon si Darwin, nakahiga sa unahan at basang basa ang katawan. Halos nanginginig na rin ito. "Letse bakit ka basa?!" Sigaw ko, binitawan ang payong at saka sinubukan siyang gisingin. Kinabahan pa ako nang makitang mahigpit ang kapit niya sa isang bote ng gamot. Inaatake na naman yata ng migraine. "Sheez, Darwin." Bahagya ko siyang binuhat, pinaupo sa may passengers seat at saka ginamit na kumot ang tuyong suit nito na nasa likod. Binuksan ko ang kotse at napamura nang umugong lang iyon. -l Kahit malakas ang ulan ay lumabas ako ng kotse. Sinuri ang makina sa likod, bukas lang iyon kaya tiyak kong sinubukan niya kanina na ayusin. Hindi man lang inisip na mahina ang katawan niya sa lamig. Halos magiisang oras kong inayos ang kotse niya. Pinalitan ko pa ng gulong. Kingina talaga, ang yaman yaman tapos hindi nagagawang ipacheck lagi ang sasakyan. "Ayos ka lang?" Tanong ko dito. Mulat na ang mata niya pero bahagyang pumipikit iyon. Sinagot niya lang ako ng pagtango. "Alam mo naman na madali kang magkasakit kapag nauulanan ka. Saka bakit hinayaan mong bukas ang pinto? Paano kung napagtripan ka?" Nanatili siyang nakaupo, nakaharap sa akin at kitang kita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. Napairap ako at saka sinimulan ng paandarin ang kotse. Hindi ko alam kung saan siya umuuwi. Paano ba to? "Saan ka umuuwi?" "Hmm." Kingina ano daw? "Magisa ka lang ba?" Nakonsensya naman ako nung tumango ito. Noong nagkakasakit siya habang nasa Manhattan kami, naaalagaan ko pa siya dahil minsan sa apartment ko siya umuuwi. O kaya naman ako ang pumupunta sa kanya sa condo niya. "Ayos lang ba kung sa bahay kita iuuwi?" Wala akong natanggap na sagot kaya pakuwari ko ay tulog na ito. Napapikit nalang ako sa inis at saka na binilisan ang takbo ng sasakyan para makauwi kami. Nang marating ang bahay ay nadatnan ko si Grant. Nasa paanan ito ng pinto, ang mukha ay nakasubsob sa siko nitong nakapatong sa tuhod. Shit. Nandito pala si Grant. Agad na tumaas ang ulo niya nang marinig ang sasakyan. Patakbo pa itong lumapit kahit na nabasa ang katawan niya ng ulan. Mas lalo akong nainis. "Kala ko nakidnap ka na!" Eksahederong singhal niya sa akin. "Magpayong ka nga!" Giit ko sa kanya. Natahimik lang siya nang makita may kasama ako. "Oh may kasama ka pala." Ngiting aso nito at saka nagtaas-baba ang kilay. Sinimangutan ko siya bago inutusan na ipasok sa loob si Darwin. "Lexi..." Mahinang tawag nito habang papaakyat ng hagdan. Kawit niya ang braso ni Darwin. "Ano?" "Pwede tikman?" Pasigaw na bulong niya at saka tinuro ang tiyan ni Darwin na halos bumabakat dahil sa basang damit nito. Wala sa sarili kong tinaas ang gitnang daliri na nagpahagalpak sa kanya ng tawa. "Selosa." Komento niya. "Nabihisan mo na?" Tumango sa akin si Grant at saka humikab. Kinusot kusot niya pa ang mata habang sinusuri niya ang isang kutsara. "Anong meron diyan?" Takang tanong ko, tumabi sa kanya at saka sinuri din ang kutsara. "Ganito kahaba yung kay Darwin. Nakita ko nung binihisan ko." Puta. Nasiko ko ang tiyan niya sa gulat. Habang siya ay panay ang tawa sa reaksyon ko. Binalik niya ang kutsara sa basong may gatas at saka nagpaalam sa akin. "Tulog na ako. Ikaw din, wag mo masyadong isipin kung gaano kahaba." Panunutya pa niya. "Goodnight babe." "Che! Goodnight." Inis kong singhal, bumalik sa pagkakupo at saka ininom ang mainit na gatas. Tinapon ko nalang sa sink ang kutsara dahil kung ano-ano lang naiisip ko kapag nakikita iyon. Letse talaga tong si Grant. "Hey." "Ay kutsara!" Sapo ko ang dibdib at bibig dahil sa gulat. Binaling ko ang tingin sa pinanggalingan ng baritonong boses na iyon at napaayos ng upo nang makitang si Darwin iyon. Magulo ang buhok niya. Walang pangitaas at ang suot na sweatpants ay kay Grant. Halatang maliit iyon dahil malaki talaga ang katawan ni Darwin kaya bakat ang kutsara niya sa gitna. Napapaypay ako sa sarili. Ang haba. "Ah..b-baket?" Tumayo agad ako, pinaupo siya at saka nanginginig na tumayo sa harap niya. "Ano.." Namumula pa ang tenga niya at halos hindi makatingin sa akin. "Pwedeng makikain?" Ano? Pinigilan kong wag matawa pero taksil ang bibig ko. Humagalpak ako ng tawa, pinalo ang likod niya pero tila napaso sa init ng katawan niya. Dinampi ko ang likod ng palad sa noo niya at napasimangot. May lagnat. "Maghahanda ako." Sabi ko nalang. Tiningnan ulit ant kutsara niya sa baba at saka ngumingising naghanda ng sopas. Ang dugyot, Lexi ha. Bastos. Mabilis ang galaw ko kahit pa halos manginig ako sa panonood niya sa akin. Ewan ko, normal naman yung ganito. Halos araw-araw at gabi-gabi na ako ang naghahanda ng pagkain namin nung nagkasama kami sa Manhattan. "Still a good cook, huh." Puri nito nang ihanda ko ang pagkain. Napakibit balikat lang ako at saka sinalinan siya ng tubig. Tahimik lang itong kumakain. Hindi ko maiwasan na mapangiti habang pinagmamasdan siya. Mapula ang tenga at labi nito. Nakakaakit kaya paminsan-minsan kong tinatanggal ang tingin sa kanya. "Nga pala.." Panimula ko ng usapan. "Tatanggapin ko yung trabaho na inaalok mo." Pinisil ko ang ilong ko. "Talaga?" Halatang di ito makapaniwala sa desisyon ko. Tumango lang ako. "Thank you." Ngumiti ako at iniwas ang tingin. Naalala ko ang dati na magkasama kami. Ganitong katatapos palang namin kumain, manonood kami ng series sa Netflix, tapos ay saka na kami matutulog. Magkatabi pa. Pero ngayon, imposible na. Nagbago na ang lahat. "Magpahinga ka na." Inagaw ko sa kanya ang pinagkainan niya nang tangka niyang hugasin iyon. Wala siyang sinabi at umalis na lang. "Lexi.." Kinabahan ako sa pagtawag niyang iyon. "Bakit?" Hindi ako lumingon. "Can you sleep with me?" Parang nabingi ako sa lakas ng t***k ng dibdib ko. Kunot noo akong bumaling sa kanya. "Ano?!" Di ako makapaniwala. Nagiba naman ang reaksiyon niya sa naging sigaw ko. "I...s-sorry... I thought...magkatabi pala kayo ni Grant... sorry.." Walang pasabi itong tumalikod. Ginugulo ang buhok habang pabalik sa kwarto niya. Ang balat ay kumikinang sa bawat pagtama ng ilaw. "Darwin! Napalakas ata ang pagtawag ko. Tumigil siya sa paglalakad, unti-unting bumaba ang kamay na nasa buhok niya. "Susunod ako. Buksan mo lang ang pinto." Walang sunod na nagsalita. Napapikit ako sa hiya. Lex! Ang rupok! "S-sige...hintayin kita." Sabi pa nito at kahit hindi ko kita ang reaksiyon niya, halata sa boses nito na nakangiti siya. Di ko na rin maiwasan na mapangiti. Ilang beses kong hinilamos ang palad sa mukha habang nakatayo sa harap ng pinto ng kwarto. Gagong Grant! Sa kwarto ko talaga pinahiga si Darwin! Tahimik kong pinihit ang pinto, nadatnan si Darwin na nakaupo sa kama, nakangiti habang ang mga daliri niya ay hinahagod ang isang litrato. Ang litrato ko. "Uhmm.." Pumeke ako ng ubo, sinara ang pinto at kita ko sa gilid ng mata ang mabilis niyang pagbalik ng frame sa nightstand. Napailing-iling nalang ako para pigilan ang ngisi. "Maliligo muna ako." Paalam ko matapos makakuha ng damit. "Hintayin kita." "Di ka sasaba--shit." Mabilis akong pumasok ng banyo at humahangos na sinara iyon. Rinig ko ang mahinang tawa ni Darwin mula sa labas. Gaga! Nasanay ako noon! Sumasabay siyang maligo noon e! "Di mo talaga napipigilan kabastusan mo pagdating sa lalaking yun, Lexi. Umayos ka." Sinadya ko nalang na tagalan ang pagligo para sakaling kung lalabas ako ay baka tulog na siya. Pero hinintay nga niya ako kagaya ng sabi niya. "Goodnight." Sabi ko, humiga sa kanan at tumalikod sa kanya. Ilang minuto yatang nakatulala lang ako sa kadiliman. Di pa rin ako makakatulog lalo pa na rinig na rinig ko ang paghinga ni Darwin sa tabi ko. "Lexi, are you asleep?" Hindi ako sumagot, bahagyang nagulat dahil gising pa pala ito. Dapat nagpapahinga na siya! Ramdam ko ang paggalaw ng kama at mas napapikit nang maramdaman ang pagtama ng mainit niyang hininga sa batok ko. Inaakit niya ba ako? May balak ba siya? Bweset na isip na yan, Lexi. "I miss you.." Ang mabilis na t***k ng puso ko ay bumagal nang marinig ang mahinahong boses niyang iyon. Puno ng lungkot, pangungulila. Ang mga mata ko ay nagsimulang humapdi dahil sa pamumuo ng luha. Pero nagpanggap pa rin akong tulog. "I f*****g missed you. I wanted to own you again but I can't do that anymore, you seems so happy with Grant. And seeing you happy is already enough for me. Ayoko ng guluhin ka." Pinigilan kong wag humikbi. Nasasaktan ko ba siya? Nasasaktan ba talaga siya? Ramdam ko ang matipunong bisig nito na dahan-dahang dumausdos sa beywang ko. Napapikit ako at napahinga ng maluwag. Yung gaan ng loob, yung pakiramdam na ayos ang lahat, lahat ng iyon ay nararamdaman ko sa simpleng yakap niya lang. Hinayaan ko siyang hagurin ang tiyan ko habang yakap ako nito. Ilang sandali ay gumalaw ako, nakapikit na humarap sa kanya, siniksik ang mukha sa kanyang dibdib at saka yumakap rin sa katawan niya. "Alam ko naman na niyayakap mo lang ako kasi akala mo si Grant ako." Tawa nito pero natutunugan ko ang pait. "Pero sige lang, ayos lang. Bukas alam ko naman na lalayuan mo na naman ako. Susulitin ko nalanh yung ngayon." Pinagpatuloy ko ang pagpapanggap na natutulog. Bahala na bukas, kung anong gustong gawin ng isip at puso ko, iyon ang susundin ko. Yung magpapasaya naman sa akin, siguro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD