"You're not going home tonight?"
Malaki ang ngisi ni Grant nang itanong ko iyon, sumisipol pa ito habang pinaparada ang sasakyan.
"Nope. Gonna be with my baby." Kibit balikat na sagot at napangiwi ako. Paano e mukhang may karelasyon ito at hindi pa pinapakilala sa akin.
"Sige, call me nalang."
Pumalantak ako ng halik sa pisngi niya at saka lumabas ng sasakyan. Napahigpit pa ang kapit ko sa purse nang makita ang matayog na building ng mga Youmans, ang dating kompanya na pinagtatrabahuan ko. At ngayon ay nagaalok na naman ng trabaho sa akin, na syempre ay tinanggap ko.
Aarte pa ba.
"Bye babe." Kumaway ako kay Grant bago pumasok ng building. Si Cheska, ang babaeng nasa front desk ang umasikaso sa akin at pinapatuloy ako sa opisina ni Darwin. Nagharumentado agad ang puso ko habang naglalakad.
"Come in."
Ang baritonong boses palang niyang iyon ay sapat na para mabalisa ako. Paulit-ulit kong sinuklay paatras ang mahakbang buhok at pinasadahan ng dila ang labi bago pinihit pabukas ang pinto.
Nadatnan ko siyang inaayos ang isang mesa, hawak pa ang isang basahan at seryosong nililinisan ang bawat sulok ng desk.
"Uhmmm.." Tumikhim ako dahil hindi niya pa rin ako tinitingnan.
"Tell me kapag dumating na si Lexi, Chesca. Ipadala mo na rin yung bagong upuan dito. For sure papunta na siya."
Umurong ata ang dila ko. Tiningnan ko ang mesang nasa likod, naroon ang pangalan ni Darwin bilang CEO at ang mesang nililinisan niya ay may pangalan ko.
Dito ba ang opisina ko?
Why is he cleaning it by himself? Pwede naman na mangutos siya.
"It's me, sir." Nilakasan ko ang boses at kita ko kung paano natigilan siya sa paglilinis. Marahan siyang tumayo, tinaas ang sleeves at saka humarap sa akin.
Kita ko pa ang gulat sa mukha niya nang makumpirma niyang naroon na ako.
"Damn, still not following orders Cheska." Pabulong nitong saad. Pinigilan ko ang tawa.
Iniwas niya sa akin ang tingin. Tinabi ang ginamit na panlinis, naglakad palapit sa akin pero lumagpas hanggang sa narating niya ang kanyang mesa. Humarap naman ako sa kanya pero mabilis ding napalihis ng tingin dahil hinubad nito ang kanyang sleeves.
Naalala ko na naman tuloy ang ginawa ni Grant sa kutsara!
"Uhm, so dito office ko , I guess?" Marahan ang pagkakatanong kong iyon. Pinagmasdan ko siyang naglagay ng sanitizer sa kamay bago inangat sa akin ang tingin.
"Y-yeah. Kagaya ng dati." Kabado siya. Iniwas ko ang tingin at pilit na pinapakalma ang sarili.
"Kagaya ng dati?" Malungkot akong ngumisi. Kita ko ang pagbago ng reaksiyon niya sa ekspresyon ko.
"Right, I've gone overboard." Hinilot nito ang sentido.
Nanatili ang tingin ko sa kawalan. Hindi ko alam kung paano titingnan ang mukha niyang dismayado. Nasasaktan ko na naman siya.
Pero teka...
Gusto ko ba? Oo gusto ko yung effort niyang ibalik yung dating ugnayan namin.
Kaso..
Parang hindi ako handa. Natatakot pa ako.
"I'm sorry, nagpadalos dalos ako. I just thought..." Malalim ang binuga nitong hininga. "Nevermind."
Naupo ito sa kanyang swivel chair, pinaikot iyon patalikod sa akin at kita ko ang pagsabunot niya ng buhok. Inikot iyon at saka agad na pinindot ang intercom.
"Cheska, send some men here. Take the desk out." Malamig nitong sambit bago tinaas ang tingin pero hindi man lang siya tumingin sa mata ko.
Kinabahan ako.
Nagtatampo na naman. Nasasaktan na naman siya.
Sinabunutan ko rin ang sarili at saka lumapit sa kanya. Tinabig ko ang kamay niyang nakapindot sa intercom at rinig ko ang mura niya sa ginawa ko.
"It's a prank, Cheska. Joke lang yun ni Sir." Mabilis kong saad at saka pinatay ang connection.
Umirap ako sa tulala niyang mukha at saka dumiretso na sa desk. Nanginginig pa ang kamay ko nang hawakan ang ballpen at magkunwaring abala sa trabaho.
"Why..why did you do that?" Di pa rin makapaniwala ang tono niya. Binitawan ko ang ballpen pero hindi tumingin sa kanya. Ramdam kong nagiinit ang pisngi ko.
Bakit ba ang rupok, Lexi.
"Ayaw mo?" Irap ko pa. Mabilis siyang umiling, tinikom pa ang bibig.
"Pero bakit?"
Ang kulit.
Kiniskis ko ang dalawang palad saka tinaas sa kanya ang tingin. Namangha pa ako dahil sa kulay ng mata niyang mas nadepina dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa kanya.
Tila pinagmamasdan ko ang isang payapang bagyo na ilang sandali ay kaya akong guluhin. Pero sige lang, kung siya naman ang gugulo, bakit hindi?
"Sabi mo nga diba..." Kinagat ko ang labi at mabilis na nahulog ang tingin niya doon. Kita ko ang paglandas ng kanyang dila sa ibabang labi nito bago binalik ang mata.
"Kagaya ng dati, Darwin. Kagaya ng dati."
May kumislap na kung anong emosyon sa mata niya pero agad niyang iniwas sa akin ang tingin. Binaling ko ang mata sa trabaho pero pagkuwa'y tiningnan siya at di ko napigilan na ngumiti nang makita itong kagat ang labi, pigil ang ngiti at namumula pa ang tenga.
Napaghahalataan tong si Darwin.
Nakangiti akong nagsimula ng trabaho at gayundin siya. Hindi kami nagusap pero sapat na yata ang mga ngiti sa amin para ganahan kaming magtrabaho.
"Lex?"
"Ano?"
Tinabi ko ang ilang folders na binabasa bago ako sumulyap kay Darwin. Nasa maliit na couch ito at inaayos ang nakahandang pagkain doon. Hinubad ko ang glasses na suot at kinusot ang mata.
"Kumain muna tayo."
Minataan ko ang oras at halos magaalastres na pero ngayon palang kami kakain. Masyado yata siyang busy kaya pati siya ay hindi rin napansin ang oras.
Tumayo ako at saka lumapit. Natakam agad ako nang makita ang maraming pagkain ngunit nahiya dahil wala akong mauupuan. Kung tatabi ako sa kanya ay baka di ako makagalaw.
"Sit."
Wala akong nagawa kundi ang umupo katabi niya. Ang nakakatawa ay pareho yata kaming hindi halos makagalaw. Bawat yuko niya para kumuha ng pagkain ay tumatama ang tuhod niya sa binti ko.
Hindi na halos ako makahinga at umuusog nalang para maiwasan ang pagdampi ng balat namin. Ang init!
"Anyway, you and Aika, kumusta kayo?"
Hindi ko na napigilan ang bibig na magtanong. Matagal na rin kasing tinatanong yun ng utak ko. Nagkabalikan ba sila?
"I don't know. We never talked."
Gulat akong tumingin sa kanya. Kailan lang nung nagkaayos kami ni Aika, ibig sabihin hindi man lang sila nagkita?
"Ahh.." Iyon nalang ang naging sagot ko kahit pa gusto kong itanong kung bakit.
"Kayo ni Grant?"
Shit.
Ano daw?
"Anong tungkol kay Grant?" Sinubukan kong tumawa. Bakit ba siya nagtatanong ng ganyan e kitang kita na nasasaktan siya.
"You love him, and he loves you. I can see it."
Hindi ko iyon sinagot. Oo mahal ko si Grant, mahal din naman ako ni Grant kaya nga magkaibigan kami at magkasundo sa buhay.
What does he mean?
"Yeah." Sabi ko nalang at ngumiti.
Tumango siya saka tumayo. Bumalik ito sa kanyang mesa at nagtrabaho muli. Ngayon lang ata nagsink in sa utak ko ang tanong niya.
Iniisip yata niyang may relasyon talaga kami ni Grant.
Matapos ligpitin ang pinagkainan namin ay bumalik nalang din ako sa trabaho. Nagsasalubong pa ang kilay niya habang seryosong nagtatrabaho. Kanina lang halos mapunit na ang labi dahil sa lapad ng ngiti.
"Bobo ka Lexi." Kinatok ko ang ulo at saka inabala na rin lang ang sarili sa trabaho.
***
Alas syete na at abala na ako sa paghahanap para sa pagalis. Pinusod ko ang buhok at saka bumaling kay Darwin na seryoso pa rin sa ginagawa niya.
Tumikhim ako, "Darwin."
Agad ba tumaas ang tingin niya sa akin at minataan ang dala kong gamit. Tunayo siya at sinuot ang sleeves.
"Ihahatid na kita."
Nagulat ako sa alok niya. Pero tamang tama, sumabay lang din ako kay Grant kanina papunta dito.
"Magoover time ka?" Puna ko dahil mukhang wala siyang balak umuwi ng maaga. Sinagot niya lang ako ng tango.
"Ah ganun ba." Pinindot ko ang tenga. "Magisa lang kasi ako sa bahay. I will cook, maybe you can join me for dinner?"
Hindi siya nakasagot. Gulat ang mukha at namumula ang tenga.
"Ayaw mo ba?"
"Gusto!"
Nagulat kaming pareho nang halos sumigaw siya. Napangiti ako at siya ay tumalikod agad. Inayos niya ang mga gamit, mabilis ang galaw at saka nagpatiunang lumabas ng opisina.
Nasa likod niya ako at pinipigilan ko ang tawa. Ang pula pula kasi ng tenga niya at hindi pa halos sa akin makatingin. Kabisado ko na yang reaksyon niya.
Sumakay na kami ng kotse. Walang nagsasalita sa amin dahil na rin sa awitin na pinapatugtog. Pasimple akong sumulyap sa kanya at kita ko ang pagtapik ng mga daliri niya sa manibela habang sumisipol kasabay ng kanta.
Good mood si Sir.
Umayos ako ng upo at saka muling tiningnan siya. Pasimple lang dapat iyon pero nang tumingin ako sa kanya ay saktong tumingin siya sa akin.
Iniwas ko agad ang mata at kunwari ay ineenjoy nalang ang paligid kahit pa ang nakikita ko lang ay loob ng kotse. Rinig ko ang tawa niya kaya ako na ang nahiya.
"Eyes on the road." Kunwari ay galit kong paalala para lang pagtakpan ang kahihiyan. Tumawa na naman siya kaya napapangiti ako.
Ang sarap sa tenga ng tawa niya.
"Yes ma'am." Sabi pa nito.
Narating namin ang bahay. Hinayaan ko siyang maligo at gamitin ang damit ni Grant habang naghahanda ako ng pagkain.
Saktong pagbaba niya ay tapos na rin ako maghanda. Mabilis naman na bumaba ang tingin ko sa sweatpants nitong humahapit sa beywang niya.
Bakat na naman kutsara! Nakakahinga ba yang alaga niya?!
"Kain na." Iniwas ko ang tingin sa katawan niya at saka kami kumain.
Nagusap kami sandali tungkol sa trabaho. Minsan ay nagtatanong siya tungkol sa mga kaibigan ko. Kilala na yata niya ang barkada.
Hinayaan ko nalang din siyang maghugas para makaligo ako. Nang bumaba ay sakto namang paakyat na ito.
"Matutulog ka na?" Umiling siya sa tanong ko.
"Magtitimpla ako ng gatas. Gusto mo?" Umiling siya at sumunod sa akin pabalik ng kusina. Marahan ang paghahanda ko ng gatas dahil na rin at kabado ako sa mga tingin niya.
Idagdag pa na kung ano-ano lang naiisip ko habang hawak ang kutsara.
Dala ang baso ay sabay kaming umakyat paitaas. Nagtanong ito kung nasaan si Grant kaya sinabi kong may lakad. Tumango ito saka dire-diretso na nagpunta sa kwarto ni Grant.
"Anong ginagawa mo diyan?" Takang tanong ko nang isasara na niya ang pinto. Salubong ang kilay niya na muling lumabas.
"Matutulog?" Di pa siya sigurado doon. Umirap ako at saka tinalikuran siya. Ngunit bago maglakad palayo ay tumigil ako.
"Sa kwarto ka matulog. Tabi tayo." Tipid kong sabi at saka bumalik na ng kwarto kahit pa manghina na ako sa kaba.