IKALABING-DALAWANG KABANATA

1712 Words
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" I gave Sant at sideway glance before I shrugged my shoulders as an answer. Mahigpit ang kapit ko sa hawak na folder at paulit-ulit ang pagbuntong hininga ko. "Tatlong buwan akong hindi pumapasok sa trabaho Sant, masyadong mahaba na yun para magisip." Ngiti ko pa. Pareho kaming natigilan nang magbukas ang pinto ng elevator at doon nakita namin sa loob ang taong dahilan kung bakit nagwawala ang mga halimaw sa dibdib ko. "S-Sir.." Si Sant ang unang nakapagsalita. Nanatili ang tingin ko sa mga mata ni Darwin na hindi alam kung saan mananatili. "I...I was about to go to your office." Mahinang sabi ni Darwin sa akin. Bumaling ako kay Sant saka naman ito yumuko at naglakad palayo. "Balik tayo sa opisina mo. We better talk." Iyon lang at pumasok na rin ako ng elevator kasama niya. Malawak ang distansya namin sa isa't isa na parang ayaw naming parehong mapalapit. Kita ko ang palagiang pagaadjust niya ng relos kaya't alam kong kabado ito, kagaya ng hindi pagtigil ng daliri ko na hawiin ang maiksing buhok. Tahimik at tila napakatagal ng minutong iyon. Ang mga mata ko ay umaasang mapunta na kami sa 10th floor ng building at tapusin na ito. "Uhm.. do you-do you want some coffee? Kumain ka na ba? You want pizza? Or what?" Kung sa ibang sitwasyon lang ay baka natawa na ako. Kakaiba siya ngayon, mabagal ang kilos na parang takot magkamali, laging nauutal at hindi mapakali. Sa loob-loob ko ay ang cute niya kapag ganoon. Pero alam kung balisa siya dahil alam ko na ang lahat. "Don't bother." Pinilit kong wag iparamdam ang galit. Sinubukan kong ngumiti. "I came here for this." Nanginginig kong binigay sa kanya ang folder at tinanggap niya naman ito saka binuksan. Mabilis na nagsalubong ang kilay niya nang matagpuan nito ang mga mata ko. "You're resigning?" Nung huling araw na magkasama kami dito, yun yung araw na sinabi niyang siya ang lalaking tumulong sa akin sa bar. Gusto ko man tingnan ang ginawa niya bilang tulong, hindi pa rin mababago ang katotohanan na dahil sa kanya kaya ako napahamak. Kaya napahamak kami ng anak ko. Halos tatlong buwan akong hindi nagpakita sa kanya. Hindi ako umuwi sa apartment at kay Sant ako tumuloy, hindi rin ako pumapasok. At sa tatlong buwang iyon ay napagisip-isip kong dapat ko ng putulin ang ugnayan ko sa kanya. "Obviously..." Pareho kaming natahimik. Naupo ako sa sofa dahil sa panghihina nang makita ang paglamukos niya ng folder sa kamay niya. Gulong gulo ang mukha nito na lumapit sa akin. "Why are you doing this?" Natawa ako sa tanong niya. Kingina naman! "Manhid ka ba o baka gusto mong ipaalala ko ulit kung paano ako halos patayin ng asawa mo?" Hindi ko na maiwasan na pagtaasan siya ng boses. "Lexi, it wasn't me! It was Aika! Please!" Natawa ako ng mahina sa naging rason niya. Gusto kong ibalik siya sa nakaraan, ipakita kung bakit at paano ako napunta sa demonyong asawa niya. "You're the one who brought me to that hell, Darwin! It was you all along! Hindi mo sinabi sa akin agad, pinagmukha mo akong tanga. We kissed, we touched, we sleep together and what the f**k? All this time puro pakitang tao lang pala ang ginagawa mo?" I hurt him, I offended him, kita sa mga mata niyang nasaktan siya sa sinabi ko. Dahil sa sinabi ko ay bumalik ang isip ko sa mga nakaraang araw. Ang unang pagkikita namin, kung paano ako nagiging maamo pag nandiyan siya, yung mga araw na uuwi siya sa akin o kaya ay iuuwi niya ako sa kanya. It felt so surreal. Pero ngayon, tapos na ang lahat. Na parang nasa panaginip ako at ang realidad ay ang katotohanang niloko niya ako. "I'm sorry..." Naging paos ang boses nito at napayuko. "It was my fault, I get it. Sisihin mo na ako. Just please ..please don't push me away." I don't want to. But I have to. Kailangan kong itulak na siya papalayo hangga't kaya ko pa. "Pasensya nalang din Darwin, pero desidido na ako." Tumayo ako, humakbang palayo sa kanya at saka nito inangat ang tingin sa akin. "I'm taking all my things. Dadaan kami ni Sant sa apartment mo para makuha ko ang mga gamit ko." "Lexi, don't." Hindi ko kayang titigan ang kumikinang niyang mata dahil sa luha. Is he crying? "Saka si Sant, alam na niya kung saan ko binibili yung gamot mo sa migraine. Siya nalang utusan mo. Yung mga grocery items naman na madalas kong bilhin na gusto mo, si Sant na din pinagsabihan ko. Okay. I can't stop it. Hindi ko maiwasan na magalala para sa kanya. Kita ko ang pagusbong ng pagasa sa mukha niya. Pero alam kong sa ginagawa ko ay mas lalo ko lang siyang masasaktan. "Can I still stay at your apartment?" Alam kong mamimiss ko ang mga gabi na magpapakalasing kami at matutulog na magkatabi. Yung mga gabi na manonood kami ng kung ano-ano habang umiinom ng gatas, yung mga maiinit na gabi na pinapaulanan niya ako ng mga nakakaakit na mga salita. Mamimiss ko lahat ng iyon. Pero kahit kailan hindi ako mangungulila sa kanya. "If you still don't get it, I'm leaving Darwin. Babalik na ako sa Pilipinas." Napaawang ang bibig niya sa sinabi. Gulat na gulat ito. Pero... Hindi siya gumalaw. Hindi siya pumadyak palapit. Hindi niya ako pinigilan. Sa halip ay tumango lang. Ito ang gusto ko diba? Pero bakit ang sakit na hahayaan niya lang ako? Mas namuo ang galit sa dibdib ko dahil wala lang sa kanya ang sinabi ko. Parang napatunayan ko lang din na pagpapanggap lang ang nangyari sa amin. Paano kung all this time, nakikipaglaro lang siy Tapos ako na tatanga-tanga, sumuong sa labanan na hindi handa. Pinilig ko ang ulo at tinanaw ang pinto. Gusto ko ng umalis. Pero gusto kong umalis na may sakit na itatanim sa kanya. "Darwin." Bumalik ang tingin niya sa akin. Nagtataka sa pagatras ko. "I wish I never met you." Mas lalong nanikip ang dibdib ko nang makita kung paano nagsalubong ang kilay niya sa gulat, kung paano umawang ang labi niya at kung paano ito pumadyak palapit pero tumigil agad. "Good riddance, Sir." *** "Lexi ano ba! Magbihis ka nga!" Tumatawa kong niyugyog ang dibdib sa harap ni Grant na kapatid ni Sant nang singhalan ako dahil sa suot ko. Ang sports bra na suot at ang maruming shorts ko ang dahilan ng pagrereklamo niya, hindi man lang nagpasalamat dahil ako ang nagpalit ng gulong sa sasakyan niya. Si Grant ay matalik kong kaibigan. "Kamahalan pasensya na ha! Pinalitan ko kasi gulong mo." Pagtataray ko habang pinapagulong papuntang garahe ang gulong na pinaglumaan ng sasakyan niya. Pinupunasan ko ang pawis na bumalik sa tabi niya. "I have something to tell you." Ngisi nito at saka pinulupot ang braso sa beywang ko. Pinanatili ko ang kamay sa likod ko para hindi siya marumihan. "Anong balita?" "Well, Leo paid me to make a ring for Joana." Agad na napabilog ang bibig ko sa gulat. Ang tinutukoy niya ay ang mga kaibigan namin na mukhang magpapakasal na. "Kailan pa?!" "Last month, tapos ko na. So expect a proposal sooner or later." Hindi ko mapigilan na mapangiti. Saktong pagkauwi ko galing Manhattan ay ang panganganak ni Joana. Hindi pa sila nagpapakasal ni Leo dahil na rin mas inuna ang bata. And now that the time has come, I feel nothing but absolute bliss for them. Si Liam at Sheena, lumalaki na ang pamilya. Si Joi at Ranz, anak nalang ang kulang. Si Joana at Leo, matindi yan nauna ang anak bago kasal. Pero ang nakakatuwa, they all have a happy ending. Or maybe, a happy chapter in their life, kasi wala naman talagang katapusan ang buhay. "I'm so happy for them, and alsooo..." Kinawit ko ang braso sa leeg nito pero sinigurong hindi siya marurumihan. "Congratulations dahil talagang lumalago na ang negosyo mo." He pinched my nose at napasinghal nalang ako sa pagrereklamo. "E ikaw? Kailan ka kaya magpopropose sa akin?" Ngumuso ako saka tumingkayad para mahalikan ang pisngi nito. Napahagalpak pa ako ng tawa dahil sa reaksiyon niya. "Soon babe, soon." Pagsasabay niya sa tawa ko. It's almost a year at napamahal na muli ako sa Pilipinas. Mas madalas kong mabisita si Joi na tinuturuan ko pa ng mga s*x position na mabisa para masiguro ang pagbubuntis. Paano kasi e napakainosente ng babaeng iyon. Madalas rin akong tumulong kila Sheena, asawa ni Liam. Sa wakas ay nakapagtrabaho na si Liam matapos pumasa sa board. Si Sheena naman ay sa hospital nagtatrabaho at sapat na ang kita ng dalawa para buhayin ang dalawang anak nito, may isa pa nga sa tiyan ni Sheena. Minsan nababatukan ko nalang itong si Liam. Si Joana at Leo, sila yata ang pinakawild na couple. Bulgar pa magkwento si Joana na kahit yung pagsesex nila sa public comfort room ay kwinento pa sa amin. Minsan ngang nalasing si Joana at niyaya akong makipagsex sa kanya. Syempre tinanggihan ko, aba mabait na ako. Idagdag pa na nagaway sila ni Liam dahil doon. As for me and Grant, we live together. Actually si Grant ang lumipat sa akin. Magisa lang kasi ito sa condo niya at nung nagkasakit ito ay ako ang tinawagan ni Sant na alagaan ang kapatid niya. Dahil na rin at matalik kong kaibigan si Grant ay pinilit ko itong sa bahay ko na tumira. Hindi naman siya tumanggi dahil mas nakakakain daw siya ng maayos kapag lutong bahay. Pareho na kaming nakasakay ni Grant sa kotse niya at tahimik ang byahe. Papunta siya sa notary office niya at sarado raw ang jewelry store nito. Ako naman ay sumabay lang sa kanya dahil may ibang lakad ako. "Call me if you need a ride, babe." Paalala nito sa akin bago itaas ang nakakuyom na kamao. Nakipagfist bump naman ako at napahagikhik. "Thanks babe, mwa!" Pumalantak pa ako ng halik sa pisngi niya bago pabirong nakipagapir sa alaga nito. "f**k, Lexi! Ang bastos!" Sigaw nito habang tumatakbo akong lumabas ng sasakyan niya. Kumaway nalang ako at saka nakangiting tinahak ang makipot na landas patungong lugar kung saan naroon ang anghel ko. Ang puntod ng namayapa kong anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD