Trinity's POV Dahil magaling mag-alaga si Travis ay magaling na ako sa aking lagnat. Laking pasasalamat ko sa kanya at nakakakilos na ako ng maayos hindi tulad ng kahapon. Araw-araw ay tumatawag sa akin sina kuya Troy at mommy, tinatanong nila ako kung ayos lang ba ang lagay ko dito. Minabuti ko nalang na hindi sabihin sa kanila ang ginawa sa akin ni Jun dahil kung sasabihin ko pa iyon ay lalo lang mas magiging komplikado kaya sinabi ko nalang na maayos ang lagay ko dito. May kumakatok sa pintuan ng kwarto ko kaya napabangon ako mula sa kama at tumayo upang mapagbuksan ng pinto ang kumakatok. Nang binuksan ko ang pintuan ay si Daniel ang bumungad sa akin. "Daniel, ikaw pala." Napakamot siya sa ulo niya at tila nahihiya. "Ah.. ano kasi.. y-yayain lang sana kitang mamasyal para naman mal

