Trinity's POV Pagkatapos ng mga nangyari ngayong araw na ito ay umuwi na kami ni Daniel. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na date ang ginawa namin. Hanggang sa pag-uwi namin ay hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa kanyang mukha. Tama ba talaga ang desisyon kong bigyan siya ng chance? Kahit sa tingin ko ay wala naman siyang pag-asa sa akin? Oo! Tama lang ang naging desisyon mo Trinity, mabait si Daniel at maaalalahanin kaya hindi imposible na magkagusto ka sa kanya. "Salamat talaga at binigyan mo ako ng chance, Trinity." Sambit niya sa gitna ng paglalakad namin papasok ng bahay. Ngumiti na lang ako ng pilit, nagdadalawang-isip kasi ako sa desisyon na ginawa ko pero alam ko naman na there's no turning back na dito. Nasabi ko na sa kanya at ayon na. Bakit kasi kay 'You know' ko pa

