Trinity's POV Pagkatapos ng klase namin ay nagyaya sila Bonnie na dumalaw ulit sa TREASURE House. Wala naman akong nagawa dahil pinipilit nila ako. Alam ko naman na gusto lang niyang makita ulit si David at si Micca naman ay gustong makita si John. "Kayong dalawa, gusto niyo lang makita sina David at John e," Pang-aasar ni Chae. "O-oy! Hindi ah? Gusto lang namin malaman kung okay lang ba ang lagay ni Trinity don!" Pagpapalusot ni Bonnie. "Oo nga, kayo talaga mapanghinala!" Defensive na sagot ni Micca. Natawa nalang kami nila Chae, Leo at Jerome. Halata naman sa kanilang dalawa na iyon ang pakay nila. Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumiretso sa sala. Nilapag nila Chae at Bonnie ang mga hawak nilang plastic na may lamang mga junk foods at softdrinks sa lamesa. "Swerte mo talaga f

