Zina Estella's Point of View
MATAPOS kong maghilamos at magpunas ng mukha, lumabas na ako ng c.r para bumalik ng room namin. Nadaanan ko ang room 3 at nakita kong nandoon ang librarian namin at dalawang lalaki.
"Ano pong meron?" tanong ko.
"May naglinis kasi dito," sabi niya, bigla naman akong kinabahan.
"Bakit po? May problema po ba?" tanong ko.
"Wala naman kaya lang sabi ni dean ay maghanap ako ng maglilinis pero nalinis na pala ito," sagot niya.
"A-Ako po ang naglinis," kinakabahan sabi ko.
"Ikaw? Bakit mo nilinis?" gulat na tanong niya.
"Sabi kasi ni Prof Gina, linisin ko raw eh," sagot ko.
"So, binuhat mo lahat mg mga libro dito?" tanong niya.
"Opo," sagot ko.
"Bakit niya pinagawa sa'yo iyon? Babae ka dapat hindi niya pinalinis sa'yo," sabi niya.
"Ayos lang naman po sa akin," sagot ko.
"Hindi pwede kakausapin ko si prof Gina tungkol dito," sabi niya at akmang aalis pero pinigilan ko.
"'Wag na po baka mag away lang po kayo," sabi ko, baka mamaya mag away pa sila dahil sa akin. "Wala naman pong problema sa akin iyon."
"Mali ang ginawa niya, hindi dapat siya nagpalinis sa students meron naman tayong mga janitor tapos ikaw pa ang naisipan niya, kababae mong tao ikaw ipagbubuhat?" sabi niya.
"Hayaan niyo na po, baka po magkagulo lang," sabi ko.
Napabuntong hininga na lang siya. "O siya hindi ko nagagawin iyon pero tanggapin mo ito," sabi niya at may binigay sa aking sobre.
"Ano po ito?" tanong ko.
"Bayad 'yan, 'yan sana ang ipambabayad ko sa dalawang lalaking maglilinis dito pero dahil nalinis mo na sa'yo ko ibibigay," sabi niya.
"Naku, ayos lang naman po," pagtanggi ko sa binibigay niya.
"Tanggapin mo na, bayad naman 'yan sa mga maglilinis ng room 3," pagpipilit na sabi niya.
Wala akong magawa kundi ang tanggapin na lang ito, kailangan ko rin naman ng pera ngayon.
"Maraming salamat po," sabi ko tapos tumingin sa wrist watch ko, malapit ng mag time. "Sige po alis na ako."
"Sige mag iingat ka," sabi niya, nag nod naman ako pagkatapos naglakad papunta sa room namin.
UWIAN na kaya nagmadali akong ayusin ang gamit ko, may trabaho pa kasi ako mamaya. Uuwi lang ako saglit sa apartment ko para mag bihis at magpahinga lang saglit.
"Ang aga mo lagi Estella," sabi ni Ate Rica pagdating ko ng pinagta-trabahuan ko, siya ang kapalitan ko dito sa convenience store na pinagtatrabahuan namin.
"Para magawa mo ng maayos ang endors mo ate," sagot ko.
Kapag kasi late ako dadating late din uuwi si ate dahil hindi niya maaayos ang endors niya sa akin dahil madaming bumibili. Sikat itong convenience store na ito dahil dito minsan bumibili ang Regium. May nag post kasi na dito bumibili ang Regium kaya marami ng nagdagsaan dito, hindi lang yun, minsan nag post si Croix, isa sa member ng Regium, ng picture kasama yung pangalan ng convenience store.
"Ang aga mong pumapalit sa akin pero late kang pinapalitan nung si Jenna." inis na sabi niya.
Naiinis kasi siya kay Jenna dahil lagi itong late dumating. Ang pangit kasi ng ugali ni Jenna, nag fe-feeling siya ang may ari ng convenience store kung pagsungitan kami ni ate Rica. Ayaw niyang na le-late si ate Rica sa pag dating pera siya sobra sobra ang late niya. Tapos laging kulang pa ang ini-endors niya sa akin kaya ako ang nahihirapan.
"Hayaan mo na yun ate, sasakit lang ulo mo sa kanya." sabi ko.
"Sana naman maintindihan niya na nag aaral ka at kailangan mo pang makatulog pero papasok siya mag ti-three na? Kapag ako nainis talaga isususmbong ko siya sa boss natin," galit na sabi niya. "Kung hindi lang ako naaawa sa anak niya baka nawalan na siya ng trabaho."
Single Mom si Jenna, maagang nabuntis. 16 palang ito ng mabuntis siya at iniwan siya ng boyfriend niya dahil lang nalaman na buntis siya. Kaya nga ang hirap mag tiwala sa lalaki eh, sasabihin nila na hindi ka iiwan pero kapag nabuntis ka tatakas na, ayaw ng responsibilidad. Nasarapan pero ayaw mahirapan. Hindi ko nilalahat ang mga lalaki pero karamihan kasi talagang ganyan ang mga lalaki, bilang na lang yata sa daliri ang matitinong lalaki.
"Yun nga kaya pabayaan mo na at mag umpisa ka ng mag endors para makauwi ka ng maaga." natatawang sabi ko tsaka pumunta ng locker at ilagay ang bag ko. Nakasuot na ako ng uniform kaya hindi na ako kailangan magbihis pa.
Saktong pagkarating ko sa pwesto namin ay may pumilang costumer kaya agad kong inasikaso iyon matapos yun ay naging sunod sunod ang bumibili. Konti lang ang binibili nila pero madaming bumubili. Natapos na si ate Rica sa ginagawa niya pero dahil busy ako hindi na siya naka pag endors sa akin, iniwan na lang niya ang notebook kung saan niya sinulat yung mga nabenta niya at magkano ang na benta niya.
"Alis na ako beh," bulong sa akin ni Ate Rica, nag nod lang ako sa kanya dahil busy ako sa ginawa ko.
"Miss magkano ito?" tanong ng isang costumer na nasa side ko kaya tinignan ko muna siya saglit.
"160 po ma'am" magalang na sabi ko at bumalik ulit sa ginagawa ko.
"Ah, sige, paki balot na nito babayaran ko na." sabi niya kaya napahinto ako sa ginagawa ko at tinignan siyang nakakunot ang noo. Ang daming nakapila dito tapos gusto niya ibalot ko na agad?
"Ma'am meron pong pila dito kaya kung pwede po pumila kayo." magalang na sabi ko.
"Nagmamadali ako kaya pwedeng unahin mo muna isa lang naman ang bibilhin ko." dahilan niya.
"Ma'am marami pong nakapila na isa lang ang bibilhin pero pumila pa rin sila kaya kung pwede po pumila na lang po kayo." mahinahong sabi ko. Sanay na ako sa ganitong klase ng mga customer, hindi talaga mawawala ang mga ganitong klase ng customer.
Nakita kong nagagali na ang mukha niya. "Hindi ka ba makaintindi, sabi ko nagmamadali ako kung pwedeng unahin mo muna," sigaw niya. "Mabilis lang naman yang gagawin mo eh." Magsasalita na sana ako pero biglang nag salita ang costumer na unang siniservice ko.
"Ate ikaw ang hindi nakakaintindi," sabi niya. "Sinabi naman sayo na madaming nakapila at hindi lang ikaw ang nagmamadali, kahit kami nagmamadali kaya 'wag kang mag pa VIP, kung pumila ka na lang sana edi mabilis tayong natapos, lima lang ang nakapila at konti lang ang binili akala mo sobrang tagal kang maghihintay."
Hindi nakapagsalita ang babaeng nasa gilid ko sa sinabi ng babaeng nasa harapan ko dahil nakakatakot kasi ito kahit ako natakot sa boses niya.
"Kung bibili ka pumila ka pero kung hindi pwede ka ng umalis dahil nakakaperwisyo ka na." sabi ng babaeng nasa harap ko.
Hindi na nakapagsalita ang babaeng nasa gilid ko nabitawan nito ang binibili niya at nagmadaling umalis. Nagpalakpakan naman ang mga custumer na nakapila sa ginawa ng babaeng nasa harapan ko.
"Salamat," nakangiting sabi ko matapos kunin ang nahulog ng babae kanina at tinuloy ay ginagawa ko kanina. "Kung ako lang iyon baka hindi ko maayos ito."
"Wala yun," sagot niya. "Isa pa kailangan maging matapang ka rin 'wag kang magpalamang sa ganung klaseng costumer, hindi na uso ang costumer is always right kung binabastos ka na," Napangiti na lang ako sa sinabi niya.
Sana kaugali ko siya para hindi ako mabully pero hindi eh, masyado akong mahina para masagot ko ang mga taong umaapi sa akin.
Tinapos ko na ang ibang mga customer na nakapila dahil baka ang iba sa kanila ay nagmamadali na rin. Ngayon lang naman ako magiging busy dahil mamayang madaling araw ay walang masyadong bumibili.
Lumipas ang isang oras, wala ang masyadong tao kaya kinuha ko ang notebook na binigay sa akin ni Ate Rica na sales niya.
Titignan ko kung tama ang pera sa kaha, kapag nagkulang ito kami ang mag aabono. Ang masiguro kong tama ang pera sa kaha, itinabi ko na ang notebook sa dating lugar nito para madaling mahanap.
Pagkatapos nun ay naglinis na lang muna ako sa buong store at titignan ko kung ano pa ang pwedeng dagdagan sa mga tinitinda namin.
LUMIPAS ang oras ay time out ko na pero hindi pa rin dumadating si Jenna. Sanay na ako doon kaya nag ta-tiyaga akong hintayin siya kahit late na siyang dumating. Habang wala siya nilinis ko muli ang store wala namang gaanong bumibili dahil madaling araw naman pagkatapos kong mag linis nagsulat na ako ang i-e-endors ko kay Jenna para mabilis lang akong makauwi.
Habang busy ako biglang tumunog ang bell ng pinutuan, ibig sabihin may pumasok kaya tinigil ko muna ang ginagawa ko para tignan ang dumating baka kasi si Jenna na iyon pero gulat na gulat ako ng makita kong si Ms. Angel ang dumating, siya ang ari ng convinient store.
"G-Good morning po Ms. Angel." utal na bati ko dito.
Nakita kong napakunot ang noo niya at tinignan ang orasan niya. "Where's Jenna?" tanong niya ng hindi niya makita si Jenna. "Bakit wala pa siya? It's already three pero bakit wala pa siya."
"Ah, eh Ms," hindi ko alam ang sasabihin ko. ayokong magsinungaling sa kanya pero ayoko din namang mapahamak si Jenna. Narinig kong nag buntong hininga si Ms. Angel.
"So, totoo ang sumbong sa akin," sabi niya. "Sa inyong tatlo siya ang pinakamalapit pero siya pa ang nali-late? At bakit hindi mo sinabi ito sa akin?" Hindi ako makasagot dahil hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Narinig kong napabuntong hininga si Ms. Angel. "Estella, alam kong mabait ka pero sana naman hindi mo hinhayaan na sinasamantala ka ng ka co-worker mo, hindi naman siya ang boss mo para ganunin ka. Ako nga na boss niyo hindi ako na le-late kapag sinabi ko kung anong oras ako pupunta dito tapos siya ganun tapos malapit lang siya kumpare sa inyo."
"Naaawa lang po ako kasi may anak po siya," sagot ko.
"Kahit na, hindi naman sa lahat ng oras dapat siyang pag pasensyahan," sabi niya. "Ikaw, may pasok ka pa mamaya, imbis na makakatulog ka na mag hihintay ka pa sa kanya tapos anong oras ka na makakauwi. Kung ikaw marunong kang umunawa sa kanya dapat ganun din siya."
Hindi ako nakaimik sa sinabi ni ms. Angel kasi tama naman siya sinabi niya. Ito ang mahirap sa akin eh, madali kasi akong maawa pakiusapan lang ako agad akong papayag at hindi din ako nagtatanim ng galit sa isang tao, madali akong magpatawad kahit sobrang laki ng kasalanan niya sa akin. Sinubukan ko namang baguhin iyon pero in the end nagiging ganun pa rin ako.
"Punta lang ako ng office at kapag dumating si Jenna sabihan mo agad ako." sabi niya.
"Yes ms. Angel." sagot ko.
Ilang minuto lang ng makapasok si ms. Angel sa office ay dumating si Jenna.
"Ah Jenna," sabi ko. Gusto kong ipaalam sa kanya na nandito si ms. Angel para hindi siya magulat.
"Sandali lang 'wag ka munang umalis magpapahinga lang ako," sabi niya. "Napagod ako sa paglalakad." Umupo siya sa upuan namin pagkatapos agad kinuha ang cellphone niya.
"Jenna kasi.." Hindi ko natuloy ang sinabi ko dahil pinutol niya.
"Sandali lang sabi magpapahinga lang ako, hindi ka ba nakakaintindi?" galit na sabi niya.
"Ganyan ba ang ginagawa mo dito kapag wala ako Jenna?" Napatingin ako bigla kay ms. Angel ng magsalita siya, napatayo naman agad si Jenna. "Ikaw na nga ang late dumating tapos galit ka pa sa kanya ha? Hindi naman kita binabayaran para magfeeling boss."
"Ah, ms. Angel may nangyari lang kaya ako na late," dahilan ni Jenna.
"'Wag mo akong dahilan Jenna, hindi lang ito ang unang beses na na late ka," galit na sabi ni ms. Angel. Bigla naman akong tinignan ng masama ni Jenna, siguro akala niya ako ang nagsumbong. "'Wag mong tignan ng ganyan si Estella, ibang tao ang nagsumbong sa akin." saway niya dito. "Ikaw na nga itong binibigyan ng konsiderasyon ni Estella ikaw ba ang galit sa kanya? Pasalamat ka mabait siya at hindi ka niya sinusumbong sa akin."
"Napupuyat kasi ako dahil sa anak ko." sagot ni Jenna.
"Malaki na ang anak mo Jenna, hindi na sanggol ang anak mo para mapuyat ka," sagot ni ms. Angel. "At kung hindi mo kaya ang ganitong oras sana naghanap ka ng ibang trabaho na hindi ka mapupuyat. Tinanong kita noon ng nag apply ka, tinanong ko kung kaya mo ang midnight shift ang sabi mo 'oo' tapos ngayon i rereklamo mo sa akin na napupuyat ka?"
"Ms. Angel pasensya na, hindi ko na uulitin," pagmamakaawa ni Jenna.
"No, ayoko ng may empleyado ako na pangit ang ugali," sabi ni ms. Angel. "Tapos nag fi-feeling boss ka dito porket hindi kayang mag reklamo ni Estella sinasamantala mo? Alam mong may pasok pa yan pero late kang pumapasok at tignan mo siya, nag aaral siya pero nagagawa niyang i manage ang schedule niya, never siyang na late o nag absent man lang at siya ang mas malayong bahay sa inyo pero ni minsan hindi yan na le-late."
"Wala naman kasi siyang anak," reklamo niya.
"Kasalanan pa ba niya kung nagkaanak ka kaagad?" sabi ni ms. Angel, hindi naman nakapagsalita si Jenna. "Wag mong isisi sa kanya ang kamaliang ginawa mo in fact kailangan mong magpasalamat sa kanya kasi binibigyan ka niya ng konsiderasyon kasi iniisip niya na may anak ka eh ikaw nag bibigay ka ba ng konsiderasyon sa kanya? Naisip mo ba na papasok pa siya?" Hindi nakapagsalita si Jenna. "Ngayon, late ka na ngang pumasok tapos ayaw mo pang paalisin si Estella dahil gusto mong magpahinga? Ano ka dito, senyorita? Ikaw na nga ang na late ikaw pa ang may ganang mang utos? Tapos imbis na ang gawin mo ayusin mo yang pwesto mo pero cellphone ang inaatupag mo. Tandaan mo lahat ng sulok ng store may cctv, ni-review ko lahat ng cctv ng may nagsabi ng pinangagawa mo at lahat ng ginagawa mo kita ko lahat, napuyat pa ako para lang tignan lahat iyon."
Ngayon ko lang nakitang nagalit si ms. Angel, usually kasi kalmado lang siya at laging nakangiti. Sa lahat ng napasukan kong trabaho noon siya lang ang nagustuhan kong boss kaya hidni na ako umalis dito mula noon.
"Pasensya kahit naaawa ako dahil may anak ka, ayokong pagbigyan ka kasi nasa policy ko iyon, once na naglamang ka sa mga kasamahan mo matatanggal ka sa trabaho," sabi ni Ms. Angel.
Alam kong nanghihinayang si Jenna kasi naman kahit convinient store ito, malaki ang sahod at kumpleto sa benifits at hindi kasama sa sahod namin ang benifits namin. Isa din ito sa dahilan kung bakit nagtagal ako dito.
"PASENSYA na Estelle kung hindi agad kita pinauwi nawala sa isip ko," sabi ni ms. Angel. Wala na si Jenna ngayon kaya pansamantalang si ms. Angel na muna ang papalit sa pwesto ni Jenna habang wala pa itong kapalit. "Don't worry babayaran ko ang O.T mo."
"Naku 'wag na ms. Angel." tanggi ko.
"No, tama lang ito, pati na din yung mga araw na nale-late si Jenna babayaran ko, kinaltas ko naman sa sahod niya iyon kaya ibibigay ko sayo pambawi sa mga O.T mo." sabi niya.
Binawasan ni Ms. Angel ang huling sahod ni Jenna sa ilang araw niyang late kaya konti lang ang nakuha niyang sweldo dahil sobrang laki ng kinaltas sa kanya. Nakakaawa
"Pero..." reklamo ko.
"Wag ka ng mag reklamo, nasa trabaho mo iyon kaya natural na makakuha ka ng O.T." sabi niya.
Wala akong magawa kundi tanggapin na lang dahil tama naman si ms. Angel at isa pa makulit siya kapag hindi ko tinaggap kukulitin niya ako dahil nga matagal ako dito naging close ko na siya parang ate ko na siya pero swempre boss ko pa rin siya kaya ginagalang ko pa rin siya. Kahit gusto niyang tawagin ko siyang ate hindi ako pumayag wala din naman siyang magagawa dahil lagi ko siyang tinatawag na Ms. Angel.
Wala na akong magawa kundi tanggapin na lang ang dinagdagang sweldo sa akin ni Ms. Angel.
"Alis na po ako Ms. Angel," paalam ko sa kanya.
"Hatid na lang kaya kita? Baka mapahamak ka pa, babae ka pa naman," sabi niya.
"'Wag na Ms. Angel, araw-araw ko naman itong ginagawa kaya walang nangyayaring masama sa akin," pagtanggi ko.
"No, I insist, ihahatid kita, hindi ako mapapanatag kapag hindi kita ihahatid," sabi niya.
"Pero sino ping magbabantay sa shop kung ihahatid niyo ako?" tanong ko bigla naman siyang natigilan.
"Oo nga pala wala ka na nga pa lang kapalit," sabi niya at napabuntong hininga. "Basta mag iingat ka na lang sa pag uwi mo ah."
"Opo, hindi ko naman po hahayaan na mapahamak ako, gusto ko pang makatapos ng pag aaral," sagot ko.
"Mabuti naman, sige na umalis ka na para makatulog ka na," sabi niya.
Nagpaalam muli ako bago ako umalis ng convenient store. Naglakad na ako papunta sa paradahan ng mga tricycle. Akala ko wala ng tao pero nakita ko si Manong Dan doon, siya ang lagi kong sinasaktan kapag uuwi ako. Kaya hindi ako natatakot na umuwi dahil sa kanya. Asawa siya ng landlady namin.
"Naku, Mang Dan pasensya na po kung natagalan ako," sabi ko.
"Wala iyon iha, hindi ako aalis dito hangga't hindi kita kasama, ayokong mabalitaan na lang bigla na na g****a ka na," sabi niya.
Hindi ko maiwang mapangiti sa kanya. Para talaga akong may pangalawang tatay dahil sa kanya. Mula nung nalaman niya na umuuwi ako ng mag isa ay nag kusa siyang ihatid ako, gusto pa nga niya libre ang paghatid at pagsundo niya pero dahil ayokong nagpapalibre pinili ko siya, napilit ko naman siya kaya lang kalahati na lang ang babayaran ko. Pumayag na lang ako dahil hindi ko na mapipilit pa si Manong Dan.
"Hindi naman po iyon mangyayari," sabi ko.
"Osiya tama na ang kwentahan, may pasok ka pa bukas diba?" sabi niya.
"Opo," sagot ko.
"Kung ganun pumasok ka na sa loob ng tricycle at ng makaalis na tayo," sabi niya pagkatapos sumakay siya sa motor niya kaya sumakay na rin ako sa sidecar niya.
Mabilis lang kaming nakadating sa apartment ko kasi walang traffic dahil madaling araw na.
"Maraming salamat po Mang Dan," sabi ko sa kanya pagkatapos inabot ang bayad ko.
"Pumasok ka na sa loob para makapagpahinga ka na," sabi niya.
"Opo," sagot ko at naglakad na apartment ko.
Nang makapasok ako doon ko narinig ang tunog ng tricycle niya. Hindi talaga siya umaalis hangga't hindi niya nakikita na pumasok ako sa loob ng apartment ko. Hindi naman kalayuan ang bahay nila sa apartment ko kaya mabilis lang siyang nakakarating sa bahay nila.
Kahit gusto ko ng matulog, tiniis ko na muna dahil kailangan ko pang mag half bath para masarap ang tulog ko mamaya. After kong mag half bath nagsuot ako ng pantulog ko pagkatapos nun ay humiga na ako sa kama at agad naman akong nakatulog.
To be continued...