Totoo ang mga sereno at serena... Sa tantya ni Arriana, ay lampas isang oras na mula nang umalis si Sebastian. Nag-aalala na siya dahil hindi pa ito bumabalik. Natatakot din siya dahil wala siyang kasama. Nasaan ka na? Nagliwanag ang kanyang mukha, at muling sumilay ang ngiti sa mga labi niya nang makita ang pag-ahon ni Sebastian mula sa dagat. Gusto niya itong salubungin ngunit dahil sa hindi naman siya makalakad, ay kailangan niya itong hintayin na lamang. Ano ang mga dala niya? nagtatakang tanong niya sa sarili. Sa wakas ay umabot din sa kanya si Sebastian. "Ang dami mo namang dala!" nangingiting wika niya. Tiningnan niya isa isa ang mga dala ni Sebastian. May isang bote ng beer. "Nakakalasing naman 'yan. Hindi ako umiinom ng beer," aniya. Tapos, mayroon ding isang bote ng mineral

