"PASENSYA ka na, pero sa tingin ko ay hindi pa kita maaaring ibalik sa inyo ngayong gabi. Siguradong may makakakita sa atin," wika ni Sebastian. Sumang-ayon naman si Arriana. Ayaw niya rin ipahamak si Sebastian. Tiyak na nakakalat ang mga sasakyang pandagat sa paligid. "Pasensya ka na kung kailangan mong manatili rito ng isang araw pa." "Ayos lang," tugon ng dalaga. "Hindi mo naman ako pinababayaan, eh. Maraming salamat ulit," nakangiting wika niya. Ang damit na suot niya ay natuyo na lang maghapon dahil sa sikat ng araw. At napansin din niyang nakatulong ang dagat sa paghihilom ng ilan pang mga sugat sa kanyang paa. Okay lang siya. Sa katunayan ay parang natuwa pa siya na hindi muna siya makakabalik dahil makakasama niya pa si Sebastian. Hindi pa humuhupa ang pagkamangha niya rito. A

