Mga ilang minuto pa ay huminto na ang sasakyang pandagat. Pamilyar iyon sa kanya. Pamilyar dahil iyon ang yate ni Alexander na ipinangalan nito sa kanya. Hindi nagkamali si Arriana. Ilang saglit pa ay lumusong na sa mababaw na parte ng dagat si Alexander kasama ang ilang mga tauhan nito. Halos patakbo itong lumapit sa kanya. Isang mahigpit na yakap ang lumukob sa katawan ng dalaga nang magkalapit na sila ng binata. She heard him sob. "Thank heavens, I found you!" cried Xander. "I knew you were alive! Hindi ako sumuko sa paghahanap sa'yo Arriana." Hindi makapagsalita si Arriana. Tila silyado na ang kanyang bibig. Binuhat siya ni Alexander at dinala sa yate. Laking pasasalamat ng binata nang sabihin ng kasama nilang doktor na tumingin sa kalagayan ng dalaga na maayos naman ang kalusug

