Bigla akong na depressed dahil sa napanaginipan ko. Maga alas kwatro pa lang ng hapon nang tumingin ako sa orasan. Although feeling ko gabi since madilim sa kwarto ko.
Inihilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha sabay hangos ng malalim. "Bakit ang hirap mong maka move on Francis" tanong ko sa sarili ko.
Nag isip ako ng pwedeng gawin para naman maaliw ko ang sarili ko.
A few moments later...
Nakatunganga pa rin ako sa kwarto. Wala talagang pumapasok sa utak ko. Tinatamad akong magreview para sa school.
Hays ang hirap ng ganito. Occupied pa rin ni Jake ang buong isip ko. Hindi na ako makapag isip ng maayos.
But then I'm gonna try to be spontaneous this time. Bumangon ako sa kama at tinungo ang banyo para maligo.
...
Tiniyak kong hindi ako nanaginip. Nasa mall ako ngayon para maglibot libot at bumili ng mga magugustuhan kong bilhin kung sakali.
Hindi naman ganon kadami ang tao gaya ng sa panaginip ko. Altho masasabi kong mas maraming tao ngayon compare sa mga normal na araw bago mag December.
Dumiretso agad ako sa cinema area para tingnan kung may magandang palabas na pwedeng panoorin.
I used to watch movie alone in the cinema.
Minsan napapa isip ako kung bakit nagpapanggap akong introvert samantalang marami naman akong tropa dati nung high school pa.
Hindi naman ako nahuhuli pag dating sa porma, katunayan ilan na rin ang nagparamdam sakin na mga kaklase ko dati at magpahanggang ngayon.
Pinanindigan ko na lang ang pagiging loner at kunwari ay walang pakialam sa mundong ugali since graduating naman na ako.
Pagdating ko sa cinema ay tiningnan ko kaagad ang nasa now showing na display. Wala akong natipuhan kaya naman agad akong tumalikod at umalis.
Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpasya akong maghanap ng makakainan.
Ano kayang masarap kainin?
Nakita ako ang sarili kong naglalakad sa gitna ng paroot paritong mga tao at tinungo ang isa sa paborito kong food chain.
Yoshinoya
Matagal tagal na rin akong hindi nagagawi dito. Ito yung hindi masyadong mataong kainan kahit nasa peak hour kaya mabilis kang makakakuha ng uupuan.
Pero sa malas ay halos walang bakanteng upuan kaya naman nagdalawang isip ako. Pero since nagkicrave ako ay nagpasya akong umorder na lang muna at maghintay ng mga aalis na customer.
Pagkatapos kong umorder ay luminga linga ako para maghanap ng bakanteng table. Sa malas ay wala pa rin akong makitang bakante.
Sa may bandang dulo ay may napansin akong customer na nakatingin sakin at kinakaway ang isang kamay habang nakangiti.
Agad kong namukhaan ang tumatawag sakin at tinungo ang kinaroroonan nila.
"Anong ginagawa mo dito kuya?" Bungad sakin ni Nate pagkalapit ko sa table nila.
"Kakain. Hindi ba obvious?" Nakatawa kong sabi.
"Dito ka na lang" tumayo si Nate para lumipat ng upuan sa tabi ng kasama niya.
Agad ko namang inokupa ang ang pwesto ni Nate. Seems like I dont have a choice kesa naman sa maghintay pa ako ng ibang aalis eh nagugutom na ako.
"Kuya eto nga pala yung kaklase ko sa driving school si kuya Francis, kuya Francis si kuya Lanj nga pala"
Nag abot ng kamay si Lanj para kamayan ako. So ito pala ang kuya niya na nakita kong naghatid sa kaniya sa driving school the same day na nag enroll ako.
"Pre" nakabgiting bati sakin ng kuya niya.
"Pre" sagot ko rin. Nagkamay kaming dalawa.
"Madalas ka bang kumain dito kuya?" Tanong ni Nate.
"Dati oo, its been a while na rin mula nung last akong kumain dito" sagot ko.
Inilagay kong ang number ng order sa table katabi ng number nila. Malamang kakarating lang din nila dito at nag aantay din ng order nila.
"Tamang tama lang dating mo kuya, nag aantay din kami ng order namin"
"Anong ginagawa mo dito, akala ko ba may inaasikaso ka kaya wala ka sa driving school kanina?"
"May importante lang kaming pinuntahan ni kuya tapos dumiretso na kami dito para sana manood ng sine kaso walang magandang palabas kaya nagdecide na lang kaming kumain"
"Ah ganon ba"
Ang sweet naman nilang magkuya. Diko maiwasang mag isip ng kung ano ano sa pagitan nila.
Pero agad kong iwinaksi ang isiping iyon. Normal lang naman siguro sa magkapatid ang ganitong bonding.
Hindi ko alam kase hindi ko naman naranasan.
"Kumusta naman tong kapatid ko sa driving school may natututunan naman ba?" Tanong ni Lanj
"Ah oo. Seryoso nga yan eh parang gustong maging first honor. Haha" hindi ako palatawa but for some reason ay magaan ang loob ko sa magkuyang ito.
"Kuya naman, syempre kelangan kong mag focus para matuto agad ako diba?" Depensa naman ni Nate.
All of us chuckled a little.
Casual na nagtanong ng nagtanong si Nate kung anong nangyari kanina sa hands on namin ng instructor namin na si Miko.
Ingat na ingat naman ako sa pagkukwento baka madulas ako at masabi kong nagpa chupa sakin si Miko kaya naman mabilis akong natuto.
Maya maya pa ay dumating na yung mga inorder namin at sabay sabay na kaming kumain.
Bilang likas na mga pinoy habang kumakain ay wala tayong ibang pinag uusapan kundi mga pagkain din.
Bat kaya ganon?
After naming kumain ay nagpaalam na ang dalawa na didiretso nang umuwi. Si Nate lang ang aatupagin ni Miko bukas kaya naman sibihan ko siya ng good luck.
Ako naman ay didiretsong dept store para bumili ng mga christmas decor.
....
Pagkatapos kong mamili ay umuwi na agad ako ng condo. Medyo napagod ako sa paglilibot sa mall.
Nilagay ko lang sa isang tabi ang mga pinamili ko, wala na akong lakas para ayusin pa sila.
Habang nagpapahinga sa harap ng tv ay bigla kong naalala si daddy. Ano na kayang ginagawa niya ngayon sa bicol.
Ilag akong itext siya or tawagan siya since kasama niya ngayon ang pamiya niya. For some reason ay nangilila ako kay daddy. Kung andito lang sana siya ay hindi ako kasing lunkot ngayon.
Meron sana akong mayayakap at mapaglalambingan. I never felt so alone in my life before.
Maiibsan man lang sana ang sakit na nararamdaman ko sa matinding pagka miss ko kay Jake.
For christ sake bakit naman kase parang walang improvement ang pagmomove on ko.
It feels like he only left me yesterday.
Hindi pwede yung ganito.
Tinungo ko ang kwarto at binuksan ang computer. Aaliwin ko ang sarili ko sa pakikipagharutan sa mga hindi ko kilalang friends sa f*******:.
Pagka log in ko ay agad na bumungad sakin ang daan daang friends request at ilang chats sa messenger.
Hindi ko maintindihan kung anong nakita sakin ng mga tao dito sa sss samantalang hindi naman ako famous. Well siguro mako consider akong isa sa mga sss famous na sinasabi nila.
Chineck ko yung mga nasa friend request at inaccept ang ilang medyo desenteng tingnan. I usually accept each and every friend request before pero nababanas ako sa sobrang daming chats.
Mga chats na wala namang ibang laman kundi 'hi" "hello" "s*x tayo" "magkano ka" "pwede ba kitang maging bf" "taga saan ka" at kung ano ano pang mga indicent proposals. Tapos pag nireplyan mo eh bigla na lang mawawala.
Laman ng timeline ko ang mg friends kong artistahin at ilan nga sa kanila ay crush ko pa. Pero hindi ako naglakas loob ng mag approach since pakiramdam ko hindi naman sila yung tipong namamansin.
Sa madaling sabi ay mga snob.
Natutuwa lang ako pag nagbobrowse sa timeline ko at nakikita silang nakahubad na parang ina advertise nila ang mga sarili nila sa mga parokyanong bading.
Mas madalas akong tumambay dito sa dummy account ko kesa sa real account ko. Ang boring naman kase ng timeline ko doon sa real account ko.
Isa pa sa mga madalas kong tingnan dito ay yung mga friends suggestion. Tinitingnan ko sila isa isa hoping na may mamukhaan akong kakilala ko o di kaya ay biglang maligaw ang account ni Jake kung meron man siyang isa oang account.
Hindi ako bulgar sa sss. Katunayan mga sinseble topic lang ang pinopost at shinishare ko sa timeline ko. Sa unang tingin ay aakalain mong personal account ko ang ginagamit ko.
Although may mga post akong naka half naked at medyo enticing sa paningin pero mostly ay body checking at monitoring purposes lang simula nung nag gym ako.
Ibang name ang ginamit ko sa dummy account ko para hindi makita ng iba kong kakilala ang sss ko. Who knows baka ini stalk pala ako ng mga kaklase kong nagkagusto sakin dati.
Yung iba nga ay inadd ako sa personal account ko since real name ko naman ang gamit ko doon kaya naman madali lang makikita pag alam ang real name ko.
Habang nagbobrowse sa suggested friends ay may nakita kong pic ni Miko sa profile pero iba ang pangalan.
Siya kaya to o poser niya lang.
I chat ko kaya to.
Pero makikilala niya ako kung sakali since nakabalandra din ang pagmumukha ko sa profile pic ko.
Nagdecide akong i stalk yung account niya. Shet naka private yung account niya kaya limited lang ang pwede kong makita.
Walang kagatol gatol na inadd ko na lang siya. Bahala na kung anong kalalabasan nito.
I guess I'll wait a couple of days. Ganon naman talaga ang kalakaran sa sss pag nag add ka ng famous malamang its either hindi ka ma accept kung wala kang itsura or several days pa bago makita yung friend request mo.
I know for sure kase ganun din ginagawa ko.
Madali lang naman malaman kung famous o hindi. Sa itsura ni Miko malamang isa siya sa mga pinagpapantasyahan ng mga tao sa sss mapababae man o lalaki.
Tok
Tunog ng sss indicating a notification.
Ayun na nga so inaccept ako ng tao sa likod ng pic ni Miko at agad siyang nag chat sakin.
Lihim akong napangiti. Na sense siguro niyang we are almost equally famous sa sss kaya agad niya akong inaccept.
-Hi
Unang chat niya sakin.
Nag hesitate akong magreply. Kase kung si Miko nga to malamang bungad niya sakin eh 'Pano mo nakita tong account ko?' Or something like that.
Curious din siguro siya kung ako nga talaga ang nag add sa kaniya since talamak ang mga poser sa sss.
Playing safe kumbaga.
Kung hindi ko siya rereplyan malamang diko malalaman kung poser siya o hindi.
Guess its too late to delay. Nabuksan ko na ang message niya kaya malamang na alam niyang online ako ngayon.
Usually pag sa socmed magkaka chat muna bago may mangyari.
Kung si Miko nga to kami lang ang maiiba sa nakagawian na. May nangyari muna bago nagka chat.
Wala namang masama kung sasakyan ko to. Anyway si Miko naman yung tipong alam kong dadaan lang saglit sa buhay ko at mawawala rin pagkatapos.
Humugot muna ko ng buntong hininga then I started typing.
-Hello