Erwann's POV.
Naalimpungatan ako nang maramdamang may humalik sa punong tainga ko pababa sa leeg at batok. Unti-unti akong nagmulat ng mata kasabay ay naramdaman ko rin ang paggising ng nasa pagitan ng mga hita ko. Naghuhumindig iyon na animo gustong kumawala.
Napatingin ako sa babaeng gumising sa 'kin. Ibang mukha ang nakikita ko. Her soft and natural red lips that I want to kiss all day if I had the chance.
Wala sa sariling napangiti ako at hinaplos ang mukha ng babae nang bigla niya akong halikan. Sa puntong 'yon ay napagtanto kong hindi siya ang babaeng pinapantasya ko. Marahan ko siyang itinulak at bumalikwas ako ng bangon.
"Carrie..." Gulat ang rumehistro sa mukha ko. Saka ko lang naalala ang mga nangyari kagabi. Oo nga pala at nasa unit ako ni Carrie. "I-i have to go." Dali-dali akong nagsuot ng pantalon.
Bumangon si Carrie na tanging kumot lang ang tumatakip sa katawan at niyakap ako mula sa likod.
"Later na. Why don't we repeat what we did... last night..." mapang-akit na bulong niya at sinimulan ulit akong halikan.
"May kailangan pa 'kong gawin. I'll call you." Matapos isuot ang tshirt ay walang lingon-likod akong umalis ng unit niya.
The woman was Carry Jimenez. Ang babaeng gusto ng abuela ko na i-date ko and I did. Labis pa sa napag-usapan ang ginawa ko. Dinala niya ako sa unit niya at ibinigay ko kung ano ang hinihingi niya. I'm just a man and I have needs. What happened between us will stay that way. No strings attached. 'Yon ang mantra ko pagdating sa pakikipag-date at alam 'yon ng mga babaeng nakikilala ko.
Makalipas lang ang ilang minuto ay lulan na ako ng land rover defender at kasalukuyang tinatahak ang kalsada patungo sa Dangwa. Nang makarating sa lugar ay itinigil ko ang sasakyan 'di kalayuan sa flower shop ni Nathalie. Sa lugar na hindi niya ako makikita. Hindi ko na matandaan kung kailan ko pa sinimulan na manmanan ang dalaga.
Siguro simula noong kuhanin ko ang address ng bahay at flower shop niya kay Mandy sa ospital. Dahil hindi na siya matanggal sa sistema ko. May ibang epekto siya na hindi ko maintindihan. Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Mandy.
"Pagpasensyahan niyo na si Nathalie, naaawa lang siguro siya sa sarili niya dahil siya na lang ang nagtatrabaho para sa kanilang magkapatid." pahayag ni Mandy habang nasa labas kami ng silid ng dalaga.
"Bakit nasa'n ang mga magulang nila?" tanong ni Connore.
Isinalaysay sa 'min ni Mandy ang kwento ng buhay ni Nathan at Nathalie. Mataman nakinig ang kambal lalo na ako at bawat detalye ay pinapakinggan ko. Matapos 'yon ay hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ko para sa dalaga.
Wala sa sariling napangiti ako ng masulyapan ko siya na lumabas ng flower shop habang nakalulan sa motor at sa likod ay may bouquet ng roses. Hindi niya 'ko napansin at nilampasan lang ang sasakyan ko. Magaling na siya at natanggal na ang pagkaka-semento ng kamay at paa.
Nang masigurong nakalayo na siya ay agad akong bumaba ng sasakyan at tumawid sa kalsada para pumunta sa shop.
"A-anong ginagawa mo dito, Uno?" gulat na tanong ni Mandy at lumabas para tingnan kung wala na si Alie. Alam kong ayaw akong makita ng kaibigan niya kaya't inililihim niya ang pagkikita namin.
Ibinaba ko ang dalang mga pagkain at inilibot ang tingin sa kabuuan ng shop. Maliit lamang 'yon. Tipikal na tindahan ng bulaklak sa Dangwa. Ang kaibahan lang ay maganda ang pagkakaayos sa mga bulaklak na naroon. Presentable at talaga namang mapapatigil ang sinuman para bumili. Kaya rin siguro dito palaging umo-order ang taga-VGC dahil sa kalidad.
"Nag-abala ka pa. Sigurado puputaktehin na naman ako ni Alie, ng tanong kung sa'n nanggaling 'yan," aniya.
Sa tuwing makikipag-kita ako sa kanya ay marami akong dalang pasalubong para kina Alie. Pero hindi lahat ay ibinibigay ni Mandy para na rin hindi ito naghihinala. Dahil nang minsang dalhin niya ang mga nanggaling sa 'kin ay binulabog siya ng mga tanong nito. Mabuti at naniwala si Alie, sa alibi niya na bigay iyon ng kostumer sa parlor.
"Tell me, paano niya 'ko mapapatawad?" mula sa kawalan ay tanong ko.
"Napatawad na kita--- este mapapatawad ka rin niya. Basta sincere kang mag-sorry sa kanya," may simpatya sa tinig na wika niya. Hindi ako nagsalita at hinimas ang baba ko.
"Sa pagkakakilala ko kay Alie, hindi siya mapag-tanim ng galit," dagdag pa niya.
"But I'm an exception," turan ko.
"Eh... Malay mo naman," nakangiwing tugon niya. Maski siya ay hindi sigurado sa sagot niya. Ibig lang sabihin no'n ay hindi gano'n kadaling magtiwala si Alie.
Hanggang sa makauwi ako sa pad ko ay laman pa rin ng isip ko ang dalaga. Hindi ko alam pero masyado na niyang ginugulo ang sistema ko.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng silid ay narinig ko na ang sunod-sunod na pagtunog ng doorbell. Pumihit ako pabalik para tingnan kung sino man ang nag-doorbell. Pasado alas otso na 'yon at wala akong inaasahang bisita.
"Carrie," kunot ang noong wika ko nang mapagbuksan siya ng pintuan. Walang salitang pumasok siya habang may bitbit na isang bote ng wine. Base sa lakad ay mukhang nakainom na siya dahil pagewang-gewang siyang nagtungo sa living room
"Let's drink, Erwann." Pumihit siya paharap sa 'kin pero nagkamali siya ng hakbang at muntik na siyang bumuwal. Mabuti na lang at mabilis ko siyang nasalo.
"You're drunk, Carrie. I'll take you home," seryosong wika ko at inakay siya sa paglalakad.
"No, no, don't! Let me stay." Nagpumiglas siya dahilan para parehas kaming mawalan ng balanse at bago pa 'ko makahuma ay bumagsak na kami sa carpeted na sahig at nakakubabaw siya sa 'kin. Napaungol ako nang maramdaman ang init ng katawan niya. Sunod-sunod ang naging paghugot ko ng malalim na hininga at sinubukang itayo si Carrie.
"I can feel your arousal, Uno. You want me, don't you?" tanong niya habang mapupungay ang mga matang nakatitig sa 'kin.
Napalunok ako at mabilis na nag-iwas ng tingin. Mahirap kontrolin ang uhaw lalo na kung nasa harapan mo na at buong kusang iniaalok ang sarili sa 'yo.
"Lasing ka na, Carrie. Kung ayaw mong umuwi ay maari kang magpahinga sa couch." Pigil na pigil ko ang paghinga ko. Itinayo ko siya at inalalayang mahiga sa couch. Nilagyan ko siya ng kumot saka iniwan para magpunta sa balkonahe. Then I texted Mandy.
Alie's POV.
NAPATIGIL ako sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang towel nang tumunog ang cellphone ni Mandy. Actually kanina ko pa naririnig 'yon kaya pinuntahan ko na siya sa terrace.
"Sino ba 'yang ka-text mo? Kanina pa tunog ng tunog 'yan ah, nakakabingi." Tumabi ako sa kanya at sinubukang silipin ang cellphone pero iniiwas niya 'yon.
"Inggit ka lang kasi ang mga ka-text mo puro parokyano ng flower shop mo," nakangusong turan niya.
Iningusan ko siya at walang pagbababalang ginulo ang natural na mahaba niyang buhok. Kulang na lang ay lumundag siya at masama ang tinging ipinukol sa 'kin pero tinawanan ko lang siya. Ayaw na ayaw kasi niyang gagalawin ang buhok niya. "At least marami akong kita," wika ko.
"Ayaw mo pa kasing mag-hanap ng jowa," aniya.
"Sa tingin mo may magkaka-gusto sa 'kin?" seryoso kong tanong.
"Bakit mo naman natanong?" Umupo na ulit siya sa tabi ko at inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi ko napansin ng may idinayal na kung ano si Mandy sa phone niya.
"Hindi na pala ako mag-aasawa," sabi ko na lang kasabay ng pagbuntong hininga.
"Gagi, sayang ang lahi mo no? Kung maton lang ako naku, naku! Kaso pareho tayo ng gusto," palatak niya.
"Paano na lang si Tantan? Paano kung hindi siya matanggap ng lalaking mamahalin ko?" Napabuntong-hininga ako ulit.
Twenty-five na ako at ni minsan hindi pa 'ko nagkaka-nobyo dahil sa takot na baka layuan ako kapag nalaman na may kapansanan ang kapatid ko. Takot ako sa maaaring sabihin kay Tantan. Hindi naman lahat ng tao ay malawak ang pang-unawa.
"Pinapangunahan mo agad si Pareng tadhana. Malay mo hindi mo pa man nakikilala ang lalaking para sa'yo eh, tanggap na niya si Tantan," makahulugang turan niya.
"Ewan ko." Nagkibit balikat lang ako.
Habang nakahiga ay nasa isip ko pa rin ang sinabi ni Mandy. May tatanggap nga kaya sa kapatid ko? May gano'n kayang klase ng lalaki na kayang tanggapin ang lahat tungkol sa babaeng mamahalin? Hay, hindi ko alam... Napapabuntong hininga kong ipinikit ang mga mata ko.
KINABUKASAN ay maaga akong umalis. Tulog pa si Mandy at Tantan kaya nag-iwan na lang ako ng letter. Inagahan ko ang pagbubukas matapos kong makatanggap ng mensahe mula sa HR ng VGC at nagpapa-deliver ng bulaklak para sa nagngangalang, Carrie Jimenez.
Dumiretso agad ako sa pag-aayos ng bouquet pagbukas ko ng shop. Matapos lang ang sampung minuto ay lulan na 'ko ng motor na ibinigay sa 'kin ni Mandy patungo sa kompanya. Hindi ko alam kung saan kinuha ni Mandy ang pambili ng motor na 'to pero hindi na 'ko nag-usisa. Ipinangako ko na lang sa kanya na huhulog-hulugan ko 'yon hanggang sa mabayaran ko.
Habang tinatahak ang patungo sa VGC ay pinapanalangin kong sana ay hindi ko makadaupang palad si Erwann Vallejo. Hangga't maaari ay ayaw ko ng magkaroon pa ng ugnayan sa kanya.
Hindi ako galit pero hindi ibig sabihin no'n ay makikipagmabutihan na 'ko sa kanya. Isa siyang Vallejo, nabibilang sa alta-sosyedad. Marapat lamang na kabilang din sa sirkulong ginagalawan ang makatuluyan niya.
"Ano bang iniisip mo Nathalie?" Pinagalitan ko ang sarili ko dahil sa naisip.
Ipinarada ko ang motor sa parking at bitbit ang bulaklak na pumasok sa matayog na gusali. Habang naghihintay na bumukas ang elevator ay sinipat ko ang sarili sa animo'y salamin na pinto.
Nitong mga nakalipas na araw napansin kong nagiging conscious ako sa itsura ko. Itinali ko ang aking buhok at ako na mismo ang nag-apply ng light makeup sa sarili ko. Nag-dress din ako ng lampas tuhod. Bagay na hindi ko pinagtutuunan ng pansin noon. Noon ay basta kung ano lang ang madampot ko ay 'yon na ang isinusuot ko.
Nang bumukas ang elevator ay agad akong pumasok. Akmang pipindutin ko na ang button nang biglang may pumasok at tumabi sa 'kin. Para akong itinulos sa kinatatayuan nang maramdaman ko ang pagdampi ng balat ni Erwann sa braso ko.
Nagdalawang isip pa ako kung lalabas o hindi pero huli na dahil tuluyan na 'yong nagsara. Ngayon ay stuck ako kasama ang binata. Nahihiya at halos manginig ang mga kamay ko nang ilapit 'yon sa mga button at hindi ko inaasahan ang pagsabay niya dahilan para muli kaming magkadikit.
Napapitlag ako at napapasong binilisan ang pagpindot saka sumiksik sa sulok. Hindi ko maintindihan ang naramdaman nang magkadaiti ang mga balat namin. Unang beses kong maramdaman 'yon--- 'yung parang kuryente na dumaloy at nagpatayo sa mga balahibo sa aking katawan.
Matindi ang pagpipigil kong 'wag siyang tapunan nang tingin. Pero mas nanaig pa rin ang kuryosidad at pasimple ko siyang sinulyapan. Lalo siyang naging makisig sa suot na white V-neck shirt dahil na-emphasize no'n ang triceps at biceps niya.
Sa katawan pa lamang ay sigurado na akong gabi-gabi siyang may iniuuwing babae sa bahay niya. Dagdagan pa ng gwapo niyang mukha. Wala sa sariling naipilig ko ang ulo. Bakit ba mga ganoong bagay ang pumapasok sa isip ko?
Napukaw ako sa pag-iisip ng marinig ang baritono niyang tinig. "Tenth floor, Miss," aniya.
Atubili akong tumango at agad na lumabas. Nakakahiya... Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil na-realize kong nakatitig ako kay Erwann. Sa tingin ko pa magmula pa ng pagsakay ko sa elevator ay nakatulala na ako sa kanya.
Napansin niya kaya ako? Pero mukhang hindi na niya ako natatandaan. May pagkadismayang rumehistro sa mukha ko. Napakabilis naman niyang nakalimot gayong hindi naman niya ako binayaran sa damage na nagawa niya noong nabangga ako. Kastigo ng isang bahagi ng isip ko habang tinutunton ang palapag na pinuntahan ko.
"Hindi ba dapat masaya ka? Dahil lalayuan ka na ng malas," wika pa ng boses sa isip ko. Habang naglalakad ay huminga ako ng malalim.
"Kung ano-ano ng naiisip ko. Epekto siguro 'to ng aksidente," bulong ko. Lumiko na ako sa kanan papuntang HR ng sa hindi inaasahan ay may nakabangga ako.
"Ouch! Oh my god..." Bulalas niya.
Nakita ko kung paano tumilapon sa mukha nang babae ang dala nitong kape. Namantsahan ang suot nitong beige side V-neck dress at daig pa nito ang naghilamos.
"S-Sorry po, Ma'am. Hindi ko po sinasadya," hinging-paumanhin ko. Inilapag ko ang bulaklak sa cubicle na nasa tapat ko at sinimulang punasan siya gamit ang panyo ko. Patuloy pa rin ang pag-usal ko ng paghingi ng paumanhin. Pero imbes na patawarin ay nagulat na lamang ako ng ibuhos niya sa 'kin ang natitirang kape sa cup niya. Hindi ako nakahuma dahil sa kabiglaanan at hindi pa siya nakuntento pati ang bulaklak na nakalapag ay dinampot niya at ipinanghampas sa 'kin.
"Stupid, stupid, stupid!.. Don't you know how much this cost?" galit na patuloy ng babae. Samantalang sinasalag ko lang ang mga ginagawa niya sa 'kin habang patuloy akong humihingi ng paumanhin. Aminado akong kasalanan ko kaya naman tinanggap ko lang ang ginagawa niya.
Ibinuhos niya ang galit hanggang sa maubos ang petals ng tulips at maglaglagan 'yon sa sahig. Hinihintay ko lang ang susunod niyang gagawin pero nagulat na lang ako nang may malakas na bisig na humatak sa 'kin at itinago ako sa likuran nito. Nang mag-angat ako ng tingin ay napamulagat ako.
"E-e-erwann..." Nauutal na tawag ko sa pangalan niya. Hindi niya 'ko tinapunan ng tingin at seryosong hinarap ang babaeng nabangga ko.
"What are you doing, Carrie? Hindi ka ba nahihiya?" mariing tanong niya sa tinawag na Carrie.
Napatingin naman ang babae sa paligid at nakita nito ang mga taong nakiki-usyoso. Saka lamang ito tila nahimasmasan.
"It's her fault. She threw the coffee in my dress, look," at iminuwestra kay Uno ang suot nitong dress.
"It's still doesn't give you the right to hurt her," pagkasabi no'n ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila palayo roon.