Chapter 1:
Seraiah's POV
Hindi ko alam kung alin pa ang mas masakit, kung ang bawat suntok ba na dumadapo sa katawan ko... o ang katotohanang ang mga taong gumagawa nito ay ang itinuring kong pamilya ko.
Pak!
Napaling ang mukha ko nang malakas akong sampalin ni Clarisse.
Ang aking madrasta.
"Ang kapal talaga ng mukha mo, Seraiah!" singhal niya habang mahigpit na hinahawakan ang buhok ko. "Hanggang ngayon ba iniisip mong ikaw pa rin ang tagapagmana sa pamilyang ito?"
Napahawak ako sa kanyang pulsuhan, pilit na inaalis ang pagkakahawak ng kanyang mga daliri sa buhok ko.
"Hindi... akin ang--"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang isang malakas na sipa ang tumama sa tiyan ko mula kay Selene.
Ang half-sister ko at halos kaedad ko lang.
Napaupo ako sa marmol na sahig habang pilit hinihingal. Ramdam ko ang pait ng dugo sa loob ng bibig ko.
"Tingnan mo nga ang sarili mo." Humalakhak si Selene habang inaangat ang baba ko gamit ang dulo ng kanyang sapatos. "Mukha ka nang basahan."
Tumulo ang luha ko.
Hindi dahil sa sakit.
Kundi dahil ito ang bahay na kinalakihan ko.
Bahay ng mama ko.
Bahay na ngayon ay para na akong isang estranghero.
Unti-unti kong iniangat ang tingin ko at nakita ko si Damien.
Nakatayo lamang sa gilid ng sala. Maayos ang suot niyang mamahaling suit. May hawak na baso ng alak.
At sa mga labi niya...
Ay isang ngiting hindi ko kailanman malilimutan.
Siya ang lalaking pinili kong maging asawa ko. Ang lalaking minahal ko nang buong puso. Ang lalaking nangakong poprotektahan ako.
Pero ngayon...pinapanood lang niya akong bugbugin.
"D-Damien..."
Mahina kong tawag habang inaabot siya ng tingin.
"Please...h-help me..."
Saglit niyang tiningnan ang duguan kong mukha.
Pagkatapos ay muli siyang ngumiti.
"You know what, Seraiah..." malamig niyang sabi habang humihigop ng alak. "I'm enjoying this. I enjoy watching you like this,"
Parang may humawak sa puso ko at marahas itong piniga.
"Hindi ba't sinabi mo noon na mamahalin mo ako?" nanginginig kong tanong.
Tumawa siya.
"Mahal?" napailing siya. "Ikaw lang ang naniwala roon."
Pakiramdam ko ay huminto ang mundo.
Lahat ng alaala namin.
Lahat ng pangako.
Isa-isang nadurog sa harapan ko.
Lumapit si Selene sa akin st mariin na inabot ng baba ko at sapilitan akong pinatingin sa kanya.
"Narinig mo ang sinabi niya?" nakangisi niyang bulong. "Hindi ka niya minahal. Walang nagmamahal sa'yo kasi wala kang kwenta, Seraiah..."
"S-Sinungaling ka..." humihikbing saad ko.
"Talaga ba?"
Maya-maya pa ay may inilabas siyang maliit na velvet box at sobrang pamilyar niyon sa'kin.
Pinagkatitigan ko ang box na iyon hanggang sa maalala ko na iyon ang engagement ring na binili ko para kay Damien.
Ikinaway niya iyon sa harapan ko.
Pagkatapos ay ipinasok sa sarili niyang daliri.
"Bagay, hindi ba?"
Hindi ko napigilang mapaiyak.
Tumawa siya.
"Pati fiancé mo ay akin na. Ang lahat ng manang iniwan sa'yo, buhay mo at pagkatao mo ay sa akin na, Seraiah..."
Ilang sandali pa ay namataan ko si papa na naglalakad papalapit ss akin. Akala ko ay tutulungan niya ako. Akala ko ay sasagipin niya ako sa kalupitan ng madrasta at kapatid ko, ngunit nagkamali ako.
"Papa..."
Halos gumapang ako papunta sa kanya.
"Papa... please...tulungan mo ako..."
Hindi man lang siya sumagot.
Sa halip...Isang makapal na brown envelope ang ibinagsak niya sa harapan ko.
Mga dokumento.
Nakapangalan ang lahat ng ari-arian...
Kay Selene.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Hindi puwede..aAkin ang mga iyon. Iniwan sa akin ni mama ang lahat ng 'to--"
"You already signed these documents, Seraiah..." he cut me off.
Napasinghap ako.
"Ano?"
"Naalala mo noong nagkasakit ka?" aniya, "May mga dokumentong pinapirmahan ka."
Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lamang sa kanya habang patuloy na pumapatak ang luha ko.
"Transfer of ownership ang mga iyon."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
"Hindi ko alam!"
"Walang pakialam ang korte kung alam mo o hindi," usal ng madrasta ko at kasabay niyon ay nagsitawanan sila.
Parang iyon ang pinakamasayang araw ng buhay nila.
Biglang dumilim ang paningin ko nang maramdaman kong hinila ako ng dalawang bodyguard.
"Bitiwan ninyo ako!"
Nagpumiglas ako.
Tinulak nila ako pababa sa hagdan. Patungo sa isang madilim na basement na amoy kalawang.
May bakal na kulungan sa pinakadulo.
Parang kulungan ng hayop.
"A-Ayaw ko rito..." sigaw ko pero natigil iyon ng muling hilahin ni Clarisse ang buhok ko.
"Simula ngayon ay ito na ang magiging tirahan mo," wika niya at malakas akong itinulak papasok sa bakal na kulungan sa loob ng basement.
Tumama ang ulo ko sa bakal.
Napadaing ako at bago pa man ako makabawi at narinig ko ang pagsara ng pintuan sa harapan ko.
Narinig ko ang pag-lock nito.
Lumuhod ako sa harap ng rehas.
"Papa...p-please, palabasin n'yo ako rito..." paulit-ulit kong pakiusap sa kanila.
Hanggang sa natanaw ko si Damien at lumuhod sa harapan ko.
"Wag kang mag-alala. May magdadala naman ng pagkain rito para sa'yo...nang sa ganon ay hindi ka kaagad mam*tay," makahulugan niyang sambit.
Nanlaki ang mga mata ko.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"One month. At kapag nakayanan mong mabuhay ng ganon ka tagal, baka maawa ako sa'yo at babalikan kita,"
Tumayo siya.
Inaayos ang manggas ng suit niya.
Parang wala lang.
Parang hindi niya hinatulan ng kamatayan ang babaeng minsan niyang pinangakuan ng habang-buhay.
Isa-isa silang umalis.
Habang palayo ang mga yabag nila...palakas nang palakas ang katahimikan.
Hanggang sa tuluyan akong maiwang mag-isa sa loob ng madilim at malamig na kulungan.
~~~~~
Hindi ko na alam kung ilang araw na akong nakakulong.
O baka ilang linggo na.
Nawala na ang bilang ko.
Dati, sinusubukan kong markahan ang dingding gamit ang kuko ko.
Isang guhit bawat araw.
Pero dumating ang panahong wala na akong lakas para gawin pa iyon.
Hindi ko na rin maalala kung kailan ang huling beses na nakatikim ako ng totoong pagkain.
Noong una...
Naghahagis pa sila ng isang pirasong tinapay at isang bote ng tubig kada ilang araw. Na para bang isa akong hayop sa paningin nilang lahat.
Lumipas ang mga araw.
Wala nang dumating.
Wala nang pagkain.
Wala nang tubig.
Wala nang yabag sa labas ng basement.
Parang nakalimutan na nilang buhay pa ako.
O baka...
Iyon talaga ang gusto nila.
Na mamatay ako rito.
Napangiti ako nang mapait.
"Congratulations..." mahina kong bulong sa sarili ko.
"Nakuha ninyo ang lahat."
Napatingala ako sa kisame.
Ang kisameng ilang beses kong tinitigan habang umaasang may darating.
May magliligtas sa akin mula sa impyernong ito.
Pero wala.
Walang dumating.
"Mama..." paos kong bulong. "Pagod na pagod na ako..."
Ang katawan ko ay halos buto't balat na lamang.
Ang labi ko ay tuyong-tuyo.
Halos hindi ko na maigalaw ang mga daliri ko.
Huminga ako nang mabagal.
Naalala ko ang mga babala niya noon.
Na huwag basta magtiwala. Na huwag hayaang lamunin ako ng kabaitan.
Unti-unti kong ipinikit ang mga mata ko.
"Kung pa ako ng isang pagkakataon at muling mabuhay.. hindi ko na pipiliin ang landas na kinaroroonan ko ngayon. At kung muli akong mabubuhay ay babawiin ko ang lahat ng ninakaw nila sa akin. At sisirain ko silang lahat."
Huminga ako nang malalim.
Hanggang sa tuluyan kong naramdaman ang matinding panghihina at ang unti-unting paghina ng pintig ng puso ko.
Gaganti ako....at sisiguraduhin kong maghihirap kayong lahat sa kamay ko.
"Seraiah."
May tumatawag.
"Seraiah!"
Bigla akong napadilat.
Napasinghap ako nang malakas.
"Hah!"
Nanlalaki ang mga mata kong nilibot ang paligid.
Hindi...
Hindi ito basement.
Walang kulungan.
Walang kadena sa paa't-kamay ko.
Sa halip...isang napakalaking ballroom ang bumungad sa akin.
Maliwanag.
Punong-puno ng mga tao.
Mga kristal na chandelier.
Mga mamahaling damit.
At sa harapan ko ay nakatayo ang aking ama at nakatingin sa akin.
"...Papa?" mahina kong bulong.
Namilog ang mga mata ko.
Hindi ito maaari.
Patay na ako.
Namatay ako.
Sigurado akong namatay ako.
"Seraiah," muli akong tinawag ni papa.
Mas malamig ang boses niya kaysa dati.
"Huwag mong paghintayin ang lahat."
Napakurap ako.
Unti-unti kong napansin ang paligid.
Sa kanan...
Nakatayo si Damien.
Nakasuot ng puting suit.
Nakangiti.
Ang parehong ngiting ginamit niya noong pinapanood niya akong bugbugin.
At sa kaliwa...
Tahimik na nakaupo sa isang wheelchair ang isang lalaki.
Matangkad.
Naka-itim na suit.
Malamig ang ekspresyon.
Walang emosyon.
Nakayuko lamang siya habang magaan na umiikot ang hawak niyang singsing sa daliri.
Kaeron Valerius Alcantara.
Ang lalaking kinatatakutan ng buong siyudad.
Ang lalaking tinanggihan ko sa unang buhay ko.
Ito ang araw.
Ang araw na pinapili ako ni papa kung sino ang pakakasalan ko.
Nanginginig ang mga kamay ko.
Buhay ako.
Binigyan ako ng pagkakataon.
Talagang...bumalik ako sa araw na ito upang itama ang maling desisyon na nagawa ko.
"Sino ang gusto mong maging asawa, Seraiah?" tanong no papa at natahimik ang buong paligid. Ngunit ang kanilang tingin ay nakatutok halos lahat sa akin.
Ngumiti si Damien.
Siguradong sigurado siyang siya ang pipiliin ko.
Tulad ng ginawa ko noon.
Unti-unti akong lumingon sa kanya.
Nagtagpo ang mga mata namin.
At sa pagkakataong ito...
Wala na akong naramdamang pagmamahal.
Puro poot na lamang.
Napangiti ako.
Ngunit hindi para sa kanya.
Dahan-dahan akong lumakad. At ganon na lamang ang pagkapawi ng ngiti niya ng nilagpasan ko siya.
"S-Seraiah?" halos hindi makapaniwalang sambit niya at naramdaman ko ang pagsunod ng tingin niya sa akin.
Hindi ko siya nilingon.
Diretso akong huminto sa harap ng lalaking nasa wheelchair.
Tahimik lang siyang tumingin sa akin.
Malamig.
Walang mabasang emosyon sa mga mata niya pero halata sa kanya na binabasa niya ang kilos ko.
Ngumiti ako.
Sa unang pagkakataon...
"I choose...Kaeron," walang pag-aalinlangan kong saad at muling ibinalik ang tingin kay papa.
Nanlaki ang mga mata ng lahat.
"Ano?!"
Halos mapasigaw si Selene bago siya tuluyang humalakhak.
"Seraiah!bNababaliw ka na ba?!" asik ng madrasta ko. "Itong lalaking nasa wheelchair ang pinili mo?"
"Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?"
"Tinanggihan mo si Damien para sa isang pilay? Akala ko ba ay mahal na mahal mo si Damien? Hindi ba iyon ang dahilan kung bakit kinausap mo ang iyong ama tungkol sa selebrasyon na ito--"
"It's final," malamig kong putol sa kanya at natahimik silang lahat.
Mas pipiliin kong pakasalan ang lalaking kinatatakutan ng buong siyudad...kesa muling mahalin ang lalaking kabilang sa mga taong nagpahirap sa akin sa una kong buhay.
"You're so st*pid for choosing that cripple and useless man over me, Seraiah.." hindi matanggap na bulyaw ni Damien pero ngumiti lamang ako sa kanya.
Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin kay Kaeron.
Sa unang pagkakataon, nakita ko ang bahagyang pagtiim ng bagang niya. Halos hindi iyon mapansin ng iba, ngunit nakita ko iyon...maging ang bahagyang pag-angat ng sulok ng kanyang labi, na para bang ikinasaya niya ang mga naging reaksyon ng tao sa paligid.
Huminga ako nang malalim at muling hinarap ang naguguluhang tingin sa kanilang mukha...at muli akong napangiti.
"Enjoy your lives while you still can... because in this lifetime, I'll make sure every single one of you pays for everything that you did to me."